Lumipas ang ilang linggo na naging busy si Marco. Hindi sumagi sa isip niya si Yvette. Marami siyang trabahong natapos. Ngayon ay kakatapos lang niya sa meeting with the board members. And as always pagkakatapos niya sa meeting ay lagi siyang dumadaan sa Tea Shop at umuorder ng paborito niyang Taro with Red Bean. Hindi niya alam kung ano ang special sa Taro with red bean pero sa tuwing iinumin niya ito ay nawawala ang stress at pagod niya. Pagkatapos niyang umorder ng favorite drink niya ay naupo siya sa gilid sa tabi ng glass wall. Maganda ang ambiance dito sa shop na 'to kaya naman fave na din niya ito. Maya maya pa ay lumapit na ang crew ng TsaaTeaMe Shop. Hindi ito self service shop kaya the crew can take care of the customers.
"Sir Arco, here' s your Taro drinks with red beans." Sabay lapag ng drinks sa circular table na may isang red rose sa gitna.
"Thank you!" Isang matamis na ngiti at kindat naman ang ibinato niya sa babaeng crew na tila nanlambot ang tuhod ng crew at namula.
"Enjoy your drinks, Sir!" Sabi pa nito at sinuklian din ng ngiti ang customer. Madalas siya sa TsaaTeaMe Shop sa kahit saang branch kaya kilala na siya dito. Pero never nila nalaman ang real name niya though ang Arco ay tinanggalan ng M na Marco pero mas mabuti nang di siya kilala sa real name mahirap nang habulin siya ng mga Chicks niya. Habang ine-enjoy ang drinks niya ay may isang familiar na mukha ang naaninag niya sa kanyang peripheral vision. Agad siyang lumingon upang tiyakin ang hinala. Sakto namang may isang crew na naghatid ng order sa kabilang table. Agad niya itong tinawag at may iniabot dito. Agad namang tumalima ito at nagtungo sa cashier para ibigay ang ipinaaabot niya. Matapos umorder ang babae ay kunot noong lumingon ito sa kanya. Sakto namang nakatingin siya. Nagwave siya dito at agad naman lumapit ito sa kanya.
"Excuse me, Mister? Magkakilala ba tayo?!" Tanong ni Yvette. Agad namang nainsulto si Marco. Sa haba ng usapan nila sa plane at sa kabila ng pagkindat niya dito ay tila kinalimutan nito ang mukha niyang napakagwapo.
"Marco, Marco Alfonso." Sabay angat ng kamay para makipagshake hands dito pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi manlang ito inabot ng babae kaya sa pagkapahiya ay ibinaba na niya ito. Pansin naman sa mukha ng babae na hindi talaga niya ito natatandaan. Kaya si Marco na ang nagpaalala.
"I'm your passenger, remember? The wine, the cart, the suit..." Pilit na ipinapaalala niya sa babae. Pero tila ba kinalimutan na nito ang lahat.
"I'm sorry, I think your mistaken." Sabi nito.
"But thanks for the drinks." Sabi pa nito muli sabay talikod. Kinuha nito ang take out niya at saka lumabas ng shop at sumakay sa kotse niya. Naiiling na lang si Marco. Mukhang mailap ang isang iyon at tila pinapahirapan siya.
"Sa susunod na magkita tayo, I will make sure na maaalala mo na ko." Bulong niya sa sarili at inenjoy ang Taro drinks niya. Samantala sa sasakyan naman ni Yvette ay napapailing na lang siya habang nagdadrive at iniinom ang kanyang Grass Jelly Roasted Milk Tea with black Pearl na inorder niya sa TsaaTeaMe Shop.
"The hell I care kung si Marco Alfonso ka. So what? Hindi kita maalala. Wine, Cart, Suit?!" Pag-uulit niya sa sinabi ni Marco. Tila preoccupied siya nung emergency niya kaya di niya maalala ang mga yun pero makaisang ulit pa siya ay tila natulala siya at iginilid ang sasakyan.
"Shoot! Wine, Cart and Suit? Oh my gosh." Dali dali siyang nag u-turn at bumalik sa shop pero pagpasok niya dito ay wala na ang lalaki. Muli niyang naalala ang mukha nito. Ibang iba kasi ang hitsura nito nung makita niya ito sa plane. Makinis ang mukha nito na tila ahit na ahit pero ngayon ay may balbas at bigote pero bagay naman sa kanya at nakakadagdag ng appeal. Medyo kinilig siya sa isiping iyon pero napawi din bigla. Naglakad siya papunta sa kotse niya. At sa glass window ng car ay may naaninag siyang tao.
"Hi! Ako ba ang hinahanap mo?" Tanong nito sabay sandal sa kotse ni Yvette habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Nakangisi pa ito na tila ba tagumpay ang pagpapacharming niya para makipaglaro sa supladang empleyado nila.
"Huh? Bakit naman kita hahanapin? Sino ka ba?" Maang maangan niya.
"Kasi ako si Marco Alfonso." Ngisi niya habang nakikipagtitigan dito. Tila napapaso naman ang mga mata niya sa lalaking ito. Hindi pa niya naranasan ang makipagtitigan ng ganito pero tila minamagnet siya ng mga mata nito.
"Baka matunaw ako niyan." Biro pa nito na sadyang inaakit ang babae na binasa pa ang kanyang mga labi dahil hindi siya papayag na may isang babaeng never naakit sa kanya.
"Excuse me? Ako ba ang tinutukoy mo? I'm not interested. I'm taken and I don't flirt." Sabi niya. Bigla naman siyang nadiri at napaisip kung bakit niya nasabi yun baka mamaya iba ang ibig sabihin ng lalaking kaharap niya.
"You don't have to pretend na you're not attracted to me. It's okay. I'm used to it. As far as my research says, you're single and available." Sabi pa nito. Handa siyang makipaglaro sa babaeng ito. Gusto niyang makita kung gaano ang itatagal nito sa kanya.
"Wow! At nag effort ka pa. Ang lakas naman ng bilib mo sa sarili mo. Anyway, if you'll excuse me I have to go." Tangkang bubuksan na niya ang pinto nang pigilan siya ni Marco at ilapit nito ang kanyang mukha sa babae. One inch na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya na halos parang maghahalikan na sila. Langhap na langhap ng isa't isa ang mabangong hininga nila. Halos nag-uunahan ang pagtibok ng puso ni Yvette habang naghihintay sa mangyayari.
"Di pa tayo tapos mag-usap. Can we talk?" Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Yvette dahil sa bulong nito na ang hiningang lumabas sa bibig nito ay kumiliti sa kanyang tainga. Parang nanghina siya pero bumalik naman agad siya sa ulirat. Mabuti na lang at hindi siya pumikit.
"Nag-uusap na tayo. And sorry, I have an emergency." Agad niyang binuksan ang pinto pero makulit ang lalaki. Agad din itong sumakay sa car niya.
"What are you doing?" Tanong ni Yvette.
"Sasama sayo. Hindi pa tayo tapos mag usap. And it seems like you have lots of emergencies." Inis na napatitig dito si Yvette.
"Anong pag-uusapan natin. Naisoli na ang suit mo di ba. I asked my crew to return it to you. Didn't she return it?" Tanong niya.
"She did. Pero you promised na ikaw ang magsosoli nito pero you ask someone to do it." Sagot naman ni Marco. Hindi naman alam ni Yvette kung ano ang isasagot. Talagang may emergency lang siya. Dahil sa abnormal niyang kaibigan na isinet up siya ng blind date ay hindi na siya makaurong. Yup that emergency was a blind date.
"Hindi ka makasagot dahil wala naman talagang emergency like ngayon." Ngingisi ngising sabi nito.
"And why do you care? May emergency ako and you don't need to know the reason. Tapos na ang transaction natin." Sagot niya naman dito. Bakit naman niya sasabihin dito na ang emergency ay isang blind date. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya.
"Ganyan ba talaga ang treatment mo sa mga pasahero? You don't comply with your promises, that's why I care." Sabi niya habang tinatantiya ang babae kung galit na ba ito.
"Ano bang gusto mo?" Tanong niya pero pinagsisisihan niyang itanong ito dahil baka di niya kaya ang gusto nito.
"Will you..." Putol nito sa sasabihin habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Is he crazy? For real magpopropose siya? Kakakilala pa lang namin and di naman siya nanliligaw." Halo halong tanong ng utak niya.
"Will you be my official secretary?" Tila disappointed siya sa narinig pero bakit naman. Di naman niya gusto ang lalaking ito. And second encounter pa lang nila.
"Don't tell me inisip mong magpopropose ako sayo? Never pa akong nagpropose sa babae." Tila ba nabasa nito ang iniisip niya. Para di mapahiya ay sumagot na lang siya.
"As if naman na gusto kita. Pag-iisipan ko ang proposal mo. If you'll excuse me I have an emergency kaya pwede bang bumaba ka na?" Tila namumula siya habang sinasabi ito pero no choice kundi wag magpahalata. Bago bumaba ito ay inabutan muli siya nito ng business card na hindi manlang niya tinitingnan ang hitsura nito.