Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 18 - Gusto Nyang Mapagisa!

Chapter 18 - Gusto Nyang Mapagisa!

Sa simula pa lamang na mabasa ni Issay ang sulat ni Luis sa kanya, alam na nya ang gusto nitong mangyari.

Kaya sya nag iwan ng ganong kondisyon sa kanyang huling testamento para sa kanyang mga kamag anak ay upang kahit papano maprotektahan nya si Issay laban sa kanila.

Kakagradweyt palang ni Luis sa kolehiyo ng mamatay ang kanyang ina.

Wala syang nagawa kundi saluhin ang responsibilidad ng pagpapatakbo ng bakery.

Pero lingid sa kaalaman nya, minasama ito ng kanyang pinsang buo na si Roland.

Si Roland ang katiwala ng kanyang ina sa bakery.

Siya ang anak ng panganay na kapatid ng kanyang ina.

Buong akala ni Roland, pati na ng lahat trabahador na kamag anak din ng Nanay ni Luis, ay siya ang papalit sa pamumuno ng bakery.

Kaya laking kahihiyan nya ng ibigay ito kay Luis.

Para kay Roland sya ang mas karapatdapat na mamuno dahil wala namang alam si Luis sa pagpapatakbo ng bakery lalo na at kakagraduate lang nito.

Kaya ginawa nya ang lahat para hindi magtagumpay si Luis.

Pagkaraan nga ng isang taon .... nag sara ang bakery.

At makikita sa mukha ni Roland ang ngiti ng tagumpay, dahil napatunayan nya sa mga tao na TAMA sya.

Ang hindi nalalaman ni Roland, alam ni Luis ang mga kilos nya, nung umpisa pa lang.

Dahil nagiisa lang ang bakery sa baranggay na iyon nakapagtataka na halos sapat lang ang kita nito.

Sapat para mairaos ang pangangailangan ng bakery araw araw.

Kung titingnan mo, hindi nalulugi ang bakery pero hindi rin ito kumikita.

Nagsawalang kibo lang si Luis ng mapansin ito at lihim syang nag matyag.

Nalaman nyang si Roland ang kumokontrol sa lahat pati na ang pag labas at pagpasok ng pera.

Nasa kanya ang desisyon kung magkano ang ilalagay na kita sa bawat araw at kakuntsaba nya ang lahat ng nagtatrabaho sa bakery.

Nang magkaroon sya ng sapat na katibayan, kinausap nya ang ama.

Ayaw ng ama ni Luis na palakihin ang sitwasyon lalo na't mga kamag anak ng asawa nya ang mga sangkot.

At isa pa malapit na ang eleksyon, hindi makakabuti sa kampanya ng ama kung magkakaroon sya ng problema sa pamilya ng asawa nya.

Kaya napag pasyahan na lang nilang isara ang bakery at sinabing nalulugi ito.

Pagkalipas ng ilang buwan, laking gulat ni Roland ng magbukas ng bagong negosyo si Luis, isang pastry shop sa kapitolyo.

Ang pastry shop na iyon ay napalago ni Luis, nagkaroon ng maraming branches sa iba't ibang dako ng bansa, at nag sanga ng iba't ibang uri ng negosyong may kinalalaman sa pastry.

Pero ni isa sa kamag anak ni Luis wala syang ipinasok sa tinayo nitong bago nyang negosyo na kinalaunan ay naging isang kompanya dahil sa sikap at tyaga ni Luis.

At si Roland, dahil nababalot ng inggit at galit ang puso nya, hindi nya matanggap ang tagumpay ni Luis.

Hindi rin nya matanggap na mas magaling sa kanya si Luis.

Para sa kanya, maswerte lang si Luis dahil may kaya ang pamilya ng tatay nya at mayor pa ito ng bayan nila kaya madali itong nakabangon agad sa pagkalugi.

Hindi tulad nya na nagmula sa wala.

Simula nuon ay tinuring na nyang isang mahigpit na katunggali si Luis.

Nagsikap syang lagpasan ang mga ginawa ni Luis.

Sa bawat tagumpay ni Luis dinodoble nya.

Gusto nyang ipakita sa lahat at patunayan sa lahat na mas magaling sya.

Mas karapatdapat sya.

Buong buhay ni Roland ay masasabing umikot ito sa kung paano pababagsakin si Luis.

Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas at determinasyon para mag tagumpay sa buhay.

Sa mga nasa paligid masasabing nagtagumpay na sya. Mas di hamak na mas malaki ang kinikita ng kompanya nya kesa kay Luis, pero.....

Para kay Roland ano nga ba ang tagumpay? Masasabi ba nyang nanalo na sya kung nakikita pa rin nyang nakatayo si Luis, kahit ngayong patay na sya?

Hindi! Hindi sya kailanman papayag na maungusan ni Luis.

*****

Nagulat si Issay sa sinabi ni Belen, pero hindi nya ito sinagot. Tumahimik lang ito.

Hinayaan na sya ni Belen.

"Kamusta naman si Edmund?

Balita ko nanliligaw na daw sa'yo?"

Pagiiba ng topic ni Belen.

Nangiti si Issay.

"Sabi nga nya!"

Sagot nito.

"Binibigyan ka ba ng sakit ng ulo ng batang yun? Sabihin mo sa akin ng matsinelas ko!"

Seryosong sabi ni Belen.

Napakamot sa ulo si Issay.

Gusto nyang sumagot pero natatakot syang baka ikapahamak ni Edmund.

Pero tinawanan lang sya ni Ate Belen.

Sadyang palabiro ito.

"Nang manalo kami ni Kuya Luis sa isang dance competition, saka namin nabuo ang plano ng pastry shop.

Kaso maraming nangyari. Namatay ang Inang nyo at naging busy sya sa bakery. Pagkatapos nun ang Nanang ko naman ang sumunod na namatay.

Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na ituloy ang pangarap naming iyon."

Pagtatapat ni Issay.

"Nabasa ko nga ang isang lumang journal na nakita ko sa mga gamit na iniingatan ni Kuya. Nakalagay dun na ang detalyadong plano ng pastry shop.

Pero hindi nya sulat kamay iyon, kaya natitiyak kong sa'yo yun. Tama ba ako Issay?"

Tumahimik si Issay tanda ng pag amin.

"Ate Belen, ang totoo nyan, nailipat na ni Kuya Luis sa pangalan ko ang 20% shares isang buwan bago sya namatay pero, kelan ko lang ito natanggap.

Tinanggap ko ito dahil parte ko ito sa napanalunan namin, pinaghirapan ko ito!

Pero ang sampung milyon.... hindi ko ito matatanggap, dahil hindi ko ito pinaghirapan at hindi ko natitiyak kung para saan ito!"

Nagaalala kasi si Issay sa totoong dahilan kung bakit ibibigay ito ni Luis sa kanya.

May sapantaha na sya.

Pero hangga't hindi malinaw ang dahilan, hindi nya ito matatanggap.

"Naintindihan ko, Issay. Huwag kang magalala makakapaghintay naman ang Sampung Milyon. At aalamin ko kung para saan talaga ito."

Tiningnan ni Issay si Belen na puno ng pasasalamat at naintindihan nito ang gustong nyang mangyari.

"Alam kong hindi mo basta basta matatanggap ang Sampung Milyon, pero ang maging parte ng kompanya, kailangan tanggapin mo!"

Sabi ni Belen.

Issay: "...."

'Jusmiyo kala ko naintindihan nya ako!'

"Issay, ikaw lang ang nararapat pumalit sa iniwang pwesto ni Kuya Luis.

Pagisipan mo ang mga sinabi ko!"

At nagpaalam na ito para umalis.

Pag alis ni Belen

nakaramdan sya ng kaba.

"Bakit ako?"

bulong ni Issay sa sarili.

Bumigat ang pakiramdam ni Issay. Napuno ng kaba ang dibdib nya. Aminin man nya o hindi, natatakot sya.

'Hindi ito ang gusto ko!'

Hindi nga kaya?

Kung sa simula pa lamang nakaplano na ang lahat.

Matagal nang panahon ng huli syang makaramdam ng ganitong pagkabalisa.

Gusto nyang tumakbo.

Gusto nyang magtago.

Gusto nyang makapag isip.

Gusto nyang mapag isa!