"My gosh! For real? Ang antipatikong iyon? Ang CEO? Akala ko kung sinong Marco Alfonso lang. I once read an article about him. I didn't know na siya pala ang Marco Alfonso na owner ng company na pinagtatrabahuhan ko..." nanlalaki ang mga mata sa pagkakagulat sa sabi nito habang nakatitig sa business card ni Marco. Hindi siya makapaniwala. Biglang pumasok sa isip niya ang tawag na nareceived niya. He introduced himself as Marco Alfonso.
"It could be him..." sabi niya sa isip niya. But she can't focus at that time dahil sa date niya.
"Had I known that it was him..." she shook her head while she looked at the card once more. Hindi na siya nagtangka pang lumabas ng car. Nahihiya na siya sa inakto niya. Nang makarating sa gate ng bahay niya ay sandali siyang napahinto.
"Malay ko bang siya 'yon. Hindi naman ako usi para hanapin ang mukha ng lalaking 'yon sa magazines." sabi pa niya trying to convince herself na wala siyang fault at all. Anyway, wala na naman talaga but of course, he's her boss pa rin.
She released a deep sigh while leaning her head on the bed headboard.
Wala naman kasi siyang emergency. Gusto niya lang makaiwas sa mainit na tingin ng boss niya. And to think na boss niya nga iyon ay baka mas umiwas pa siya at mas naging professional. Now she's thinking how to deal with him.
"Should I pretend and act as if I still don't know him?" kung ano-anong thoughts ang pumapasok sa isip niya. Si Marco naman ay hindi makapaniwalang hindi siya kilala ng babaeng 'yon. Hindi maalis sa isip niya na may babaeng katulad ni Yvette. He's been looking for someone like her. She was rare. Sa 100% na babae sa mundo siguro ay 10% lang ang hindi titingin sa yaman at hitsura ng lalake lalo na at ang lalaki na mismo ang nagpapapansin. But not Yvette.
Thoughts about Yvette continues to occupy his mind.
"Sir, okay na po ba 'yong proposal?" as his temporary secretary asked. Hindi pa rin siya makahanap ng permanent secretary niya and he borrowed her from the other department. Kung papayag lang si Yvette sa offer niya.
"Sir?" she asked again. She snaps her fingers na animo'y ginigising ito mula sa pagkaka-hipnotismo. Mukha namang gumana ito dahil nakuha niya ang atensiyon nito.
"I'm sorry. What is it again?" tila wala kahit isang salita mula sa kaharap ang na-absorb niya. Inulit naman nito ang pakay niya at nang mapirmahan ni Marco ang papers ay lumabas na ito na tila isang mahinhing babae. Kahit na kalat na kalat sa buong company na kung sino-sinong katrabaho nito ang naging karelasyon ng babaeng ito. Napailing na lang si Marco.
"If only Yvette will agree..." sabi niya sa sariling muli. Naiisip niyang nabigla ito sa alok niya kaya bibigyan niya muna ito ng time mag-isip pero sana makapag-isip ito kaagad. Natapos ang araw ni Marco na si Yvette lang ang iniisip. He even checked Yvette's entire profile. Naisip niya na fit talaga ito para maging secretary niya. At sa tingin niya naman ay papayag ito.
Another week has passed.
Hindi pa rin siya kinokontak ni Yvette. At siguro sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang gamitin ang powers niya as a boss. Hindi naman sa pagpa-power trip pero parang ganon na nga iyon. Mas madali niyang mapapalitan ang damdamin nito at mahulog sa kanya kapag secretary na niya ito at lagi na silang magkakasama. Hindi na niya mahihintay pang ito ang lumapit sa kanya.
Samantala pasakay na sana ng eroplano ni Yvette pero hinarang siya ng purser niya.
"Chief, ipinapatawag po kayo sa head office. Ako na po ang aalalay sa crew natin for now. May important meeting daw po kayo." sabi ng purser niya na dati ay nanginginig sa takot sa kanya sa tuwing kaharap siya nito.
"Important meeting? I can't recall any meeting..." sabi niya dito.
"The receptionist just called me. At sabi po ay sa CEO's office raw po ang meeting niyo." nanlaki naman ang mata niya na naguguluhan.
"What? CEO's office?" pag-uulit niya sa sinabi nito. Napaisip rin naman ang purser kung bakit ito ipinatatawag dahil malinis ito magtrabaho palagi. The only problem she can think of was the incident with that old businessman. But it was Sheila's fault and not hers.
"Yes po." sabi naman nito.
She has no right to ask why though.
Matapos i-remind ang purser ng mga dapat gawin ay nagmadali siyang nagtungo sa head office na puno ng katanungan ang isipan. Bakit nga ba siya ipinatatawag? Hindi niya rin naman malaman kung bakit nitong mga nakaraang araw ay nagiging makakalimutin siya. Nang makarating siya sa office ay dumeretso siya sa reception. Hindi kasi basta-basta nakakapasok sa CEO's office ang kung sino lang kahit pa mataas ang katungkulan na empleyado not unless you have an appointment or you're the CEO's family.
"Ma'am, you can proceed to his office. He's been waiting for you." sagot ng babaeng receptionist na hindi katangkaran at natatakpan ang noo ng bangs. Tantiya niya ay malapad ito. Hindi naman sa pagiging judgemental pero iyon ang naisip niya. Napailing na lang siya sa naisip niya.
"Should I be worried?" she asked herself. Easy access sa CEO's office. Never in her entire stay at Alfonso's Airlines that she was able to enter the CEO's office. Never. Though may bali-balitang mabait ito at smiling face pero strict ito when it comes to working.
"Really?" gulat na sabi niya. Isang linggo lang naman ang lumipas pero parang dekada na kay Yvette dahil sa pagiging makakalimutin niya o talaga lang occupied siya ng work niya.
Tumango lang ang receptionist at itinuro ang way papunta sa opisina ng CEO. Napakataas ng building at mga ilang palapag pa bago niya marating ang office nito. Walang secretary ngayon ang CEO kaya naman hindi na niya kailangan pang magsabi kanino man at kung ano man ang pakay niya. Kumatok siya sa pinto nito at agad namang sumagot ang lalaki sa loob.
"Come in. Bukas 'yan." nang marinig niya ang pamilyar na boses ay nagbalik ang inis niya sa antipatikong lalaki. That voice sounds familiar.
"Shoot! Oo nga pala siya yung CEO. Tss." sabi niya sa sarili. Taas noo pa rin siyang pumasok sa loob ng office ng boss niya. Wala siyang maling ginawa. That was only a normal reaction kung mangyayari ulit ang nangyari sa plane.
"Finally, Ms. Yvette Montero." sambit ng lalaking kanina pa naghihintay sa kanya.
"And what's the meeting for?" mataray niyang tanong pero hindi naman nawawala ang pagka-professional niya lalo na at boss niya ang kaharap niya.
"Well, it seems like you're not interested in my offer. The fact that you did not report to me immediately the moment I offered the position to you means you're not interested at all. Am I right?" saglit siyang napa-isip. Ngayon niya lang ulit naalala ang offer ng lalaking ito. Hindi naman sa ayaw niya. Nakalimutan lang talaga niya. But thinking of the position, she wants to grab it. Matagal na rin siyang nag-iisip na magbago ng profession.
"You got it wrong, Mr. Alfonso." panimula niya.
"Marco na lang. Tutal magkakilala na tayo." putol nito sa sasabihin ni Yvette.
"Feeling close lang?!" bulong niya na napalakas ng kaunti.
"What?" he tilted his head like he wants her to repeat what she had said.
"What I mean is payag ako sa offer mo. Wala naman sigurong masama. I can sense that my crew are doing good except for that incident." pagpapatuloy niya. Tatango-tango lang si Marco.
"That's a good decision then." Nakangiting sabi ni Marco. Sa isip niya ay wakas at napapayag niya rin ang babaeng ito.
"And you can start today." sabi pa nito.
"What? That fast?" nag-aalangang sagot ni Yvette. Para bang ganoon na lang kadali ang mtanggap sa isang trabahong hindi ka man lang nag-apply at hindi rin dumaan sa interview. Though okay lang sa kanya pero she's also wearing her uniform as chief of the plane.
"Okay then. Start tomorrow. No more extension. I will give you the documents you will need so you can read through it. And all my contacts including the board members and meetings." pag iisa-isa nito sa gagawin niya. Nakaramdam naman ng pangangalay si Yvette dahil nakalimutan siyang paupuin ng boss niya. Bahagya niyang tinapik ang hita niya na napansin naman agad ni Marco.
"I'm so sorry. Nakalimutan kong i-offer ang seat. You may go now so you can prepare for tomorrow. Just make sure to review all the notes so you won't miss anything." sabi ni Marco.
"And can I give you a ride home. I'm free for the next three hours." Offer ni Marco para na rin makabawi siya sa hindi pagpapaupo rito.
"Sarap naman maging CEO. May free time siya." bulong naman ni Yvette sa sarili.
"No, thanks I can manage. I have my car." napatango na lang si Marco at nginitian si Yvette pagkatapos ay inihatid niya ito ng kanyang mga mata sa pintuan.
Nilingon pa niya itong muli para magpaalam sa lalaki pero sa halip na ngitian niya ito ay inirapan pa niya dahil sa pagkindat nito sa kanya. Ramdam niya ang muling pag-init ng mga pisngi niya. Hindi niya alam sa sarili niya pero tila kinikilig siya sa ganoong pag-akto ng lalaki pero hindi na lang siya nagpahalata. Dumeretso na siya sa paglalakad. Hinding-hindi siya mahuhulog sa kantulad nitong antipatiko at mahangin pa sa bagyong lalaki.