At lumipas nga ang buong araw na magkasama sina Jason at Yen sa iisang bubong. Nangyari na ang nangyari at walang pinagsisisihan si Yen doon. Lalo lamang yumabong ang pagmamahal niya kay Jason at parang malungkot na siyang mawalay pa dito.
Gayunpaman ay kailangan pa rin nilang harapin ang katotohanan at realidad ng buhay. Kung ano ang mga susunod na mangyayari ay hindi niya alam. Nakuha na ni Jason ang iniingatang niyang dignidad. At wala na siyang magagawa para muling mabawi iyon.
Masaya ang kanilang paghihiwalay. Sa daan pauwi mula sa tirahan nito ay narealize ni Yen ang layo ng daang binabaybay nito para mapuntahan lang siya araw araw. Kung effort lang naman din ang pagbabatayan, ay sapat nang effort yon. Ang tanga naman ni Trixie at pinagpalit ito. Pero nagpapasalamat siya kay Trixie dahil kung hindi iyon nangyari ay wala sana siyang Jason ngayon. Hinatid siya nito sa kanyang tinutuluyan at hindi rin nagtagal. Papasok daw ito sa trabaho kinagabihan at dadalaw na lamang sa susunod na rest day nito.
Ilang araw ang lumipas. Ilang kompanya na ang nabisita ni Yen para maghanap ng mapapasukan. Ngunit sa kasamaang palad ay walang tumanggap sa kanya sa kadahilanang graduating student siya at over qualified.
Malungkot si Yen sa mga nagdaang araw. Ang dating madalas na pagtitext nila ni Jason ay dumalang dahil sa schedule nito sa trabaho. Tuwing umaga lang niya ito nakakausap at saglit lang iyon dahil kailangan nito magpahinga dahil may trabaho ito ulit kinagabihan.
Samu't saring isipin ang naglalaro sa kanyang isipan. Baka dahil may nangyari na sa kanila ni Jason kaya unti-unti ay nawalan na ito ng interes. Pero pilit niya pa rin kinukumbinsi ang sarili na hindi ito ganoon.
Sabado ng umaga. Abala si Yen sa hugasin ni Madam Lucille wala siyang lakad kaya naman tumulong na lamang siya sa karinderya. Ang kapalit niyon ay libreng pagkain buong araw. Nakiusap siya kay Madam Lucille na huwag muna siyang singilin ng renta. Nangako siya na babayaran ito oras na magkatrabaho siya. Tumango naman ito at nakatawang nagbiro na malawak naman daw ang kanyang listahan.
Unti-unting naubos ang naipon ni Yen. Hindi na rin siya nakakapagpadala sa probinsiya. Dalawang buwan na ang lumipas at magpapasko na. Naisip ni Yen na baka wala na ngang saysay kung mananatili pa siya. Kahit si Jason ay hindi na bumibisita.
Dala ang kanyang gitara ay pumwesto si Yen sa paborito niyang pwesto sa karinderya ni Madam Lucille. Tanghaling tapat yon. Walang mga tao dahil nasa trabaho. Ang tanging nandoon lamang ay si Yen at si Madam Lucille na abala naman sa pagluluto.
Tumipa si Yen ng tugtugin...
PARTING TIME
I remember the days
When you're here with me
Those laughters and tears we shared for years, hmm
Memories that we had
For so long it's me and you
Now you're gone away, you left me all alone
Damang dama ni Yen ang lungkot. Tatlong araw ang lumipas na kahit text ay wala na siyang natanggap mula kay Jason.
Go on, do what you want
But please, don't leave me
You'll break my heart
Hey, what should I do?
Babe, I'm missing you
Please, don't disappear
These are the words that you should hear
Time and time again, I wish that you were here
Sobrang miss niya na ito. Gustuhin niya man itong puntahan pero hindi niya alam kung aabutan niya ba ito sa bahay niya. Ano na kayang nangyari don? tanong niya sa isip.
I don't wanna lose you, boy
I need you back to me
I don't wanna lose you
Baby, can't you see
Oh, I need you
You've been a part of me
I wish someday, you'll be back home
'Cause I really miss you
Darling, please come home
I wish someday, you'll be back home
'Cause I really miss you
Darling, please come home
Pinigil ni Yen ang luhang nagbabadyang pumatak. Baka makita ito ni Madam Lucille.
" ang lungkot naman ng kanta mo Yen." maya-maya'y wika ni Madam.
" oo nga mother. siguro ay bigo sa pag ibig ang sumulat non." sabi naman ni Yen.
" aba eh nasaan pala si Jason at hindi ko nakikita?"
" busy mother. Bago na kase trabaho non kaya bihira na kame magkita."
" ah kaya."
" gipit na ako mother. Baka umuwi nalang ako sa amin. "
" wag ka na munang umuwi. Sadyang mahirap maghanap ng trabaho pag december."
Tumahimik si Yen.
Lumipas ang maghapon na para siyang lutang. Inubos niya ang oras sa higaan. Gulong gulo ang kanyang isipan. Hindi kaya iyon na ang huli nilang pagkikita? Hindi kaya yon lang talaga ang kailangan nito sa kanya?
Naalala ni Yen ang kanyang cellphone hinagilap niya ito.
2 messages received
Jason
5:30pm
[ hi baby.]
[ sorry, nabusy ako. kumusta ka na? ]
Bigla ay sumigla si Yen at agad agad ay sumagot ito.
[ miss kita. kelan kita ulit makikita?]
[ hindi ko pa alam. panay kase ang ulan. pasensiya ka na naging busy kase ako nitong mga nagdaang araw.]
Nalungkot nanaman si Yen.
[ magpapadala ako ng pera sayo. Para may allowance ka. Baka di ka na kumakain ng maayos.]
[ mamaya abangan mo, send ko sayo reference.]
Nangunot naman ang kanyang noo. May ganoon ba dapat? Nakakahiya. Pero kailangan niya ng pera. Di naman siguro masama kung tatanggapin niya. Nagtatalo ang kanyang isipan nang biglang may kumatok sa kwarto. Katulong nanaman ni Madam.
" ate, nasa baba po yung boyfriend mo si Kuya Jason."
Biglang naramdaman ni Yen ang pamilyar nang kabog sa kanyang dibdib. Ang dami talagang alam nito lagi nalang siya sinusorpresa.
Hinanap niya ang suklay at sinipat ang itsura sa salamin. Pagkatapos ay lumabas ng silid at lumabas.
Nakita niya itong nagparada ng kanyang motor tapos ay nakangiting lumapit sa kanya. Pasimple siya nitong hinalikan.
" kumain ka na?"
Umiling siya.
" maligo ka na at magbihis. Gagala tayo. :)"
Agad naman tumalima si Yen. Lumabas nga sila at dinala siya nito sa mall para kumain at manood ng sine.
Inabot na sila ng gabi.
Pagkatapos nila manood ng sine ay muling nag aya si Jason kumain.
" kain tayo ulit. Kumain ka ng marami. Namamayat ka na ee."
Tumawa naman siya ng mahina.
Sinuotan siya nito ng helmet at pinasampa na sa motor. Muli ay humawak nanaman siya balikat nito ngunit sinaway siya nito at hindi daw ganon ang tamang kapit. Pinayakap siya nito sa kanyang likuran.
" yan...ganyan dapat. higpitan mo pa."
Natawa naman si Yen dito.
Niyakap niya ito at ipinatong ang mukha niya sa balikat nito. Habang tumatakbo ay bumulong siya dito.
" hindi mo ba ako nami-miss?"
" kaya nga nandito ako diba?"
Lihim nanaman siyang kinilig.
Ilang sandali pa ay narating nila ang Tagaytay?
" Sabi mo sa akin ay hindi ka pa nakakarating ng tagaytay. Kaya dinala kita dito ngayon."
Huminto ito sa isang kainan at matapos nitong iparada ang motor nito ay humawak ito sa kamay ni Yen at iginiya siya nito papasok doon.
Ang ganda ng lugar na iyon. Akmang akma sa mga magsing-irog. May mga musikerong tumutugtog ng ng love songs. Pinili nito ang pwesto malapit sa may bintana kung saan ay maganda daw ang tanawin at nakikita ang taal. Sa kasamaang palad ay hindi na ito nakita ni Yen. Dahil gabi na at madili.
" Hindi mo na makikita ng malinaw dahil gabi na." sabi nito.
" Kumain ka na, damihan mo."
Saglit silang nagkwentuhan. Masaya daw ito sa bagong trabaho nito. Sabi nito ay tama daw ang sinabi niya, pag may pintong nagsara, ay may bagong magbubukas sa kanya. At hindi lang daw pinto ang nagbukas para sa kanya. Gate daw. Masayang masaya itong ikwenento ang mga unang araw niya doon.Marami daw babae doon sabi nito pero wala daw itong pinapansin kahit sino sa kanila.
Natuwa naman si Yen. Kahit papano ay nakikita niya itong masaya.
Ilang sandali pa ang lumilas ay nagpasya na silang umuwi.
Muli siyang hinatid ni Jason sa kanyang tinutuluyan at agad na ding nagpaalam. Bago ito umalis ay may inabog itong kaperasong papel. Humalik ito sa kanya at nagpaalam nang umalis.
Pag akyat niya sa kwarto ay binuksan niya ang papel.
Nakabalot pala ito sa pera. At may maiksing note.
"allowance mo.
support muna kita habang wala ka pang trabaho."
Kumislap naman ang kanyang mata at agad itong tinext.
[ thank you. ingat sa pag uwi i love you. ]
Hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil alam niya na nasa kasalukuyang nasa byahe ito.