Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito.
Sa mundo ay maraming choices.
Iba-iba...
Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino.
Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo.
Subalit mapanlinlang ang mundo.
Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba?
Pero iba ang sitwasyon ni Yen.
Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin.
Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan?
Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba?
Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang?
Rebound.
Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?
Sana nga ay totoong minahal siya ni Jason.
Sana nga ay totoo ang mga I love you nito.
Sana nga ay talagang para sa kanya ang lahat ng effort. Pero sa lahat nang naganap, sa dulo ng kwento, nagamit lang siya.
Taga aliw ng pusong bigo.
Pictures... Tag photo sa FB para makita ng babae?
Naalala ni Yen na si Jason mismo ang nagrequest na mag selfie sila. At iupload ito sa FB at tag siya dahil gagawin niya daw cover at tumalima naman siya.
Make up,braces, at contact lens? para maging katulad siya ng babae?
Minsan ay tinanong nito kung bakit hindi siya nag mi-make up, braces at contact lens... tapos nong nakita niya ang picture ni trixie, meron ito lahat noon.
Moon.
Minsan ay hinahaplos nito ang mukha ni Yen. Sabay sabi hindi daw mahaba ang baba niya. May iba daw kase parang halfmoon ang muka. Medyo pahaba ang mukha ni Trixie. Yes, ma''baba'' ito. Samantalang si Yen ay maliit at bilog.
Isa-isa nang nakita ni Yen ang lahat.
,
T.T
Mali bang magmahal? mali bang umasang mahalin?
Mali nanaman ba siya ng piniling tao? Kung mali ulit, ayaw na niya umulit.
King hindi si Jason, hindi nalang siya magmamahal ulit.
T.T
Kasama ni Yen ang mga bagong tropa sa Bar. Day off nila kinabukasan kaya nagkayayaan gumala at magsaya. Sumama naman si Yen. Para lang mag emote.
Hinayaan lang siya ng kanyang mga tropa. Alam ng mga ito kung ano ang pinagdadaanan niya.
Mag isa si Yen sa sulok.
Kaya naman nilapitan siya ni Cholo.
Inalo siya nito at inaya na maki join nalang sa tropa sa dance floor para di siya mabagot.
" ok lang ako kuya." sabi niya kay cholo.
Nagkibit balikat ang huli at naiwan nga siyang mag isa sa table.
Maya-maya ay pumainlanlang ang isang pamilyar na tugtog.
Sinabayan ito ni Yen. Habang lumuluha???
REBOUND
Silent Sanctuary
Oh, kay bilis naman
Magsawa ng puso mo
Gan'yan ka ba talaga?
Bigla na lang naglalaho
Para bang walang nangyari
'Di mo man lang sinabi
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko
Nakakainis talaga
Nagmuhkha tuloy akong tanga
Pinaasa mo kasi
Puso ko ngayon, tuloy lumuluha
Dahil iniwan mo 'kong mag-isa
Limang araw lang ay babay na
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko
Rebound mo lang pala ako
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita
Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok
Hindi ko pa yata kaya pang
Labanan ang damdamin ko
Sana'y hindi na lang pinilit pa
Wala ring patutunguhan
Kahit sabihin ko pang
Mahal kita
Masarap talaga kumanta pag bigo. Natawa naman si Yen sa sarili. Masarap tumugtog pag malungkot. Nakakabawas ng sakit. Kaya nga siguro halos karamihan ng kanya ay pang broken hearted. Dahil siguro ay ginawa ito ng mga manunulat noong sila ay bigo.
Paano yong I love you?
Yung mga yakap at halik?
Yung nangyari sa kanila??
Si Yen kaya ang nasa isip ni Jason nung mga panahong iyon o Trixie??
" Pag uwi ko, magsusulat din ako ng kanta." sabi ni Yen sa sarili niya.
T.T
Wala na..
wala na talagang pag asa.
T.T
Tinungga ni Yen ang isang bote ng redhorse.
Ininom niya ito na parang tubig lang.
" Bakit ba masarap ang alak pag bigo? " sabi niya ulit sa sarili.
Lasing na si Yen. Marami na siyang nainom.. Nagkusa na siyang umayaw baka hindi na siya makauwi. Kailangan niya nang mag umpisa magpababa ng tama. Hindi siya pwedeng umuwi sa bahay ng tiya niya na ganoon ang itsura.
" Yen, may tumatawag sayo." wika ni Jane na nasa tabi niya lang.
Naisip ni Yen na baka tiyohin niya yon kaya dali dali niyang sinagot.
" hello." kahit pilit niyang ayusin ang salita ay talagang bangenge na siya.
" lasing ka?" konti lang po. Nagkayayaan lang kame dito sa bar. Uuwi na din ako maya-maya... no worries.
Si Yen at ang tiyo niya ay close. Hindi lingid sa kaalaman nito na broken hearted siya.
" saang bar ba yan?" kumunot ang noo ni Yen dahil parang kaboses ni Jason ang kausap. Nagkibit balikat siya. Lasing na nga siya. Naghahalucinate na siya.
Gayunpaman ay pinilit niyang sumagot ng maayos nung nalaman nito ang lokasyon niya ay nagpaalam na din ito.
Muli pa siyang tumungga ng isa pang bote. Wala nang kalasa lasa ang alak. Manhid na din ang kanyang mga labi.
Maya-maya ay tinawag si Yen ng attendant.
Mam andiyan na po yong sundo niyo.
Dali-dali ay kunwaring inayos ni Yen ang sarili. Ngunit kahit anong ayos niya ay talagang bangenge na siya.
Inalalayan siya ni Jane makalabas ng bar at pagdating doon ay bunuhat siya ni Jason.
Nakita niya si Jason. Binuhat siya at isinakay sa kotse nito.
Malinaw amg kanyang paningin alam niya na si Jason ang nakita niya. gayunpaman, inakala niya pa rin na naghahalucinate na siya sa sobrang kalasingan.