Habang nag lalakad ako papuntang school may nakita akong batang umiiyak. Mukhang hindi naman batang lansangan to kasi maayos yung soot nya. Tumingin ako sa paligid ko pero wala naman akong nakitang kasabayan namin. Kami lang dito sa daan, dito kasi ako sa shortcut dumadaan pag ma le late na ako or pag tinatamad akong mag lakad. Pagitan kasi to ng mga building oh kaya ng mga bahay dito kesa iikot pa ko dito na ako dumadaan, safe naman kasi basta wag lang pag madilim na.
Nilapitan ko sya. Kawawa naman kasi mamaya nawala pala tong bata medyo madilim pa man din dito kahit maaraw kasi hindi nakakapasok yung sinag ng araw.
"Bata bakit ka umiiyak nawawala ka ba?" Sabi ko sa kanya. Di ko makita ang mukha nya dahil naka upo sya at nakapatong ang mukha nya sa tuhod nya.
Pero di naman nya ako sinagot puro hikbi lang ang naririnig ko sa kanya.
Umupo na ako sa harap nya at sinisilip ko ang mukha nya. Buti na lang pala naka slacks ako ngayon. Sa school kasi namin dalawa ang type ng uniform ng mga babae isang palda at isang slacks.
"Uy ayos ka lang ba?" tanong ko ulit sa kanya pero ngayon hinahagod ko na ang likod nya para tumahan sya. Sa tingin ko mga 4 or 5 na ang batang to baka nga nawala sya.
"Nagugutom na po kasi ako." Imiikbing sabi nito sakin.
"Bakit kanina ka pa ba nawawala" tanong ko sa kanya. Tumingin ako ulit sa paligid ko pero nakakapagtaka naman dahil wala man lang kaming kasamang ibang taong nag lalakad dito. Kahit sabihin pang madilim dito ng konti marami pa rin akong kasabay na nag lalakad pag gantong oras. Binalik ko ang tingin ko sa kanya pero bigla na lang nanlamig ang buong katawan ko at natigil ang pag hinga ko.
Dahil ngayon nakatingin na sakin ung batang umiiyak. Pero ung mga mata nya kulay pula to at nanglilisik na nakatingin sakin. Napatingin ako sa mga kamay nya at mas lalo akong natakot dahil parang hindi na kamay ng bata. Bakat na yung mga ugat sa kamay nya at sobrang haba ng mga kuko nya. At lahat ay matutulis.
"Hindi po ako nawawala nag hahanap lang ako ng pwedi kong makain." Unti unting tumayo ang bata kaya medyo napatingala ako."Pwedi po bang ikaw na lang?" Nakangiting sabi nya sakin.
Di ko alam kung anong gagawin ko gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Nakatingin lang ako sa kanya pinag papawisan na ako ng malamig at nanginginig na sa takot ang mga kamay ko. At napaupo na ako ng tuluyan sa kalsada ng mag umpisang lumapit sakin ang bata.
Di ko na alam kung anong nangyari basta bigla akong tumayo para sana tumakbo pero nakakailang hakbang pa lang ako ng mabangga ako sa isang bagay at maramdaman kong may mga kamay na yumakap sakin ng mahigpit.
Nanginginig na ako sa sobrang takot. Anong klaseng tao yon bakit ganon ang utsura nya. Sabayan pa tong nabangga ko mamaya kasama nya to eh.
Itutulak ko na sana yung taong nakayakap sakin pero naunahan nya ako. Bago ko pa sya matulak naramdaman kong mas humigpit ang pagkaka yakap nya sakin.
Napatingala ako upang makita kung sino ang nabangga ko at ngayon ay nakayakap na sa akin.
At nagulat ako ng makita ko kung sino ang lalaking nakayakap ngayon sakin. Oo lalaki ang nasa harap ko ngayon at di ko rin inaasahan na sya ang taong nakayakap ngayon sakin.
Napatingin ako sa mata nya di sya nakatingin sa akin kung hindi sa may likuran ko.
Bigla ko syang nayakap rin dahil na rin siguro sa takot ko. Di ko man maipaliwanag pero nang mayakap ko sya alam kong ligtas na ako na wala ng makakapanakit sakin, na lahat ay magiging ayos na. At dahil na rin siguro sa naisip kong yun medyo kumalma ang katawan ko kahit ilang sigundo pa lang akong naka yakap sa kanya.
Lilingon na sana ako para tignan ko yung bata kanina pero mas lalong humigpit ang pag kakayakap nya sakin.
"Wag kang lilingon." Mahinahon nyang sinabi sakin na di parin nakatingin sakin. At nakatingin pa rin sa may likuran ko.
Naramdaman kong napunta sa bandang batok ko ang isa nyang kamay na nasa ligod ko kanina. At inilapit pa nya ang mukha ko sa katawan nya. At dahil sobrang tangkad nya at hanggang balikat nya lang ako, ay sa may dibdib nya napunta ang mukha ko.
Nagulat ako ng biglang lumakas ang hangin sa bandang likuran ko. Gusto ko sanang lumingon pero hawak nya parin ang ulo ko. Ano bang nangyayare? Saka bat biglang dumating tong lalaking to. Saka anong klaseng bata yun?
Naramdaman ko na lang na lumuwang na ang pag kakayakap nya sakin kaya medyo lumayo na ako sa kanya.
Saka ako lumingon sa likod ko, nasan na ung bata.
Humarap ako sa kanya, pero nakatalikod na sya sakin at nag lalakadad na palayo.
"Hoy!!!" Malakas kong sabi sa kanya.
Napahinto sya sa pag lalakad at lumingon sakin. Medyo napaatras ako ng konti dahil nakakatakot ang mukha nya. Sobrang seryoso, seryosong nakakatakot na ang dating.
"Bakit?" malamig na sabi nya sakin.
"Ano yun, yung batang yun anong klaseng bata yun saka bat biglang nawala yung bata?"
"HIndi ko alam." Sabi nya at nag lakad na sya ulit paalis.
Tumingin ako sa paligid ko wala na talaga yung bata kanina pero may parang buhangin na naiwan kung san nakatayo kanina yung bata.
Lalapit sana ako don nung bigla akong may marinig na boses.
"Ano wala ka bang balak pumasok sa school nyo?"
Pag lingon ko si Steven pala yung tumawag, yung nag ligtas sakin kanina.
Marami man akong tanong sa kanya naglakad na ako papalapit sa kanya at nung nasa tabi na nya ako ay nag lakad na rin sya.
Hindi ko na talaga ma intindihan yung nang yayari ngayon, ang daming weird na bagay akong nakikita napapanaginipan at nakikilala. Mga sitwasyon na di ko mapaliwanag.
Tapos yung bata kanina, anong klase yun. Aswang? Engkanto? Maniniwala kaya sakin si Hazel pag kinuwento ko sa kanya yung nangyari kanina baka mas lalong mainis na yun sakin. Baka nga akalain na non na baliw na ako. Pero red na mga mata tapos yung mga kamay nya pa. Bakit ganon parang hindi na tao yung batang yun. Parang vampire na eh katulad ng napapanood ko sa mga anime na pinapanood ko hayyy nakakainis na ah.
Sa sobrang inis ko napahawak na ako sa buhok ko at ginulo ko yun, Pag naiinis or di nasasagot mga tanong ko sa isip ko yun ang lagi kong ginagawa. Kakamutin ko yung ulo ko na parang baliw.
"Yuki."
Natigil ako sa pag mumuni muni ko nung narinig ko ang pag tawag nya sakin. Oo nga pala may kasama ako. Inalis ko na yung mga kamay ko sa bukok ko at inayos ko yung buhok ko na nagulo dahil sa ginawa ko.
"Hmmm?" Sabi ko nang di humaharap sa kanya. Ayaw ko ngang tignan mukha nya mamaya pinag tatawanan na pala ako ng lalaking to eh.
"7:54"
"HA?" Ang dami ko na ngang iniisip dumadagdag pa tong lalaking to anong 7:54?
"6 minutes na lang late ka na."
Napahinto ako at napakurap kurap ako saka lang pumasok sa isip ko ang ibig nyang sabihin.
Ma le late na ako 8am ang pasok ko sa first subject ko!!!!!
Kahit maraming tanong ako sa nangyari at marami akong di maintindihan. Bigla na lang akong tumakbo papuntang school. Malate na ako sa lahat ng subject ko wag lang dito sa subject na to!
Dahil hindi ako pwedeng ma late ngayon sobrang strict nung prof ko ngayon. Pero hindi pa ako nakakalayo masyado nung narinig ko yung pag tawa nung lalaking yun. Kainis!!!!!