Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 17 - Nakakaistorbo Ba Ako?

Chapter 17 - Nakakaistorbo Ba Ako?

Pag uwi ng magkapatid sa condo, nagkulong agad sa silid nya si Nadine. Ayaw nyang makita ang kapatid nyang si Nicole.

Naririndi na sya!

Kanina pa nakukulili ang tenga nya sa pag aalburuto ni Nicole.

Pagkatapos kasing madinig kay Tiya Belen na may nililigawan na si Edmund at Isabel ang pangalan, nang gagalaiti na si Nicole sa galit.

Paulit ulit nitong nilalait si Isabel kahit hindi pa nya ito nakikita at nakikilala.

May gusto kasi si Nicole kay Edmund at ang akala nya may gusto rin ang binata sa kanya.

At ngayon narinig nyang may nililigawan ito, hindi nya matatanggap.

Para sa kanya, sila ni Edmund ang bagay sa isa't isa. Sila lang dalawa wala ng iba.

Ang hindi nya alam, nakababatang kapatid lang ang turing sa kanya ni Edmund. At kaya ito mabait sa kanya ay dahil sa kapatid nyang si Nadine.

Magkaiba ang ugali ng magkapatid. Masyado kasing na spoiled si Nicole ng mga magulang nya, kaya kahit si Nadine hindi rin alam ang gagawin pag nagaalburuto ito.

Sila lang kasing dalawa ang mag kasama sa condo dahil nasa probinsya ang mga magulang nila.

Pumisan sa kanya ang kapatid ng mag aral ito sa kolehiyo.

At mula nuon nagulo na ang tahimik nyang mundo.

Pakiramdam tuloy nya, pinarurusahan sya ng mga magulang dahil sa kanya ihinabilin ang kapatid.

Sa loob ng silid, nadidinig pa rin ni Nadine ang mga tili at pagdadabog ni Nicole.

"Hmp! Mapapagod ka din!"

Inis nitong sabi.

Kahit naman sya, nagulat din ng madinig ang sinabi ni Tiya Belen.

Pero hindi naman wild ang reaksyon nya tulad ng kay Nicole.

Alam nyang sinusuyo ni Edmund si Isabel dahil sa kahilingan ng ama, pero di nya akalaing aabot ito sa panliligaw.

"Nagkakagusto na nga kaya sya kay Isabel?"

Tanong ni Nadine sa sarili.

Nakaramdam sya ng kirot sa puso ng maisip ito.

Magkaklase sila ni Edmund simula pa nuong first year college sila. Lagi silang dalawang magkasama sa lahat ng bagay kaya naging malapit sila sa isa't isa.

Aminado syang nuon pa man, may espesyal na syang pagtingin sa kaibigan ngunit, sikreto lang ito.

At ingat na ingat syang malaman ito ni Edmund dahil hindi nya sigurado kung magugustuhan ba ito ng matalik nyang kaibigan.

Nang grumadweyt, mismong ang ama ni Edmund ang nag alok ng trabaho sa kanya sa kompanya, na kinalaunan ay tinanggap nya dahil kay Edmund.

Naging malapit sya sa ama at tiyahin nito at hindi sya trinato na iba. Parang anak nga kung ituring sya ng mga ito.

Pero kahit naging malapit si Nadine sa pamilya ni Edmund, ayaw pa rin nyang umasa na magiging sila balang araw.

Masay na sya na magkaibigan lang sila. At handa nyang suportahan ang ano mang desisyon nito.

Dahil si Nadine ay nagmamahal din kay Edmund kahit na sa mata ng binata, sya'y isang kaibigan lang.

*****

Nagising si Issay sa pagkaka idlip nang marinig ang door bell.

Nang buksan nya ang pinto

Nangiti si Issay sa bisitang dumating.

"Nakakaistorbo ba ako?"

Sabi ni Belen

"Hi Ate Belen, magandang hapon! Tuloy ka!"

Nakangiting sabi ni Issay.

"Sa ngiti mong yan parang inaasahan mo na darating ako. Pasensya na kung hindi ako agad nakapunta, may tinapos pa kasi ako."

Sabi ni Belen.

Matagal nang gustong kausapin ni Belen si Issay pero kabilinbilinan ni Luis na kailangan muna nyang tapusing pag aralan ang financial record ng kompanya.

Ang buong akala ni Belen gusto lang ng kapatid na unahin muna ang kompanya bago ang iba, ngunit ng matapos nyang mapag aralan ito naintindihan na nya ang lahat.

Pareho silang CPA ni Luis kaya sa kanya hinabilin ang financial record ng kompanya.

"Malamang alam mo na kung bakit ako naparito!"

Buong ngiting sabi ni Belen.

Nakaramdam sya ng tuwa dahil finally, pagkatapos ng reading ng Last Will and Testament ni Luis, magkakausap na rin sila ni Issay.

"Opo Ate Belen. Kape Ate!"

Sabay abot ng kapeng katitimpla pa lang kay Belen.

Pakiramdam nya kasing mahaba habang usapan ito.

"Kamusta ang mga kamag anak ko, ginugulo ka pa rin ba?"

Tanong ni Belen.

"Medyo!"

Sagot ni Issay.

Kahit kasi hindi na sya nagtitinda, ginugulo pa rin sya ng mga ito.

"Pasensya kana Issay at nadadamay ka."

"Ewan ko ba dyan kay Kuya Luis ang daming drama! Halata namang wala syang balak mag iwan ng mana sa mga kamag anak nyo bakit ginawa pa kong dahilan?"

Sabi ni Issay.

"Hindi mo sya masisi matagal na syang inaabuso ng mga ito. Nakadepende sila lahat kay Kuya."

"Bakit kasi hinayaan ni Kuya Luis na abusuhin sya?"

Tanong ni Issay.

"Sinisisi kasi nila si Kuya sa pagkalugi ng bakery nuon. Dahil don nawalan lahat sila ng trabaho."

Paliwanag ni Belen

"Grabe naman sila, tatlong dekada na ah! Dipa sila naka move-on!"

Sabi ni Issay

"Hahaha!"

Natawa sa kanya si Ate Belen.

"Hindi ko alam na marami pala kayong kwento ni Kuya!"

Nginitian sya ni Issay.

"Matagal mo na bang alam ang tungkol dito?"

Sabay abot ni Belen ng envelop na dala nya.

Umiling si Issay.

"Nito lang din ng mabasa ko ang sulat nya sa akin. Yan yun nasa PS nya.

Magulo kasi ang isip ko nuon sa pag kamatay ng Nanang ko kaya mas minabuti kong umalis sa atin."

Kwento ni Issay.

"Hinanap ka ni Kuya pero dika nya matagpuan.

Gusto ka nyang makausap.

Gusto nyang humungi ng tawad."

Sabi ni Belen.

"Tapos na yun, Ate Belen. Tanggap kong aksidente ang nangyari. At saka, hindi ko sya sinisisi sa pagkamatay ng Nanang ko."

Napatungo si Issay pinipilit ikubli ang nararamdaman.

' ...at hindi si Kuya Luis ang dahilan kaya ako umalis!'

"Pagkatapos ng anim na buwang paghahanap ni Kuya Luis sa'yo, saka lang nya sinimulang ang bagong negosyo. At ang pera mong naiwan sa kanya ang ginamit nya sa bagong tayong negosyong ito."

Pagpapatuloy ni Ate Belen.

"Isang buwan bago namatay si Kuya Luis, ibinalik nya ang dalawampung porsyentong shares na nasa pangangalaga nya sa tunay na may ari."

".....at Ikaw yun Issay. Tama ba ako!"