~Hapon~
"Wala ka na po bang nabalitaan na namatay na angkan sa araw na namatay rin po ang mga Alquiza?"
Tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang nakatayo ito sa tabi ni Jervin at tinitignan ang librong hawak ng binata.
"Wala… ngunit mayroon akong narinig na tsismis patungkol sa pagkawala ng mga Belmonte sa mismong araw na namatay ang mga Alquiza."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Yvonne sakaniya sabay lakad na nito pabalik sa upuang inuupuan niya kanina.
"Ano ung mga narinig mo, Madam Hong?"
Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang nililipat na nito ang mga pahina ng librong kaniyang hawak.
"Sabi ng ilan ay kinuha raw sila ng mga Lich. Ang sabi naman ng iba ay ikinulong ang buong angkan ng Belmonte ng SCASC. Sabi pa ng iba ay kinuha sila ng mga Camazotz at saka hindi na nakabalik pang muli."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin. Mabagal na nilingon ni Yvonne ang matandang babae at saka pinanlisikan ito ng tingin.
"Belmonte?"
Takang tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang dahan-dahan na itong naglalakad papalapit sa matandang babae. Tumango ang matandang babae bilang tugon sa dalaga habang hindi ito tinitignan.
"Diba… isa rin po ung angkan na un sa naging malapit sa mga Alquiza?"
Mausisang tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda sabay hinto na nito sa harapan ng matandang babae. Napabuntong hininga ang matandang babae at saka tumango muli bilang tugon sa dalaga nang hindi ito tinitignan.
"Hindi kaya… konektado ang pagkawala ng mga Belmonte sa pagkamatay ng mga Alquiza?"
Tanong ni Yvonne kila Madam Hongganda at Jervin sabay lakad na nito patungo sa pinaka malapit na lamesa sakaniyang kinaroroonan.
"Anong gusto mong sabihin?"
Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne sabay sara na ng librong kaniyang hawak at saka tingin na sa dalaga na nakaupo na sa taas ng lamesa.
"Dati kasi�� laging kinekwento sakin ni Mama Beatrice ang story ng siyam na magkakaibigang babae. Sina Bea, Anda, Dal, Sephie, Aya, Jackie, Kim, Lina at Zara. Malapit sa isa't isa ang siyam at matagal na silang magkakaibigan."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin ito sa binata.
"Sa siyam na mga babaeng un ay may kani-kaniya silang mga partner. Dal at Sephie, Bea at Anda, Aya at Jackie, at sina Kim, Lina at Zara. Pero isang araw, may hindi inaasahang nangyari sakanila nang magpunta sila sa Dark Forest."
Pagtutuloy ni Yvonne sakaniyang ikinekwento kila Jervin at Madam Hongganda habang seryoso itong nakatingin sa lapag.
"Pano sila napunta sa Dark Forest? At tsaka ano meron dun?"
Takang tanong ni Jervin kay Yvonne sabay sandal na nito sa lalagyanan ng mga libro habang hawak pa rin nito ang librong kinuha ni Madam Hongganda mula roon.
"Puno ng masasamang nilalang ang Madilim na Gubat, hijo. Kaya sila nagtungo roon ay dahil mayroon silang gustong patunayan sa ibang tao."
Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakaupo pa rin ito at saka naka yuko. Kaagad na tinignan ng dalaga ang matandang babae at saka pinagmasdan ito.
"Alam mo rin po ung kwentong un, Madam Hong?"
Inosenteng tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin nitong pinagmamasdan ang matandang babae. Tumango lamang ito bilang tugon sa tanong sakaniya ng dalaga. Biglang pinanlisikan ni Jervin ng mata ang matandang babae habang naka sandal pa rin ito sa lalagyanan ng mga libro.
"Ano ung nangyari sakanila?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong pinanlilisikan ng mata si Madam Hongganda.
"Kamuntikan na mamatay ang isa sakanila dahil bigla silang inatake ng dalawang Camazotz."
Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin nito sa binata habang naka upo pa rin ito sa itaas ng lamesa. Nasilayan ng binata na biglang umiling si Madam Hongganda habang nakayuko pa rin ito, agad na nagdikit ang kilay ng binata at saka akma na sanang maglalakad papalapit sa matandang babae nang biglang tumunog ang phone ng dalaga.
"Hello?"
"MAG-AALA SINGKO NA WALA KA PA RIN DITO SA BAHAY! NASAN KA?! MAY KASAMA KA BANG LALAKE, HA?!"
"T-trapik po."
"EDI SANA PUMASOK KA NA LANG SA ISA SA MGA PINTO AT NANG NAKAUWI KA KAAGAD DITO!"
"Opo."
"MAY KASAMA KA?! SINO KASAMA MO?!"
"Wala po akong kasama."
"BILISAN MO!"
"Opo. Babye po."
Huling sabi ni Yvonne sakaniyang ina bago ito babaan. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga at saka bumaba na mula sa itaas ng lamesa. Tinignan ni Jervin ang dalaga at saka napabuntong hininga na rin.
"Alis na po kami Madam Hong."
Malungkot na sabi ni Yvonne kay Madam Hongganda habang naglalakad na ito papalapit sa isa pang lamesa na kung saan nila ipinatong ni Jervin ang kanilang bag. Mabagal na sumunod ang binata sa dalaga at saka itinuon lamang ang pansin sa matandang babae.
"Eto na bag mo."
Sabi ni Yvonne kay Jervin sabay abot na nito ng bag ng binata rito. Bahagyang nagulantang ang binata sa dalaga, ngunit agad naman nitong kinuha ang kaniyang bag mula rito.
"Alis na kami Madam Hong."
Sabi ni Jervin kay Madam Hongganda sabay lakad na papalabas ng silid na iyon. Hindi pinansin ng matandang babae sina Yvonne at ang binata kaya't pinili na lang ng dalawa na umalis na roon ng tahimik.
"May naalala kaya si Madam Hong dahil dun sa kinwento ko?"
Tanong bigla ni Yvonne kay Jervin nang makalabas na sila pareho sa silid na kanilang kinaroroonan kanina kasama si Madam Hongganda. Nilingon ng binata ang pintuan ng silid na kanilang pinanggalingan at nasilayan na sarado na ang pintuan niyon.
"Feeling ko may alam si Madam Hong sa mga nangyayari, e."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakaniya sabay tingin na sakanilang dinaraanan. Biglang napasimangot ang dalaga habang patuloy pa rin sila sa paglalakad ng binata.
"Kung may alam man si Madam Hong, edi sana kanina niya pa sinabi satin."
Nakasimangot na sabi ni Yvonne kay Jervin. Nagdikit nanaman ang kilay ng binata habang naglalakad pa rin silang dalawa ng dalaga.
"Pero bakit mo naman na ikwento ung story na laging sinasabi sayo ni Lola Beatrice?"
Tanong bigla ni Jervin kay Yvonne habang magkadikit pa rin ang kilay nito. Tumigil na sa paglalakad ang dalaga nang marating na nito ang pangunahing pinto ng mansion ni Madam Hongganda.
"Kasi ung mga pangalang paulit-ulit na sinasabi sakin ni Mama Beatrice… feeling ko… sila ung siyam na magkakaibigan. Bea, Beatrice. Dal, Dalis. Anda, HonggAnda. Aya, MalAya."