Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 33 - Nais Ko S'yang Makaharap!

Chapter 33 - Nais Ko S'yang Makaharap!

Kinabukasan, nagulat ang dalawang magkaibigan ng may dumating na bisita sa bahay ni Issay.

Duon kasi sila natulog na dalawa para makapagkwentuhan ng maigi.

Walang nagawa si Mama Fe kundi pumayag. Nararamdaman nya kasi na naiilang pa ang dalawa sa harapan nya at halatang gusto nilang mapagisa, sa kundisyon na duon pa rin sila kakain sa bahay ni Mama Fe.

Kagigising lang nila at naghahanda ng pumunta kila Mama Fe ng biglang may kumatok.

Akala nila si Anthon o si Joel lang yun para sunduin sila, kaya pinagbuksan agad nila ng pinto.

Nagulat na lang sila ng makitang si Roland pala ang nasa harap ng pintuan posturang postura, puno ng pomada ang buhok at may dala pang mga bulaklak.

Nagkatinginan ang magkaibigan.

'Bat parang aakytat sya ng ligaw?'

Tanong ng mga mata nila.

"Magandang umaga mga binibini! Mukhang nakatulog ka na ng mahimbing, Isabel, siguro naman pwede na tayong mag usap? Hehe!"

Sabi ni Roland sabay pasok sa loob ng bahay at saka naupo kahit hindi pa iniimbita.

Walang nagawa ang dalawa kundi sundan sya sa loob ng bahay.

"Mr. Ledesma, paano mo nalaman na narito ako?"

Nagtatakang tanong ni Issay.

"Syempre sa pamangkin ko! Hehe!"

Buong pagmamalaki ni Roland.

"Siya lang naman ang kapitan ng baranggay na ito! si Kapitan Santiago. Naalala mo ba yung kasama ko kahapon? Siya yun! Hehe!"

Gustong sumagot ni Issay, pero alam nyang magaaksaya lang sya ng laway. Batid nya kung gaano kakapal ang mukha ng kausap kaya tinaasan na lang nya ito ng kilay.

"Bakit ho may dala kayong bulaklak? Aakyat ho ba kayo ng ligaw, oh, baka naligaw lang kayo?"

Tanong ni Vanessa

"Hehe! Oonga pala! Flowers for you, Ms. Isabel!"

Sabi ni Roland na nakangiti sabay abot ng mga bulaklak kay Issay, pero hindi ito kinuha ni Issay kaya inilapag na lang nya sa mesa.

Ni hindi umalis sa kinaroroonan nya si Issay at patuloy lang na minamatyagan si Roland na para bang pinagaaralan ito.

"Uhmm... Isabel, ang gusto ko lang naman ay makausap ka kaya ako nagpunta dito. Alam mo kasi hindi lang talaga naging maganda ang simula natin, pero tapos na yun! Kaya sa tingin ko dapat na tayong magsimulang muli! Kaya pwede ba maupo ka na para makapagusap na tayo!"

Sabi ni Roland na parang sya ang may ari ng bahay, inuutusan syang maupo.

Hindi makapaniwala ang magkaibigan. Pareho silang napanganga sa inaasal ng nasa harapan nila.

'Sa tingin ba nya sya ang may ari ng bahay at bisita lang kami?'

"Ang kapal ng 'fez' friendship!" Bulong ni Vanessa kay Issay.

Alam ni Issay na napipikon na ang kaibigan nya sa inaasta ni Roland.

"Pasensya na Mr. Ledesma, pero hindi kita maiistima ngayon. May mahalaga kaming lakad na magkaibigan at nagmamadali na kami kaya kung pwede sana umuwi ka na."

Seryosong sabi ni Issay.

"May lakad kayo? Maganda yan! Kailangan syempre kasama ako! Hehe! Bilang mabuting mamamayan ng bayang ito dapat lang na samahan ko kayo!Kaya tara na!"

Tumayo na agad si Roland

"Pasensya na Mr. Ledesma, hindi ka namin pwedeng isama sa lakad namin. Nagmula pa sa Maynila ang kaibigan ko at ngayon lang sya nakarating sa San Roque kaya abala ako ngayon, marami kaming planong gawin na dalawa."

Paliwanag ni Issay.

Sa sitwasyon na iyon nadatnan sila nila Joel at Anthon.

Nang makita ng magkapatid na si Roland ang kausap ng magkaibigan, agad na kinuha ni Joel si Vanessa at inilayo ito saka inakbayan.

Lumapit din agad si Anthon kay Issay pero naalala nya ang nangyari kagabi kaya imbes na tinakpan nito si Issay, tumabi ito sa kanya.

"Hmm... May mga bwisita ka Isabel!"

Nakataas ang kilay nitong sabi.

Magsasalita na sana si Anthon pero hinawakan ni Issay ang pulso nito para pigilan.

"Mr. Ledesma, gaya ng sabi ko sa'yo, may mahalagang lakad ako kasama ang kaibigan ko at hindi ko maaring ipagpaliban ito. Napakahalaga sa aming magkaibigan ang pagkakataong ito. Kaya sana maintindihan mo."

Mahinahong paliwanag ni Issay kay Roland at nakangiti pa ito.

Natuwa naman si Roland sa sobrang pag galang syang kausapin ni Issay. Pakiramdam nya binibigyan sya ng importansya ni Issay kaya nakikiusap ito sa kanya.

"Hmm...Kunsabagay tama ka! Oo naman Isabel, syempre naintindihan ko. Ako pa! Isa akong mapang unawang tao kaya naintindihan ko. Natural lang sa mga babae ang ganyang mga lakad! Hehehe!"

Sabi ni Roland na ang ibig ipahiwatig ay marami syang alam sa hilig ng mga babae.

"Sige magpapaalam na ako. Pero pangako babalik ulit ako! Hehe!Paalam na rin sa inyo mga Manong! Hehehe!"

Sabi ni Roland sabay alis.

"Anong Manong? ...e mas mukha pa syang manong kesa sa amin!"

Inis na sabi ni Joel.

"Honey babe, hindi sya mukhang manong mukha syang DOM - Dirty Old Man!"

"Hahahaha!"

"Mabuti pa tara na at pinapatawag na kayo ng Mama para mag agahan!"

Sabi ni Anthon

Pagkatapos magalmusal gumayak na sila para mamasyal.

Kasama ang lahat pinuntahan nila ang magagandang tanawin sa San Roque.

Ngayon lang nakarating si Vanessa sa San Roque kaya aliw na aliw ito. Maging si Issay ay namangha rin sa mga bagong pasyalan duon.

*****

Samantala.

"Vice Mayor, narito na po ang inuutos nyo sa akin. Ang impormasyon nakalap ko tungkol kay Isabel."

Sabi ni Assistant Jake.

Kinuha ni Vice Mayor Esmeralda Centeno ang folder at binasa.

"Hmmm ... hindi ko akalaing nakatapos pala sya ng pagaaral at nakapagmasteral pa

pero bakit sya nagtitinda lang ng prutas?"

Nagtatakang tanong ni Vice Mayor.

"Meron din syang ibang pinagkakakitaan bukod sa prutasan. At may mga investment din po sya."

Sabi pa ng Assistant nyang si Jake.

" ....at malalim ang relasyon nya sa mga PerdigoƱez. Ito kaya ang dahilan kaya sinabi ni Chedeng na wala sya sa kalingkingan ni Issay?

Nais ko syang makaharap!"

Sabi ni Vice Mayor

*****

Pero hindi lang si Vice Mayor ang nagkakaroon ng interes kay Issay dahil yan din ang iniisip ni Mayor Arnold ng mga oras na iyon kaya nagtanong ito sa asawa.

"Mahal bakit mo nga pala nasabing wala ka sa kalingkingan ni Issay?"

Tanong ni Mayor Arnold.

"Hmmm.... mukhang interesado ang Mahal ko kay Issay ah! Well, si Issay ang madalas kong katunggali nung highschool.

"Sa lahat ng bagay lagi nya akong natatalo. Pero sadyang mapagbigay si Issay, hinahayaan nya akong manguna. At kaya ko nakukuha ang pagiging pangulo ng klase taon taon dahil tinatanggihan ito ni Issay. Batid ko na mas matalino sya sa akin at alam kong hindi ko sya matatalo lalo na pag nag focus sya sa isang bagay.

"Bata palang kami, madalas na itong makikita sa isang puno nagtuturo sa mga bata upang bumasa at mag sulat.

At alam mo bang wala pa syang isang linggo dito sa San Roque nakuha na nya ang loob ng mga magbubukid at tinulungan din nya ang mga anak nila sa problema sa skwela at nalaman din nya ang problema ni Pinyong!

Kwento ni Cheddeng

"Si Pinyong yung trysikel drayber na laging mainitin ang ulo at nirereklamong me pagka manyak dahil laging tinititigan ang kausap?"

Tanong ni Mayor Arnold

"Oo syanga! Bingi pala ito pero hindi halata dahil marunong magbasa sa buka ng labi. Nahihiyang ipaalam ang kapansanan nya sa iba pero nalaman ni Issay at kinumbinse syang tutulong. Kinabukasan isinama nya ito agad sa EENT at may planong dalhin sa Manila para maipagamot.

Isipin mo Mahal, magiisang linggo pa lang si Issay madami na syang natutulungan pano pa kaya kung magtagal sya dito?"

Buong pagyayabang na sabi ni Cheddeng.

Nagulat sya ng biglang tumayo ang asawa.

"Oh saan ka pupunta?"

"Kila Issay mukhang kailangan natin syang makausap!"

Sabi ni Mayor Arnold.

"Wagna! ipagpabukas mo na at wala sya sa bahay. Ipinasyal nya ang matalik nyang kaibigan."