"You are thirty seconds late." isang nakakikilabot na tingin ang ipinukol ni Yvette sa isang flight attendant na kabago-bago pa lang ay binibigyan na kaagad siya ng sakit ng ulo.
"Sorry, chief." nakayukong sagot ng flight attendant na hindi makatingin nang tuwid sa kanya. Agad itong humilera sa mga kasamahan pa niyang flight attendant para sa inspection. Kung tutuusin ay an hour early before boarding pa siya dumating and forty-five minutes before the flight pa sila kailangan sa plane but the chief purser wants them to be there an hour sharp before boarding.
"Kung hindi mo kayang gawin ang trabaho mo then you better resigned." there she goes again. Telling her favorite and never ending line. Kung mahina ang loob mo ay talo ka. Gaano na nga ba katagal mula nang unang sinabi niya sa isang flight attendant ang linyang 'yan? Hindi na niya maalala at hindi na niya mabilang pa kung makailang beses na ba niyang ginamit ang mga salitang 'yan.
But that flight attendant is now her purser. That lines helped her a lot to grow and be responsible. Not unless they take it negatively and not as an inspiration or lesson to be learned then it will put them down or lower their self-esteem.
Walang nagtangkang umimik sa kanila. Pag umimik ka ay patay ka.
Sinipat niyang isa-isa ang bawat cabin crew at siniguradong walang problema sa uniform nila. Malinis ang mga kuko. Nakaayos ang mga buhok at hindi masagwa ang mga make up. Tiningnan niya ang mga ito mula ulo hanggang sapatos. Nang wala naman siyang nakitang hindi naaayon sa ibinilin niya ay sumenyas na siyang maghanda ang mga ito. They positioned themselves sa kani-kanilang assigned tasks.
Nang maayos na ang lahat at siguradong nakasakay na ang lahat ng pasahero ay naghintay na sila nang announcement ng captain for take-off. Isang business class flight ang hawak nila kaya hindi sila puwedeng magkamali dahil lahat ng nakasakay sa flight na 'yon ay mga matataas na tao at masasabing hindi basta-basta.
"Good Morning! Ladies and Gentlemen. Welcome onboard to this Flight DD1986 to Japan. My name is Yvette Montero and I'm Your Cabin Service Director. Your cabin crew is here to ensure you have an enjoyable flight to Japan this morning." sabi ni Yvette. Nang mag-take off na ang plane ay nagsimula na sila sa kani-kanilang tasks.
"Sir, here's the wine that you have requested." sabi ni Sheila sa isang may edad ng businessman. Tantiya niya ay senior citizen na ito.
"Grabe ang tanda na niya pero business pa rin ang inaatupag niya." bulong niya sa sarili. Agad namang itinaas ng lalaki ang kanyang mukha sa crew para sana abutin ang wine glass. Ngunit tila na-magnet ang mga mata nito sa postura ng crew. Maliban sa manipis na lipstick ni Sheila ay hindi na siya kakikitaan ng iba pang make up.
Maayos ang hubog ng kilay nito na hindi na kailangan pa ng eyebrow liners at talaga namang may kurba ang katawan nito dahil kahit paano ay alaga niya ang katawan sa gym. Hindi rin naman siya mahilig sa karne kumbaga vegetarian siya kaya nami-maintain niya ang kurba ng katawan niya. Pero tulad nga ng ibang tao ay hindi siya perpekto. Hindi na naalis ang titig ng matanda dito.
Nailang naman si Sheila rito kaya pagka-abot niya ng wine ay agad niyang sinabihan ang pasahero ng "enjoy the flight, Sir" saka siya umalis.
Sa hindi inaasahang pagkakataon naman ay may kalokohang pumasok sa isip ng matanda. Sa kabila ng lampas tuhod niyang skirt ay nais yata siyang masilipan nito. Kumilos ang matanda bago pa makalampas sa kanya si Sheila pagkatapos ay pinatid niya ito kaya naman naitulak nito ang cart ng wine. Eksakto namang paparating si Yvette na kasalukuyang naglilibot para mag-check sa mga pasahero.
Dahil sa hindi inaasahan ni Yvette ang palpak na trabaho sa shift niya ay nagulat siya sa paparating na cart. Para siyang naestatwa sa nakita. At nang malapit na ito sa harapan niya ay agad niya itong naitulak. Sa kasamaang palad ay tumalsik ang wine sa isang lalaking may kataasan. Kasalukuyan itong nagbabasa ng magazine. Kitang-kita ang pagkagulat sa reaksyon ng lalaki ngunit mabilis itong nakabawi ng mga ilang segundo matapos siyang matalsikan ng wine.
Agad na napalingon ang lalaki kay Yvette. Hindi na naghintay pa si Yvette na may mamutawing salita mula sa bibig ng lalaki. Agad niya itong nilapitan at humingi ng paumanhin dito
"Sir, we are very sorry. Let me help you." agad na kinuha niya ang kanyang panyong puti sa kanyang bulsa at ini-abot sa lalaki. Hindi naman ito nagdalawang isip pa. Agad itong kinuha ng lalaki at saka pinunasan ang sarili. Pero hindi na nito ibinalik ang panyo sa kanya bagkus ay ibinulsa na ito nito. Tataasan na sana niya ng kilay ang lalaki pero naisip niyang kasalanan naman niya ang nangyari.
"Baka lalabhan niya ang panyo pagkatapos ay isosoli sa 'kin." bulong niya na lang sa sarili. Naiiling na lang siya sa kanyang crew na hindi naging alerto sa paligid. Kilala niya ang business man na pumatid dito at hindi lang once nangyari 'yon bago pa man magtrabaho si Sheila sa kanila ay maraming beses na nitong ginawa ang bagay na 'yon. Pero palaging nakalulusot ang matanda. May kapit yata ito sa may-ari ng airlines. Sa kabila ng mga nagawa nito ay nakasasakay pa rin ito sa airbus nila. Matapos ibulsa ng lalaki ang kanyang panyo ay nagsalita ito.
"What kind of service are you giving from this world-class plane?" seryoso at ma-awtoridad na sambit ng lalaki. Animo'y nagsesermon sa mga empleyado niya. Tila ba pag-aari niya ang eroplano at ang mga empleyado rito sa tono ng pananalita nito. Sumama ang timpla ng mukha ni Yvette dahil sa pagkamayabang na pagsasalita ng pasahero pero agad niyang kinalma ang sarili. Agad namang lumapit si Sheila sa pasahero at nag-sorry dito.
"I'm so sorry po, Sir. Ako po ang may kasalanan. Aksidente po kasing natisod ako kaya po naitulak ko yung cart kay ma'am Yvette. Sorry po talaga." yumukod ito sa harap ng lalaki habang humihingi ng paumanhin. Pero hindi siya nito pinansin.
"I can't accept this. I have an important meeting to attend to and this is the only suit I have. So... what can you do for me?" saad ng lalaki sabay harap kay Yvette at tumingin sa uniporme niya instead na kay Sheila.
"Aba't may topak yata 'tong lalaking 'to e. Patak lang naman ang dumikit sa damit niya. Kung ibuhos ko na lang kaya lahat ng wine. Tss." bubulong-bulong na sabi niya. Sinigurado niya hindi ito narinig ng pasahero kung hindi ay malilintikan siya.
"Is this how you train your crew, Ms. Yvette?" mahinahon pero may pang-iinsultong sabi ng lalaki. Ngunit ang tono nito ay sapat lang para marinig ni Yvette at Sheila.
"At kilala niya ko?" late na nag-sink in na may name plate nga pala siya. Nailing na lang siya sa na-realized niya.
"You can leave, Sheila. I'll take care of this." sambit ni Yvette habang nakatingin sa lalaki.
"Antipatikong 'to. Ipapahiya pa' ko sa crew ko. Nako kung hindi ka lang pasahero." gigil na sabi ni Yvette sa sarili. Hindi niya alam kung galit ba ang lalaki o hindi dahil kalmado naman ito kahit na ininsulto siya. Ang nakakainis pa ang ngiti nitong hindi mo maintindihan kung paano ka makikipag-areglo dito.
"Sir, we are really sorry for what had happened. Hindi naman sinasadya ng crew namin. May isang pasahero po kasi na nambastos sa kanya kaya aksidenteng naitulak niya ang cart-" hindi pa siya tapos magsalita ay sumabat na ang lalaki.
"At aksidente ring naitulak mo papunta sa 'kin?" tanong nito sa kanya. Napag isip-isip naman ni Yvette na there's no point arguing. Mas mabuti pa'ng tapusin na niya ang problema.
"Sir, I'll take care of your clothes. If it's okay with you ay may spare ako ng suit. I think it will fit on you. I'll have your clothes dry cleaned." offer niya sa lalaki. Ngumisi lang ang lalaki at inis na nainsulto na naman siya.
"Two points na 'to sa 'kin." bulong niya habang gigil na gigil pero nakangiti pa ring nakatingin sa lalaking kaharap.
"Thanks for the offer. Pero, I was just joking. I have suits in my luggage and you can have these clothes as a souvenir." sabi ng lalaki na nakangiti sa kanya. Sabay kuha ng luggage niya sa compartment ng plane at pumunta sa lavatory. Sa inis niya ay hindi siya nakakilos o umalis man lang sa puwesto niya.
"Tss! Wow ha! Ang lakas din naman ng topak ng pasaherong 'to. Mas malala pa kesa sa manyak na matandang pasahero." bulong niyang muli. Wala nang paglagyan ang inis niya sa lalaki. Pero wala siyang magawa dahil pasahero ito at hindi lang basta-basta pasahero. Kung hindi ay isang mayamang pasahero. Maya-maya pa ay lumabas na ang lalaki.
Ngayon niya lang napagmasdan ang matipunong pangangatawan nito. Okupado kasi siya ng inis niya rito. Natatawa pa siya dahil rose pink ang suot nitong long sleeves pero bagay naman dito. Nagulat na lang siya nang i-abot ng lalaki ang nasa paper bag na suit.
"You can have it. But you can also return it to me sa office address na nasa card sa loob ng paper bag." sambit nito na ini-nguso pa ang mga labi sa paper bag na iniabot sa kaharap. Hindi na siya nag-abala pa na silipin ang business card. Ngumiti lang siya dito at nagpaalam. Matapos ay pumasok na siya sa loob at pinuntahan si Sheila.
"Hindi ba na-brief ko na kayo sa matandang pasaherong 'yon? He's our regular customer sa business class flight na 'to. And twice a month 'yon kung mag-travel. Hindi lang siya once magre-request ng kung ano man. Hindi rin unang beses na ginawa niya 'yon. Please be alert. He will do anything anytime. " sambit niya sa mga crew.
Nakatungo naman ang guilty na si Sheila na sumagot habang ang lahat ay seryosong nakatingin kay Yvette. But of course, inako niya ang pag-dry clean kaya siya ang sasagot no'n. Nang makalapag na ang eroplano ay isa-isang nagsilabasan ang mga pasahero. Pati ang matandang lalaki ay parang walang nangyaring nakangiti na lumabas ng plane. Bago pa man makakababa ang aroganteng lalaki ay kinindatan muna nito si Yvette.
"Tss. Abnormal nga yata 'yon." inis na sabi niya sa sarili habang inihahatid nang tingin ang lalaking antipatiko palabas ng plane. Pero nang maalala niya ang matipunong katawan nito at gwapong mukha ay bahagya siyang kinilig.
"Yvette, yvette... Mukha pa lang niya eh babaero na at antipatiko pa. Kaya please lang..." tinapik-tapik niya ang pisngi na animo'y ginigising ang sarili sa panaginip. Mas gugustuhin pa niyang tumandang dalaga kaysa makipaglaro sa arogante at mukhang babaerong katulad ng lalaking iyon. Hihilingin niya sana na iyon na ang huling pagkikita nila pero malabong mangyari 'yon dahil may transaction pa sila nito.