~Hapon~
"Anong nangyari saiyong mga mata, Yvonne hija? Paano naging kulay lila ang mga iyan?"
Sunod-sunod na tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne habang nakatingin ito sa dalaga at pinagmamasdan ang mga mata nito. Nanahimik lamang ang dalaga habang hinahayaan nito ang matandang babae na obserbahan ang kaniyang mga mata.
"Uminom siya ng potion galing kay Liyan tas isa po yan sa mga side effect nun."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne habang nakatingin ito sa matandang babae. Napatigil sa pagoobserba ang matandang babae sa dalaga at agad na nilingon ang binata.
"Ano ang iyong dahilan kung bakit ika'y uminom ng potion at saka kailan ito nangyari?"
Nag-aalalang tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne habang nakatingin nang muli ito sa dalaga. Umiwas lamang ito ng tingin at nanatiling tahimik kaya't ibinaling na ng matandang babae ang kaniyang atensyon kay Jervin. Napabuntong hininga ang binata at saka tinignan ang dalaga.
"Uminom siya nung biyernes. Galing daw kay Liyan ung potion na ininom ni Yvonne. Kaya siya uminom kasi grabe na ung panghihina ng katawan niya. At ung itsura niya… ung itsura niya…"
Sagot muli ni Jervin sa tanong ni Madam Hongganda kay Yvonne ngunit hindi nito natapos ang kaniyang tugon sa matandang babae. Biglang hinawakan ng matandang babae ang mga kamay ng dalaga at saka nag-aalalang tinignan ang dalagang nakayuko.
"Minaltrato ka nanaman ba ng iyong ina? Ano nanaman ang kaniyang ginawa saiyo? Hinampas ka nanaman ba niya ng sinturon? Ibinilad sa araw ng ilang oras habang nakayapak ka lamang? Ano?"
Sunod-sunod na tanong nanamang ni Madam Hongganda kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang mga kamay ng dalaga. Nanatiling tahimik muli ang dalaga habang hindi pa rin tinitignan ang matandang babae sa mga mata nito. Ilang saglit pa ay mayroon nang tumulong luha galing sa kaliwang mata ng matandang babae habang nakatingin pa rin ito sa dalaga.
"May mas importante ka pang malaman, Madam Hong."
Sabi ni Jervin kay Madam Hongganda sabay dahan-dahang pinabitiw ang matandang babae mula sa pagkakahawak nito sa mga kamay ni Yvonne. Kumunot ang noo ng matandang babae at saka tinignan ang binata habang ito'y umiiyak na.
"Ano pa ba ang mas importante kaysa sa kalagayan ni Yvonne, ha?! Hindi ka ba nag-aalala sakaniyang kalagayan sa poder ng kaniyang pamilya?!"
Pasigaw na tanong ni Madam Hongganda kay Jervin habang nakatingin na ito sa binata at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak. Seryosong tinignan ng binata ang matandang babae at saka binitiwan na ang mga kamay nito.
"Meron kaming nakitang patay na limang lalaki. Ang isa sakanila ay nawalan na ng kanang braso, ung apat namang may mga braso pa ay may hawak na kulay gray na balahibo. Malalaki ang mga kalmot sakanilang katawan. Tapos kahapon… Nagpakita si Dalis kay Yvonne at pinapapili siya nito kung tutulungan ba niya ang angkan nila o ibubuwis niya ang buhay niya para pigilan siya."
Seryosong sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang masinsing nakatingin sa matandang babae. Napahinto sa pag-iyak ang matandang babae at saka napaatras ito, dahilan upang mawalan ito ng balance at mitumba. Agad na tinulungan nila Yvonne at ng binata ang matandang babae na makatayo at saka pinaupo ito sa pinaka malapit na upuan sakanila.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?"
Tanong ni Madam Hongganda kila Yvonne at Jervin habang palipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. Nagkatinginan naman ang binata at ang dalaga at saka tinignan na nila ang matandang babae sakanilang harapan.
"Sorry, Madam Hong… marami lang po kasi kaming ginagawa at saka hindi po ako basta-basta pinapalabas ni mama."
Paghingi ng tawad ni Yvonne kay Madam Hongganda habang hindi pa rin nito tinitignan ang matandang babae sakaniyang mga mata. Napatayo ang matandang babae ,mabilis na nagtungo sa lalagyanan ng mga libro at saka mayroong hinanap roon.
"B-bakit Madam Hong?"
Nauutal na tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang dahan-dahan nitong nilalapitan ang matandang babae, samantalang si Jervin nama'y nanatili lamang sakaniyang puwesto habang pinapanuod ang ginagawa ng matandang babae.
"Malakas ang kutob ko na isang Mngwa ang may gawa niyon."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Yvonne sabay kuha na ng isang libro at saka binuklat na ito. Nang makatayo na ang dalaga sa tabi ng matandang babae ay nanlaki ang mga mata nito nang makita ang librong tinitignan ng matandang babae.
"Madam Hong… anong… anong libro yan?"
Naguguluhang tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa librong hawak ng matandang babae. Dahil sa tinanong ng dalaga ay naisipan na rin ni Jervin na lapitan ang matandang babae at saka tignan ang librong hawak nito.
"Nasaan na iyon…. Mngwa… Mngwa… Mngwa… ayun."
Sabi ni Madam Hongganda sakaniyang sarili sabay turo na sa isang impormasyon na naka lagay sa librong hawak niya. Agad namang tinignan nila Yvonne at Jervin ang impormasyong itinuro ng matandang babae at saka parehong napakunot ng noo ang dalawa.
"S-seryoso ba?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang nakatingin pa rin ito sa librong hawak ng matandang babae.
"Mayroon nanamang angkan ng mga mangkukulam at salamangkero ang mamamatay makalipas ng limang linggo."
Takot na sabi ni Madam Hongganda kila Yvonne at Jervin habang hawak pa rin nito ang libro.
"Kelan 'to huling nangyari, Madam Hong?"
Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda sabay tingin na nito sa matandang babae. Dahan-dahang tinignan ng matandang babae ang binata at saka nag-umpisa nanamang umiyak.
"Labing walong taon na ang nakalilipas noong mamatay ang buong angkan ng mga Alquiza makalipas ng limang linggo noong may pinatay na limang babae ang Mngwa."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Dahan-dahang kinuha ng binata ang librong hawak ng matandang babae at akma na sanang isasara ito nang mayroon itong nakita.
"Madam Hong, anong ibig sabihin kapag dalawang tao ung nawalan ng braso?"
Mausisang tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa imahe sa loob ng libro. Natigil muli sa pag-iyak ang matandang babae at saka tinignang muli ang libro na hawak na ngayon ng binata.
"Iyan ang bilang ng angkan na mamamatay."