Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 39 - Mas Mahalaga Ka

Chapter 39 - Mas Mahalaga Ka

Mula ng dumating sa Maynila si Issay naging abala na ito sa dalawang bagay.

Una sa kompanya at ang mga magagandang ideya ni Nadine na gusto nyang magkatotoo.

Pangalawa ang kapansanan ni Pinyong.

Nagaalala na si Vanessa sa sobrang seryoso ng kaibigan sa pag re-research nito gabi gabi tungkol sa kapansanan ni Pinyong.

Ramdam nyang may mas malalim pang dahilan kaya nya ginagawa ito pero ayaw naman magkuwento ni Issay.

Kinakabahan na sya lalo na't paalis na sya bukas.

"Friendship, pwede ba tama na yan! Hindi ba pumayag ng magpa opera ni Pinyong at naka schedule na ito? Kaya tama na yan, kailangan mo rin ng pahinga!"

Sabi ni Vanessa.

"Gusto ko lang maging handa si Pinyong. Malapit na ang operasyon at halatang kinakabahan sya!"

Sagot ni Issay na hindi inaalis ang focus sa laptop.

"Si Pinyong ba talaga ang ihinahanda mo o ikaw?"

"Ano bang kailangan mo ba't nangungulit ka?"

Tanong ni Issay.

"Bukas na ang alis ko at isang buwan tayong hindi magkikita!"

Nagtatampong sabi ni Vanessa.

Tumigil sa ginagawa nya si Issay ng marinig ang kaibigan.

"Pasensya na kung naging abala ako, lately. Ihahatid kita bukas, pagkatapos ng check up ni Pinyong!"

"Dika ba hahanapin sa opisina?"

Tanong ni Vanessa.

"Hapon pa naman ang presentation ni Nadine e! Saka mas mahalaga ka kesa sa trabaho ko sa opisina!"

Sagot ni Issay

Na touch si Vanessa sa sinabi ng kaibigan kaya lumapit ito at niyakap si Issay

"Bukas nga pala si Anthon ang susundo sa atin."

Sabi ni Vanessa at lumipat na ito sa silid nya para matulog.

Kinabukasan.

Pagkahatid kay Vanessa sa airport sya naman ang hinatid ni Anthon sa opisina.

Masayang masaya si Issay dahil maayos ang naging resulta ng huling eksaminasyon kay Pinyong at handa na ito sa operasyon.

Pagdating nya sa lobby nakita nya ang pasarang elevator at hinabol ito.

"Teka! Sandali lang!"

Pero nagsara pa rin ang elevator at hindi sya inantay na makasakay.

Ang pinagtataka nya iisa lang ang laman ng elevator at si Edmund yun. Alangan naman hindi sya nito nakita at nadinig.

Sampung palapag ang kabuuan ng building at dalawa ang elevator pero isa lang ang hanggang 10th floor, yung isa hanggang 7th floor lang.

Kaya ibig sabihin magaantay pa sya na maihatid si Edmund sa taas bago ito bumaba para makasakay sya.

Buti na lang nakita sya ni Nadine. Bumaba ito para bumili ng kape. Isa kay Issay at isa sa kanya.

"At kelan ka pa naging adik sa kape?"

Tanong ni Issay.

Nangiti lang si Nadine sa kanya.

Alam ni Issay na kinakabahan si Nadine sa presentation mamya kaya kinuha nya pareho ang kape.

"Handa ka na ba? Natural lang na kabahan ..... pero alam kong malaki ang tiwala mo sa ideyang ito. Iyon ang isipin mo 'wag 'tong kape!"

Sabi ni Issay na hindi na ibinalik ang kape.

'Akin na 'tong kape! Hehe!'

Inaantay talaga ni Nadine ang payo ni Issay pero ....

Napakagat labi na lang si Nadine sa kape nya.

Simula ng sabihin ni Issay kay Nadine na gagamitin nila ang ideya nya lagi na itong masaya.

Natakot sya sa umpisa pero unti unti syang ginabayan ni Issay para mawala ang takot nya.

Lumakas ang loob nya.

Sobra nyang pinaghandaan ang presentation at madalas gabi na kung umuwi. Pati pagsasalita ay pinapaktris din nya kasama si Issay para mabawasan ang kaba nito.

Hindi na sila halos nagkikitang magkapatid.

Madalas syang tinatawagan ng ama para kamustahin si Nicole pero sinasabi na lang nyang nasa bahay ito at tulog pa ng sya'y umalis.

Minsan binabanggit ni Nadine sa ama ang mga pinagkakaabalahan nya sa opisina pati ang tungkol sa presentation na padating para malaman nito kung gaano sya ka busy.

Maraming ideya na pumapasok sa isip si Nadine. Naguumapaw!

Bagay na ikinasisiya ng husto ni Issay.

Natutuwa naman si Nadine sa tiwala at gabay na binibigay ni Issay sa kanya.

Sa isang meeting room ginanap ang presentation.

Maganda naman ang kinalabasan nito. At maraming natuwa kay Nadine habang pinapaliwanag ang bawat detalye ng presentation.

Hindi ito boring mag present. Nagpapatawa pa ito kung minsan, bagay na hindi akalain ni Nadine na magagawa nya.

Hindi nakialam si Issay sa presentation. Gusto nyang makita nila kung gaano kagaling si Nadine.

Bukod kay Issay at Nadine, andun din si Belen, Si Edmund, Si Tess at ang tatlong executives.

Puring puri nila si Nadine sa napakahusay at napakagaling nitong presentation.

At masayang nagtatawanan ang lahat habang nag bibigay naman ng ideya ang iba.

Nang biglang.

BHAG!

Hinampas ng malakas ni Edmund ang kamay nya sa mesa.

"Walang kwenta!"

Sabi ni Edmund at naginat pa bago umalis.

Nagtaka ang lahat at naguguluhan bakit ganun ang kinilos ni Edmund.

"Hindi ba nya nagustuhan?"

"Kung hindi, bakit 'di nya sabihin ang dahilan hindi yung basta na lang sya umalis!"

"Napaka immature!"

"HMP"

Simula pa lang ng presentation, nakitaan na ito na walang ganang makinig.

Nakaupo lang ito at busy sa phone nya naglalaro.

Hindi man lang tiningnan ang presentation at halatang bored at napipilitan lang na magpunta duon.

Kaya nagulat ang lahat ng magsalita sya ng ganun.

Hindi nila akalain na me ganito palang ugali si Edmund. Akala nila ay matino at mabait na bata ito, pero iba ang nakikita nila ngayon.

Kung umasta ito ay parang isang batang anak mayaman na laki sa layaw at walang pakialam.

Ang naguumapaw na saya ni Nadine kanina ay naglaho lahat ng madinig ang sinabi ni Edmund.

Hindi sya makapaniwala na sasaktan sya ng husto ng kaibigan. Pinaghirapan nya ito ng ilang araw pero nabalewala lang.

Gusto nyang umalis at iwanan lahat pero pinigilan sya ni Issay.

Tumayo si Belen at sinabing tapos na ang presentation at pwede na silang umalis.

Gustong magsalita ni Belen pero wala syang masabi sa kinilos ng pamangkin. Nagpaalam na ito at umakyat sa taas upang kausapin si Edmund.

"Edmund, pwede bang pakipaliwanag kung bakit hindi mo nagustuhan ang presentation ni Nadine?"

Tanong ni Belen

"Hindi ko po gusto ang ideya ni Issay!"

Sagot ni Edmund. Galit ang boses nito.

"Alin ang di mo gusto?"

Tanong ni Belen

Edmund: "Lahat! Kailangan ko pa po bang ipaliwanag Tiya?!"

Naiiritang sagot ni Edmund

"Oo kailangan mong ipaliwanag dahil hindi namin naiintindihan!Wala kaming kakayahang basahin ang nasa isip mo!"

Sagot ni Belen.

"Naiinis ako Tiya! Naiinis ako kay Isabel! Bakit nya ko pinagbabawalan ihatid sya at ligawan tapos makikita ko nagpapahatid sya sa Anthon na iyon!"

Galit na galit na sabi ni Edmund.

"Ahhh!.... kaya pala!

Ibig sabihin nasasaktan ang ego mo! Hindi mo matanggap na walang gusto sayo si Issay kaya gumaganti ka! Kaya sinira mo ang pinaghirapan presentation ni Nadine!

Naisip mo man lang ba ang nararamdaman ni Nadine?"

Tanong ni Belen.

"Galit na galit ka kay Issay kahit wala naman itong ginagawa sa'yo! Pero ikaw, hindi mo ba nakikita ang inasal mo?

Isip bata!

Iritadong sabi ni Belen.

Hindi nya akalain na may ganitong ugali ang pamangkin.

Pero sarado ang isip ni Edmund. Pakiramdam nya ayaw syang intindihin ng Tiyahin. Nagrerebelde ang kalooban nya.

Sa isip nya, kung buhay lang ang Papa nya may kakampi sya!

Padabog itong lumabas ng silid.