Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 2 - SSTGB 1 : ARA IS A STAR

Chapter 2 - SSTGB 1 : ARA IS A STAR

ARA'S POV

Kasalukuyan kong inilalagay ang liquid eyeliner sa upper eyelids ko. Talagang super maingat ako para maganda 'yong pagkakalagay nito. First time ko rin kasing maglagay nito kaya dapat bongga! 18 na kasi ako kaya ang sabi ni Mommy okay na na magmake-up ako. Yeeey!

"ARA!"

"Ay, kambingโ€”oh, my gosh! OH, MY GOSH! ANG HAPDI NG MATA KO, BROOO!"

Narinig kong bumukas 'yong pinto at patakbo akong pinuntahan ng dalawa. "Ara, what's wrong?" nag-aalala talagang tanong ni Kuya Arren. Nakapikit pa rin ako dahil ang hapdi talaga ng kaliwang mata ko!!

"Sino ba kasi 'yong wagas kung kumatok at wagas kung makatawag ng pangalan ko?! Alam mo bang nagulat ako kaya napasok sa mata ko 'yong liquid eyeliner?! Ang hapdi!" pagrereklamo ko pa habang patuloy kong kinukusot 'yong mata ko. Ayoko nang maging ma-arte! Lintik na eyeliner!

"It was Arnold, Ara. I told him to just knock calmly, but he's really so aggressive this time," sagot naman ni Kuya Arren.

Pinilit kong ibuka 'yong mga mata ko, pero sh*t mader! Ang hapdi talaga ng isa kaya para tuloy akong nakakindat ngayon! Mukha pa naman akong tanga kapag nakakindat. Iyong halatang hindi marunong at pumapanget talaga 'yong itsura. Tsk. Feel me?

"I just hate what I've heard in school, Bro! Ara's the hot issue again," asar niyang sabi. Ano na naman kayang issue 'yang sinasabi niya? Muhang badtrip talaga si Kuya, eh.

"Ikuha niyo nga muna ako ng tubig," utos ko pa at nag-unahan naman silang lumabas. Mamaya makarinig na naman ako ng nahulog sa hagdanan, kasalanan ko na naman. Tsk! Itinigil ko na rin 'yong pagkusot sa mata ko at nanatili lang akong nakapikit.

"Here!" agad na inilagay ni Kuya Arren ang isang maliit na palanggana at si Kuya Arnold naman ay ibinuhos do'n agad ang bitbit na pitsel ng tubig. Napakabait ng mga Kuya ko, damn!

"ANO BA 'YAN!" inis kong sabi nang paglublob ko ro'n ay pakiramdam ko namanhid 'yong buo kong mukha sa sobrang lamig!! "BAKIT ANG LAMIG NITO, BRO?!" tanong ko kay Kuya Arnold at hindi ko alam kung ba't natatawa sila. Nang makita 'yong sarili ko sa salamin ay parang umiyak ng kulay itim 'yong talukap ko. Ang pangit!! "Hoy, bakit nga?!" tanong ko na naman.

Naupo siya sa may kama ko while her arms were crossed. "Ang sabi mo lang tubig. You didn't say if it should be warm or not," sagot niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Inihilamos ko na lang din 'yong sobrang lamig na tubig. Wala na, eh naumpisahan na kaya tapusin ko na lang.

"Ano ba 'yong issue?" tanong ko sa kanila habang pinupunasan ko 'yong mukha ko gamit ang ibinigay na towel ni Kuya Arren. Yiiiee, buti pa ang isang 'to napakabait lalo na kapag may date siya tapos 'di niya bet, pinapapunta ako agad at sinasabihan niya akong tarayan 'yong babae para magalit at mag walkout, minsan gumagana naman.

"Marcus and Alex broke up," pakiramdam ko umakyat lahat ng kasiyahan sa katawaan ko papunta sa labi ko dahil ngiting-ngiti ako ngayon at kumikislap 'yong mga mata ko nang mapatingin ako kay Kuya Arnold, "you look so strange, Ara, stop showing us your dirty puppy eyes," agad ko siyang sinamaan ng tingin, pero wa effect! "don't be happy, ikaw 'yong sinasabing reason ni Alex kaya sila naghiwalay," dagdag pa niya.

Nakakunot 'yong noo ko nang muli ko silang tiningnan, "at bakit ako? Inaano ko ba sila?" takang tanong ko.

"Alex spreads that you're flirting with Marcus," halata talagang galit si Kuya dahil umuusok 'yong ilong niya at namumula 'yong tenga niya.

"Sus! Isa talaga siyang crazy, insane, baliw, tanga, stupid, fool, noob, idiot! Hindi na naman 'yan bago, 'no," sagot ko at agad napataas ang kilay niya, "Bro, I've been super maharot kay Marcus, dapat nag-isip siya ng ibang reason kung ba't sila naghiwalay. Dinadamay niya na naman ako. Lagi na lang. Kapag nag-bi-break si Marcus at 'yong girlfriend niya ako lagi 'yong rason, ako lagi 'yong nakikita. Am I that gorgeous, Bro?" hindi siya sumagot, nanatili siyang walang ekspresyon sa mukha. Tsk! Nilingon ko si Kuya Arren na agad umiwas ng tingin sa'kin, "ayan! Diyan kayo magaling! Kapag nasasabihan akong panget ng mga insecure b*tches around the world kung makareak kayo wagas! Halos maubos lahat ng mura, pero kapag ako nag self-proclaimed na maganda ako hindi kayo sumasang-ayon!"

Napaawang 'yong bibig ko nang makitang tinatakpan nila 'yong tenga nila!! Nakakainis!! Dati-rati sinasabi nila na ang ganda ng boses ko tapos ngayon ginagan'to nila ako? Sh*t naman, dumudugo 'yong puso ko!

"Stay away from Marcus, Ara," biglang sabi ni Kuya Arnold. Napasimangot tuloy ako agad.

"Bakit naman? Ngayon ko pa siya lalayuan kung saan sobrang in love na in love na in love na in love na ako sa kanya? Bro, naman!" pagrereklamo ko pa, pero wala na naman siyang reaksyon. "Akala ko ba suportado niyo ako, ha?"

"We're supporting you, Ara, pero 'yong ikaw lagi ang dehado, ikaw lagi ang binubuntungan ng galit ng lahat, hindi na 'yan maganda," sagot naman ni Kuya Arren. Super sincere talaga 'yong pagkakasabi niya, pero ayoko talagang lumayo kay Marcus.

"Bro, I am so in love with him. He makes me happy, he makes me feel so motivated, kaya bakit ko siya lalayuan, 'di ba?" tanong ko naman at pareho silang napailing. "Brothers, please, hayaan niyo na ako kay Marcus tapos kayo nang bahala sa mga bashers ko, ha? Ha? I love you!" tapos humalik ako sa pisnge nila at umupo sa gitna saka ko sila inakbayan.

Bumuntong-hininga si Kuya Arnold, "fine, Ara. Pero, kapag sinaktan ka ng gunggong na 'yon mabubura 'yon sa buhay mo, I swear," aniya. Napalunok ako agad! Diyos ko! Super seryoso niya, hindi 'to madadala ng charm ko.

Mas pinili ko na lang na 'di sumagot para wala ng kasunod na linya baka mas lalo lang akong kabahan, eh.

***

Nasa school ako ngayon at talaga namang artista ang peg ko. Ara Cee Concepcion is a star, indeed! I'm the center of attention, pero ngumingiti na lang ako sa kanila. Dapat maging humble pa rin ako, kinakailangan ngitian ang mga bashers at fans.

"ARABELLS!" sigaw pa ng tatlo kong Angels. Humalik ako sa pisnge nila saka ko sila niyaya papuntang classroom.

"Hoy, hindi ka man lang ba maiilang sa nakakamatay nilang tingin?" tanong pa ni Anika habang naglalakad kami at agad akong umiling habang nakangiti.

"Ba't ako maiilang? Nakasanayan ko na 'yan," sagot ko. At bigla kaming napatigil nang may humarang sa daan. "Hi, Alex," masayang bati ko kaya mas lalong umapoy 'yong mga mata niya. "Chill. The weather's too good to have a bad mood, Alex," nakangiti kong sabi.

"Wala ka talagang kahihiyan sa katawan, no?" medyo galit niya ng tanong. Mukhang 'yong isa niyang kilay ay aabot na sa hair line niya at any time, eh.

"Bakit naman ako mahihiya, Alex, ako ba 'yong binreak?" nakataas na rin 'yong kilay ko at nagsusukatan na kami ng tingin.

Idinuro niya ako habang umuusok na 'yong ilong niya, "he broke up with me because of you, B*tch!" galit na talaga siya. Inaano ko ba 'to? Tsk!

"Hoy! Sa pagkakaalam ko ay nasakal mo na si Marcus kaya huwag mong isisi sa'kin na naghiwalay kayo. Kung hindi ka lang kasi nasobrahan sa pagiging haliparot mo sa kanya, edi sana nagtagal pa kayo ng two-weeks, G*ga!" nakapaglitanya pa ako ng wala sa oras. My gosh!

Akmang hihilahin niya 'yong buhok ko, pero agad humarang si Chandra, "sige, ituloy mo. Lilipad ka ngayon," pananakot pa niya. Sa laki ni Chandra tiyak lilipad talaga ang tikling na 'to.

"Magsama-sama kayo! Mga babaeng maharot!" asar niyang sabi saka siya umalis kasabay ang kaniyang dalawang walang kwentang kaibigan.

"Bumaliktad pa 'yong world, ha," usal pa ni Clara at nagtawanan lang kami saka kami muling nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kaming classroom, hindi pa nga kami nakakaupo, pero nagsigawan na ang lahat.

Oh, my gosh! My Marcus! He's coming!

"Si Ara?" tanong niya habang nakasilip sa may pinto. Itinaas ko naman 'yong kamay ko at nakangiti niya 'kong nilapitan. "Here," he handed me a cute Hello Kitty keychain. Tinanggap ko na lang kahit Panda talaga 'yong gusto ko. Mas lumapit pa siya sa'kin at alam kong namumula na ako! "Thank you sa 500 pesos na load," bulong niya and take note the sexiness in his voice! Oh, my gosh!!

Kung gan'to lang naman ay araw-araw ko na siyang lo-loadan! Yiiieee!

Ang saya-saya ko na nakangiti niya akong tinititigan ngayon. Mas lalo tuloy akong nahuhulog. My gosh!!