Mabilis na lumipas ang mga araw. Malapit na din ang last day ni Yen sa kumpanyang pinapasukan. Gayunpaman ang inaasahan niyang hindi pagdalaw ni Jason sa kanya ay hindi naman nangyari. Dahil ilang araw lang matapos ang last day nito ay nakakuha agad ito ng bagong trabaho malapit sa tinutuluyan ni Yen. Ang sabi nito ay kinuha niya ang trabahong yon dahil kay Yen. Para daw madadalaw niya pa rin Yen araw-araw.
Kaya naman araw-araw pa rin silang nagkikita ni Yen. Pagkalabas nito sa trabaho ay doon ito didirecho sa tinutuluyan niya at sabay silang naghahapunan. Hindi na nga lang ito nagtatagal doon katulad ng dati dahil maaga pa itong pumapasok sa trabaho.
" napapagod ako nang husto sa trabaho ko mahal" sabi nito.
Mahal??
Ngayon niya lamang ito narinig at siya naman ay medyo kinilig. Teka, parang mas ok ito pakinggan kesa baby no?
" bakit?" tanong ni Yen.
" mabigat ang trabaho doon. At napaka layo."
" anong plano mo?" tanong ni Yen.
" kinuha ko kase yon dahil ikaw ang iniisip ko. Gusto ko. Para mapuntahan pa rin kita."
" kung pagod ka na pwede ka naman nang dumirecho ng uwi para makapagpahinga." wika ni Yen habang naghahanda ng pagkain nila.
Syempre yung pagkaing hinahanda niya ay galing sa karinderya ni Madam. Kung sana ay may sarili siyang bahay sana ay naipagluluto niya ito. Naisip ni Yen ang magiging buhay niya kapag totoong mag asawa na sila. Siguro ay hindi siya mapapagod maghanda ng hapunan para dito. Ang sarap siguro nong darating ito mula sa kanyang trabaho at yayakapin siya at hahalikan. Malaya silang maglambingan....Kahit kelan nila gusto. Natawa si Yen sa isiping ito.
" balak ko sana maghanap ng ibang trabaho mahal." inulit nanaman ni Jason ang "mahal" habang nag uumpisa nang kumain.
" ikaw bahala. Kung saan ka komportable doon ka." wika ni Yen.
" eh baka pag ganon ay hindi na nga tayo magkikita." sagot ni Jason.
" ok lang yon. eh di pag wala kang pasok saka tayo magkita."
Hindi na ito sumagot.
Ilang araw ang lumipas at nag text ito sa kay Yen na may bago na siyang trabaho. Malayo din ito pero may shuttle service daw siya at totoong tuwing restday nalang sila nagkikita. Ok lang naman ito kay Yen.
Tuloy pa rin ang araw-araw na kumustahan at balitaan ng dalawa sa text. Kahit hindi sila nagkikita ay hindi pa rin lumilipas ang araw na hindi sila nagkakausap.
Nagpatuloy ang gayon hanggang sa dumating ang huling araw ni Yen sa kumpanyang pinapasukan. Bago ang araw na iyon ay napag usapan na nila ni Jason na sa last day niya ay sa bahay nila Jason siya didirecho para maipakilala nito sa kanyang magulang.
Bago siya pumasok ay niremind siya ni Jason na sa bahay nila siya uuwi ngayon. Sumang ayon naman si Yen at pagkatapos nga trabaho ay sa bahay nila Jason siya dumirecho. Sinundo naman siya nito sa babaan gamit ang motor nito.
Medyo may kalayuan nga ang lugar nila Jason. Hindi din biro ang binabaybay nitong daan araw-araw para siya mapuntahan. Madilim at parang liblib ang daan patungo sa kanila. Para itong isang probinsiya na malayo sa sibilisasyon. Ganoon siguro pag pribado ang lugar. Tahimik at halos puro puno lang ang nadadaanan.
Mga sampung minuto din ang itinakbo nila galing doon sa binabaan ni Yen bago ito huminto sa tapat ng isang malaking bahay.
" andito na tayo."
" ito yung bahay niyo? " tanong ni Yen.
"hmmm"
Binuksan nito ang gate ng malaking bahay.
Malawak ito. May malaking garahe at may nakagarahe ditong apat na sasakyan. Wala siyang alam sa sasakyan kaya hindi niya alam kung anu-ano iyon. Ilang motor din ang nakapark doon. Alam niya lang ay sasakyan yon
" hello" isang babaeng siguro ay nasa early 40 ang edad, ang sumalubong sa kanila. Ngumiti si Yen.
" mama ko baby." sabi ni Jason.
" good evening po." bati niya dito. Nag aalangan siya kung magmamano ba o hindi. Pero nagmano pa rin siya dito.
Pinatuloy siya nito at tumambad ang isang malawak na sala. Hinawakan ni Jason ang kamay niya at iginiya siya nito para umupo sa sofa. May isang batang siguro ay nasa pitong taong gulang ang naglalaro sa sala. Tiningnan siya nito at nginitian niya naman.
" hello" bati nito sa kanya habang hawak ang maliit na auto na nilalaro nito.
Ilang sandali pa ay may lalaking bumaba sa hagdanan.
" pa! " tawag ni Jason dito.
" ito po si Yen." wika ni Jason sa ama.
Bahagya siya nitong tiningnan. Seryoso ang mukha nito. Gayunpaman ay magalang itong binati ni Yen.
" Yen, kumain ka lang diyan ha? hindi ka na namin nahintay. Ok lang ba? mauuna na ako at nais ko na sanang magpahinga." wika nito.
" Son, ikaw na bahala diyan." sabi nito.
Naiwan ang nanay ni Jason na nag iistima sa kanila. Maya-maya ay may isa pang lalaking pumasok. Kahawig ito ni Jason kaya nahulaan ni Yen na kapatid ito ng nobyo.
" Bro." tawag nito.
" ay may bisita ka pala" sabi nito.
" Kapatid ko yan. Kuya ko. Si Joseph." pakilala ni Jason sa kanyang kapatid.
" si Yen bro. Girlfriend ko." sabi ni Jason dito.
Biglang nagreact ang batang naglalaro.
" whaaaat? girlfriend mo siya kuya??? eh diba ang girlfriend mo si ate Trixie?" Medyo high pitch ito at tila hindi ito na makapaniwala na iba ang kasama ng kuya niya.
Nagpalitan ng tingin sina Jason, ang nanay nito at ang Kuya ni Jason. Bakas ang pagkabigla sa mga mukha nito at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Sa wari ni Yen ay nag alala ang mga ito sa kaniyang magiging reaksiyon. O baka guni guni niya lang yon.
" ayaw mo ba kay ate Yen?" tanong ni Jason dito.
" ayaw ko. gusto ko si ate Trixie" tumawa nalang si Jason at bumaling sa kanya.
" close sila ni Trixie." sabi ni Jason sa kanya.
Tumango lang si Yen.
Tila may handaan sila. Ilang putahe ang nakalatag sa lamesa. May adobo, may menudo, may bulalo. Hindi naman magkamayaw si Jason ng kakalagay ng pagkain sa plato niya.
" MENUDO?" patanong na wika ni Yen.
" ayaw mo ba? specialty ng papa ko yan. adobo at menudo. gusto mo ba ng bulalo? " natawa naman si Yen dito.
Ilang oras din sila nagkwentuhan. Makwento ang kapatid ni Jason. Hindi din ito nauubusan ng kwento. Kung si Jason ay madaldal nong una niyang nakilala, mas doble ang daldal ng kapatid niya.
May kaya pala ang pamilya ni Jason.
Hindi iyon alam ni Yen. Walang bakas na ganoon si Jason. Napakasimple nito at iisipin mo na galing lang din ito sa simpleng pamilya na katulad ni Yen. Marami pa pala siyang hindi alam tungkol dito.
" gabi na iha, wag ka nang umuwi at maulan. Mahirap na din sumakay ngayon pag ganitong oras." wika ng nanay ni Yen.
" yes ma, sa bahay na po yan matutulog." hindi na nakasagot si Yen sa tinuran ni Jason.
Tumango naman ang babae.
" aakyat na ko, uuna na ako sa inyo.Lock niyo ang pinto at gate paglabas niyo anak." bilin pa nito.
Ang plano ni Yen ay umuwi pagkatapos. Pero hindi pala siya makakauwi dahil wala nang sasakyan? di din siya mahahatid ni Jason dahil maulan. Simula yata dumating siya ay hindi na din tumila ang ulan.