Chereads / I am a Rebound / Chapter 38 - Attitude Problem

Chapter 38 - Attitude Problem

Nakita ni Yen ang orasan.

5:30 pm

" dito ka nalang mag dinner. Ipagluluto kita. " Baling ni Yen kay Jason.

" marunong ka?" nangigilalas na tanong ni Jason.

" oo naman palagay mo saken."

Napangiti na lamang si Jason. Andaming alam ni Yen. Isa siyang pambihirang babae. Siya yung tipong mabubuhay kahit walang lalaki sa tabi. Mga ganitong babae ang isa sa mga rason kung bakit may mga lalaking tumatandang single. Nakaka-intimidate. Kahit siya ay walang ganoong talent. Napailing si Jason sa mga naiisip.

Siguro ay ang gaan ng buhay niya pag ito ang kanyang naging asawa. Naisip niya. Bakit nga ba hindi? Matatanda na sila at nasa tamang edad. Ang problema ay hindi gusto si Yen ng kanyang ama. Ang gusto nito ay Trixie. Kaya malayang mamayagpag ang babaeng iyon sa kanilang tahanan ay dahil sa nakuha nito ang loob ng kanyang mga magulang. Yon ay dahil wala silang alam sa mga gingawa nito. Pero bakit? Hindi naman sila ang makikisama at karapatan niyang magdesisyon at pumili kung sino ang gusto niya.

Isang araw pa lamang niya nakakasama si Yen ay namamamgha na siya dito. Naiimagine niya si Yen na nagkukumpuni ng kung anong gamit at appliances. Natawa siya. Astig talaga.

Sinundan niya ito sa kusina. Maganda ang kusina niya. Maayos at ka-aya aya ang kulay. Pinanood niya si Yen habang nagluluto. Kahit sa pagluluto ay parsng de numero ang galaw nito. Tila ba sanay na sanay ito sa gawaing bahay.

" hindi ko alam na tumutugtog ka pala." panimula ni Jason

" at kumakanta ako. " dugtong naman ni Yen.

Napangit lang si Jason. Kalahating araw na kasama niya si Yen, wala siyang ginawa kundi ngumiti at hangaan ito.

" noong panahon pa ng kahirapan, ang pagtugtog at pagkanta ay kasama sa mga raket ko."

Bimilog ang mata ni Jason? Hindi niya iyon alam.

" talaga? "

" oo... kumakanta ako sa mga clubs, katulad ni Lester na boyfriend ni Trixie."

Natahimik si Jason sa narinig. Posible kayang magkakilala sila??

" si Lester ay may attitude problem. " pagkuway sabi ni Yen.

Kumunot ang noo ni Jason. Magkakilala nga sila?

" ako ang nagturo kay Lester tumutog."

Lalong nangunot ang kanyang noo.

" noong hindi pa ako nag aaral ay tumatanggap din ako ng guitar lessons.extra kita din yon." nakatawang kwento ni Yen.

" si Lester ay kaedaran ko lang. pero mayaman sila. Binayaran ako ng nanay niya para turuan siya tumutog ng gitara. Para daw may magawa naman sa buhay niya at may matulungang silang katulad ko na kailangang kumita. Maiksi ang pasensiya ni Lester. Mabilis siya mainis. Self centered. Spoiled. Mayabang." pagtutuloy niya sa kwento habang naghahalo ng niluluto niyang corn soup.

" gayunpaman ay nakuha ng padtugtog ang kanyang interes. Kaya sineryoso niya ito. Ayun...nong natuto, naging fashion na din niya ang music. Ang tawag saken non, teacher. " nangingiting wika ni Yen.

" mabait naman yon. Kung alam mo lang kung paano at kung saan mo pipihitin. "

Mapaglaro talaga ang tadhana.

Napapailing si Jason sa coincidence ba o kung ano ang tawag dito. Napakaliit ng mundo. Sino bang mag aakala na ang pinalit sa kanya ni Trixie ay kakilala ni Yen na naging girlfriend niya naman? Sinadya kaya yon??

" late ko na nalaman na nalaman na si Lester ang boyfriend ni Trixie. Yung pinakita mo kaseng picture noon saken ay hindi ko siya namukhaan. Naisip ko na medyo pamilyar pero di ko pinagtuunan ng pansin. Kailan lang nagkasalubong kame ni Lester sa mall. Kasama niya ang babae na girlfriend niya daw. Hindi ako sure kung si Trixie yon. Iba-iba naman kase ang isinasama non. "

Ang alam ni Jason ay hiwalay na si Trixie kay Lester na iyon. Kaya posibleng hindi si Trixie yon. Isa pa nakita na ni Yen ang pictures ni Trixie kaya siguro ay pamilyar ito sa mukha ni Trixie. Pero makakalimutin si Trixie. Ang simpleng pangalan nga ay hindi nito natatandaan kaagad. Maliban na lamang kung madalas na niyang makasalamuha. Posible kaya?

Naputol ang pagmumuni-muni ni Jason nang tawagin ni Yen ang kanyang atensiyon.

" kain na...para pagdating mo sa bahay mo ay matutulog ka nalang."

Ngumiti siya at humigop ng sabaw na ihinain nito.

Tumikim ng isa...

Umulit...

Ngayon lang siya nakatikim ng ganoong klaseng corn soup.

Masarap... Sinunod sunod niya at nang maubos

" wag kang mahiya, totoong lasang ulit yan kaya expected ko nang uulit-ulitin mo yan." mahinang humagikhik si Yen at nilapag sa lamesa ang paboritong adobo ni Jason.

" alam kong adobo ang paborito mo. Tikman mo ang version ko ng adobo. Baka makalimutan mo pangalan mo. " pagbibiro ni Yen.

Talaga namang napadami siya ng kain nong gabing iyon. Nagustuhan niya ang niluto ni Yen para sa hapunan. Kung ito ang kasama niya ay baka lumobo siya nang husto kakakain.

Nagyon niya lang lahat natuklasan ito. Marami pa pala itong tinatago. Dati kase ay wala naman silang pagkakataon na gumawa ng gayon. Malaki ang halaga ng moral kay Yen kaya hindi niya ito basta maaya sa bahay niya. Palagi silang kumakain lang sa labas. Magkukwetuhan... mamamasyal... ganoon lang.

Naisip niya nanaman si Trixie. Saglit na silang nagsama pero hindi pa ito nagawa ni Trixie sa kanya. Madalas ay prinsesa ito at siya akg taga silbi. Ni hindi nga ito nakealam sa kanyang kusina. Madalas ay sa kwarto ito naglalagi at nag aayos ng kuko at matagal na haharap sa salamin.

Napailing siya sa ginagawang paghahambing sa dalawa palagi. Hindi naman siguro siya naguguluhan.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam si Jason kay Yen. Dumirecho siya sa tindahan na tinutukoy ni Yen para bilhin ang mga materyales na gagamitin sa pag me-make over ng kwarto niya. Tama ito. Hindi nga umabot ng limang libo. 4999. Piso nalang ang kulang. Mabuti nalang at may dala siyang cash. Naisip niya kase na baka maisipan nilang lumabas.

Natawa siya. Palagay niya ay nagbibiro nanaman si Yen. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Mabuti na lamang at bukas pa ito. Saktong alas dyes ng gabi, pagdating sa bahay niya ay dumirecho na lamang siya sa kwarto at nahiga.

Excited siya.

Bukas ay muli niyang makikita si Yen...

Sa bahay niya.

Naimagine niya kung papano ito mag kukutingting.

Parang lalaki na nasa katawan ng isang babae. Natatawa talaga siya at manghang mangha. Bihira ang ganoong klaseng babae.

Naalala niya ang sabi nito na ipagluto daw siya ng masarap na ulam kaya naman kinuha niya ang kanyang laptop at nag search ng mga recipe na pwede niyang gawin kinabukasan. Maaga siyang mamamalengke bukas.

NOTE:

UNEDITED po lahat ng pina-publish ko. Sorry sa typo. Sana maunawaan niyo.

Nagmamahal,

Nicolycah