"Bakit nga ba kasi nag-offer pa 'ko ng pag-dry clean ng damit ng pasaherong 'yon!" naiiling sa inis na sabi ni Yvette sa iniisip niya.
Ayaw kasi niyang may bahid ng palpak ang trabaho niya kaya hanggat malulusutan niya ang problema ay lulusutan niya. Baka magreklamo pa 'yon sa office nila. Pagdating ng hotel malapit sa airport kung saan ang accommodation ng mga crew ay agad niyang sinilip ang suit ng pasahero. Siya lang mag-isa sa room niya hindi tulad ng mga subordinates niya. Bilang head ay may priviledge siyang magkaron ng privacy.
Kinuha niya ang paper bag na naglalaman ng suit at naupo sa gilid ng kama. Pagbukas pa lang ng paper bag ay humalimuyak na ang amoy ng pabango ng pasahero. Hindi niya naiwasang ilapit ito sa kanyang ilong at amuyin. Muling sumariwa ang mukha ng lalaking kanina lang ay kaharap niya. Ang matipuno nitong katawan at magandang kurba ng mga labi.
Ang hitsura na nito na parang ang bango-bango. Arogante nga lang sabi ng isip iya. Tila natauhan siya nang makarinig ng katok mula sa labas ng kanyang pintuan. Naiiling na lang siya sa mga iniisip niya. Inilapag niya ang suit sa kama at saka sinilip ang bisitang kumakatok.
"Yes?" seryoso pero mahinahong tanong niya sa bisita.
"Chief, gusto ko lang mag-sorry kanina." sambit ni Sheila na tila nangangatog sa takot sa kanya. Wala pa man din siyang ginagawa rito na parusa ay nanginginig na agad ito sa takot na para bang kakainin siya nito nang buhay.
"Huwag mo nang isipin 'yon. Ang importante ay hindi nagreklamo ang pasaherong 'yon." sabi niya rito. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi niya. Kung noon siguro nangyari 'yon ay natanggal na si Sheila sa trabaho. Mahigpit siya at istrikto pagdating sa trabaho pero tila ba iba siya sa araw na iyon.
"Ta-talaga po, Chief?" puno ng katanungan ang isip na sabi niya dahil taliwas ito sa inaasahan niya. Tango lang ang isinagot ni Yvette rito.
"Nakita ko po pala na ipinapa-dry clean ng pasahero ang suit niya. Ako na lang po ang bahala ro'n." offer ni Sheila.
"Huwag mo nang abalahin ang sarili mo. Nangako ako sa pasahero na ako ang gagawa no'n kaya ako na ang bahala ro'n. Sige na. Enjoy your stay here." Tuwang-tuwa na umalis si Sheila sa harapan ng chief purser at bumalik sa accommodation. Pag-alis nito ay agad naman niyang napag isip-isip na kung ano ba ang nangyayari sa kanya. She's not in her true self kumbaga. Nagbago na nga yata siya. Muling binalikan niya ang suit sa bed.
Ibinalik niya ito sa paper bag para dalhin sa laundry shop nang mapansin niyang may nahulog na maliit na papel. Naalala niya na business card ito no'ng lalaking abnormal. Hindi siya nag-aksayang silipin man lang ito. Inilapag niya ito sa side table. Sa kwarto naman nila Sheila ay nagkumpulan ang mga crew sa magkakatabing kwarto pagbalik nito sa accommodation nila.
"Oh, kumusta? Kelan daw last day mo?" tanong ni Bernadette na may pag-aalala sa mukha.
"Last day agad?" sabi ni Jen.
"Ano kasi eh-" sagot naman ni Sheila habang naghihintay sa sagot niya ang mga ito. Pinutol pa nito ang pagsasalita at itinungo ang ulo.
"Ano ba naman 'to pabitin pa. Ano nga? Tanggal ka na 'no? Ilang beses na kasi kitang ni-remind tungkol sa matandang 'yon tapos hindi mo iniintindi. Alam mo namang strict si Chief. Last day mo na ngayon 'no? Okay lang yan. Makahahanap ka rin ng malilipatan." sabat naman ng talakerang si Anne.
"OA mo naman." sabi ni Sheila nang iangat niya ang ulo niya.
"Sabi ni Chief huwag ko na raw isipin 'yon kasi hindi naman nagreklamo ang pasahero." malapad na ngiting sabi pa niya sa mga ito.
"Weh? Hindi nga? Himala!" hindi makapaniwalang sabay-sabay na sabi ng mga kasama niya. Sunod-sunod na tango lang ang isinagot niya sa mga ito habang hindi naaalis ang mga ngiti nito sa labi.
"Yey!" at sabay-sabay silang nag-group hug na akala mo ay nanalo sa jackpot.
Natapos naman ang meeting ng lalaking pasahero na tumagal ng halos dalawang oras. May presentation din kasi. Hindi na kasi niya dapat hinayaang umalis ang secretary niya. Hirap tuloy siya sa mga overseas meetings niya.
Pero nangingiti siya nang muling maalala na may target na siyang bagong secretary pero hindi pa niya alam kung tatanggapin ba nito ang alok niya. Ilang oras na rin kasi ang nakalilipas pero hindi pa rin siya kinokontak nito. Type pa naman niya ito. Bukod sa mala-model nitong hubog ay napakaganda nito lalo na kapag seryoso. Kung hindi nga lang sila sa aksidente nagkausap baka tanggapin agad nito ang alok niya.
"Oh, pare. Hindi ka nagsabi na magagawi ka rito. Sana pinasundo kita sa airport." sabi ni Rider nang pagbuksan siya nito ng pinto sa unit nito. Isa si Rider sa mga ka-batch niya at kaibigang matalik sa college. Pero nag for good na ito sa Japan. Ayaw niya kasi ng buhay sa manila. Bukod sa talamak na traffic doon ay nagkalat din ang mga basura sa paligid. Hindi naman sa lahat ng lugar pero mas okay na siya sa Japan. Malinis at talaga namang payapa ang buhay niya.
"Parang hindi ka na nasanay sa pagiging kabute ko." biro niya sa kaibigan. Pero sabagay wala pa kahit isang pagkakataon na nagpasabi siya sa mga barkada niya tuwing mag-ooverseas siya. Laging pa-surprise ang pagbisita niya sa mga ito.
"Maiba tayo. Ikaw ba ay hindi pa rin nag-aasawa? Kinukumusta ka ng mga girls mo no'ng college tayo. Sabi ko naman sa kanila ay 'ma at pa'. Malay ko at paano ko malalaman e nasa Japan ako at nasa Pilipinas ka. Ano nga ba'ng estado ng love life mo?" tapik niya sa balikat nito sabay abot ng beer sa kaibigan.
"Uy pare. Ikaw yata ang maraming babae diyan. Alam mo naman ako. Single pa rin at ready to mingle. Pero may napupusuan na ako. Kaya lang mukhang mahirap suyuin." sabi naman niya dito.
"Naks naman. Kelan ba nahirapan ang angkan niyo sa ganyan. Ikaw pa ba? Eh habulin ka. Isang kindat mo lang sa mga babae ay siguradong kasalan na ang kasunod." nagkatawanan ang dalawa. Palabiro pa rin talaga si Rider. Pero mas chickboy ito kaysa sa kanya. Hindi rin naman masasabing chickboy siya kasi babae naman ang lumalapit sa kanya at hindi siya. Pero mukhang dumating na ang oras na babae naman ang lalapitan niya. May isang linggong palugit siyang ibinigay sa sarili bago niya suyuin ang mailap na leon. Pero kung sa iba 'yon lalo na no'ng college pa siya ay segundo lang paniguradong nahulog na ang isang maria sa kanya.
Never naman siyang nagpaiyak ng babae. Sila lang ang kusang umaayaw sa kanya. Strict kasi siya. Sila ang nasasakal hindi siya ang sinasakal.
Abala naman si Yvette sa paghahanap ng mga souvenir. Hindi naman minsan lang siyang nakarating sa Japan pero ito ang unang pagkakataong makakapamasyal siya saglit. Naglibot-libot muna siya habang hinihintay ang kanyang ipina-dry clean na suit nung lalaki sa plane. Kailangan maisauli na niya sa pasahero ang damit nito. Pagkatapos ay tapos na ang transaction niya dito at wala na siyang iisipin pa.
Namiss niya rin ang pagkain dito. Mahilig din kasi siya sa noodles. Ramen ang pinakapaborito niya. Kahit na sa bahay niya sa pinas ay may stock siyang ramen. Instant nga lang. Unlike dito sa Japan ay fresh ang pagkakaluto at ibang-iba sa instant. Nang matapos siyang kumain at makapamili ng kaunti kaunting souvenir ay binalikan na niya ang suit.
Eksakto lang ang dating niya dahil kakabalot lang ng suit. Nang makuha na niya ay agad siyang umuwi at kinuha ang business card para tawagan ang pasahero. Nang damputin niya ito ay eksakto namang may tumawag sa cellphone niya. Muli niyang ibinaba ang card at saka sinagot ang tawag.