Chereads / I am a Rebound / Chapter 14 - Log Out

Chapter 14 - Log Out

Kinain ng lungkot si Yen ng araw na iyon. Sari-saring isipin ang naglalaro sa kanyang utak. Bakit nga ba girlfriend siya pero hindi siya kasama ni Jason sa araw nito? Di ba dapat kasama siya nito mag celebrate dahil iyon ang unang birthday ni Jason na sila ang magkarelasyon? May mali ba? may problema ba?

Tinitingan ni Yen ang cellphone niya pero walang text si Jason. Marahil ay nagsasaya na ito kasama ang mga kaibagan. Papano kung andoon din si Trixie? Hindi kaya? Nang maisip niya iyon ay agad na sinaway ni Yen ang kanyang sarili. Kinuha nalang niya ang kanyang cellphone at mag a-upload nalang siya ng picture nila ni Jason sa FB.

Pag bukas niya ng gallery ay inisa isa niya ang mga pictures nila ni Jason. Halos mapuno na ang gallery niya ng mga pagmumukha nila. Pumili si Yen ng magandang kuha at balak niya sana ay i-upload ito. Pagbukas ni Yen ng facebook ay account pala ni Jason ang naka-log in dito.

Nakalimutan niya ba itong i-log out o sinadya niyang iwanang nakabukas?

Tanong ni Yen sa sarili. Gayunpaman ay saglit niya itong iniscroll. Nakita niya ang mga previous status na naipost nito. Iyon ay nong mga panahon pa na hindi pa sila magkakilala. Ramdam ni Yen ang sakit na nararamdaman ni Jason sa mga linyang naka post sa mga huli nitong status.

Naalala ni Yen na nabanggit nito sa kanya na may mga pictures pa sila ni Trixie at hindi raw nito ito mabura. Binalewala ni Yen ang sinabi nito. Inisip niya na baka binubura nga ni Jason ang mga ito ngunit di nadelete baka may problema ang internet mga ganon. Pero bakit hindi niya mabura? Ngayon niya lang naisip. Hindi kaya dahil hirap din siyang bumitaw sa masasayang alala nila? Hindi kaya plano talaga nitong i-keep ito? Pero nabanggit niya naman na binubura niya pero hindi niya daw mabura. Haynaku!

Binisita niya noon ang account ni Jason nung nagsend ito sa kanya ng friend request. Wala naman siyang nakitang picture doon marahil ay nakaprivate nga ang album na iyon.

Inisa-isa ni Yen ang albums.

At nakita nga niya ang isang album na may naka-caption "ASAWA KO". may konting kirot na naramdaman si Yen sa kanyang dibdib pero nagpatuloy siya sa pagtingin sa mga litrato doon. Inisa isa niya ito. At bakas sa mukha ni Jason ang kasiyahan. Gayun din ang babae. Aaminin niya, bagay sila at medyo may pagkakahawig sila. Sabi ng iba pag magkahawig daw ay madalas na nagkakatuluyan.

Naikwento sa kanya ni Jason na nagdesisyon na sana silang magsama ni Trixie. Tumira na nga raw ito sa kanila. Kaya lang dahil naawa naman siya dito dahil palagi itong naiiwan sa bahay para magtrabaho ay pinayagan niya din itong magtrabaho para malibang. Kaya nga lang ay nakahiligan na nito ang night life. Pero hindi niya naman daw ito pinagbawalan.

Minsan daw ay nag stay din siya sa lugar ng babae kasama ang mga magulang nito. Ilang weeks din daw na doon siya umuuwi. Wala daw siyang natatandaan na ginawa niyang mali. Minahal niya daw ito nang sobra. At ibinigay ang lahat na inaakala niyang magpapasaya dito. Naisip ni Yen na baka nukalangan si Jason ng oras kay Trixie kaya ito naghanap ng iba. Ngunit pinabulaanan naman ito ni Jason. Si Trixie na daw ang naging mundo niya noon. Kaya nga nito sinasabi kay Yen na huwag siyang gawing mundo nito. Dahil alam niya ang pakiramdam ng ganon.

Halos puro mukha ng babae ang naroon. Iba't ibang anggulo. Meron din silang pictures na magkasama katulad ng mga picture nila ni Jason na naka save sa gallery niya? Wala siyang nilagpasang litrato sinusuyod niya ng tingin ang lahat. Hindi din nakaligtas ang singsing na suot ni Trixie. Personalized iyon. Nabanggit din iyon sa kanya ni Jason noong minsan nagtanong ito sa kanya kung bakit hindi siya nag mi-make up, di siya nag-brace at contact lens. Natanong din nito kung hindi ba raw siya nagsusuot ng singsing?

Pinagawan niya daw ng couple ring si Trixie at may mga pangalan na nakaukit dito. Hindi alam ni Yen kung anu ang mararamdaman. Hindi kaya hinahanap ni Jason sa kanya si Trixie? Minasdan niya ang mga larawan ng babae. Walang picture na wala itong make up. Naka braces ito at naka contact lens. Nagsalubong ang mga kilay ni Yen. Ayaw niya na mag isip. Balak niya sana na hayaan nalang na nakabukas sa phone niya ang FB account ni Jason pero dahil nagkakaroon siya ng mga ganoong isipin ay minabuti niya nalang na isara ito. LOG OUT.

Itinuloy pa rin ni Yen ang pag a-upload ng picture nila ni Jason. Pagkatapos niyon ay nagsunod sunod ang mga messages ni Yen sa messenger. Mga tsismosang tropa na nakiki-usyoso at nakikibalita.

Bahagyang nalibang si Yen sa pakikipag kwentuhan sa mga old friends na biglaang nangumusta at nagpaabot ng messages na masaya sila para kay Yen.

Maya maya lang

1 message received.

[ night shift ako baby. ]

Biglang nabuhayan si Yen ng loob ng makita ang text ni Jason.

[ birthday mo ah. ]

[ tapos na ang celebration. ]

[ ok mag-iingat ka. ]

Nakaramdam si Yen ng bahagyang pag aalala. Sabi daw kase nila ay dapat nag i-stay lang ang celebrant sa bahay. Dahil prone daw ito sa aksidente o anu mang aberya.

Gayunpaman ay nagpaalam na siya dito kaagad. Kailangan niya nang matulog dahil may pasok siya kinabukasan.

3:00 am.

Gumising si Yen at nakita na may bago nanaman siyang message.

Jason

12:00 am

[ baby ...]

[ gising ka pa ba? ]

[ kakagising ko lang. bakit? ] sagot ni Yen dito.

[ may nangyari kasing aksidente. Hindi ko naman sinasadya. ]

Biglang bilis ng tibok ng puso ni Yen.

Nag aalala siya. Tinawagan niya ito at nalaman na naka damage lang ito ng unit isang bagong sasakyan lang naman yon at pinag uusapan na daw kung anu ang gagawin pero malakas daw ang kutob ni Jason na matatanggal siya sa kumpanyang pinapasukan nito.

Bakas ang lungkot sa tinig nito.

" Ok lang yan. May mga rason kung bakit nangyayari ang mga bagay. Nakita mo ba ang puno? Ang mga dahon nito ay naninilaw, natutuyo at nalalaglag. Gayunpaman ay patuloy pa rin ang pagsibol ng mga panibagong dahon at sanga nito. Hanggat nananatili itong nakatayo ay magpapatuloy itong mabuhay at magpalit palit ng dahon. Pag may nawala, may kapalit na mas maganda. At pag may nagsara, may panibagong pintong magbubukas." alo ni Yen dito.

" salamat baby. mabuti nalang andiyan ka. " wika ni Jason sa kabilang linya .

" pauwi na kame. dadaan ako diyan para ihatid ka" maya maya ay sabi nito. Hindi naman na komontra si Yen at nagpaalam na din dito.

Ilang sandali pa ay nakagayak na si Yen para pumasok. Pagbaba niya sa bahay ay nasalubong niya sila Jonathan, Simoun, at Michael na may malalapad ng ngiti.

" andiyan na si lover boy. " wika ni Simoun.

Tumawa ng mahina si Yen at paglabas nga nito ay naroon si Jason. Nakamotor.

" sakay na. " wika nito.

" nakamotor ka na. "

" oo. kahapon lang dumating ito. Syempre yung mahal ko ang una kong isasakay dito. " wika nito.

Naupo naman si Yen sa likuran ni Jason. At pinatong ang mga kamay sa balikat nito.

Tinapik ni Jason ang kamay niya at sinabing hindi ganoon ang tamang hawak.

" yakap ka sakin. " anito.

Natawa namang sumunod si Yen.

Pagdating sa pick up point ng service nina Yen ay agad nang nagpaalam si Jason. Si Yen naman ay pumasok nang muli sa kanyang trabaho.

Araw nalang ang hinihintay ni Yen at matatapos na niya ang oras ng kanyang training. Ibig sabihin ay pwede na siyang umuwi. Ngunit dahil kay Jason ay mas magpipilit siyang manatili muna. Hanggang sumapit ang araw ng graduation nila. Nagbabalak na siyang maghanap ng mapapasukan. Kailangan hindi siya mabakante ng ganon katagal. Kailangan niya maghanap hanap... Ilang araw nalang....