Pagbaba ng hagdanan, nagulat si Issay ng makita ang kaibigan na naka pameywang. Naka taas ang isang kilay at tila galit na naka harap sa kanya.
"Bakit? Anong nangyari? Anong kasalanan ko sa'yo?"
Tanong ni Issay sa kaibigan.
Hindi na kasi sila nag imikan kahapon hanggang makarating ng apartment.
Dumiretso na si Issay sa silid at pagod na daw sya.
'Bakit ba ganito syang makatingin parang may ginawa akong kasalanan?'
Kinakabahan tuloy si Issay.
"Hmmph!
Issay, tapatin mo nga ako!
Mag bestfriend pa rin ba tayo, ha?"
Tanong ni Vanessa na kanina pa pala nag aantay na bumangon ang kaibigan para usisain.
Nag iisip si Issay kung ano ba ang pinagsasabi ng kaibigan at kung saan papunta ang usapang ito.
"Sa pagkaka alala ko... Oo!
Bakit ba? Ang aga aga nag e-emote ka dyan?
Pwede ba friendship, itigil mo na muna yan at mag almusal muna tayo. Hindi ka ba nagugutom?"
Sanay na si Issay sa pagka OA (over acting) ng kaibigan pa minsan minsan.
"Baka kulang ka lang sa kape. ... Oh, uminom ka muna."
Sabay abot sa isang tasa ng kapeng tinitimpla nya habang nagsasalita, para sa kaibigan.
"Nakausap ko kanina si Madam Zhen sa labas. Hmph!
Sabi nya may jowa ka na daw!"
Sabay kunot ng noo pati nguso na parang batang nagmamaktol si Vanessa.
"Hindi mo man lang naikwento sa akin!"
Nagtatampong sabi nito sabay kinuha ang kapeng tinimpla ni Issay at naupo sa lamesa para kumain.
Pinipigilan ni Issay na matawa o mangiti sa inaasal ng kaibigan. Ayaw nyang isipin ng kaibigan na pinagtatawanan nya ito, kaya pilit nyang sineseryoso ang mukha para hindi makahalata.
'Grabe para syang batang inagawan ng kendi! Hahaha!'
sabi ng isip ni Issay.
"Ano bang jowa ang sinsabi ni Madam Zhen? Sino?"
Tanong ni Issay sa kaibigan.
'Si Madame Zhen talaga lagi akong ginugwardyahan!'
At naupo na rin ito sa tapat ni Vanessa para kumain.
"Sino pa, edi yung laging nagbibigay sa'yo ng mga flowers at chocolates. .....at lagi daw nakabantay sa'yo dun sa pwesto mo ng prutasan!"
Sagot ni Vanessa pagka higop ng kape.
Napaisip si Issay.
Si Edmund lang naman ang gumagawa nun sa kanya nitong nagdaang isang buwan.
"Ahhhh... baka si Edmund."
Sabay ngiti ni Issay.
"Aha! Kitam! May jowa ka na nga! Sinong Edmund yan?!"
Pag iinteroga ni Vanessa.
"Si Edmund yung anak ni Kuya Luis. Yung kinukwento ko sa'yo na kababata kong nagiwan sa akin ng sampung milyon."
Sabay lagay sa pinggan ni Vanessa ng sinangag, tuyo at itlog. Nagbabakasakaling mabawasan ang pag tatanong nito pag nag umpisang kumain.
".... at hindi ko jowa yun! Ang bata pa kaya nun!"
Pagpapaliwanag ni Issay sa kaibigan.
"Saka nanuyo lang yun hindi nanliligaw. Malamang inutusan sya ng Tiya Belen nya na gawin iyon!"
Pahabol ni Issay ng makitang duda pa rin ang kaibigan.
Naikwento na ni Issay sa kanya ang tungkol kay Luis at ang dahilan sa pag ayaw nito sa iniwang malaking halaga sa kanya.
Pakiramdam ni Vanessa, marami pang nakapalibot na issue tungkol sa minana nito mula kay Luis. Napansin kasi nyang medyo sensitibo ang kaibigan pag nababanggit ang tungkol dun, kaya tinanggap nya ang paliwanag ng kaibigan.
Hahayaan na lang nya muna dahil alam nya, isang araw, magkukwento rin 'to.
"Bakit kasi parang ang dami mong secret bigla? Kagaya ni Papalicious Anthon!"
Tanong na lang ni Vanessa para maiba ang usapan.
"Kasi naman po, kahapon lang ulit kami nagkita ni Anthon, hindi ko naman alam na magkakilala pala kayo at interesado ka pala sa kanya."
Sagot ni Issay.
Sa isip isip ni Vanessa:
'Syempre, minsan ko lang makita ang best friend ko na nakikipagtawanan kasama ang isang lalaki, natural magkainteres ako!'
"Eh, hindi ba dapat ikaw ang nag kukwento sa akin?
Sino si Joel? boyfriend mo ba talaga yan o imaginary lang?"
Pag iiba ng topic ni Issay.
Napatigil si Vanessa dahil sa biglang nabago ang ihip ng hangin.
'Teka lang, kanina ako ang nagiimbestiga ba't nabaligtad ata, ako na ngayon ang iniimbestigahan?'
"Loka, loka! Anong imaginary ka dyan? ('grabe sya sa 'kin!')
True po si Joel ko!
Katunayan nyan siya ang bunsong kapatid ni Papaliciuos Anthon!"
Paliwanag ni Vanessa kay Issay.
"Huh? ... si Totoy ba ang tinutukoy mong Joel?"
Gulat at nagtatakang tanong ni Issay.
Nagulat din si Vanessa, hindi nya alam na 'Totoy' pala ang palayaw ng boyfriend nya.
"Sister Friendship, di ba klasmeyt mo si Anthon nung highschool? Close kaba sa kanila? Pati sa mother nya?"
Tanong ni Vanessa
Napaisip si Issay.
Close nga ba sila ni Anthon?
Mag kaibigan ang turingan nila.
Hindi naman sila makikitang nagkakasama ni Anthon noon, gaya ng isang malapit na kaibigan. Kasi si Anthon, sya yung tipo ng kaibigan na wala sa tabi mo pero biglang dumarating sa oras ng kailangan mo.
Na para bang alam nya kung kelan kailangan ni Issay ang kalinga ng isang tunay na kaibigan.
"Hmmmm.... Oo naman, kilala ko silang lahat kasi magkapitbahay kami at nadadaanan ko ang bahay nila.
Mabait ang nanay nya na may pagka istrikto.
Naalala ko nun, pag nakikita ako ng mother nya, lagi akong inaayang mag meryenda. Gusto nya daw kasi akong kakwentuhan.
Puro kasi lalaki ang anak nun!"
Sabi ni Issay.
"Hindi ko pa na meet ang buong family nya si Anthon lang. Nagkakilala kami ni Joel dahil sa kanya."
Pagtatapat ni Vanessa.
Biglang sumeryoso si Vanessa.
"Sis, diba close naman kayo ng Mama ni Joel. Pwede bang .... samahan mo ako?
Seventyth birthday kasi ng Mama nya, e gusto ni Joel isama ako!
Kinakabahan kasi ako e. Please!"
Pagmamakaawa ni Vanessa.
"Ayoko nga! Nakakahiya! Hindi naman ako invited!
Saka date nyo ni Joel yun panggulo lang ako!"
Sagot ni Issay.
"Nagpaalam na ko ke Joel, pwede daw ako magsama ng plus one.
Saka, matutuwa Mama nun pagnakita ka!"
Tiningnan ni Vanessa ang kaibigan, nakikiusap ang mga mata. Parang isang tuta.
Halata kasing kailangan pa ng konting push para pumayag si Issay.
"Saka andun naman si Anthon, hindi ka ma iilang. Hindi ka pababayaan nun!"
Pahabol pa ni Vanessa.
Nuon pa man, hindi pa alam ni Vanessa na magkaklase ang dalawa, gusto na nyang ipakilala si Issay kay Anthon at mukhang mangandang pagkakataon ang darating na party.
At ngayon nakita na nyang mag kasama sila, feel nya, bagay sila.
"Kayong dalawa kaya mag date. Hehe!"
Sinagot sya ng matalim na tingin mula kay Issay.
"Single pa yun kagaya mo!"
Pagpapatuloy ni Vanessa ayaw tigilan ang pangungulit sa kaibigan para pumayag.
"Talaga?Bakit daw? Heartbroken?"
Nagtatakang tanong ni Issay.
"Oo! sabi ni Joel may long lost love daw yan na minahal nya nuon pero di nagkaroon ng pagkakataon. Hinahanap pa rin daw ni Anthon magpahanggang ngayon kaya hindi pa ito nag aasawa.
Sino kaya yun, Friendship? Kilala mo ba?"
Usisa ni Vanessa
"Aba malay ko, bakit sa akin mo tinatanong?
Saka, wala akong gaanong maalala kay Anthon.
Ang naaalala ko lang sa kanya, nung mamatay si Tatang andun sya, pati nung namatay si Nanang ko, andun din sya. Marami ang nakiramay pero, sya lang ang bukod tanging andun para damayan ako. Lalo na nung si Nanang ko ang namatay. Hinayaan nya kong umiyak ng umiiyak hangang sa makatulog ako. At kahit tapos na ko umiyak hindi pa rin nya ko iniwan, binantayan nya ang pagtulog ko. Hindi sya umalis sa tabi ko.
Dahil sa kanya gumaan ang pakiramdam ko. Naibsan ng konti ang kirot.
Pagkaraan ng ilang buwan nabalitaan ko na namatay din pala ang Papa nya. Hindi ko man lang nasuklian ang pagdamay nya. Ni hindi ako nakapagpasalamat sa ginawa nya."
Malungkot na sabi ni Issay.
Naramdaman ni Vanessa na biglang nalungkot ang kaibigan.
Ang pagkamatay ng mga magulang lalo na ng ina ay nagpapakirot pa rin sa puso ng kaibigan kahit ilang dekada na itong nangyari. Kaya bigla nitong natanong.
"Issay, tatangapin mo ba ang Sampung Milyon?"
"Ewan ko! hindi ko pa rin alam kung dapat ko ba syang tanggapin o hindi!"
Hindi namalayan ni Issay na tumutulo na pala ang luha sa kanyang mga mata.