Chereads / I am a Rebound / Chapter 39 - Room Make Over

Chapter 39 - Room Make Over

Maaga palang ay namalengke na si Jason. Nagpatulong siya sa kanyang pinsan na si Andrea para magprepare ng pagkain. Bumili siya ng liempo dahil alam ni Jason na paborito ni Yen ang kahit anong sinasawsaw sa toyomansi na may maraming sili. Nagpa-ihaw din siya ng sariwang isda. At nagluto ng iba pang ulam.

" kuya bakit naman para kang may handaan. Andami mong pagkain. Darating ba si Trixie? " maang na tanong ni Andrea.

Medyo sumama naman ang mukha ni Jason sa narinig.

" may bisita ako. espesyal na bisita."

" wow...kapalit na ba ni Trixie yan? "

Ngumiti si Jason.

Alam ni Amdrea na hindi na sila magkasundo ni Trixie pero hindi nito alam kung anong nangyari.

" no offense kuya... hindi ko din gusto si Trixie. Ewan ko pero mabigat ang loob ko sa kanya." wika ni Andrea na nagpapaypay sa iniihaw niyang karne at isda.

Hindi na niya nagawang sumagot nang mapansin niya ang kotseng huminto sa harap ng kanyang bahay. Nanghahaba ang leeg niya upang sipatin kung sino ang dumating. Sandali lamang ang kanyang pagsilip at nabuhay ang tuwa sa puso niya nang makitang umibis si Yen sa Driver's seat.

Nakangiti ito at may dalang nakakahong cake ng Contis.

Sinalubong niya ito at hinagkan sa noo.

" kahapon mo pa ako ginugulat."

" bakit?" tanong ni Yen.

Nagkibit balikat si Jason na nakatingin lang sa sasakyan niya.

" tatlong taon ang lumipas Jason. Tatlong taon at sa isang araw lamang ay maraming pwedeng mangyari."

Tila may kung ano sa puso ni Jason. Eto ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niya mula sa bibig ni Yen ang pangalan niya. Parang ang ganda gandang pakinggan. Animo'y musika ito sa pandinig niya. Sandali siyang natigilan at muling nagbalik sa ulirat nang mapansin niya si Yen na nakapasok na sa loob at kinakausap na si Andrea.

" anong gusto mo? pahinga ka muna?" tanong ni Jason

" kape." malaboss na wika nito.

Natawa si Jason at nagkumahog gumawa ng kape para dito. Naupo ito sa upuang nakapwesto sa harapan ng ihawan nila ni Andrea.

" masarap nga ang ulam." nakatawang sabi nito.

" syempre memorize ko ang paborito mo. masarap yan ipares sa corn soup mo." sabi ni Jason.

" gusto mo ba?"

" kung ok lang sayo."

" bayaran mo yung talent fee ko. Gagawin mo na ako designer ng kwarto mo, tapos paglulutuin mo pa ako." nakatawang sabi nito.

" oo... papalitan ko yon ng kakaibang ligaya."

Kinurot naman ni Yen si Jason sa tagiliran at talaga namang napa-aray siya. Pagkatapos noon ay bumunghalit ito ng tawa.

Natatawa naman si Andrea sa nakikitang eksena. Ngayon niya nalang ulit nakita ang kuya niya na ganoon kasaya. Sa tingin niya ay ok si Yen. Kanina nong dimating ito ay agad siya nitong binati. Hindi ka mag aalangan dito. Mabilis ito makagaanan ng loob. Hindi niya alam kung bakit ayaw ng tito niya kay Yen. Sa tingin niya naman ay may may "K" ito kumpara kay Trixie na walang ibang alam gawin kundi magsalamin.

Si Trixie pag naabutan siya sa bahay na iyon ay wala itong pakelam. At kung mag utos ito sa kanya ay daeg pa niya ang katulong. Akala mo ba ay binabayaran siya nito kung makapag mando ay akala mo nagpapasweldo.

May kaya sa buhay sina Trixie. Pero sa totoong usapin ay wala pa itong nararating. Lahat ng bagay na meron ito ay provided ng kanyang magulang. Spoiled brat ito at maldita kung minsan. Akala mo rin ay reyna kung umasta, at mataas ang tingin sa sarili niya. Madalas ay umaakto ito na maraming alam. Kung magsalita ito akala mo ay expert na siya sa lahat ng bagay. Ni hindi nga yata ito marunong maghugas ng pinggan.

" Andrea, gusto mo ng cake? halika dito tikman mo yung dinala ko. Masarap ito ee. Natry mo na ba ito.?"

Naulinigan ni Andrea ang pagtawag sa kanya ni Yen. Bahagya naman siyang nahiya. Hindi pa niya natitikman iyon. Ngayon niya lang nakita yon.

Laking probinsiya si Andrea kaya naman medyo kimi ito at mahiyain.

" wag kang mahihiya saken. Hindi naman ako panauhing pandangal. Parehas lang tayong maganda." nakatawang sabi nito.

Kinuha ni Andrea ang inabot nitong platito na may lamang cake. Masarap nga iyon. Hindi nakakaumay.

Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Pero hindi naramdaman ni Andrea ang ma-out of place katulad kapag si Trixie ang kasama ng kuya niya.

Madalas ay naka angkla ito kay Jason at hindi nahihiya mag PDA kaya naman bilang respeto sa pinsan niya ay nagpapa alam siya agad umalis.

Masarap kasama si Yen. Inaya pa siya nito para tulungan siya sa ginagawa nitong pagkutingting. Ang galing galing nito. At manghang mangha din siya dito.

Isang babaeng umaakyat sa hagdan para iayos ang pagkakalapat ng wires, babaeng humahawak ng mga tools? pliers soldering iron, pati martilyo...game ito at walang arte. Walang pakealam sa poise. Ang pagiging totoo nito ay lalong dumadagdag sa ganda niya. Hindi siya yong tipong makapal mag make up. Kung makikita mo nga ito ay napaka natural. Nakashorts at T-shirts nga lang ito. At kung masasalubong mo sa gitna ng karamihan ay walang kapansin pansin sa kanya.

Nawili siyang panoorin ang lovebirds sa harapan niya. Ang kuya niya ay parang bakang buntis na hindu mapa anak sa pag aalala na baka mahulog ang jowa. Natatawa si Yen sa reaksiyon ni Jason. Marahil ay ngayon lang din nito nakita si Yen in action.

Tatlong oras ang lumipas ay lumantad na ang ganda ng effects na ginawa ni Yen sa kwarto no Jason. kopyang kopya nito ang kwarto ni Yen. Maging si Andrea ay napanganga sa mga nakita. Talaga namang hangang hanga siya kay Yen.

Ang ordinaryong kwarto ng kuya niya ay biglang nagbago. Naging makulay iyon at ang mga ilaw ay talaga namang nakakarelaks. Paulit-ulit ang pagpapasalamat ni Jason at nabuhat pa nito si Yen sa sobrang tuwa.

Tuwang tuwa naman si Andrea habang pinapanood ang dalawa. Natatawa siya sa reaksiyon ni Yen na nagpupumiglas ng buhatin ito ni Jason. Iyon ang tagpo na naabutan ni Trixie.

Dahil abala sila ay hindi nila napansin ang pagdating nito. Ugali nitong magtuloy tuloy sa bahay ni Jason dahil may sarili din itong susi na hindi pa rin nakukuha ni Jason. Hindi siya nagpapalit ng lock dahil iniisip niyang si Yen ay meron ding duplicate nito.