Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 31 - Nabistong Kasinungalingan

Chapter 31 - Nabistong Kasinungalingan

Natahimik ang lahat ng nakarinig.

Parang dahan dahan nilang inilalagay sa isip ang mga sinabi ni Belen.

Ninanamnam ang bawat salita. Sinisigurado na tama ang narinig nila.

Si Roland ang unang pumutol ng katahimikan.

Bigla itong tumindig sabay duro kay Belen.

"A-N-O ???!!!!!

ANONG PINAGSASABI MO, BELEN?!

PAANONG MANGYAYARI 'YON?!!!"

Singhal ni Roland na nakakatulig sa tenga ni Belen. Pulang pula ang mukha nya nito sa galit.

Nang makita ni Mayor, bigla din itong tumayo.

Pati si Edmund na sa simula pa lang ng pumasok ng silid ay walang ng ginawa kung hindi titigan si Anthon ay biglang napatayo sa harapan ng tiyahin upang maitago ito kay Roland.

Hindi nito papayagan ang sinuman na may manakit sa tiyahin nya.

"Mr. Ledesma, huminahon ka! Pakiusap!"

Sabi ni Mayor Arnold.

"Pero Mayor!

Paano ako hihinahon e halatang gumagawa lang sya ng kwento!

Aber, papaano nya mapapatunayan ang lahat ng sinasabi nya? Anong ebidensya nya?!

Patay na si 'Tyo Berto, patay na si Luis at patay na rin si Saavedra! Kung sino man yung Saavedra na yon!"

Nang gigigil na sabi ni Roland. Hindi ito makapaniwalang naungusan na naman sya ni Luis.

'Lintek ka Luis! Patay ka na pero inuungusan mo pa rin ako!'

Bakit di ka na lang dyan manahimik?!'

Sabi ni Roland sa sarili.

"Mr. Ledesma, pwede bang ayusin mo ang sarili mo! Ayoko ng gulo sa opisina ko!

Gusto kong tapusin ito ng maayos, kaya pakiusap, umupo ka na lang at makinig kung gusto mong malaman kung bakit!"

Sabay senyas ni Mayor Arnold sa mga konsehal na naroon na tumawag ng tulong.

Nang makita ni Roland na may lumabas para tumawag ng pulis, saka lang ito tumigil at naupo.

Hinatak naman ni Belen si Edmund sa upuan para maupo na rin.

At ng hupa na ang lahat saka lang din naupo si Mayor.

Pero ramdam pa rin ang tensyon sa paligid. Walang sino man ang maunang gustong magsalita.

Hanggang sa nagsalita si Issay.

"Ate Belen..."

"Ano yon Issay?"

Mahinahong tanong ni Belen.

"Alam nyo po ba ang dahilan kung bakit ibinenta ni Lolo Juan ang lupain?"

Tanong ni Issay.

"Issay, ang pagkakaalam ko dahil yun sa Nanang mo. Ayaw nyang mahirapan kayo ng Nanang mo."

Sabay abot ni Belen ng sulat kay Issay.

"Nakita ko ito sa gamit ng aking ama. Sulat yan ni Lolo Juan para sa iyong ina."

"At papaano ka naman nakasisiguro na galing nga kay Juan yan?"

Sita agad ni Roland kay Belen.

"Kuya Roland, hindi ko rin alam! Hindi ko sya binuksan dahil personal yang sulat!

E, ikaw? Anong problema mo ba't nanggagalaiti ka dyan?!"

Tanong ni Belen na inis na inis na sa pinsan nyang ito.

Hindi man alam ni Belen ang buong kwento kung bakit andun si Roland dahil huli syang dumating, may sapantaha na ito sa nangyayari at malamang nabisto na ang kasinungalingan ginawa ng pinsan nya kaya nanggagalaiti ito ngayon at binubunton sa kanya ang galit.

Hindi nakaimik si Roland. Nagiisip sya kung papano mapapaayon sa kanya ang sitwasyon.

'Hindi pa huli ang lahat! Kailangan makaisip ng paraan. Mga patay na sila kaya paano nila mapagsasalita ang mga iyon?'

"Mayor, nung pong araw ng bentahan naganap, Si Atty. del Mundo po ang namagitan sa dalawa. Siya po ang abogadong pinagkakatiwalaan ni Mayor Perdigoñez."

Si Atty. Rivera ang nagsalita.

Kilala ng lahat sa San Roque si Atty. del Mundo at alam din nilang ito ang attorney ng pamilya Perdigoñez.

"Pero matagal na ring patay ang tinutukoy nyong attorney."

Sabat ni Roland.

Wala pa syang maisip na paraan para umayon sa kanya ang sitwasyon kaya naisip nyang mas magandang kontrahin na lang.

"Sa dating opisina po ni Mayor Perdigoñez naganap ang bentahan. Narito po ang mga larawan ng naganap ng araw na iyon."

Muling sabi ni Atty. Rivera.

Sabay abot ng mga lumang larawan kay Mayor Arnold.

Makikita nga duon na pumipirma ang dalawa.

"Pano kung edited yan?!"

Tanong ni Roland na nakataas pa ang kilay.

Lahat: "Edited?????"

Nakakunot ang noo ng lahat, hindi pa kasi digital ang larawan.

Nagtataka si Roland bakit sya tinitingnan ng mga ito na parang isang payaso.

Tiningnan ni Mayor ang isang pang larawan.

"At yan pong nasa larawan, Mayor, ang nagsibli nilang witness sa pagpirma.

Ang dating konsehal Legaspi na gobernor na ngayon, ang bise ni Mayor Perdigoñez na si Mayor Martin at si Mrs. Maria Felisidad Santiago na dating nagtatrabo dito sa munisipyo."

Sabi ni Atty. Rivera habang itinuturo ang bawat isa sa larawan.

Nagulat si Anthon ng madinig ang pangalan ng ina.

Kanina pa siya hindi makapakinig ng maayos dahil panay ang tingin ng matalim sa kanya ni Edmund, naiilang sya.

"Maliban po kay Mayor Martin na pumanaw na, pwede po nating tanungin ang dalawang natitirang witness."

Sabi ni Atty. Rivera sabay tingin nito kay Roland na parang hinahamon ito.

Gusto ng lumayas ni Roland sa mga oras na iyon.

Napipikon na sya sa kawalang respeto sa kanya ng mga taong naruon kabilang na rin ang pinsang nyang si Belen at ang anak ni Luis.

Pakiramdam nya pinagkakaisahan sya ng lahat ng naruruon.

Pero sa huli, hindi nya maintindihan kung bakit gusto nyang manatili.

Siguro marahil nagaalala sya baka maungusan ulit sya ni Luis.

"Issay meron ka pang dapat malaman. Pitong ektarya lang ang binenta ni Lolo Juan hindi nya isinama ang dalawang ektaryang parte ng Nanang mo na nasa kanya.

Ibinalik ni Juanito Saavedra sa dati ang lupang pagaari ng Nanang mo, Bale tatlong ektarya ang kabuuan nito."

Paliwanag ni Belen.

"Pero Madam matanong ko lang, kung nabili nyo na ang lupa bakit hindi nyo pa ito pinapalitan ng titulo?"

Tanong ni Mayor Arnold.

"Dahil may isang kahilingan nuon si Lolo Juan bago sya namatay at hindi pa namin ito natutupad."

Pagaamin ni Belen.

"Ka..hi..li..ngan?

Ano pong kahilingan, Ate Belen?"

Curious na tanong ni Issay.

"Ang tanging hiling ni Lolo Juan sa aking ama bago sya binawian ng buhay ay ilagay kay Aling Carmen na pangalan ang cheke ng napagbilan sa lupa dahil nung una ay nakalagay ito sa pangalan ni Lolo Juan. Nung panahong iyon, batid ni Lolo Juan na mahina na sya at maari ng pumanaw ano mang oras, kaya hiniling nya kay Amang ito.

Sinunod naman ng aking ama ang hiniling ni Lolo Juan. Namatay ito matapos nilang makapagusap at ibibigay na sana ni Amang ang cheke kay Aling Carmen matapos mailibing si Lolo Juan pero...."

Napahinto si Belen at tiningnan si Issay.

" ...naaksidente si Aling Carmen at kinalaunan ay kanyang ikinamatay kaya hindi naibigay ang cheke sa kanya.

At dahil sa pagkamatay ni Aling Carmen, natural lang na dapat mapunta ang cheke sa kanyang anak at ikaw yun Isabel."

Nakangiting sabi ni Belen.

"Teka....ang ibig mo bang sabihin.... yung sampung milyon ....yun ang..... ?"

Nagiisip na sabi ni Roland.

Tila napagdugtong dugtong na nya ang nangyari.

"Tama Kuya Roland, yun nga!

Nang mamatay ang kapatid kong si Kuya Luis, ang isa sa huling habilin nya ay ibigay kay Isabel ang halagang SAMPUNG MILYON, bilang kabayaran sa lupa!"