Ilang araw na ang lumilipas ay hindi pa rin nakakakuha ng trabaho si Yen. Inabutan na siya ng pasko at bagong taon na tumutulong lang kay Madam Lucille sa karinderya nito para makalibre ng pagkain.
Malungkot ang holidays.
Wala si Jason.
Hindi ito makabisita dahil kahit holidays daw ay may trabaho ito. Humihingi ito ng despensa dahil sobrang pagod daw hindi na nito nagawang pumunta sa kanya.
Dumalang din ang pagti-text nito.
Inaasahan na iyon ni Yen. Gayunpaman kahit dumalang ang text nito ay tumatawag naman ito sa kanya paminsan minsan. Dumalang pero hindi nawala. Iyon ang kanyang pinanghahawakan. Hanggat meron silang komunikasyon ay hindi sila maghihiwalay iyon ang kanyang isinaisip. Pero hindi niya maitatanggi ang labis na pangungulila dito.
Miss niya na si Jason.
Namimiss din kaya siya nito?
Bakit parang hindi?
Bakit parang ok lang dito na hindi siya nakikita.
Di ba dapat mas lalo siya nitong mamimiss? Dahil may nangyari na sa kanila. Diba dapat ganon?
Muli ay nag ring ang kanyang cellphone. Hinagilap niya ito at nakita niyang unknown number ang tumatawag.
" hello ma'am is this Yen Reyes?
" yes ma'am how may I help you?"
" regards with your application to our company, I would like to inform you that the schedule of your interview is at 1:00pm tommorrow."
Ano daw? may interview siya???
Ilang sandali pa, pagkatapos nito ilatag ang mga kailangan ni Yen dalhin at iprovide ay nagpaalam na ang kausap.
Halos mapatalon si Yen sa tuwa nang maibaba ang telepono. Agad niyang hinanda ang mga papel na sinabi ng babae maging ang kanyang isusuot kinabukasan. Hindi niya mabura ang ngiti sa kanyang mga labi. At least ay may ilang buwan siyang masusulit bago siya umuwi sa probinsiya para grumaduate.
Maaga gumising si Yen. Excited siya na ikwenento kay Madam Lucille ang kanyang lakad.
" ayan, sana ok na yan. "
" oo noh para mabayaran na kita at maclear yung listahan ko."
At nagtawanan sila.
Inabutan siya ni Madam Lucille ng pera.
" ay bakit mother? "
" wala kang pera anak, kailangan mo yan."
" ilista mo nalang din po ito."
" hindi bayad yan sa serbisyo mo sa akin."
Ang tuwa ni Yen ay nayakap niya si Madam.
After lunch ay nagmadali na siyang umalis baon ang dalangin na sana ay tanggapin na nga nga siya dito.
Pagdating doon ay ilang aplikante ang nabutan ni Yen. Halos pawang may edad na ang mga ito. Kabado si Yen sa interview.Gayunpaman ay natapos ito nang matiwasay at masaya siya nang sabihin ng manager na
" you' re hired! "
[ hired ]
text ni Yen kay Jason habang siya ay pauwi.
[ wow congrats sabi sayo magaling ka ee.]
[ malakas lang manalangin.] sagot ni Yen.
[ puntahan kita jan bukas.]
Natuwa naman si Yen sa sinabi nito.
Kinabukasan ay pumasok na sa kumpanyang iyon si Yen. Unang araw ng orientation ay masaya siya. Masayang masaya.
Kinahapunan nga pagkauwi niya ay nag text si Jason na darating siya. Tinupad naman nito ang sinabi. Natuwa naman si Yen. Muli ay inaya siya nitong kumain sa labas. Pagkatapos ay ihinatid siya muli sa kanyang tinutuluyan. Doon ay sandali itong nakipag kwentuhan sa kanya. Nagbalita kung ano ang nangyari sa mga nagdaang araw. Nagsumbong ito na nilalapitan daw siya ng mga babae. Puro babae daw ang nakapalibot sa kanya doon. Gayunpaman ay suplado mode daw ito at hindi niya daw ito pinapansin.
Sa sulok ng isip ni Yen, ay parang may kaunting pagdududa. Gayunpaman nagkukwento ito sa kanya. At sapat na yon para magtiwala siya. Isa pa, wala naman siyang ibang choice kundi magtiwala dito.
Maaga itong nagpaalam sa kanya. Ayaw daw siya nitong mapuyat dahil may pasok nanaman daw siya nang maaga. Sumang-ayon naman si Yen. Nag goodbye kiss ito sabay inabot nanaman ang papel. Nakatiklop ito na parang sulat.
" sa loob mo na buksan." sabi nito.
Muli itong humalik at tumalikod para kuhanin ang nakaparadang motor. Bago nito isuot ang helmet ay inaya siya nitong lumapit. Paglapit niya ay niyakap si nito at hinalikan.
" miss kita."
" matulog ka nang maaga." sabi nito.
At tuluyan na nga itong umalis.
Kalahating oras pagka-alis nito ay muli itong nagtext sa kanya.
[ nakauwi na ko baby.]
[ ok pahinga ka na.]
[ ikaw din. sana nandito ka.]
Bahagya nanaman siyang kinilig.
[ haha sabi ko sayo pakasalan mo muna ako.]
[ gusto mo? ]
[ oo naman hahaha ]
[ magsama na tayo. ]
Kung tutuusin desisyon lang naman ni Yen ang kulang. Pwede naman na kase siyang sumama kay Jason. Nasa edad na din naman siya at malaya na siyang mag desisyon para sa sarili niya.
Pero hindi siya pabor na magsama na sila. Sa tingin ni Yen ay masyado pang maaga para doon. At kasal muna syempre bago sila magsama. Kahit pa may nangyari na sa kanila.
Hindi na siya nakasagot sa huling message nito. Hinayaan nalang niya iyong ganon.
Binuksan niya ang papel na binigay nito at katulad ng dati, allowance daw iyon.
[ thank you. sa unang sweldo ko lilibre kita.] text niya kay Jason.
[ ahaha! welcome basta ikaw.]
[ pahinga ka na.]
[ ok po i love you goodnight ]
WALANG I LOVE YOU TOO.
Ilang araw ang lumipas ay naging abala na nga si Yen sa kanyang trabaho. Hindi na niya pansin ang madalang na pagtitext ni Jason dahil pareho naman nga silang pagod. Pero kahit madalang ay hindi pa rin lumilipas ang araw na hindi sila nag a-update sa isa't isa.Ok na iyon sa kanya.
Subalit pagkalipas ng ilan pang mga araw ay lalong dumalang ang kumunikasyon nila. Tatlong araw, o isang linggo bago siya makatanggap ng balita mula dito. Hanggang sa napansin niya na parang wala rin itong interes.
Malapit na silang mag isang taong magnobyo. Subalit hindi na yata ito aabot doon.
Oras ng break time. Nag check si Yen ng cellphone niya kung meron bang messages. Nadismaya siya.
[ hi baby.] text ni Yen dito.
[ ui...kumusta? ]
Nangunot ang noo ni Yen iba ang kanyang pakiramdam. Parang pakiramdam niya ay hindi niya kilala ang katext niya. Parang ibang tao ito. Pakiramdam niya ay parang may mali. May mali talaga.
Ramdam ni Yen na hindi maganda ang susunod na mangyayari. Inaasahan na niya iyon. Lalo pa at naibigay na niya ang sarili niya dito. Siguro ay yon lang naman ang kailangan nito. Siguro ay napagpustahan siya nila Jonathan. Naloko nanaman siguro siya. Anu pa ba ang aasahan niya. Naisip niya naman na ito sa umpisa palang. Inasahan niya na mangyayari ito. Bonus nga at tumagal ito nang halos kalahating taon. Totoong masasaktan siya. Pero inisip nito na ok lang kung doon siya sasaya. Isa pa, thankful siya dito. Dahil kay Jason niya naranasan magmahal, mahalin at masaktan.
Minahal siya ni Jason. Ramdam niya iyon. Pero sa kanyang palagay ay hindi niya kayang burahin ang pagmamahal nito kay Trixie. Kalahating taon laban sa tatlong taong relasyon ni Jason at Trixie? Hindi yon sapat para mabura niya si Trixie... Hindi niya yon kayang palitan. Dahil una sa lahat ay magkaibang tao sila. At hindi niya gusto na mamuhay sa anino ng iba. Kung hindi siya kayang mahalin ni Jason bilang siya, mas mabuti nalang na maghiwalay na nga sila.
Ano ba itong kanyang naiisip? Hindi naman siya sigurado na may kinalaman nga ito kay Trixie? Napaka advance niya naman mag isip.