Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 13 - Nahihirapan nga ba?

Chapter 13 - Nahihirapan nga ba?

"Kuya Roland, ano bang gusto mong pagusapan natin at sinadya mo pa ako?"

Sambit ni Belen, ang kapatid ni Luis sa kanyang pinsan.

Ito si Roland Ledesma, ang pinsan ni Luis at Belen sa ina na nagtungo sa reading ng Last Will and Testament ni Luis pero wala namang natanggap.

Ilang beses na nitong gustong makausap si Belen ngunit sadya naman syang iniiwasan ng huli.

Katunayan, hindi lang si Roland ang gustong kumausap kay Belen, pakiramdam nya buong angkan nya hinahanap sya. Panay ang tawag nila, nangungulit at naririndi na sya.

Abala kasi si Belen sa pag aaral ng accounting record ng kompanyang iniwan ng kapatid, kaya ayaw nyang harapin ang mga nangungulit nyang mga kamag anak.

Iisa lang ang nasa isip ni Belen.

'Kailangan ko ng maayos ito agad para hindi magka problema ang kompanya.'

The more na tumatagal kasi na walang proper management ang kompanya, the more na babagsak ito.

Iisa lang naman ang gustong malaman ng mga kamag anak nila, yan ay kung kelan nila makukuha ang parte nila sa iniwan ni Luis at ano ng nangyari sa Sampung Milyon.

Ngunit sa pagkakataon ito wala syang nagawa kung hindi harapin si Roland dahil personal sya nitong pinuntahan sa opisina at inabangan ang pagpasok nya.

"Belen, Belen .... gusto lang naman kitang kamustahin, pati si Edmund na paborito kong pamangkin at syempre pati na rin ang kompanyang iniwan ni Luis! Hehe!"

Sagot ni Roland.

Si Roland ay ang panganay na pinsan buo nina Belen at Luis sa side ng Inang nila. Isa itong matagumpay na Real Estate Developer at matagal ng may interes na pasukin ang kompanya ni Luis.

Pero sa simula pa lamang na umpisahan ni Luis ang negosyong ito, wala syang ipinasok ni isa man sa mga kamag anak nya at walang nakakaalam kung bakit.

Nagbibigay tulong lang sya sa mga ito at kahit madalas inaabuso na ng mga kamaganak, tumutulong pa rin basta huwag lang silang mangulit na makapasok sa kompanya.

Kaya naiinis tuloy ang mga ito at iniisip na walang tiwala si Luis sa kanila.

Which is true.

Ang kapatid naman nyang si Belen ay walang interes sa kompanya ni Luis, may sarili syang pera na nagmula sa kayaman ng namatay nyang asawa. May natatanggap din itong pensyon buwan buwan mula sa asawa nya.

May pinamana din na malaking halaga sa kanya ang kanyang Amang na nasa banko lang ang iba at minsan lang nya ito ginalaw ng mag invest sya sa negosyong ito ni Luis.

Kahit si Edmund na kaisa isang anak ni Luis ay may sarili ring pera na mula sa kanyang ina na namatay. May sinimulan itong negosyo kasama ang kaibigan, mga produktong gamit pang karera. Ito ang hilig ni Edmund kaya naman sinuportahan sya ng ama dito.

At alam lahat ni Roland ang bagay na ito, kaya naman ng mamatay si Luis, tiyak nyang mahihirapan ang dalawa. At magandang pagkakataon ito para sa kanya.

"Kuya Roland, maayos naman kami 'wag kang mag alala, hindi namin pababayaan ang kompanyang iniwan ni Kuya Luis. Salamat sa concern."

Sabi ni Belen.

"Pero sino ang magma manage ng negosyo ni Luis, Ikaw ba o si Edmund?"

Usisa ni Roland.

"Kaming dalawa!"

Sagot ni Belen.

"Hmmn.... pero alam nyong.... wala kayong kapasidad sa paghawak ng kompanya."

Sabi ni Roland.

"Lahat naman napag aaralan!"

Sagot ni Belen.

"At balita ko.... nagkakakaron pa kayo ng problema dun kay Isabel."

Pagpapatuloy ni Roland.

"Wala naman kaming problema kay Isabel Kuya Roland, yung mga kamag anak lang natin ang may problema sa kanya!"

Sagot ni Belen.

"Well, hindi mo naman sila masisi, hindi naman kasi pinaliwanag ni Luis kung bakit sya nito binibigyan ng Sampung Milyon!"

Sabi ni Roland na may inis.

"Bakit Kuya Roland, kailangan ba ni Kuya na magpaliwanag sa kanila?

Kung ano man ang dahilan ni Kuya Luis, nirerespeto ko! Tutal pera naman nya 'yun!"

Sabi ni Belen.

"Pero ang mga shareholders, ano naman ang masasabi nila?"

Tanong ni Roland

Natahimik si Belen.

Napaisip.

Halatang hindi alam ang isasagot.

Apat ang may pinakamalaking share sa kompanya.

Na kay Luis ang limampung porsyento, dalawampu ang kay Belen at may dalawang nagmamay ari ng tig labinglimang porsyento na tanging si Luis lang ang nakakaalam at hindi man lang sinabi sa kanya.

Gusto nya silang makilala pero hindi pa oras, kailangan muna nyang tapusin ang ginagawa nyang pag aaral.

Ito ang huling habilin ni Luis sa kanya.

At ngayon patay na si Luis, si Edmund na ang alam nilang may ari ng share's ng ama.

Pero pending pa ito dahil kailangan pang tanggapin ni Issay ang Sampung Milyong Piso.

"Hindi ko pa sila nakakausap dahil hindi ko pa tapos pag aralan ang accounting record!"

Pag aamin ni Belen sa pinsan.

"Kaya Kuya Roland, kung may sasabihin ka pa, sabihin mo na, marami pa akong kailangan tapusin!"

Dugtong pa ni Belen.

"Well, gusto ko lang naman malaman mo na andito lang ako handang tumulong sa inyo!"

Sabi ni Roland.

Napaisip si Belen. Nagtataka.

"Ano namang tulong ang nais mong ibigay Kuya?"

Tanong ni Belen.

"Well, alam kong malaking responsibilidad ito para sa iyo at kay Edmund, kaya bakit hindi nyo na lang ibenta ang kompanya.

Bibigyan ko kayo ng magandang presyo!"

Sabi ni Roland.

Napangisi ang labi ni Belen.

'Ayun! Kaya pala pinagiingat ako ni Kuya Luis sa kanya.'

"Pwede ko bang malaman kung bakit interesado ka sa maliit na kompanyang ito?"

Tanong ni Belen.

Kumpara sa kompanya ni Roland masasabing wala pa sa kalingkingan ang kompanya ni Luis. At isa pa, tinapay ang tinitinda nila parang hindi ugma sa negosyo ni Roland na Real estate.

"Kasi magka maganak tayo! Hindi ba dapat tayo ang nagtutulungan?"

Sagot ni Roland

Hindi naniniwala si Belen. Pakiramdam nya may iba pang dahilan.

"Kuya Roland, salamat at gusto mong tumulong pero, hindi namin magagawang ibenta ang kompanya ni Kuya Luis. Kabilin bilinan nya ito.

Pinaghirapan itong itayo ng kapatid ko kaya gagawin namin ang lahat para maging maayos ito!"

Sagot ni Belen.

"Well, maigi yan! Pero kung sakaling magbago ang isip nyo, andito lang ako!"

At nagpaalam na si Roland.

Ngunit pag sakay ng kotse,

"Ha! 'Wag kang mag alala Luis hindi naman ako nagmamadali, pasasaan ba't mapapasa akin din yang kompanyang pinagmamalaki mo!"

"HAHAHAHAHAHA!"

Pag alis ng pinsan, nakaramdam ng takot si Belen.

"Mukhang kailangan na namin mag usap ni Issay!

Saka naawa na ko sa panunuyo ng pamangkin ko, mukhang nahihirapan na sya!"

Nahihirapan nga ba si Edmund?

*****

Sa isang flower shop.

Makikita ang isang binata na bumibili ng bulaklak.

Si Edmund.

"Hmmmmm! Ang bango! kasing bango ni Isabel....!

Mukhang magugustuhan ito ni Isabel! Hehe!"

Sambit nitong abot tainga ang ngiti at para bang kinikilig sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Isabel.

"Oh, Isabel!"

Oh, aking Isabel!"