Chereads / Runaway With Me / Chapter 60 - Park

Chapter 60 - Park

~Hapon~

"Hay… Matagal pa ba siya? Kanina pa tayo nag-aantay dito, oh."

Reklamo ni Liyan kay Jay habang nakaupo silang pareho sa isang bangko sa parke. Tinawanan lamang ng binata ang kaibigan habang pinapanuod lamang ang mga taong dumaraan sakanilang harapan.

"Kamusta ka na Jay?"

Mahinhing pangangamusta ng isang babae kay Jay mula sa tabi ni Liyan. Agad na nilingon ng binata ang babae at saka nginitian iyon.

"Tita Isabelle~!"

Masayang sabi ni Jay sa babaeng nangamusta sakaniya na si Isabelle sabay yakap nito sa babae. Nginitian ng babae ang binata at saka niyakap ito pabalik. Si Liyan nama'y tinitigan lamang ang babae at ang binata na magkayakap sakaniyang gilid habang nakaupo pa rin ito sa bangko.

"Kamusta ka na Tita? Dun pa rin po ba kayo nakatira?"

Masayang tanong ni Jay kay Isabelle sabay kumawala na mula sa pagkakayakap nila ng babae, umupo nang muli sa tabi ni Liyan at saka pinaupo ang babae sakaniyang tabi.

"H-hoy! Malalaglag na ako dito!"

Sigaw ni Liyan kay Jay nang umurong ito sa kaibigan upang bigyan ng espasyo ang babae sa bangko na kanilang inuupuan.

"Edi tumayo ka na lang."

Sabi ni Jay kay Liyan sabay tingin nito ng masama sa kaibigan. Sinamaan din ng tingin ang binata at saka iniwas na ang tingin nito.

"Hello Liyan~"

Nakangiting bati ni Isabelle kay Liyan habang nakatingin ito sa dalaga. Gulat na tinignan nila Jay at ng dalaga ang babaeng nakaupo sa kanilang tabi habang nakangiti pa rin ito sakanilang dalawa.

"P-pano mo… pano mo nalaman pangalan ko?"

Gulat na tanong ni Liyan kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang babae gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Si Jay nama'y tinitigan lamang ang babaeng nakaupo sakaniyang tabi.

"Diba kasama mo sila Jervin at Yvonne nung biyernes at saka nung madaling araw ng sabado?"

Tanong pabalik ni Isabelle kay Liyan habang nakangiti pa rin ito sa dalaga. Biglang Napatayo ang dalaga mula sakaniyang kinauupuan at saka tinakpan ang kaniyang bibig.

"Pano mo…"

Gulat na sabi ni Liyan kay Isabelle habang nakatayo pa rin ito at saka tinatakpan pa rin niya ang kaniyang bibig. Pinanlisikan ng mga mata ni Jay ang babaeng nakaupo sakaniyang harapan at saka ngumisi.

"Tita. Wag mong sabihing… ginagamit mo pa rin hanggang ngayon ung bolang kristal mo."

Nakangising sabi ni Jay kay Isabelle. Nginitian ng babae ang binata at saka tumango bilang tugon rito, samantalang si Liyan nama'y inilipat na ang kaniyang tingin sa binata.

"Oy, seryoso ba!?"

Gulat na tanong nanaman ni Liyan kila Isabelle at Jay habang palipat-lipat na ang tingin nito sa dalawang nakaupo sa bangko.

"Oo, pero hindi un ang dahilan kung bakit ko tinawagan si Jay."

Sagot ni Isabelle sa tanong ni Liyan sakaniya sabay tingin na nito kila Jay at sa dalaga ng seryoso. Biglang nagdikit ang kilay ng binata habang patuloy pa ring tinitignan ang babae sakaniyang tabi.

"May nangyari ba kay Jervin, Tita?"

Nag-aalalang tanong ni Jay kay Isabelle. Malungkot na tinignan ng babae ang binata at saka napabuntong hininga.

"Wag ka munang magpa pakita kay Jervin."

Malungkot na sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya ni Jay sabay hawak na nito sa kamay ng binata na malapit sakaniya habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang binata. Nagdikit muli ang kilay ng binata habang nakatingin pa rin ito sa babae at saka umiiling ng bahagya.

"Magka kilala sila ni Jervin?"

Mausisang tanong ni Liyan kay Isabelle habang dahan-dahan na nitong nilalapitan ang babae. Malungkot na tinignan ng babae ang dalaga at saka tumango.

"Sabay kong pinalaki sila Jervin at Jay… pero simula nung araw na biglang may kumuha kay Jay… laging nagwawala nun si Jervin at may mga pagkakataon pang umaalis siya sa bahay at hindi babalik ng ilang araw para lang hanapin si Jay. Lumipas ang isa't kalahating buwan… hindi na namin kinaya, kaya't naisipan kong…"

Malungkot na sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya ni Melanie sabay yuko nito habang hawak pa rin nito ang kamay ni Jay. Nagdikit na rin ang kilay ng dalaga at saka tinignan ng mabuti ang babae.

"Naisipan mong…?"

Tanong muli ni Liyan kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong tinitignan ng mabuti ang babae. Ilang segundo pa ang lumipas ay may tumulong luha galing sa mata ng babae.

"Naisipan kong burahin ang lahat ng ala-ala ni Jervin tungkol sayo, Jay. Patawarin mo ako, Jay. Patawarin mo ako. Wala na akong maisip na iba pang paraan para pakalmahin si Jervin nun. Patawarin mo ako Jay, patawarin mo ako. Labag sa kalooban ko na alisin lahat ng mga masasayang ala-ala niyo ni Jervin sakaniya. Patawarin mo ako, patawarin mo ako… hindi ko ginusto ang nangyari… patawarin mo ako…"

Sabi ni Isabelle kila Liyan at Jay habang nakayuko pa rin ito at saka umiiyak na. Hindi namalayan ng binata na mayroon na palang tumulong luha galing sakaniyang kaliwang mata. Ang mga kamay ng dalaga'y biglang naging hugis kamao habang galit na nitong tinitignan ang babae sakanyang harapan, ngunit agad na naglaho ang galit na iyon nang masilayan niya ang binata na marahang niyakap ang babae at saka hinaplos ang buhok nito. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga habang nakatingin na ito sa binata. Habang patuloy na tinitignan ng dalaga ang babae at ang binata ay bigla itong may naalala.

"Jay, tama si Isabelle. Wag ka munang magpa pakita kay Jervin."

Nakakabahalang sabi ni Liyan kay Jay kaya't pinakawalan na ng binata mula sakaniyang yakap si Isabelle at saka seryosong tinignan ang kaibigan.

"Bakit?"

Seryosong tanong ni Jay kay Liyan habang nakatingin pa rin ito sa kaibigan, samantalang si Isabelle nama'y pinupunasan na ang kaniyang mga luha.

"Aksidenteng naka pasok si Jervin sa isipan ni Yvonne at sigurado akong nakita niya ung fake memory ni Yvonne tungkol sayo, Jay. Habang wala siyang malay nun… bigla siyang sumigaw ng 'papatayin kita Jay'."

Nababalisang sagot ni Liyan sa tanong sakaniya ni Jay habang nakatingin na ito sa mga mata ng binata. Nagulantang si Isabelle sakaniyang narinig mula sa dalaga at saka tinignan ito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Tita Isabelle."

Seryosong tawag ni Jay kay Isabelle sabay tingin na nito sa babaeng nakaupo pa rin sakaniyang tabi. Mabagal na nilingon ng babae ang binata habang nangingilid na ang kaniyang mga luha.

"Pano mo po naalis ung mga ala-ala ni Jervin tungkol sakin?"