Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 30 - Respeto

Chapter 30 - Respeto

Si Benilda Perdigoñez Martin ay kilala sa buong bayan ng San Roque.

Mas komportable sya pag tinatawag syang Tiya Belen ng mga taga ruon, pero mas gusto ng karamihan na tawagin syang 'Madam Belen'.

Sya ang bunsong anak ni Mayor Gilberto Perdigoñez na dating nanilbihang Mayor ng nasabing bayan.

At ang napangasawa naman nito na si Wilhelmino Martin ang sumunod na Mayor pagkatapos ng termino ng kanyang ama.

Kaya marami ang rumirespeto sa kanya hindi lang sa munisipyo, pati na rin sa buong bayan ng San Roque. At kahit matagal na panahon ng patay ang kanyang ama at asawa, ganun pa rin ang respeto at pag galang na ibinibigay nila kay Belen. Kaya hindi nakapagtataka kung buong galang sya kung kausapin ng lahat.

Kaya naman nagulat ang mga naroroon sa loob ng opisina ni Mayor Arnold, kung paano sya kinausap ni Roland.

Walang nakakaalam sa kanila na magpinsang buo sila Roland at Belen ..... at maaring wala ding maniwala kung may magsabi nito, kahit siguro sabihin pa ni Belen sa kanila.

Ni hindi man lang nga ito nilapitan ni Edmund para magbigay galang ng dumating.

Napansin ni Roland ang mga dismayadong tingin ng bawat isa sa kanya.

'Mga walang modo!

Bakit ba ganito sila kawalang galang?

Di hamak naman na mas mayaman na ko ke Luis pero hindi nila akong magawang tingnan kagaya ng pag tingin nila sa isang Perdigoñez?'

"Hmp!"

Kaya sa inis buong kapalaluan nitong kinausap si Belen.

"Belen, hindi ko alam na nasa iyo pala ang mga resibo ng amilyar! Mamaya, kukunin ko na yan at mula ngayon ako na ang maghahawak! Maliwanag?"

Singhal ni Roland na akala mo tauhan nya ang kausap nya.

Napatingin ang lahat kay Roland.

'Sino ba ang taong ito na walang respeto kung makipagusap kay Madam?'

"Kuya Roland, hindi mo na kailangan perwisyuhin ang sarili mo at hindi ko naman ibibigay sa iyo ang mga resibong ito. Sa akin yan ihinabilin ni Kuya Luis kaya ako lang ang dapat mangangalaga ng mga yan!"

Sagot ni Belen.

"At bakit hindi? Ako ang nagbigay ng mga yan sa kapatid mong si Luis bago sya namatay!"

Aroganteng sagot ni Roland.

Kitang kita ni Roland ang mga tingin ng nasa paligid na puno ng pagdududa sa sinabi nya.

'Lintek na mga ito kung makatingin, sarap tusukin ng mga mata! Hmp!'

"Kuya Roland, hindi ko maalala ni minsan na naging malapit pala kayo ni Kuya Luis?"

Nakataas ang kilay na tanong ni Belen.

Alam nyang tuso ang pinsan nyang ito at batid din nyang mainit ang dugo nito kay Luis, kaya papano nya ipagkakatiwala ang isang bagay na ganito sa kapatid?

"Sapagkat ako lang naman ang may ari ng lupaing yan at inutusan ko lamang si Luis na magbayad ng amilyar dahil marami akong ginagawa! Abala ako sa pagpapayaman!"

Buong yabang na sagot ni Roland. Nanghahaba pa ang leeg nito para ipakita na mas mataas sya ng di hamak sa katayuan kaysa kay Belen.

Gusto nyang ipagsigawan sa lahat na hindi sya basta basta at di hamak na mas mababa si Luis sa kanya.

"Teka sandali lang, naguguluhan ako! Paano naman nasama si Sir Luis sa usapan?"

Tanong ni Mayor Arnold.

Napataas ang kilay ni Roland.

'SIR LUIS?!'

'Lintek naman! Patay na si Luis pero kung respetuhin pa rin nya, sobra!'

'Samantalang andito ako buhay na buhay! pero kung kausapin nya puro pagdududa! hmp!'

"Mayor, para sa inyong kaalaman si Luis at ako ay mag pinsan buo!"

Sinabi nya ito sa pag aakalang pagnalaman ng mga narito na magpinsan sila, tyak magiiba ang tingin ng mga ito sa kanya, na dapat respetuhin din nila siya kagaya ng ginagawa nila kay Luis at sa mga Perdigoñez.

Pero nanatiling walang pakialam sa kanya ang nasa paligid na para bang walang naririnig.

"Attorney paki bigay nyo nga po yang dokumento kay Mayor."

Utos ni Belen na hindi pinansin si Roland.

Nang makita at mabasa ni Mayor ang nilalaman ng dokumento, sumeryoso ito.

"Madam, pwede po bang paki paliwanag ang nilalaman ng dokumentong iniabot ng abogado nyo sa akin para sa kaalaman ng lahat."

Sabi ni Mayor Arnold.

"Una po sa lahat ang amilyar ng lupaing yan ay ang kapatid ko ang nagbabayad. Taon taon itong umuwi bago mag pasko para asikasuhin yan.

Pero bago po kay Kuya Luis napunta ang obligasyon sa pagbabayad ng amilyar, ang ama ko po muna ang gumagawa nito."

Paliwanag ni Belen.

"Kelan po sinimulan ng pamilya nyo ang pagbabayad ng amilyar ng lupain na ito?"

Tanong ni Mayor Arnold.

"Mga dalawamput limang taon na po sa ngayon Mayor at ang opisina namin ang naatasan ni Sir Luis sa pagbabayad nyan!"

Paliwanag ni Atty. Rivera

"Mayor Arnold, matalik pong mag kaibigan ang aking ama at si Juanito Saavedra. At nung mga oras na nagkasakit ito, ihinabilin nya sa aking ama ang lupaing tinutukoy nyo."

Paliwanag ni Belen.

Napatingin ang lahat kay Roland.

Napansin ito ni Belen pero hindi na nya na inalam kung bakit.

"Belen, Belen! Teka lang ha, sino naman si Juanito Saavedra? E, diba si Leopoldo Saavedra ang tunay na may ari ng lupa? Kahit itanong mo pa kay Isabel!"

Buong yabang na sabi ni Roland

Feeling na alam nya lahat.

Pero hindi sya pinansin ni Isabel nakatingin ito kay Belen na halatang inaantay ang susunod na sasabihin.

Kinayamot ito ni Roland. Akala pa naman nya mag re react si Isabel.

"Kuya Roland, si Leopoldo at si Juanito ay mag ama!"

Nagulat si Roland.

'Kaya pala nila tinatanong kung sinong Saavedra kanina.'

"Si Leopoldo Saavedra ang orihinal na may ari ng buong lupaing iyan"

Paliwanag ni Belen.

Nangiti si Roland ng madinig ito.

Dahil iniisip nya umaayon pa rin sa kanya ang lahat.

Ngunit nawala ang ngiti nito ng marinig ang susunod na sinabi ni Belen

"...at si Leopoldo Saavedra ang lolo sa tuhod ni Isabel!"

Natigilan si Roland. Nagiisip.

"Lolo sa tuhod? Lolo sa tuhod?

Bat walang nag sabi sa akin na lolo pala sa tuhod ni Isabel si Leopoldo?

Kung ganun, ilang taon na yung matandang yun?"

Pabulong nitong usal. Pero nadinig pa rin ng malapit sa kanya lalo na ni Mayor Arnold.

"Sige po Madam, pakituloy na po."

Sabi ni Mayor Arnold kay Belen para mawala ang atensyon kay Roland.

"Bago namatay si Juanito Saavedra, ibinenta nya ang lupain sa aking ama."