Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 26 - Asan Ang Titulo?

Chapter 26 - Asan Ang Titulo?

Kinabukasan, dala ang titulo, maagang nagtungo sila Issay at Anthon sa munisipyo.

Agad nilang pinuntahan ang Registry of Deeds at sinabi ang pakay nila.

"Magandang umaga po, nakita po namin ang anunsiyong ito at andito po kami para magbigay ng impormasyon tungkol sa tunay na mayari ng lupaing ito."

Sabi ni Issay sa staff na una nyang nakita.

"Ano pong impormasyon ang gusto nyong ibigay?"

Magalang syang inistima ng staff na si Sylvia.

"Gusto ko lang pong ipagbigay alam na ang may ari po ng lupaing yan na nabanggit sa anunsiyo ay ang lolo ko po sa tuhod si Leopoldo Saavedra po."

"Meron ba kayong hawak na magpapatunay dito?"

"Meron po!"

Ipinakita ni Issay ang dala nyang titulo ng lupa.

"Sige po Mam, maupo muna kayo!"

Kinuha ni Sylvia ang titulo at saka tumayo para dalhin sa head ng Registry of Deeds.

Naupo naman sila Issay at Anthon malapit sa may pinto at naghintay.

Pagbalik ni Sylvia dumiretso na ito sa ginagawa nya at hindi na muling kinausap si Issay.

Ngunit lumipas ang isang oras wala pa ring lumalapit kay Issay, kaya lumapit na si Anthon para magtanong.

"Uhm, Miss, pwede bang malaman kung ano na ang nangyari dun sa titulo at kung bakit natatagalan? May problema po ba?"

Tanong ni Anthon.

Hindi sya masagot ni Sylvia. Nagtataka din sya dahil kanina pa nya ibinigay kay Brando ang titulo.

"Teka po Sir, ipafollow up ko."

At tumayo si Sylvia para puntahan ang tinutukoy nyang si Brando.

Paglabas ni Sylvia may kasama na ito.

"Mam, Sir, mag antay antay po muna kayo saglit at aalamin ko!"

Sabi ni Brando kila Issay tapos ay bigla na itong tumalikod ni hindi inantay na magsalita si Isaay.

Kaya wala silang nagawa kundi mag antay muli.

Pero inabot na ng isang oras ng huli nilang makita si Brando, hindi pa rin ito lumalabas ng silid.

Bale, dalawang oras na silang nagaantay pero wala pa ring nangyayari. Inip na sila at pikon.

Sa ganitong sitwasyon sila naabutan ni Chedeng.

Pagpasok ni Chedeng, marami ang staff na biglang tumigil at napatingin sa kanya at bumati ang mga ito.

"Good morning po Mam!"

"Good morning!"

Dumiretso agad ito kay Sylvia dahil ang lamesa ni Sylvia ang nasa una at nagtanong.

"Pwede ko bang malaman kung bakit nyo sila pinag aantay? Kanina ko pa sila napapansin. May problema ba?"

Mahinahon ang salita ni Chedeng ngunit nakakataranta hindi lang kay Sylvia pati na rin sa mga taong naroroon.

Nagulat si Issay sa kinikilos ni Chedeng. Babatiin na sana nya ito kanina ng pigilan sya ni Anthon.

"E ..e.....Mam hindi po kasi ako ang nagaasikaso ako lang po ang tumanggap."

Paliwanag ni Sylvia

"Sino bang nagaasikaso? Paki tawag nga."

Utos ni Cheddeng

"Sige po Mam, sandali lang po!"

Sabi ni Sylvia at nagmamadali itong tumayo para puntahan si Brando.

Hindi na muling nagsalita si Chedeng. Inayos ang tindig saka humakbang paalis.

Nakahinga ng maluwag si Sylvia pati na ang mga ibang empleyado ng mapansin nilang aalis na ito, ngunit ....

Laking gulat nila ng imbis na lumabas ng silid ay dumiretso si Cheddeng kung saan nakaupo sila Issay at Anthon.

Nataranta na naman silang lahat. Lalo na ng makita nilang naupo ito sa tabi nila at mukhang mag aantay rin.

"Pasensya na kayo kung nahuli ako ng dating."

Pormal na sabi ni Cheddeng.

Hindi maintindihan ni Issay kung bakit ganito kapormal si Chedeng kaya hinayaan na lang nya. Baka ito ang trip ng kaibigan.

Hindi kasi alam ni Issay na si Mayor Arnold de Jesus, ang kasalukuyang mayor ng San Roque ang asawa lang naman ng kaeskwela at kaibigan nitong si Chedeng.

Pagbalik ni Sylvia, nilapitan sila agad nito at ipinaliwanag ang nangyaring sunog sa Registry of Deeds at isa sa mga nasunog ay ang titulo ng bukirin ni Leopoldo Saavedra.

Hiniling nito na kung maari ay bumalik na lang ulit sila bukas para malaman kung magkano ang babayaran sa buwis.

Pumayag naman si Issay pero naalala ni Anthon na ibinigay ni Issay ang titulo kanina.

"Pwede po bang makuha yung titulo?"

Sabi ni Anthon

"Uhm... mas mainam pong iwan nyo na muna."

Sagot ni Sylvia.

"Bakit kailangan nilang iwan yung titulo e kanila yun? Pwede namang xerox copy lang ang iwan nila. Nasaan ang titulo? Kunin mo at ibigay sa kanila."

Utos ni Cheddeng.

Nataranta si Sylvia, halatang hindi alam ang isasagot.

Maya maya pumasok ng silid si Mayor Arnold, lalong naalarma ang mga empleyado.

Nagtaka si Mayor Arnold kung bakit ganito ang kilos nila, nagawi lang naman sya doon dahil hinahanap nya ang asawa.

"Bakit anong problema dito?"

Tanong ni Mayor Arnold.

"Mayor, gusto lang nilang makuha ang titulo na iniabot nila kanina lang, pero hindi ko maintindihan kung bakit sila natataranta!"

Sagot ni Cheddeng.

Napansin din ni Mayor ang sobrang tensyon ng staff na parang may nangyayaring hindi maganda, kaya sya nagtanong.

"Asan ang titulo?"

Tanong ni Mayor Arnold kay Sylvia.

"E...e.... Na-nawawala po kasi, Mayor!"

Naiiyak na sagot ni Sylvia.

"Ano? Nawawala? E di ba binigay ko sa'yo!"

Kinakabahang sabi ni Issay.

Medyo nakaramdam din ng inis sila, Mayor Arnold, Cheddeng at Anthon.

"Paanong nawawala? Pakipaliwanag, mo nga?"

Dismayadong tanong ni Mayor Arnold.

"Kasi po kanina nang aalamin ko na ang tungkol sa titulo, kinuha po sa akin ni Brando. Akala ko po aasikasuhin nya kaya ibinigay ko! Nung hinanap ko na po ang titulo sa kanya hindi daw nya po alam!"

Natatarantang sagot ni Sylvia.

Kinabahan na si Issay.

'Paanong mawawala 'yon, e kanina ko lang inabot sa kanya?'

Naalala ni Issay ang sinabi ni Chedeng na may nagkakainteres sa lupain.

'Pano kung mapapunta sa ibang kamay ang titulo?'

Hindi rin makapaniwala si Mayor.

'Paanong mawawala ang titulo na yun kung ngayon lang ibinigay sa kanila? Nawawala nga ba o may nagkainteres sa titulo?'

Umiinit na ang ulo ni Mayor Arnold.

Tinawagan nito ang assistant nyang si Joan na bumaba sa Registry of Deeds.

"Joan, hanapin mo ang titulo at 'wag titigil hanggat hindi mo ito nakikita."

Utos ni Mayor Arnold.

"At kayo, walang lalabas ng silid na ito hangga't hindi nakikita ang titulo. Kung kinakailangan halungkatin at isa isahin ang personal nilang gamit, gawin mo Joan!"

Sabi ni Mayor Arnold sa lahat ng empleyado ng kwartong iyon.

Syempre, may idea na ang mga staff na naruon kung ano ang nangyari sa titulo. Obvious na may nagkainteres dito kaya tumahimik na lang sila dahil ayaw nilang madamay.

Pagkaraan ng tatlumpung minutong paghahanap....

"Mayor, eto na po ang titulo. Nakita ko na po!"

Sabi ni Joan sabay abot ng titulo kay Mayor Arnold.

"Saan mo ito nakita?"

"Duon po sa silid na iyon!"

Tinuro nya ang silid kung saan naroon si Brando.

"Sabihin mo sa Head ng Registry na gusto ko syang makausap, ngayon din! At mag talaga ka ng mga security dito sa silid na ito. Huwag palalabasin ang sino man! Maliwanag!"

Utos ni Mayor Arnold.

At saka nito hinarap sila Issay.

"Pasensya na sa mga nangyari. Narito na ang titulo, pero maari ko ba kayong maimbitahan sa opisina ko para makapag usap tayo ng maayos?"

Sabay abot ni Mayor Arnold kay Issay ang titulo.

*****

Kanina.

Nang madinig ni Brando ang pakay ni Issay, nagkainteres agad ito.

Pamilyar sya sa lupaing tinutukoy ni Issay kaya inabangan nya si Sylvia at kinausap.

"Sylvia, ako ng bahala sa isang ito, bumalik ka na sa ginagawa mo."

Sabi ni Brando sa kanya.

Natuwa naman si Sylvia dahil makakaligtas sya sa trabaho, kaya iniwan na nito kay Brando ang titulo at bumalik sa pwesto para ipagpatuloy ang ginagawa.

Ang hindi alam ni Sylvia may masamang balak si Brando sa titulo kaya nya ito kinuha sa kanya.

"Tiba tiba na naman ako nito! Hehe!"

Pagkaraan ng isang oras pinuntahan sya ni Sylvia dahil nagtatanong na si Anthon.

"Brando, nangungulit na yung may ari ng titulo, akala ko ba ikaw ng bahala?"

Naiinis na tanong ni Sylvia

Kaya nilabas ni Brando ang dalawa.

"Mam, Sir, magantay antay po muna kayo saglit at aalamin ko."

Sabi ni Brando kila Issay at Anthon, saka umalis at pumasok sa silid ni hindi inantay na makapagsalita ang kausap.

'Hmp! Mag antay kayo dyan hanggang sa mamuti lahat ng mata nyo, pero di nyo na makikita ang titulo!'

'Natawagan ko na si Kapitan Santiago tungkol dito at may presyo na ito, kaya hindi nyo na ito makikita.'

Ngingisi ngisi si Brando habang iniisip ang salaping ibibigay sa kanya ni Kapitan Tyago.

Maya Maya muling bumalik si Sylvia.

"Brando, andyan si Mam Cheddeng at nagtatanong na rin! Asan na ba kasi ang titulo at ako na ang gagawa?"

Natatarantang sabi ni Sylvia.

"Aba malay ko sa'yo! Diba ikaw ang huling humawak?"

Pagsisinungaling ni Brando.

Ngayong nasa kanya na ito, hinding hindi na nya ito ibabalik pa sa may ari.

Nagdududa si Sylvia sa sagot ni Brando.

'Bakit nya hindi alam e ibinigay ko sa kanya?'

Natataranta sya ng sobra.

Walang nakakaalam na ibinigay nya kay Brando ang titulo.

At hindi nya ito iniabot sa kanya, inilapag lang nya ito sa lamesa.

Hinanap nya ang titulo kung saan nya nilapag. Pero di nya nakita.

"Sabihin mo na lang kasi na nasunugan tayo kaya magulo pa ang rekord at pabalikin mo na lang bukas."

Suhestyon ni Brando para tantanan na sya ni Sylvia.

'Kailangan kong makagawa ng paraan para mailabas agad itong titulo, delikado pag nakita nila ito sa akin!'

Hindi nakita ni Sylvia ang titulo dahil naitago na ito ni Brando.

Walang nagawa si Sylvia kundi ang lumabas at magpaliwanag.

Sinabi ni Sylvia ang sinabi ni Brando na idahilan nya, okey na sana pero nakialam si Cheddeng at dumating si Mayor Arnold.

Akala ni Brando ay okey na pero nagulat sya ng pati si Mayor ay andito na rin.

Mas lalo syang nagulat at kinabahan ng madinig nyang pinapahanap ni Mayor ang titulo!

'Anong gagawin ko?!'

Hindi pwedeng makita ito sa akin!'

Sa sobrang taranta ni Brando, naitapon nya ang titulo.