Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 25 - Ako Alam Ko Kung Nasaan Sya!

Chapter 25 - Ako Alam Ko Kung Nasaan Sya!

"Ho?! Naku wagna po!"

Tanggi ni Issay sa inaalok na tulong ni Mama Fe.

Nahihiya sya.

"Anong wagna? Hindi kita papayagan na magpunta ka dun ng mag isa!"

Singhal ni Mama Fe.

Tama si Tita Fe Issay! Sasamahan din kita!"

Sabi ni Chedeng.

Ang isa pa talagang dahilan kaya tumatanggi si Issay ay dahil kailangan na nyang bumalik ng Maynila.

"Kasi po Aling Fe ....."

Nang marinig ni Mama Fe na tinawag sya ulit ni Issay ng ganun, tinitigan nya si Issay ng matalim sabay taas ng kilay.

"Mama ..Fe ...

Yung po kasing titulo nasa Maynila kaya balak ko po sanang lumuwas muna."

Paliwanag ni Issay.

Nang marinig ni Mama Fe ang paliwanag ni Issay agad nitong kinuha ang cellphone nya at tinawagan si Joel.

Mama Fe: "Totoy, me ipapagawa ako sa'yo!"

Joel: "MA! Joel po!"

Pagmamaktol nito sa ina.

Mama Fe: "Oo na Joel na! hmp. May problema si Issay, kailangan nya yung titulo ng lupa nila dito. Andyan daw sa Maynila. Pwede bang ikaw na ang kumuha at dalhin mo dito!"

Utos yun at alam ni Joel na hindi sya pwedeng tumanggi.

Joel: "Uuwi ako dyan? Ma, me trabaho po ako!"

Mama Fe: "Lumiban ka muna anak at na mi miss na rin kita! Antagal mo na kayang di nagpapakita sa akin! Saka ikaw naman ang boss dyan!"

Walang nagawa si Joel. Gusto man nyang mangatuwiran pero totoong matagal na itong di nakakadalaw sa ina. At pag di sya umuwi, tyak si Mama Fe ang luluwas para makita sya. At malamang na makakagalitan sya ng mga kuya nya. Hindi na kasi makakayanan ng Mama nya ang mahabang byahe.

Joel: "Okey po Ma, pero isasama ko si Vanessa ha! Love you po!"

Sabay baba ng cellphone nya hindi na inantay ang sagot ng ina.

'Haaay! may magagawa pa ba ako eh binabaan na ako ng cellphone!'

Nakatingin pa rin ito sa cellphone, hindi makapaniwalang binabaan sya ng anak.

'Pero at least nag love you sya bago ibinaba!'

"Oh, ayan Issay, si Joel na daw magdadala dito ng titulo. Wagka na lumuwas!"

"Tama si Tita Fe. Mas mabuting asikasuhin mo agad yan Issay, dahil may umaangkin sa pagmamay ari ng buong bukirin kasama ang kinatitirikan ng bahay mo!"

Sabi ni Chedeng.

Nagulat ang lahat.

Sinong magkakainteres dito.

Iisa lang ang nasa isip nila maliban kay Issay na wala talagang ideya.

"Si Roland Ledesma!"

Sabay sabay nilang sambit.

"Si Roland Ledesma?... yung pinsan ni Kuya Luis?"

Tanong ni Issay.

"Oo! syanga!"

Sa kanila lahat, sya lang at si Avie ang nakakaalam na mag pinsan buo sila Roland at Luis.

"Marami ng nabiling lupa yan dito sa atin at pinatatayuan ng subdivision kaya kilala ang pangalan nya. Pero hindi namin alam na mag pinsan buo sila ni Luis."

"E, papano naman mapupunta sa kanya ang lupa na hindi alam ni Issay?"

"Yun ang tanong!"

"Wagna kayo masyadong magisip dyan, malalaman natin bukas ang sagot!

Andito kayo para magsaya diba?Kaya eto dinalhan ko kayo ng meryenda!"

Sabi ni Mama Fe.

"Salamat po!"

At dun natapos ang usapan tungkol sa lupa.

Sabay sabay silang dumulog sa lamesa para pagsaluhan ang meryendang dala ni Mama Fe.

At muling bumalik ang tawanan at biruan habang inaalala ang kanilang nagdaang kabataan.

Tuwang tuwa si Mama Fe habang nakikinig at pinagmamasdan ang kanilang mga kulitan.

Maya, maya may naisip si Mama Fe.

"Oonga pala mga girls, may hihilingin ako sa inyo, sana mapagbigyan nyo ako."

Sabi ni Mama Fe

"Ano po yun?"

Tanong ng lahat.

"Pwede ba kayong maimbita sa birthday ko para mag sayaw?"

Nagtinginan ang magbabarkada.

'Kaya pa ba nating sumayaw?'

Kahit hindi nagsasalita batid nilang pare pareho ang iniisip nila kaya.

"HAHAHAHA!"

Nagtawanan ang pahat.

....at sabay sabay tumingin kay Mama Fe ng nakangiti.

"OPO!"

*****

Pagkababa ng cellphone, napalusob si Joel sa apartment ni Issay.

"Honey love ko, magimpake ka, bilis!"

Sabi agad ni Joel pagpasok pa lang ng pinto.

"Bakit Honey babe ko, san mo ko dadalhin? Itatanan mo na ba ako?"

Nagtatakang tanong ni Vanessa sa nobyo.

"Hindi Honey love, may problema daw si Ate Issay kaya magimpake ka na at susundan natin sya sa San Roque!

Pero bago ka mag impake hanapin mo muna yung titulo ng lupa nila at kailangan, kailangan daw ni Ate Issay sabi ng Mama!"

Dirediretsong sabi ni Joel.

Nang madinig ito ni Vanessa agad tinawagan ang kaibigan para masigurado kung ano at saan hahanapin ang mga papeles ng mapadali ang paghahanap.

Pagkatapos mahanap ang mga papeles, nagmamadali na syang umalis. Inaantay na kasi sya ni Joel sa sasakyan.

Palabas na sya ng apartment ng makasalubong nya si Edmund.

"Edmund, pasensya na, nagmamadali ako! Hindi nakita maaiistima at inaantay na ako ng honey babe ko! Kailangn naming puntahan si Issay at may problema daw!"

Sabi ni Vanessa sa nakatayo lang na si Edmund.

Pagkasabi, hindi na inantay ni Vanessa na sumagot si Edmund, nagmamadali na itong umalis at iniwang nakatayo pa rin ang binata.

Walang nagawa si Edmund. Hindi na sya nakapagsalita sa sinabi ni Vanessa.

Gusto pa naman sana nyang kamustahin si Isabel.

Gusto nyang sabihing nag aalala ito.

Gusto nya ding sabihing nais nyang tumulong.

Pero paano? Nakaalis na si Vanessa.

"Bata! Lulugo lugo ka na naman dyan."

Bati ni Madam Zhen kay Edmund.

"Kayo po pala Madam Zhen. Magandang araw po!"

Magalang na bati ni Edmund.

"San ba punta nung mag jowa at tila nagmamadali?"

Tanong ni Madam Zhen

"Ke Isabel daw po. May problema daw po siya at kailangan nilang puntahan."

Malungkot na sagot ni Edmund.

"E ikaw, wala ka bang balak tumulong?"

Tanong ni Madam Zhen

"Hindi ko po alam kung ano problema ni Isabel at kung nasaan sya."

"Ako alam ko kung nasaan sya!"

Napangiti si Edmund sa sinabi ni Madam Zhen, nabuhayan ito ng loob.