Chereads / I am a Rebound / Chapter 28 - Koneksiyon

Chapter 28 - Koneksiyon

Habang nasa biyahe pauwi galing sa trabaho ay nakatuon lamang ang tingin ni Yen sa daan. Malalim ang kanyang iniisip. Tila sinusiyod niya ang bawat detalye ng daan ngunit ang isip niya ay hindi naman talaga doon nakatoon.

Tatlong taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita ni Jason. Ying yong tinawagan siya nito nung nalasing siya ng sobra at iniuwi siya Jason sa bahay niya. Ni hindi niya man lang ito nakausap. Sa sobrang kalasingan ay hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na marinig ang mga paliwanag nito.

Sa pangyayaring iyon ay iniisip niya kung bakit ito tumawag sa kanya nong gabing iyon? Matagal na silang walang komunikasyon noon, at talagang kung nasa wisyo lamang siya nong mga sandaling iyon ay magtataka siyang talaga.

Minsan inisip niya na baka kaya ito tumawag ay baka nais nitong makipag ayos sa kanya? O baka magpalaliwanag na isang pagkakamali lang yon lahat? Papano kung namali nga lang diba? Hindi niya naman ito personal na nakausap.

Nangangarap siya oo. Pero sa kabilang banda sinasaway niya ang sarili niya. Pinipigilan niyang umasa pero hindi naman niya maiwasang mangarap na muling makasama ito.

Alam niya naman na hindi na ni Jason kailangang magpaliwanag pa. Malinaw naman sa kanya at siya mismo ang nagsabi dito na kung sakaling magka-ayos sila ni Trixie o magising siya isang araw na ayaw na niya ay magsabi lang ito. At kung hindi kaya ni Jason na sabihin sa personal dahil nag-aalangan itong masaktan siya ay kahit itext niya nalang. Na ginawa nga nito.

Inaasahan niya na darating talaga sila sa puntong ganoon. Subalit ang sakit pala kahit na paghandaan mo pa, pag dumating na ay masakit pa rin.

Mahabang panahon ang ginugol ni Yen para lang sa pagmo-move on. Pero sa haba ng panahong iyon, bagamat tanggap na niya ay sariwa pa rin sa puso niya ang sugat na dulot nito. Sabi nila ang sugat daw ay kusang naghihilom sa tagal ng panahon pero sa kaso ni Yen parang hindi totoo yon.

Sa tuwinang ma-aalala niya ang mga nangyari ay ganon pa rin ang guhit ng sakit sa kanyang dibdib. Hindi ito nagbago. Kaya lang naman hindi na niya iniinda ito ay dahil siguro ay nasanay na din siya sa sakit. O baka nga dahil matagal na ay maghilom din.

May mga pagkakataon pa rin na nakakadama si Yen ng labis na pangungulila. Ngunit wala naman na siyang magagawa. Pwede niya sigurong puntahan sa bahay nito. May susi siya at mag ilang gamit na naiwan doon. Naisip niya yon pero wala naman siyang lakas ng loob. Hindi niya gustong abalahin pa si Jason. Dahil sa isip niya, masaya na ito sa pinili nitong makasama habang buhay.

Gayunpaman si Jason pa rin ang laman ng kanyang mga panalangin. Dinadasal niya na sana ay masaya nga ito. At sana kung hindi ito magiging masaya ay sana ibalik na lamang sa kanya.

Minsan hinihingi niya ito. Sana si Jason nalang ang ibigay sa kanya. Kung magkakaroon siya ng pagkakataon na magmahal muli, ang gusto niya ay si Jason lamang.

May mangilan ngilang nanligaw kay Yen. Subalit ni isa sa kanila ay hindi niya binigyang pansin. Sinubukan niya minsan subalit sa huli ay hahanapin niya si Jason dito. Alam niya sa sarili niya na kahit sino pang gwapo ang humarap sa kanya, si Jason pa rin ang hahanapin niya. Dahil si Jason ang tanging kilala ng puso niya. Baliw ba siya??

Naalala niya ang nagdaang panaginip. Hindi niya alam kung bakit malakas ang kutob niya na muling magku-krus ang kanilang landas. Ramdam niya na muli silang magkikita subalit alam niya hindi na dapat siya umasa pa dito. Kailangan niya nanaman ihanda ang second wave of pain. Dahil sigurado siyang masasaktan nanaman siya pag nangyari ngang nakita niya ito. Lalo pa kung makompirma niya na si Trixie nga ang pinili nito.

Inalala niya ang mga nagdaang panaginip.

Bilang nangunot ang noo niya nang maalala ang mga kakaibang panaginip niya bago sila magkita ni Jason.

Yung lalaking hinihintay niya na hindi niya nagawang makita dahil biglang umulan? Noon pa man ay laman na ng panginip niya ang lalaking iyon na walang mukha. Subalit nang nagkita sila ni Jason ay hindi na muli ito naulit pa. Bagkus ay si Jason na o kung sino man na may koneksyon sa kanya ang napapanaginipan niya.

Posible kaya??

Nong nagkita pa sila ni Jason ay palagay na palagay ang loob niya dito. Wala nga halos silang naging pormal na ligawan. Naging magnobyo sila sa maiksing panahon lamang dahil komportable siya talaga kay Jason. At pakiramdam niya noon ay nagkita na sila noon at magkakilala sila.

Hindi kaya si Jason talaga ang kanyang kapalaran?

Hindi kaya soulmate sila?

Hindi kaya si Jason ang ipinapahiwatig nong mga bituin?

Hindi kaya si Jason yung palagi niyang napapanaginipan na lalaking walang mukha noon??

Pinipisil pisil ni Yen ang kanyang baba. Biglang huminto ang service nila.

Saka lang niya narealize na kailangan niya na palang bumaba. Umibis siya sa sasakyan at dahan dahang naglakad...

Siguro ay talagang baliw siya kay Jason.

Kung anu-ano na ang kanyang iniisip.

Ano kaya kung kinompronta niya ito matapos itong makipag break sa text? Magpapaliwanag kaya ito? Posible kayang piliin pa siya nito? Posible kayang hindi naman yon dapat ganon at may nangyari lang na hindi maganda sa kanya??

Sabi nila pag mahal mo dapat ipinaglalaban mo. Hindi yon ginawa ni Yen. Mali ba siya? Dapat ba nilaban niya??

Naku Yen!! ang issue na yon ay inaamag na! Bakit ba pabalik balik ka? Kung patuloy kang babalik sa nakaraan ay hindi ka uusad. Look forward Yen! tama na!! Saway ni Yen sa sarili. Sa sobrang pag iisip ay nalagpasan niya na din ang sakayan ng tricycle.

Natatawa si Yen sa sarili.

Kung anu-ano kase ang iniisip.

Bakit ba kase baliw na baliw siya kay Jason?

Hindi niya naman naranasan ang gayon kay Jeff.

Tiningnan niya muli ang susi ni Jason.

Minarkahan niya ito ng letter J. para mabilis niya ito makita. ( baliw noh? ) Isinama niya ito sa kanyang mga susi para hindi ito mawala.

Pagdating sa bahay ay patang pata siya. Sinalubong siya ni Manang at ipinaghanda ng makakain.

" Nang, busog na kase ako. Kumain ako sa canteen namen. Kumain ka nalang diyan aakyat na ako sa kwarto." sabi ni Yen dito.

Bahagya naman itong tumango at muling niligpit ang nakahain sa lamesa.

" Nauna na ako kumain sayo. Pasensiya ka na at hindi na kita nahintay." sabi nito.

" Kumain ka lang diyan Nang. Wag mo na po ako hihintayin. Magtitext o tatawag naman po ako kung dito ako kakain." bilin niya dito.

Pagkatapos ay muli siyang pumasok sa kanyang kwarto.Dahil maaga pa at hindi pa siya antok, para maiwasang mag-isip ay naglinis na lamang siya ng kanyang kwarto. ( kahit malinis naman ito.)

Nang matapos ay naligo.At dahil napagod ay agad na din siyang nakatulog.