Napatitig si Yen sa dalawang kasama.
" anooooo?!!" basag nito sa katahimikan.
" may mali ba sa sinabi ko? "
Bahagya lang tumawa ang mag pinsan.
" kapag EX na, hindi na dapat nag a-assume pa. Kaya nga naturingang ex kase mali."
Muli nanamang natawa si Andrea sa tinuran ni Yen. Iba siya. Napapabilib siya nito sa mga simpleng salita. Bukod sa pagiging praktikal at totoo nito mahusay talaga siyang makisama.
Umuwi si Trixie sa bahay nila at naabutan ang ama ni Jason na kausap ang kanyang tatay. Magkasosyo ito sa negosyo. Tatlo sila. Ang isa ay Rico na major stockholder ng kompanya kaya normal na kay Trixie na naabutan ito sa bahay nila. Madalang niya makita ang magulang. Nakikita niya lamang sa bahay nila ang kanyang ama tuwing may ganitong meeting sila. Pagkatapos ay muli nanaman itong aalis at ilang araw bago muling umuwi.
Lumapit si Trixie sa ama para humalik dito. Agad napuna ng tatay ni Jason ang namumugto niyang mga mata. Dahil dito ay may nabuo siyang plano. nakasilip siya ng pag asa kaya naman ay napangiti siya. Pero hindi maitatago ang namumugto niyang mata.
" iha, may problema ba? "
Hinusayan ni Trixie ang pagda-drama. Baka sakaling umipekto at may mailaban pa siya. Batid niya ang pagkagusto ng tatay ni Jason sa kanya. Dahil na rin siguro sa partnership nito sa kanyang ama. Kaya talagang ramdam ni Trixie na pabor na pabor ito sa kanya para kay Jason. Yon ay dahil wala itong nalalaman tungkol sa nangyari sa kanila at sa nagawa niya dito.
Hindi ugali ni Jason ang magkwento kaya sigurado siya na wala itong ideya sa naging relasyon nila ni Lester. Halos lahat naman ng kaanak ni Jason ay magiliw sa kanya. Maliban sa isa. Ang ina nito. Sabagay, mother knows best ika nga. Pero hindi niya tinatanggap na si Yen ang best para kay Jason.
Mahal niya si Jason. Narealize niya yon noong tuluyan itong sumuko. Totoo pala ang sinasabi nila na malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag nawala ito. Pero wala na nga ba talaga? May chance pa siya.
" naabutan ko po si Jason na may kasamang ibang babae sa kwarto niya." sabi ni Trixie na panay pa rin ang punas ng luha.
" ano??!!" bulalas na tanong ng ama nito.
" si Yen." muling sagot ni Trixie.
Sa sobrang hiya ni Miguel sa mga kaharap ay kinuha nito ang cellphone at nagdial ng numero.
Napangiti si Trixie sa ginawa nito. Subalit ang tinatawagan nito ay tila hindi niya nakontak. Nabigo tuloy siyang marinig ang sasabihin nito. Batid niya gahawa ng paraan ang matandang Miguel para magka ayos sila. At dahil doon ay napalitan ng saya ang kaninang nadaramang lungkot at pagkapahiya.
JASON'S HOUSE
Nakabawi na sa kabiglaanan ang lahat. Masaya silang pinagsaluhan ng niluto nilang pagkain at ginugol ang mga natitirang sandali para sa kwentuhan at tawanan. Maya-maya pa ay nagpaalam si Andrea sa dalawa dahil nagkaroon daw ito ng biglaang lakad.
" salamat." wika ni Jason.
" welcome."
" dito ka magbabakasyon sa bahay ko diba?"
" nagleave ka na ba?" tanong ni Yen
Tumango si Jason at dahil naisip ni Yen na marami ang maaring mang gambala sa kanila ay inaya niya itong magbakasyon na lamang sa probinsiya.
Kumunot ang noo ni Miguel. Tatay ni Jason. Kanina pa siya nag da-dial ay hindi niya makontak ang anak. Naisip na lamang niya na puntahan ito sa bahay niya.
Kakatapos lang mag empake ni Jason. Umuwi si Yen sa bahay nito para din gumayak para sa una nilang pag babakasyon na magkasama. Napagkasunduan nila na sa Bicol na lamang pumunta. At sasakyan ni Yen ang gagamitin nila.
Samu't saring isipin ang naiisip ni Jason. Eto ang kauna-unahang pagkakataon na iniwan niya ang trabaho para magbakasyon. Never niya naisip itong gawin nong sila pa ni Trixie ang magkarelasyon. First time niya ito.
Papunta na siya ng banyo para maligo nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ama.
" anu ba at hindi kita nakokontak? " galit na wika nito.
" lobat ako Pa." sagot ni Jason.
" kumusta ka na? alam mo hindi ka na bumabata. Palagay ko ay panahon na para lumagay ka sa tahimik."
" malapit na po Papa. Relax ka lang."
" bakit hindi mo na ituloy ang naudlot niyong kasal ni Trixie? "
" Pa, kayo nagsabi na matanda na ako at hindi na ako bumabata. Kaya hayaan mo nalang po akong magdesisyon kung sino ang napipili kong makasama at pakasalan."
" alam mo anak ayaw ko doon sa Yen. Kakilala yon ng isa sa mga investor natin at naging katulong iyon at naging yaya ng anak nila. Hindi maganda ang background non. Isa iyong babae na naghahanap ng lalaking aahon sa kanya sa hirap. "
Tahimik si Jason. Hindi niya alam kung papano sasagutin ang ama.
" ang mga ganoong tipo ay parang langaw na tumutungtong sa kalabaw para lang umangat. "
" Pa, ang langaw na dumadapo sa ibabaw ng kalabaw ay nakakalipad. At mas malayo ang kaya nitong marating kesa sa kalabaw."
Natahimik ang kanyang ama.
" Magpakasal ka na. At nang hindi ka na magloko at magkaron na ako ng apo. Tutulungan kita sa pag aayos ng papeles ng kasal niyo ni Trixie."
" Pa!!"
Hindi siya nilingon nito at tuloy tuloy itong umalis.
Napalatak si Jason sa sobrang inis. Pati ang pagpili ng babae ay pakikialaman nito. Hindi siya papayag na makasal kay Trixie. Kailangan niyang makausap ang kanyang ina. Sumusobra na ang kanyang ama. Naisip niya.
Naisip ni Miguel na malaking bagay na maging mag asawa si Jason at Trixie. Dalawa silang magiging tagapagmana ng kompanya. At baka pag naging mag asawa sila ay makombinse na din ni Trixie na mag focus nalang si Jason sa kompanya at hindi na magtrabaho pa sa iba. Alam niya na hindi na dapat siya makialam sa buhay ng anak. Subalit ayaw niya sa Yen na iyon.
Nabanggit sa kanya ni Rico na si Yen ay dating yaya ng anak nila at dating katulong. Hindi nga alam ni Miguel kung saang lupalop ng mundo ito nanggaling. Napag alaman niya lang na isa itong empleyado sa isang kompanya. Malaki ang palagay niya na ambisyosa ito. At nais nito na maka ahon lamang sa hirap.
Totoo naman ang sinabi ni Miguel. Ambisyosa si Yen pero hindi niya gustong marating ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng ibang tao. Lahat ng bagay na meron siya at gusto niyang makuha ay pinagbubuhusan niya ng pawis at dugo.
Lingid sa kaalaman ni Miguel, Malaki ang respeto at tiwala ni Rico kay Yen. Totoong nag alaga ito ng kanyang anak at sobrang ipinagpapasalamat niya iyon sa dalaga. Itinuring niya ding anak si Yen at madalas niya din itong kinukumusta. Lahat ng nangyayari kay Yen ay nalalaman nito. Katulad ngayon.
" Hi tito Rico! surprise visit ah." bati ni Yen sabay bumeso sa lalaking halos kaedad lamang ng ama ni Yen.
" gusto lang kitang kumustahin. anong balita sa business? "
" tama ka po tito. Hindi dapat puro trabaho. In a year or two baka iwanan ko na rin ang trabaho ko. At atupagin ko nalang ang business. "
Ngumiti naman si Rico
" I told you..."
" balita ko ay may boyfriend ka na." muli nitong sabi habang humihigop ng kape na ginawa ni Manang.
" anlakas talaga ng radar mo. " natatawang sabi ni Yen.
" alam mo naman ako. Chismoso ako. "
Nagtawanan sila.
" sana lang hindi weak itong boyfriend mo. Baka hindi ka niya makayang tapatan."
" tito naman, hindi naman ako mighty bibo! isa lamang akong simpleng tao na marunong magmahal at masaktan. "
At muli ay nagtawanan sila.
Oo nagsimula na si Yen magka-interes sa pani-negosyo....ang address na binigay ni Yen kay Jason para bilhan ng materyales para sa kwarto nito ay pag aari ni Yen. Si Rico ang naging adviser niya sa mga ganoong bagay. Para niya itong tatay na gumagabay sa bawat niyang desisyon. Ang lahat ng mga nangyayari sa kanya ay agad nalalaman nito.
Naging kaibigan niya ito noong panahong dapang dapa siya. Hirap na hirap sila sa buhay at ito ang mag inspire kay Yen para lumaban. Ang sabi nito ay katulad daw siya ni Yen noon. At nakikita niya ang sarili sa dalaga.
Hindi niya alam pero sadyang malapit sila sa isa'isa.