Chereads / Runaway With Me / Chapter 57 - Sebastian's Residence

Chapter 57 - Sebastian's Residence

~Umaga~

"I can't believe that I'm going back in this damn place once again. Bakit ba kasi gustong pamunuan ni Dalis ang mundong 'to? Kailangan ko pa tuloy bumalik dito sa Thaumaturgy Town. Tsk."

Sabi ni Jay sakaniyang sarili habang naglalakad na ito patungo sa isang malaking bahay na kulay krema sa pinaka sulok na bahagi ng Thaumaturgy Town. Nang makatayo na ito sa harapan ng pinto ng kulay kremang bahay ay kumatok na ang binata at saka inayos ang kaniyang buhok at ang damit.

"Ba't ka naparito, Jay hijo? Liligawan mo na ba ang aking apo na si Daisy?"

Nakangiting tanong ni Dalis kay Jay pagkabukas pa lamang nito ng pintuan ng kaniyang tahanan. Nginitian pabalik ng binata ang matandang babae at saka marahang umiling.

"Nandito po ako upang pakiusapan kayong muli na tigilan niyo na po ang pang gugulo kay Yvonne."

Nakangiting sagot ni Jay kay Dalis habang matikas itong nakatayo sa harapan ng matandang dalaga. Ang ngiting nakaguhit kanina sa bibig ng matandang babae ay biglang naglaho at saka pumasok na sakaniyang tahanan nang hindi sina sara ang pintuan.

"Pumasok ka rito, hijo, at paki sara na rin ang pintuan."

Matikas na sabi ni Dalis kay Jay habang naglalakad na ito patungo sakanilang salas upang maupo sa isa sa mga upuan doon. Agad namang pumasok ang binata sa tahanan ng mga Sebastian, marahang sinara ang pintuan at saka sinundan ang matandang babae sa salas nito at matikas na naupo sa isa sa mga upuan doon.

"Anong pruweba ang mayroon ka, hijo, upang pagbintangan mo ako sa pang gugulo kay Yvonne?"

Nakangising tanong ni Dalis kay Jay habang kinukuha na nito ang basong naka patong sa coffee table na pumapagitna sakaniya at sa binata na nakaupo sakaniyang harapan.

"Hmm…"

Sabi ni Jay habang nakanguso at iniikot ang kaniyang paningin sa salas ni Dalis.

"Wala naman. Meron lang nagsabi sakin."

Nakangiting sagot ni Jay sa tanong ni Dalis sakaniya sabay balik nang muli ng kaniyang tingin sa matandang babae sakaniyang harapan.

"At sino naman iyon?"

Mausisang tanong ni Dalis kay Jay sabay inom na nito ng kaniyang tsaa. Nginitian lamang ng binata ang matandang babae at saka nagkibit balikat ito bilang sagot sa tanong sakaniya.

"Inaasahan mo ba na mapipigilan mo akong gambalain ang dalagang iyon?"

Mataray na tanong ni Dalis kay Jay sabay lapag na nito ng baso sa coffee table sakaniyang harapan. Tumango lamang ang binata habang hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi nito.

"At bakit ko naman susundin ang pakiusap ng isang binatang katulad mo na walang kinabibilangang angkan?"

Tanong muli ni Dalis kay Jay habang pinanlilisikan na nito ng tingin ang binata. Dahil sa tinanong ng matandang babae sa binata ay mas lalu pang lumawak ang ngiti nito sakaniyang labi.

"Hmm… ikaw na rin ang sumagot sa sarili mong tanong. Dapat kang matakot sa isang tulad ko dahil hindi mo alam kung hanggang saan ang aking kakayahan sapagkat walang nakakaalam kung saan ako nanggaling na angkan."

Nakangiting sagot ni Jay sa tanong sakaniya ni Dalis sabay tayo na ito mula sakaniyang kinauupuan at akma na sanang maglalakad patungo sa pintuan nang…

"Gusto mo bang dagdagan ko pa ang mga masasamang ala-ala ni Yvonne patungkol saiyo?"

Nakangising tanong ni Dalis kay Jay. Agad na naglaho ang ngiti sa mga labi ng binata, naupong muli at saka sinamaan ng tingin ang matandang babae.

"Hindi ka pa ba natutuwa na nakipag-hiwalay na saakin si Yvonne at saka pinagtataguan niya ako?"

Galit na tanong ni Jay kay Dalis habang naka hugis kamao na ang kaniyang mga kamay. Nginisian pang lalo ng matandang babae ang binata at saka umiling.

"Hanggat hindi pa nagiging kayo ng aking apo… hindi ako titigil na patuloy pang sirain ang kaugnayan ninyong dalawa ng dalagang iyon."

Nakangising sagot ni Dalis sa tanong sakaniya ni Jay.

"Why you f#$%^%g b(^#h… ano ba ang kasalanan saiyo ni Yvonne? Bakit hindi mo magawang tigilan siya?"

Gigil na tanong ni Jay kay Dalis habang pinipigilan ang kaniyang sarili na saktan ang matandang babae sakaniyang harapan.

"Wala naman siyang kasalanan saakin. Ngunit mayroon saaking apo."

Sagot ni Dalis sa tanong ni Jay sakaniya sabay kumpas ng kaniyang kamay. Nagulantang ang binata nang biglang may pumulupot na kadena sakaniyang mga paa't kamay na naging dahilan upang malimitahan ang kaniyang kilos sa loob ng pamamahay ng matandang babae.

"Pakawalan mo ako!"

Galit na sigaw ni Jay kay Dalis habang sinusubukan nitong kumawala sa mga kadena ng matandang babae. Hindi pinansin ng matandang babae ang binata, sapagkat ay inabot niyang muli ang baso mula sa coffee table at saka muling uminom ng tsaa.

"Ano pa kaya ang pepwede kong idagdag sa memorya ng dalagang iyon?"

Tanong ni Dalis sakaniyang sarili sabay inom muli ng tsaa. Sinamaan muli ng tingin ni Jay ang matandang babae nang tumigil ito sa pagpupumilit na kumawala sa kadena nito.

"Naidagdag ko na ang memorya na kung saan ay ginagahasa mo siya…"

Sabi ni Dalis kay Jay habang inosenteng tinignan nito ang binata. Biglang sumigaw ang binata at sinubukang kumawalang muli sa kadena ngunit wala namang nangyayari.

"Naidagdag ko na rin ang memoryang kinakatakutan ng mga kabataan ngayon. Ano nga muli ang tawag roon? Ah… stalker."

Nakangising sabi muli ni Dalis kay Jay sabay inom muli ng kaniyang tsaa.

"Dalis Sebastian! Pagbabayaran mo ang iyong mga ginawa kay Yvonne!"

Galit na sigaw ni Jay kay Dalis habang nagwawala na ito sakaniyang kinauupuan na kung saan siya'y naka kadena pa rin.

"At sino naman ang sisingil saakin, hijo? Ikaw? Ni hindi ka nga makawala riyan."

Pang-aasar pa lalo ni Dalis kay Jay sabay inom muli ng kaniyang tsaa. Ilang minuto pa ang lumipas ay natigil na ang binata dahil napagod na ito.

"Bibigyan kita ng dalawang linggo. Hahanapin kita sa ikatlong martes ng buwan na ito. Alam kong alam na alam mo na nakapaligid lamang ang aking mga kaibigan sa bawat sulok ng mundong ito, kaya't wala kang mapagtataguan rito, hijo."

Sabi ni Dalis kay Jay sabay kumpas muli ng kaniyang kamay upang pakawalan na ang binata mula sakaniyang mga kadena. Malamyang tumayo ang binata mula sakaniyang kinauupuan habang nakayuko.

"Sa loob ng dalawang linggo na iyon… huwag na huwag mong lalapitan, hahawakan o maski gagambalain si Yvonne."

Sabi ni Jay kay Dalis sabay mariing tinignan ang matandang babae habang naka kamao ang kaniyang mga kamay. Marahang inilapag ng matandang babae ang basong hawak nito sa coffee table at saka nginisian ang binatang nakatayo sakaniyang harapan.

"Maipapangako ko saiyo na hindi ko lalapitan, hahawakan o maski gagambalain ang dalagang ipinagtatanggol mo. Ngunit… wala akong kasiguraduhan kung kailan lilitaw muli ang iba pang naghahabol sa dalagang iyon."