Napahawak na ako sa ulo ko ang sakit sakit na nang ulo ko parang sasabog na. Tinignan ko ang paligid ko, andon pa rin yung mga dugo.
Lahat ng parte ng kwarto may dugo, yung kama hindi na puti ung kulay nang sapin kulay red na. Yung pader hindi na lang bahid ng dugo yung nakikita ko, umaagos na to papuntang lapag. Anong nang yayari.
"Malapit na, malapit na."ย ย
Napalingon ako sa gilid ko. May narinig akong mga boses na nag sasalita ng sabay saby. Boses nang lalaki at mga babae may matandang boses may bata iba iba. Pero lahat sila iisa lang ang sinasabi "malapit na", anong malapit. Ayaw tumigil nang mga boses ngaun may iba pa silang sinasabi na di ko na maintindihan dahil sabay sabay na sila mag salita.
Tinitignan ko na ang paligid ko, wala naman akong kasama dito. Sino yung mga nag sasalita sino sila.
Napahawak na ako sa tenga ko, pilit kong tinatakpan ang tenga ko para hindi ko na sila marinig pero walang nang yayari palakas pa nang palakas ang mga boses nila.ย
"Malapit na."
"Oras na"
"Mabubuhay na syang muli"
"Dugo"
"Ayan na"
Yan ang naririnig ko na mga sinasabi nila yung iba hindi ko na talaga maintindihan parang sasabog na talaga yung ulo ko. Ayaw ko naย tama na di ko na kaya. Natatakot na ako, hindi ko na kaya!
"AHHHHHHHHHHH..... TAMA NA!!! TUMAHIK KAYO!!! AHHHHHHHHHH"
Sigaw lang ako nang sigaw sinasabayan ko yung mga boses na naririnig ko. nilalakasan ko pa lalo ang boses ko para mahigitan ang mga naririnig ko pero wala pa rin parang hindi rin ako sumisigaw dahil mga boses nila ang naririnig ko.
Tumayo ako mula sa pag kakaluhod ko sa kama. Pinag babato ko yung mga unan lahat nang mahawakan ko binabato ko.
Ang init sobrang init, ang init. Naiirita na ang pakiramdam ko sa sobrang init. Nangangati na ang katawan ko lalo na ang leeg ko. Para akong na uuhaw na di ko ma intindihan.ย Ano ba tong nararamdaman ko.
Kamot ako nang kamot sa leeg ko, sa braso ko sa mukha ko. Kahit na humahapdi na sila wala akong pakielam basta kamot lang ako nang kamot lalo na sa bandang leeg ko. May nararamdaman na akong parang basa, pero hindi ko pinapansin dahil nababawasan ang kati ng balat ko pag kinakamot ko lalo na pag ma diin ang ginagawa ko.
"Tubig, nauuhaw na ako." Parang wala sa sariling sabi ko.
Kahit nang hihina na ako pilit pa rin akong naglakad papuntang pinto. Kada hakbang na gawin ko parang may tumutusok na karayom sa talampakan ko.ย Kada galaw ng katawan ko parang may humihiwa sa balat ko. Pero wala akong pakielam sobrang uhaw na uhaw na ako. Ngayon lang ako nakaramdam nng gantong uhaw sa buong buhay ko.ย Kaylangan kong uminom ng tubig, sobrang tuyo nang pakiramdam ng lalaminan ko, kaylangan ko nang tubig.
"Dugo ang kaylangan mo"
Natigil ako sa pag lalakad nung narinig ko ang boses na yun. At nung narinig ko yung boses na yun lahat ng ibang boses na naririnig ko lahat sila nawala na.
"Yuki"ย
Tawag sakin nung boses na nag salita, tumingin ako salikod ko may nakita akong babae sa bandang bintana. Nakaharap sya sakin pero di ko agad nakita ang mukha nya dahil nanlalabo ang paningin ko.
Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at nung dumilat ako tinignan ko ulit yung nag salita.ย ย
Bumungad sa paningin ko yung maaliwalas nyang mukha, nakangiti sya sakin. Pamilyar sakin tong babae na to pakiramdam ko nakita ko na sya dati na di ko lang matandaan.
"Magiging maayos din ang lahat."
Pag naririnig ko ang boses nya nawawala lahat ng boses na na ririnig ko. Lahat nang masakit sakin nawawala rin. Pati mga dugo sa buong kwarto nawawala na rin basta nakatingin ako sa mga mata nya at naririnig ko ang boses nya lahat ng masakit lahat ng takot nawawala.
Nakaputi sya, tulad ko. Bilugan din ang mata nya, tulad ko. Habang tumatagal ang pag tingin ko sa kanya mas lalo kong nakikita ang sarili kong mukha sa kanya. Parang pinatandang ako lang sya.ย
"Mama, ang ganda ng mga bulaklak oh."ย Napapikit nanaman ako nung narinig ko yung boses na yun at nakita ko sa isip ko ako yung nag salita. Ako yung nag salita, nakatingin ako sa malawak na lupa na punong puno ng ibat ibang uri ng bulaklak.
Napahawak nanaman ako sa ulo ko dahil biglang sumakit yon, kung kanina masakit lang ngayon feeling ko sobrang bigat ng ulo ko. Napaluhod na ako at napayuko habang nakapikit at hawak pa rin ang ulo ko. Mas diniinan ko ang pag kakapikit ng mga mata ko dahil mas madiin mas lumilinaw ang nakikita ko sa isip ko
"Yuki, wag mo silang pipitasin ah. Mamamatay sila pag pinitas mo sila."ย ย Narinig kong sabi ng boses babaeย sa bandang likod ko.
"Opo Mama." Sabi ko at lumingon ako sa likod ko nakita ko ang isang babae na nakaupo sa ilalim ng puno may nakalatag na tela at may pagkain sa gitna nito. May lalaki rin na naka higa sa tabi nung babae na tinawag kong Mama. Nakapatong ang ulo nya sa bandang hita nung babae at may nakatakip na panyo sa mukha neto.
"Natutulog nanaman si papa." Sabi ko at lumapit sa babae. Hindi ko ma control yung katawan ko basta gumagalaw lang sya.
Malapit na ako sa kanila nung biglang may malakas na tunog o pagsabog akong narinig.
Bigla akong napadilat, hinihingal ako. Tinignan ko ang paligid ko pero wala na yung babae kanina. Yung babae na tinawag kong mama kanina.
Lumingon ako ulit sa likod ko at gumapang papuntang pinto kahit na nasusugatan na ako sa mga bubog sa sahig na galing sa mga pinag babato ko kanina wala akong paki basta gusto ko nang lumabas.
Pero di pa man ako nakakalapit sa pinto biglang sumakit pa lalo ang ulo ko na dahilan para mapahiga ako habang namimilipit na sa sakit. Kung masakit na kanina ngayon triple na hindi ko na kaya!
"AHHHHHHHHHHHHHHH..... HINDI KO NA KAYA!!!ย TAMA NA!!! " Sigaw ko. pag pinipikit ko ang mga mata ko may mga pang yayari mga tao akong nakikita iba ibang tao iba ibang pang yayari pero sa lahat nang yon andon ako pero yung batang ako.ย
Parang mga bagay na pilit sinisiksik sa ulo ko. Hindi ko na kaya ang sakit sakit na.
Dinilat ko ang mga mata ko tumingin ako sa paligid ko. Sa lapag di kalayuaan sakin may nakita akong isang bahagi ng basag na salamin. Ginapang ko yun at nang makuha ko walang pag dadalawang isip na sinaksak ko sa sarili kong sikmura. Diniinan ko pang lalo hanggang maramdaman kong may mainit na bagay ang dumadaloy sa kamay ko.