"Aling Vanessa andyan po ba si Isabel?"
Tanong ni Edmund kay Vanessa ng magtungo ito sa apartment upang dumalaw kay Issay.
Tiningnan ng matalim ni Vanessa si Edmund na akala mo toro na umuusok ang ilong.
'Alangyang mokong na 'to! tinawag akong Aling Vanessa, samantalang si Issay ....Isabel!' 'Hmp!'
"Wala dito si Isabel!"
Sagot ni Vanessa na pa singhal, pinahalatang naiinis sya.
"Pwede ko ba syang antayin? Tatlong araw ko na kasi syang di nakikita!"
Pakiusap ni Edmund.
"Hindi, dahil hindi ko alam kung kelan sya uuwi at hindi ko alam kung nasaan sya!"
Mataray na sagot ni Vanessa.
Walang nagawa si Edmund. Mukha kasing hindi maganda ang gising ng kausap. Nagpaalam na ito ke Vanessa at umalis, wala din naman kasi si Isabel na pakay nya.
"Pssst! Bata, ba't parang nalugi ka dyan?"
Tanong ni Manang Zhen ke Edmund ng mapansin ito palabas ng gate ng apartment.
Iisa lang ang gate ng sampung pintuang apartment, na pagmamay ari ni Manang Zhen.
Ang unang pinto ng compound apartment na ito ang tinitirhan nila kaya nakikita nya kung sino ang pumasok at lumabas dito.
"Kayo po pala Madame Zhen! Magandang araw po! Wala daw po kasi si Isabel eh, pangatlong araw na po akong pabalik balik!"
Matamlay na sagot ni Edmund.
"Oonga, nung linggo ng gabi pa sya umalis."
Sabi ni Madam Zhen.
"Ganun po ba. Alam nyo po ba kung saan nagpunta si Isabel?"
"Hindi eh! Nagiwan lang sya ng sulat, gusto daw mapagisa!"
"Po?! Bakit daw po?"
Nagtataka si Edmund sa dinahilan ni Isabel sa sulat. Nagaalala tuloy sya.
'May problema kaya si Isabel?'
'Ginugulo na naman ba sya ng mga bwisit na kamaganak namin?'
"Hindi naman nya nasabi sa sulat kung bakit.
Ikaw ang huling kausap nya diba? Ano bang ginawa mo dun at biglang nag alsa balutan?"
Pag uusisa ni Madam Zhen.
Hindi naman nakaimik si Edmund. Napapaisip.
'Ako nga ba ang dahilan kaya umalis si Isabel?'
'Ano ba nasabi ko?'
'Minasama nya kaya ang panliligaw ko sa kanya?'
Naguguluhang tanong ng isip ni Edmund.
Pagdating ng bahay napansin ni Tiya Belen ang panlulumo ng pamangkin.
"Anyare sa'yo iho? Binasted kaba agad ni Issay kaya ka nagkakaganyan?"
Seryosong tanong ng tyahin nya pero may halong pangiinis ang ito. Kilala nya si Issay, mataray yun sa mga lalaking nagpapansin sa kanya.
"Hindi po Tiya, hindi ko po nakausap si Isabel! Tatlong araw na daw po syang hindi nauwi."
Sagot ni Edmund na puno ng lungkot.
Nagulat si Belen.
Siya ang huling kausap ni Issay kaya malamang ang dahilan ng pag alis nito ay upang makapag isip.
Napangiti si Tiya Belen, nararamdaman nyang magandang senyales ito.
Napansin ito agad ni Edmund.
'Bakit parang masaya pa si Tiya at nawawala si Isabel?'
"Tiya bakit po parang masaya kayo? Meron po ba kayong alam kung bakit umalis si Isabel?"
Tanong ni Edmund sa tiyahin.
"Iho, makinig ka! Hayaan mo muna si Issay. Hayaan mo muna syang makapagisip. Kailangan nya ng space kaya bigyan natin sya ng space. Okey?
Paliwanag ni Belen
Edmund: "???"
*****
Samantala, sa San Roque.
Kapitan Tyago: "Tito Roland kailangan natin magusap!"
Roland: "Hmmn.. Kapitan Tyago, bakit natawag ka? Anong kailangan mo sa akin?"
Pangiinis ni Roland sa pamangkin.
Masyado daw kasing mahaba ang pangalan nito kaya tinawag nya itong 'TYAGO'.
Si Santiago Ledesma ang bagong upong kapitan ng baranggay Ang Baranggay Ilaya.
Dati syang kagawad ng nasabing baranggay na nasasakupan ng bayan ng San Roque, kung saan ipinanganak at lumaki si Issay.
Naging kapitan si Santiago dahil sa tulong pinansyal ng tyuhing nyang si Roland.
Kapitan Tyago: "May problema tayo Tito Roland!"
Sabi agad nito sa telepono kung saan kausap nya si Roland.
Roland: "Tungkol na naman saan?"
Iritable ang boses ni Roland.
'Etong pamangkin ko tumatawag lang pag me problema! hmp!'
Kapitan Tyago: "May dumating kasi na babae dito nung isang araw at sabi nila dun tumuloy sa bahay sa may bukid!"
Kwento ni Tyago.
Roland: "Oh, anong problema dun at anong pakialam ko?"
Iritadong tanong ni Roland. Obvious na hindi ito interesado sa sinasabi ng pamangkin.
Sa isip nito,
'Ano naman pakialam ko kung may dumting at kung sino yung babaeng yun?'
Kapitan Tyago: "Kasi po Tito Roland, may usap usapan dito sa barangay na baka yun ang may ari ng bukid na pinagkakainterasan nyo!"
Napakunot ang noo ni Roland.
Roland: "Akala ko ba, sabi mo, patay na ang may ari ng lupang yan?"
Kapitan Tyago: "Yan din nga ang pagkaka alam ko Tito Roland! At saka, matagal ng nakatiwangwang ang lupa wala naman umaangkin na may ari kaya kung sino sino na lang ang nag tatanim!"
Napaisip si Roland.
'Dapat ba akong magalala?'
Roland: "Eh, yung mga pinapagawa ko sa'yo, na gawa mo na ba?"
Kapitan Tyago: "a...e ...yun nga problema Tito Roland, hindi ko pa natatapos ang pagsasalin sa pangalan mo ng titulo ng bukid na yun!"
Ronald: "A.N.O.???!!!!!!"
Napasigaw si Roland.
Hindi nya ito inaasahan.
Kapitan Tyago:"Ang dami kasing dapat ayusin kaya medyo natatagalan!"
Paliwanag ni Tyago.
Nataranta tuloy si Roland.
Roland: "Anong ibig mong sabihin? Diba kaya ginawan natin ng paraan na masunog ang munisipyo para wala na silang makitang pagkakakilanlan ng tunay na may ari at para mailipat mo na agad agad sa pangalan ko ang titulo?! Tapos ngayon sasabihin mong hindi pa tapos?!"
Nanggigil sa inis si Roland, gusto nyang dikdikin ng pinung pino ang pamangkin.
Kapitan Tyago: "Oho Tito, pero sabi sa munisipyo kailangan daw mag antay pa dahil kailangan nilang gumawa ng PUBLIC ANNOUNCEMENT!
Baka daw po kasi ma kwestiyon sila dahil baka may biglang dumating na mag claim sa lupa!"
Roland: "Eh, bakit hindi mo sinuhulan para mapadali? Diba kaya ko nga sa'yo pinagawa yan dahil dyan ka magaling?"
Napakamot si Kapitan Tyago.
Kapitan Tyago: "Eh kasi Tito Roland, kulang na yung budget na binigay nyo para ayusin ang titulo!"
Alam ni Roland na dito na naman papunta ang usapan dahil sa tuwing tumatawag ang pamangkin, tyak me hihingin na pera.
Napaisip si Roland at naalala nya ang unang sinabi nito.
Roland: "Teka, sino nga pala yung tinutukoy mong babae na dumating?"
Kapitan Tyago: "Si Isabel ho!
Isabel delos Santos!"