Rest day
Walang magawa si Jason nong araw na iyon. Kayan naman naisipan niyang maglinis at mag ayos ng gamit sa kwarto. Walang katulong si Jason. Talagang personal niuang nililinis ang bahay niya. Inisa-isa niya ang laman ng kanyang cabinet. Halos mapuno na ito. Kailangan niya nang magtanggal ng mga damit na hindi na masyado nagagamit.
Natigilan si Jason nang makita ang iilang gamit ni Yen. Napangiti siya. Tatlong taon na din itong nakatago sa cabinet niya. Akalain mong nakalimutan niya na. Hindi na muling bumalik si Yen matapos ang huli nilang pagkikita. Inaasahan niya babalik ito para ibalik ang susi niya at kunin ang kanyang naiwang gamit. Ngunit pagkatapos nong araw na iwan niya ito sa bahay niya ay hindi na din niya ito nakita.
Nong gabing iyon ay nagkaroon na sana siya ng lakas loob na kausapin ito. Umasa siya na makikinig at mauunawaan siya nito. Ngunit dahil disoras na ng gabi ay nag aalangan siya baka nasa trabaho o baka natutulog na ito. Baka makaistorbo siya. Kaya inisip niya nalang na kapag nagdial siya at sumagot ito, ibig sabihin ay magiging ok pa sila. Kapag naman natapos amg ring at hindi nito nadampot ang telepono, titigilan niya na din ito.
Nag dial siya...
Kinakabahan niyang pinapakinggan ang bawat ring ng cellphone ni Yen..
Nagbilang siya.
Isa, dalawa, tatlo, apat... para siyang siraulo na binibilang ang bawat ring sa kabilang linya.
Nawalan na siya ng pag-asa.
Akmang papatayin niya na sana ito nang...
hello." kahit pilit niyang ayusin ang salita ay talagang halatang bangenge na siya.
" lasing ka?"
"konti lang po. Nagkayayaan lang kame dito sa bar. Uuwi na din ako maya-maya... no worries." Napangiti si Jason sa tono nito. Napaka lambing at animo nakikipag-usap sa tatay niyang nagbabadyang magalit
" saang bar ba yan?"
Pagkatapos nitong sumagot ay agad siyang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan. Mas mabilis sana kung motor subalit dahil lasing si Yen ay baka mahulog lang ito.
Pagdating sa bar na kinaroroonan nito ay nadismaya siya sa ayos nito. Hindi na nga yata siya nito makilala sa sobrang kalasingan. Mabuti na lamang at naiaioan niya itong tawagan.
" Grabe ang emote kase. Ayaw din paawat sa alak." sabi ng lalaking nakita niyang umaalalay dito.
Iniisip ni Jason kung boyfriend kaya ito ni Yen? Subalit nung nakita nito ang malagkit na tingin sa kanya ay nasiguro niya nang hindi. Bakla ito.
" cholo. katrabaho ni Yen." pakilala nito.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang malaman na bading ito. Alam niya ay allergic si Yen sa bading dahil ang huling boyfriend nito ay bading. Bahagya siyang napangiti nang maalala niya ang kwento nito tungkol sa Ex nito.
Isinakay niya sa kotse si Yen at pag upo palang nito sa sasakyan ay tulog na tulog na ito.
Hindi niya alam kung saan ito umuuwi ngayon kaya naman inuwi nalang niya ito sa kanyang bahay. Pagdating doon ay parang batang binuhat niya si Yen at ihiniga sa kama nito.
Amoy alak na din pati ang suot nitong damit. At tila natapunan ng kung ano. Napailing siya nang makita ang miserableng itsura nito. Kaya naman nanguha siya ng towel at pinunasan ito at binihisan.
Mataman niya itong pinagmasdan. Ang nais niya sana ay mayakap itong muli. At makasama katulad ng dati. Pero paano niya naman ito kakausapin? Mahimbing na ang tulog nito kaya naman hinayaan na lamang niya magpahinga.
Sising sisi si Jason kung bakit hindi nalang niya sinamantala ang pagkakataong iyon. Sana ay hindi nalang niya ito iniwan at hinintay na lamang magising para nagkausap sila. Sana malinaw na sa kanila ang lahat. Hindi niya maintindihan kung bakit ba siya naduwag na kausapin ito.
Makalipas ang ilang araw ay nagdesisyon na silang gawin ang operasyon ng kanyang ina. Halos isang buwan itong nasa ICU. Walang pagkakataon si Jason para makausap si Yen. Dahil pagkagaling sa trabaho ay sa ospital siya dumidirecho. Isang buwan ganoon ang naging buhay niya.
Maraming pagkakataon na naaabutan niya doon si Trixie. Dinadamayan siya nito. Subalit iba ang pakiramdam niya tuwing ito ay naroon. Kung umakto si Trixie ay parang girlfriend niya pa rin. Hindi nito alintana ang kanyang pagsusuplado. Inakala tuloy ng mga kaanak niya na nagkaayos sila. Pero talaga namang na-aalibadbaran siya.
Tinotoo nito ang pakikipaghiwalay sa kinakasama. Gayunpaman ay hindi na niya ito balak balikan pa. Maaring mahal pa niya ito, pero hindi na katulad ng dati. Napatawad niya na ito sa kanyang ginawa pero hindi na iyon mauulit pa. Hindi niya na hahayaan iyon.
" hi babe, kumain ka na ba? gutom na ko kumain muna tayo." umusbong ang konting inis ni Jason nung marinig ang pagtawag sa kanya nito.
" busog ako."
" cge ako nalang bibili ng food natin. anong gusto mo?" may kalandian ang tono nito.
" busog ako."
" babe..." nag make face ito. Nagpapabebe.
Tiningnan lang ito ni Jason saka siya tumalikod at hindi na ito inintindi. Umalis na lamang ito at nakahinga naman ng maluwag si Jason.
Gising na ang kanyan ina. Hinalikan niya ito sa noo at kinumusta.
" Anak alam ba ni Yen? " tinutukoy nito ang kalagayan niya.
Umiling lang si Jason.
Hindi lingid sa kaalaman nito ang ginawang ni Trixie sa kanya. Subalit ang ginawa ni Trixie kay Yen ay wala itong alam. Minabuti nalang ni Jason na huwag na lamang itong banggitin pa. Hindi naman makakabuti sa kanyang ina ang mag isip pa.
Kaunting panahon na lamang ay lalabas na ito sa ospital. Ngayong araw ay inilabas na ito sa ICU at natutuwa ang mga doctor sa mabilis na progress nito. Malakas daw ang kanyang ina. At ipinagpasalamat naman iyon ni Jason.
Mabilis ang mga nagdaang araw. Tuluyan nang nakarecover ang kanyang ina sa operasyon. Bagama't limitado ang kaya nitong gawin ay nagagawa na nitong maglakad lakad at tila normal na din ang awra nito. Gayunpaman ay kalbo ito dahil sa isinasagawang chemotherapy minsan sa isang buwan.
Araw araw ay binibisita ni Jason ang kanyang ina. Bago siya umuwi sa kanyang bahay. Naging normal na routine iyon Jason. Nag-iisa lamang ang kanyang ina. At hindi sila sigurado kung hanggang kailan nila ito makakasama. Kaya habang may pagkakataon pa ay sinisikap ni Jason na ipadama sa kanyang ina ang pagmamahal niya dito.
Gayunpaman sa tuwinang uuwi si Jason sa kanyang bahay ay puro si Yen ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi naman niya ito mabigyan ng panahon dahil sa kinakaharap na sitwasyon. Marahil ay maari na niya itong hanapin ngayon. Dahil ang kanyang ina ay nakakarecover na sa sakit nito.
Nagbukas si Jason ng account sa social media. Alam niya na naka-unfriend siya kay Yen dahil nakita niyang wala na ito sa friendlist niya. Hinanap niya si Yen.
( pwede niyo din isearch. Yen Reyes. single yan. 😊) Nakita niya ang account at nag stalk. Wala naman siyang nakita. Hindi naman yata ito gumagamit ng social media. Gayunpaman ay muli siyang nagsend ng friend request dito.
Kinuha ang cellphone at hinanap ang contact ni Yen doon. Dinial niya ang numero.
" your number cannot be reach, please try agin later."
Sinubukan niya ulit.
" your number cannot be reach please try again later."
Nadismaya si Jason.
Siguro ay nagpalit na ito ng contact number ngayon.