Chereads / I am a Rebound / Chapter 15 - Last Day

Chapter 15 - Last Day

Buong linggo na ganoon ang ginagawa ni Jason. Wala silang panahon para magkasama tuwing gabi dahil pag uwi ni Yen ay siya namang oras ng pagpasok ni Jason sa trabaho. Kaya naman sa umaga ay dumadaan ito sa kanya para ihatid siya nito.

Pagkalipas ng isang linggo ay ganun pa din ang schedule ni Jason. At dahil napagdesisyunan na ng management nila ang kaso niya natuloy nga ang pagtanggal sa kanya sa trabaho.Lulugo-lugo si Jason nung tumawag ito sa kanya. Muli naman itong pina-alalahanan ni Yen na wag mawawalan ng Pag asa.

Alas onse ng gabi at inihanda na ni Yen ang kanyang higaan. Handa na siyang matulog nang biglang nakatanggap nanaman siya ng tawag.

Si Jason.

" hello baby." si Yen

" andito ako sa labas. baba ka muna sandali. ok lang ba?"

Nangunot ang noo ni Yen pero tumalima naman siya. Kinuha niya ang coin purse at susi na ibinigay sa kanya ni Cath. Nagpaalam siya sa mga kasama at full support namam amg mga ito. Nagbilin pa si Thalia na tumawag nalang siya kapag papasok na siya. Tumango si Yen at kahit suot ang pantulog ay bumaba siya at lumabas.

" anong nangyari diba nasa trabaho ka?" bungad ni Yen dito.

Lumapit ito sa kanya at yumakap. Mahigpit. Matagal. Hinaplos naman ni Yen ang likod nito at maya maya pa kumalas din ito sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang mukha siniil siya nito ng halik. Matagal...marubdob... nang kinapos ito ng paghinga ay saka lang ito muling napuknat at muli siya nitong niyakap.

" ilang araw nalang ang itatagal ko doon. Hindi matatapos ang linggong ito, wala na akong trabaho."

" anu ka ba? kung makapag react ka akala mo katapusan na ng mundo. huy hindi ka naman lumpo. Marami kang pwedeng gawin. Wag kang bitter."

" first job ko kase yon. saka masaya ako doon." parang batang sabi nito.

" hindi lahat ng first nagiging forever. Unforgettable oo kase una mo. Pero hindi ibig sabihin non na yon na yun. Doon ka nalang. Marami ang pwedeng magyari sa loob lamang ng isang araw. "

" anu daw?"

" kako tumigil ka na kaka emote. tapusin mo yung kailangan mong tapusin doon at mag move on ka na."

" pero baka hindi na tayo araw araw magkita." wika nito.

Nalungkot naman si Yen sa tinuran nito.

" ok lang yan, basta pag nakahanap ka ng iba, wag mo akong pamumukaing tanga. pag ayaw mo na, magsabi ka."

" uuwi ka naman na sa probinsiya diba?"

" makikipag break ka na ba?"

" hindi. tinatanong ko lang kung uuwi ka na ng probinsiya."

Niyakap nanaman siya nito. Madilim na doon at wala nang katao tao. Tanging silang dalawa na lamang ang gising.

Naikwento ni Yen ang kanyang mga plano at sumang ayon naman ito. Sabi nito ay kung sakali man na magkaroon siya ulit ng trabaho ay pwede pa naman daw silang magkita. At tuwinang rest day nito ay pupuntahan pa din daw siya nito. Nga lang ay hindi na araw araw. :(

Naisip ni Yen ang kanilang sitwasyon. Tingin niya ay wala namang problema.

Kung talagang mahal nila ang isa't isa ay magagawan at magagawan naman ng paraan para magkita sila. Kung sila ang para sa isa't isa, kahit na magkahiwalay sila, magtatagpo at magtatagpo sila. Kung hanggang saan ang dulo ng kwento nila, eh di yun na.

Ayaw na ni Yen mag alala pa. Ayaw na niya mangamba na maiwan. Dahil sa ayaw at gusto niya pag nagdesisyon si Jason na iwan siya, wala naman siyang magagawa.

Hindi na siya takot masaktan.

Hindi na siya takot umiyak.

Dahil naunawaan na niya na ang sakit ay parte ng pagkatuto. At ang pagbangon ay panibagong hamon sa buhay mo. Pag naranasan mong masaktan ok lang. Ibig sabihin ay nagmahal ka lang. Katulad ng sugat. Sa una ay masakit, mahapdi... pero habang tumatagal ay humihilom din. May naiiwang peklat oo. Pero iyon ay bahagi na lamang ng ala-ala mo. At sa araw ng pagtanda mo, ay tatawanan mo na lamang ang lahat ng katangahan mo.

Madaling araw na nang magpaala si Jason. Nag sorry ito kay Yen dahil wala na siyang naitulog. Panay ang pasasalamat nito sa kanya sa pagpapagaan ng kanyang loob. Ngayong araw daw ang last day ni Jason. Pagkatapos niyon ay hindi niya alam kung kelan daw sila magkikita ulit. Pero sabi nito ay tatawag pa din siya at magti-text.

Pumasok si Yen sa trabaho nang lutang. Walang tulog. Hirap na hirap sa maghapon dahil sa antok. Kamuntik pa nga siyang masubsob sa makina sa sobrang antok. Tinatawanan nga siya ng kanyang boss. Gayunpaman ay naisurvive niya ang maghapon.

Pag uwi niya ay agad hinanap ng kanyang katawan ang kanyang higaan. Nakaidlip siya at gabing gabi na nong siya ay magising. Sarado na ang karinderya ni Madam Lucille. Wala pa siyang kain. Gutom siya kaya naman nagpaalam siya sa mga kasama na maghahanap lang ng kakainin. Saktong paglabas niya ng pintuan ay muntik pa siya mapasigaw nang makita sa Jason na nakatayo nanaman sa harap ng pintuan nila.

" magtitext palang sana ako ee." wika nito.

Inaya niya itong lumabas para maghanap ng makakainan. May inayos lang daw ito sa company at nung napirmahan daw ang kanyang mga papel ay dumirecho na siya kay Yen. Hindi na daw nito nagawang magtext. Nagbabaka-sakali nalang daw ito na baka gising pa Yen. At sakto naman daw lumabas ito.

Sigurado si Yen na aabutin nanaman ito ng madaling araw. Mabuti na lamang at walang pasok si Yen kinabukasan. Ngayon daw ay last day na ni Jason sa company. At susulitin niya daw ang gabi na kasama si Yen.

Kumain sila sa labas. Nasa city ang lokasyon ng boarding house ni Yen kaya kahit gabi na ay buhay na buhay pa rin. Maraming 24 hrs. na fastfood chain doon kaya may nakainan pa din sila kahit na dis-oras na ng gabi.

Magkasama sila buong magdamag.

Inubos nila ang oras nila sa kwentuhan at lambingan. Anupa't hindi binibitawan ni Jason ang kanyang kamay. Tila ba iyon na din ang huling araw na magkakasama sila. At sa inaasal ni Jason ay parang matagal niya ito muling makikita.

Walang ipinangako si Jason na kahit ano man. Nilinaw lang nito na hindi na siya makakapunta kay Yen araw araw. Nag open up ito na baka pwedeng si Yen naman ang bumisita sa kanya. Tinawanan naman ito ni Yen pero bakit naman hindi?

" hayaan mo at ako naman ang dadalaw saiyo." wika ni Yen dito.

Ngumiti ito at humalik sa kanyang noo.

Ilang oras pa silang nagkwentuhan. Pinag usapan ang plano at pangarap ng bawat isa. Napag usapan din nila kung sakali na hindi na sila magkita. Tila kahit hindi man nila direktang sinasabi ay nakahanda na sila sa kung anu man ang itinadhanang mangyari sa relasyon nila. Walang pangako. Walang assurance. Ang tanging naroon lamang ay ang pagmamahal nila sa isa't isa. Masaya silang magkasama.

" nagkita na kaya tayo dati? " tanong ni Yen. Dahil habang pinagmamasdan nito si Jason ay talagang parang nakita na niya ito kung saan.

" hindi. Ngayon nga lang kita nakita ee " sagot nito.

" baka soulmate tayo." wika ni Yen.

At nagtawanan sila.

Ihinilig ni Yen ang kanyang ulo sa balikat ni Jason. Pinanood nalang nila ang mga bituin. Malinaw ang kalangitan at payapa ang gabi. Sandali silang natahimik.

Inabot nanaman sila ng madaling araw sa labas. Hinahayaan ni Yen na sa labas lamang sila tumatambay. Magkwentuhan at magyakapan. Mas mabuti ang gayon para hindi sila magkaroon ng pagkakataon na lumagpas sa limitasyon. Nag iingat lamang si Yen. Kahit mahal niya ito ay hindi niya gustong gumawa ng mga bagay na baka pagsisihan niya lamang sa huli. Oo... conservative si Yen. Hindi lang halata pero talagang maingat ito sa sarili. Ngunit hanggang kailan niya nga ba kayang ingatan ito??