Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 16 - Mother Figure

Chapter 16 - Mother Figure

"Honey my bebe ko!"

Sabay patakbong sinalubong ng akap ni Vanessa ang kasintahan si Joel.

"Honey my love ko!"

Sabay akap at halik ni Joel kay Vanessa.

"Huh?"

Nahimaamasan si Edmund ng malamang hindi nya karibal ang dumating.

Napalunok ito habang tinitingnan ang ginagawa ng mag magkasintahan, parang naiinggit. Sabay tingin kay Issay.

Si Issay naman tila nahihiya sa pinag gagawang akapan at walang katapusang halikan ng mag kasintahan.

'Grabe sila me ibang tao dito, oh!'

"ehem, ehem, EHEM!"

Sabi ni Issay.

At saka lang naghiwalay ang magkasintahan.

"Hi! Sis! .... Edmund!

Si Joel, Boyfie ko! Hehe!"

Sabay turo kay Joel pagpapakilala ni Vanessa sa kasintahan sa dalawa.

"Hi Joel, ikaw si Totoy diba?Nakikilala mo ba kung sino ako?"

Tanong ni Issay sa dating kapitbahay.

"Ate Issay naman, Joel na lang!

Anlaki laki ko na e!"

Pakiusap nya na tila nahihiya sa palayaw nya.

Nangiti naman si Issay.

"Oh sya sige na, JOEL!

Buti dumating kana at kanina pa nakasibangot yan!"

sabay turo sa kaibigan.

"Maupo muna kayo!"

Sabi pa ni Issay.

"Wag na 'Te! nagmamadali kasi kami e! Idadaan pa namin si Kuya sa airport!"

Sabay turo ni Joel sa likod nya.

"Andyan ang Kuya Anthon mo? Asan?

Bakit dimo pinapasok?"

Sabay tingin ni Issay sa may pinto inaabangan kung may papasok.

Napalingon din si Joel.

Ang alam nya sumunod ang kapatid kanina, pero hindi pala.

Sadyang sumunod si Anthon kay Joel, pero bago ito makapasok, nakita nito na may bisita si Issay, mukhang manliligaw, kaya hindi na sya tumuloy.

Ayaw nyang makaistorbo. Bumalik na lang sya sa sasakyan at duon naghintay.

"Uuy! may hinahanap!"

Panunukso ni Vanessa sa kaibigan.

Tiningnan ng matalim ni Issay ang kaibigan upang tumigil sa panunukso.

Nadinig ni Edmund ang panunukso ni Vanessa, nakaramdam sya ng pag aalburoto ng kalooban.

'Sino naman yung Anthon?!'

"Pasensya na Ate Issay, next time na lang ulit! Edmund pre, una na kami!

Mukhang nakakaistorbo na kami sa inyong dalawa!"

Pagpapaalam nito sabay akbay sa kasintahan.

"Sige Pre!"

Buong ngiting sabi ni Edmund

"Anong nakakaistorbo? Hoy!"

Tanong ni Issay kay Joel.

Pero hindi na sinagot si Issay ng mga ito.

Sabay baling ni Issay kay Edmund.

"At ikaw! Anong nginingiti ngiti mo dyan?!"

Singhal ni Issay kay Edmund.

"Uhmm... flowers at chocolates para sa yo!"

Sabay abot sa dala.

Kinuha naman ito ni Isabel at ipinatong sa mesita.

Pwede bang pakinggan mo muna ako."

Sabi ni Edmund

Naupo si Isabel tanda na nais nitong makinig.

Naupo na rin si Edmund.

"Naintindihan ko na."

Sabi ni Edmund na hindi naman naintindihan ni Issay.

Issay: "Hah?"

"Naintindihan ko na kung bakit gustong ibigay sa'yo ng Papa yung Sampung Milyon."

Sabi ni Edmund.

Napabuntunghininga si Issay.

"Haaay, buti ka pa naintindihan mo, ako, hindi ko alam kung bakit gusto ng tatay mong ibigay sa akin ang perang yan!

Yang tatay mo talaga, nilagay na naman ako sa alanganing sitwasyon!

Nakakainis!

Nakakainis yung feeling na wala kang choice!"

Naiiritang sabi ni Issay.

Nitong mga nagdaang araw kasi ginugulo na sya ng mga kamag anak ni Luis. Lalo na sa pwesto nya ng prutas.

Kaya madalas hindi na sya gaanong nagtitinda dahil nakakahiya sa mga customer nya, pati mga katabing pwesto nadadamay na rin.

"Huwag kang magalala sa mga kamaganak namin, Isabel, hindi ako natatakot sa kanila.

Nasabi ko na kay Atty. Calderon ang mga pinag gagawa nila sa'yo pati na rin sa prutasan mo at gaya nga sa nakalagay sa huling testamentong iniwan ng Papa, sa oras na guluhin ka nila, wala silang matatanggap na mana."

Sabi ni Edmund.

"Yang kamaganak mo mga pasaway!"

Sabi ni Issay na naiinis

"Pasensya kana kung hindi kana makapagtinda, dahil sa kanika."

Nakokonsensyang sambit ni Edmund.

"Wag ka ng ma guilty dyan, hindi mo naman kasalanan. Saka, may plano na akong ibigay kay Manang Zhen ang pwesto ko kapalit ng isang taong upa sa apartment."

Nangingiting sabi ni Issay, bagay na ikinamangha ng binata.

Akala nya kasi sasama ang loob nito sa nangyari pero nagulat sya sa katatagan ng loob ni Issay.

'Hindi man lang sya apektado at nagawan nya agad ng solusyon!'

sabi ng isip ni Edmund.

"Me mga negative na nangyayari sa atin buhay na pwede naman nating gawing positive.

Basta maging masaya ka sa sarili mo and everything will follow!"

Buong ngiting sambit ni Issay

'Kahanga hanga ang babaeng ito!'

'...at kahanga hanga din ang kanyang mga ngiti!'

Sabi ni Edmund sa sarili.

Napansin ni Issay na tahimik pa rin ang binata kaya nagpatuloy sya.

"....at wagka ng mag alala dyan! hindi ako basta basta mapapabagsak ng simpleng pagkawala ng prutasan!"

Seryosong sabi ni Issay.

Ang hindi alam ng karamihan hindi lang ito ang pinagkakakitaan ni Issay. Marami.

Katunayan marami syang investment at ang kinikita ng prutasan ay inilalaan nya para sa pambayad sa renta ng apartment.

Kaya kahit na mawala ang prutasan hindi sya natatakot na magutom.

Dahil para kay Issay ang ibig sabihin lang nito ay kailangan nya na ulit maghanap ng bagong pagkakaabalahan.

"Salamat!"

Sabi ni Edmund

"Bakit ka nagpapasalamat?"

Naguguluhang tanong ni Issay

"Kasi ng dahil sa'yo mas nakilala ko ng husto ang Papa ko. At dahil sa'yo mas nakilala ko ang sarili ko!"

Sabi ni Edmund.

Napaisip si Issay.

'May alam kaya sya sa sikreto ng Papa nya?'

Ngumiti ito kay Edmund.

"Wow! Big boy na sya!"

Pangungulit ni Issay.

Nangiti lang si Edmund.

"Hindi ko alam kung pano basta isang araw naramdaman ko na lang na kulang ang araw ko pag di kita nakikita, Isabel.

Mahalaga ka sa akin at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Gusto kita Isabel ....at ang tanging nais kong gawin ngayon ay ang protektahan ka!"

Buong ngiting sabi ni Edmund.

"Edmund, teka lang! Hindi kaya naghahanap ka lang ng kalinga ng isang ina kung kaya...."

Sabi ni Issay sa binata.

"Kung mother figure ang tingin ko sa'yo, Isabel, bakit pag nakikita ko ang malambot mong lips gusto kong i kiss?"

Nakangusong sabi ni Edmund.

"Bastos! hmmph!"

Sabay hambalos kay Edmund ng bulaklak.

"Umuwi kana, gabi na! Matutulog na ko!"

At hinila nya si Edmund palabas ng bahay sabay itsa ng bulaklak na bigay nito sa kanya.

Napakamot ng ulo si Edmund

'Pero, pero.....

'Alas singko pa lang ah!'

Walang nagawa si Edmund kundi umalis, pinagsarhan na kasi sya ng pinto ni Issay.

'At least hindi sinoli ang tsokolate! Hehe!'

"Pssst bata!"

Hinanap ni Edmund ang sumutsot.

"Magandang hapon po, Madam Zhen!"

Bati ni Edmund sa kasera ni Issay.

"Mali kasi yang bulaklak na dala mo! Hindi yan ang favorite nya!"

Sabi sa kanya ni Madam Zhen.

*****

Pagkatapos ng misa sa hapon nadinig ni Tiya Belen na may tumatawag sa kanya.

Lumapit ito sa kanya at nagmano.

"O! Nadine, God bless!"

Sabi ni Belen

Si Nadine ay ang kaeskwela at matalik na kaibigan ni Edmund.

Mabait na bata ito, magalang at maalalahanin. Gusto nya ito para sa pamangkin.

Pero hindi nya maintindihan kung bakit hindi sya nililigawan ni Edmund.

"Bakit kayo lang po Tiya Belen? Hindi po ba kayo sinamahan ni Edmund?"

Tanong ni Nadine

"May iba syang lakad e!"

Sagot naman ni Belen

"Ahhh.... baka pupunta kay Isabel."

Sambit ni Nadine.

Nagulat si Belen, hindi nya akalaing kilala nya si Issay.

"May nakikwento ba sa'yo si Edmund, iha?"

Tanong ni Belen

Pero bago nakasagot si Nadine, biglang sumingit sa usapan nila ang kapatid nyang si Nicole na kinainisan naman ni Belen ang ginawa.

"Sinong Isabel?"

Tanong nito.

At dahil naiinis si Belen sa biglang sabat nito sa usapan nila ni Nadine, sinagot nya ito.

"Yung nililigawan ni Edmund!"