"Ang lakas talaga ng appeal ni sir. Napakasuwerte niya. Nasa kanya na ang lahat." sabi ng isang empleyado ng Alfonso Airlines nang mapadaan ang CEO/Owner ng company nila.
"Oo nga. Bukod sa angking gandang lalaki ay mayaman pa. At hindi lang basta mayaman. May-ari pa ng company na 'to." sang-ayon naman ng isa pa.
Matapos ang daldalan ng mga ito ay nagsibalik na sila sa kani-kanilang trabaho. Si Marco naman ay nakatulala sa glass wall ng opisina niya. Tila malalim ang iniisip. Kanina lang ay pakindat-kindat pa ito sa mga babaeng empleyadong nakakasalubong na animo'y adonis na sinasamba ng mga babae. Pero ngayon ay tila okupado siya ng iisang babae lang. Walang iba kung hindi ay si Yvette.
"Kung ibang babae lang 'yon… siguradong wala pang ilang oras ay tatawagan na ako no'n sa number sa business card ko. O baka naman pinagsasawaan pa niya ang amoy ng suit ko bago niya isauli." Nangingiti pa sa naiisip kahit na nagdududa rin siya kung iyon ng aba ang dahilan.
Hindi naman niya masisisi si Yvette dahil sinabi niya rin dito that she can keep it. Based on her looks ay parang kayang-kaya nitong itapon sa basurahan ang suit niya. Nababaliw na siya sa mga naiisip niya. Hindi siya sanay na hindi kinababaliwan ng mga babae. Wala pa yatang umi-snob sa mala-adonis niyang kagwapuhan.
"Wala pa... maliban sa kanya." sambit niyang muli sa isipan niya nang may natanggap siyang tawag mula sa part-time secretary niyang si Nicole.
"Sir Marco may naghahanap po sa inyo pero walang appointment. Yvette Montero daw po ang pangalan." sabi ng babae sa kabilang linya. Tila lumakas ang tibok ng puso ni Marco. Bahagya niyang inayos ang kanyang kwelyo at sinipat ang sarili sa glass window. Ilang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang lahat sa plane.
"Sige papasukin mo." sabi niya habang pinupunasan ang pawis niya sa noo. Kahit na napakalakas naman ng inilalabas na lamig ng air-condition sa office niya ay naiinitan pa rin siya. Umayos siya ng pagkakaupo nang patalikod sa pintuan at hinintay na pumasok ang matagal nang hinihintay na bisita. At isang katok ang kanyang narinig mula sa likuran ng kanyang pintuan.
"Come in." sabi pa niya. Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ay agad siyang humarap sa bisita ng buong lapad ang pagkakangiti.
"Mabut-" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang makita ang pamilyar na mukha ng babae pagharap niya at may hawak na paper bag. Sa pagkakatantiya niya ay damit niya ang nilalaman nito base sa laki ng bitbit nito.
"Sir, ipinaaabot po ni Ms. Montero ang suit niyo. Pasensiya na raw po dahil hindi niya maibibigay nang personal sa inyo. May emergency po kasi siya at kinailangan niya pong mag-leave." kinikilig na sabi nito dahil sa binatang nasa harapan niya. Kahit seryoso ang mukha nito ay hindi siya naiintimidate dahil nakadaragdag pogi points pa.
"Hindi niyo naman po sinabi na kayo po pala ang may-ari ng airline company na pinapasukan ko. Pasensiya na po talaga sa nangyari. Ako po talaga may kasalanan." Tuloy-tuloy na sabi ni Sheila sa tila dismayadong mukha nang kaharap. Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito kahit pa kitang-kita niya ang paghanga sa kanya nang kaharap.
Hindi inaasahan ni Marco na ang cabin crew ni Yvette ang maghahatid ng suit niya. Buong akala niya ay makikita niyang muli ang dalaga. Kung tutuusin ay madali lang naman itong makita. Maaari naman niya itong ipatawag sa opisina at makakaharap na niya ito pero wala siyang dahilan para ipatawag ito. Ang kaisa-isang pag-asa niyang makaharap ito ay nawala pa.
"I see. It's okay. Just leave it there on the couch. And if you don't need anything then you may leave." sa wakas ay ngumiti na ito at tila nahimasmasan sa pagkadismaya.
Kinindatan pa nito ang crew. Bahagya namang namula nang dahil sa kilig ang dalaga. Hindi niya inaasahang mabait pala ang may-ari ng kumpanya. Kinikilig na lumabas ito ng opisina at halatang namumula pa dahil sa pagkindat sa kanya ng CEO. Pero gano'n naman talaga si Marco. Wala yatang hindi kinindatan ang lalaking ito.
"Emergency? What could be that emergency?" tanong niya sa sarili niya.
"Is this love?" tanong niya sa sarili.
"Nope." naiiling pa itong sinagot ang sarili niya. Caring lang talaga siya sa lahat. And never siyang mapu-fall. Girl are my hobby 'ika nga niya. Ilan na ba ang pinaiyak niya? Full-time CEO and Certified heart breaker.
He dialed his phone and tried to get in touch with Yvette. How did he get her number? It isn't that hard anyway. She's his employee. But Yvette doesn't know him. He never posts his photos anywhere except at their bachelor magazine which is an exclusive issue for Alfonso Brothers.
Mahirap na dahil baka lahat ng babaeng makakarelasyon niya ay hindi na siya pakawalan dahil sa yaman. Makailang ring pa ay may sumagot na rin sa wakas sa kabilang linya. Boses ng babae ito kaya alam niyang ito na si Yvette. Hindi niya matiis na hindi hanapin ang dalaga kaya kung ayaw nitong magpakita ay siya na ang gagawa ng paraan para magkita sila.
"Hello?" sabi ng babae sa kabilang linya na may tonong pagtataka kung sino ang natawag. Hindi talaga siya normally nasagot ng tawag sa 'di pamilyar na numero. Lalo na kung hindi ito naka-save sa phone niya.
Marco felt the excitement upon hearing her voice.
Bumilis ang pagtibok ng puso niya na animo'y tumatakbo sa isang racing. He wasn't expecting that this girl would pick up the phone lalo na at alam nito kung sino ang natawag. Ang akala niya lang. But he got it wrong. Nang panahon na hahawakan at titingnan na ni Yvette kung ano ang pangalan ng pasaherong antipatiko ay hindi niya naituloy nang dahil sa emergency. And on that very same day, Yvette asked a favor to Sheila.
"Hello, Sheila. Sorry to bother you. I know I said that I will take care of the suit but I guess I cannot do it. I have an emergency that I need to take care of. I will have it dry clean first then you can collect it from me. I will give you his business card." masaya namang sumagot si Sheila.
Agad nitong tinanggap ang favor ni Yvetter. In the first place ay siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. And that end up na si Sheila pa ang mas nakaalam na boss pala nila si Marco Alfonso. Ang owner at CEO ng Alfonso Airlines at isang prominent bachelor sa pinas. Walang kaalam-alam si Yvette na nakilala na pala niya ang CEO nila dahil wala siyang panahon magbasa ng magazine or kilalanin man lang ito. Ibinuhos niya ang buong sarili sa pagtatrabaho.
Never din niyang inintindi ang love life niya. Nang marinig ni Marco ang babae sa kabilang linya ay agad na in-adjust niya ang tono ng boses niya. Iyong tipong bed room voice na kapag narinig nino man ay maiin-love ka sa boses nang kausap mo.
"Hi, this is Marco and you are Yvette, right?" panimula nito na ikinasingkit ng kilay ni Yvette. Who the hell is Marco? And Why is he calling her? 'Yan ang mabilis na katanungan nabuo sa isipan ni Yvette but because this person is nice on the phone ay ayaw niyang maging maldita.
"Yes, this is Yvette. I don't have any idea about who you are. Marco, you said right? How can I help you?" nagmala-call center agent siya sa bait at sa pagtatanong despite na gusto na niyang ibaba ang phone. She doesn't want to entertain any calls right now. She's in the middle of the so-called "emergency" raw. Marco had got a big question mark.
"She seriously doesn't know me?" he whispered to himself.
"Yes, I'm Marco. And I'm sorry. I think I've gotten the wrong number. Coincidently, you have the same name as the person I was trying to reach. Thanks for picking up." nasabi na lang niya. Tila umurong ang lakas ng loob niya sa narinig. This girl obviously doesn't know him.
At napakayabang naman niya kung sasabihin niyang 'I'm your boss and the CEO of the company you are working at. I was the passenger you supposed to meet regarding my suit.' Pero bakit nga ba hindi nasabi ng isang certified babaero ang pakay niya sa isang babaeng nagngangalang Yvette? Umurong na ba ang pagkalalaki niya dahil dito?
Is this love?
Nope.
Never.
It cannot be.
Impossible.
Sunod-sunod na salitang namuo sa isipan ni Marco. Mga salitang ayaw tantanan ang kanyang isipan. Pagkababa ng telepono ay dinampot niya ang suit niya at matamang tinitigan.
"No. Marco Alfonso is Marco Alfonso. You will be mine no matter what." mga salitang binitiwan niya. He's not in love. He just couldn't accept the fact that there's this one girl who never got attracted to a MARCO ALFONSO.