Chereads / Runaway With Me / Chapter 63 - Anonuevo's Residence 10

Chapter 63 - Anonuevo's Residence 10

~Umaga~

"Jervin!"

"Tulog pa!"

"Wag mong sabihin na tulog ka pa kung sasagot ka rin naman pala sakin!"

"Ano ba un, Ma? Aalis pa ako ng maaga ngayon, e!"

"Sabayan mo mag-almusal sila Iris at Ian sa baba!"

"Baka hinahanap na ako ng mga classmates ko!"

"At kelan ka pa nag-alala sa mga classmates mo?!"

"Oo na! Bibihis lang ako!"

"Wag mong subukang tumakas dyan sa bintana mo!"

"Oo!"

Tugon ni Jervin sakaniyang ina habang isinusuot na niya ang kaniyang pantaas na damit. Nang matapos na itong magbihis ay kinuha na niya ang kaniyang bag sa tabi ng lamesa na katabi ng kaniyang kama at saka lumabas na mula sakaniyang kwarto.

"Ahh! Gusto ko magkaron ng super powers!"

"Saan mo naman gagamitin?"

"Pag gawa ng maraming chocolates!"

"Iris! Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sayo na magkakasakit ka kapag nasobrahan ka ng kain ng chocolates!"

"Masarap ung chocolates Mama, e!"

"Kahit pa masarap! Kailangan may limitasyon din!"

"Ano ba yan."

"Masyado ka kasing matakaw, e."

"Mama, oh! Si Ian nang-aasar!"

"Ian!"

"Oh! Sinasabi ko lang naman ung totoo, e!"

"Alam mo naman kung pano magalit kapatid mo."

"Ano ba yan."

"Ano almusal?"

Tanong ni Jervin kay Isabelle sabay lakad na papalapit sakanilang lamesa na kung saan ay nakaupo roon ang kaniyang mga kapatid na sina Iris at Ian. Agad na nilingon ng dalawang nakababatang kapatid ang binata at saka nginitian ito.

"Kuya!"

"Bibilhan mo ba ulit ako ng chocolate~?"

Sabik na tanong ni Iris kay Jervin nang makaupo na ito sakaniyang tabi. Nginitian ng binata ang batang babae at saka ginulo ang buhok nito.

"Wala munang chocolate ngayon. Magkaka diabetes ka."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Iris sakaniya sabay kuha na ng kaniyang phone mula sakaniyang bulsa.

"Ano ba naman yan."

Sabi ni Iris kay Jervin habang nakasimangot ito at saka sinamaan ng tingin ang kaniyang kuya sakaniyang tabi.

"Oh? Ba't ka nakangiti dyan mag-isa?"

Takang tanong ni Isabelle kay Jervin nang masilayan nito ang binata na nakangiti habang nakatingin sakaniyang phone. Bahagyang nagulantang ang binata at saka biglang nilapag ang kaniyang phone sa lamesa nang hindi ito pinapatay. Kaagad na tinignan ni Iris ang phone ng binata at saka nakita ang pangalang 'Ibon'.

"Oh? Sino si 'Ibon'?"

Tanong ni Iris kay Jervin sabay inosenteng tinignan ang kaniyang kuya. Nataranta ang binata kaya't agad nitong hinablot ang kaniyang phone at saka pinatay na ito.

"W-wala."

Kinakabahang sagot ni Jervin kay Iris sabay balik nang muli ng kaniyang phone sakaniyang bulsa. Napangiti na lamang si Isabelle habang inilalapag na ang almusal ng kaniyang tatlong anak sakanilang lamesa.

"Ay, kuya."

Tawag bigla ni Ian kay Jervin sabay tingin nito sakaniyang kuya. Mabilis namang tinignan ng binata ang nakababatang kapatid na lalaki at saka nginitian ito.

"Ano un, Ian?"

Nakangiting tanong ni Jervin kay Ian habang nakatingin pa rin ito sa batang lalaki.

"Napanaginipan kita kagabi."

Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Jervin habang seryoso na itong nakatingin sakaniyang kuya, samantalang si Iris nama'y kinakain na ang almusal na hinanda ng kanilang ina.

"Huh? Anong nangyari dun sa panaginip mo?"

Takang tanong ni Jervin kay Ian habang nakatingin pa rin ito sa batang lalaki. Mabilis na iniwas ng batang lalaki ang kaniyang tingin mula sakaniyang kuya at saka ginalaw na ang kaniyang almusal.

"Apat kayong nasa bangin… ikaw, dalawang babae at isang lalaki. Hindi ko alam kung saang bangin pero nakaluhod ka sa lupa, yakap ung isa sa dalawang babae na nakahiga at saka umiiyak ka. Sinisigaw mo ung pangalang 'Yvonne'. Umiiyak din ung dalawa niyo pang kasama tapos ung lalaki, nakaluhod din tulad mo."

Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Jervin habang hindi pa rin nito kinakain ang kaniyang almusal. Nanahimik lamang ang binata nang hindi pa rin inaalis ang kaniyang paningin sakaniyang nakababatang kapatid.

"Anong klaseng panaginip naman yan? Ba't wala ka dun? Diba kapag nananaginip ung tao, andun siya sa sarili niyang panaginip? Diba Mama?"

Sunod-sunod na tanong ni Iris kay Isabelle nang makalahati na nito ang kaniyang almusal. Kaagad na tinignan ni Jervin ang kanilang ina at nasilayan ito na nakatitig kay Ian habang nanlalaki ang mga mata nito at nanginginig ang mga kamay.

"Diba Ma?"

Tanong muli ni Iris kay Isabelle habang tinitignan ang kaniyang ina. Ilang segundo pa ay bumalik na sa katinuan ang kanilang ina at saka pinunasan ang kaniyang pawis.

"H-huh? A-ano un, Iris?"

Nauutal na tanong ni Isabelle kay Iris sabay tingin nito sa batang babae habang pinupunasan pa rin ang kaniyang pawis.

"Diba kapag nananaginip ung isang tao, dapat andun siya sa sarili niyang panaginip?"

Pag-uulit muli ni Iris sakaniyang tanong kay Isabelle. Dahan-dahang tumango ang kanilang ina at saka ibinaling ang kaniyang paningin kay Jervin.

"Imposible namang m-magka totoo ung panaginip ni Ian. W-wala lang un. Kumain na kayo."

Sabi ni Isabelle kila Iris, Ian at Jervin sabay lakad na patungo sa hagdan at saka umakyat na. Pinanlisikan ng tingin ng binata ang kaniyang ina at saka sinimulan nang kainin ang kaniyang almusal.

"Sigurado ka sa nakita mo sa panaginip mo, Ian?"

Seryosong tanong ni Jervin kay Ian sabay tingin na nito sa nakababatang kapatid. Mabagal na tinignan ng batang lalaki ang kaniyang kuya at saka dahan-dahang tumango bilang tugon nito sakaniya.

"Malinaw ang pagkaka tanda ko sa mga panaginip na nakikita ko kahit na wala ako dun sa panaginip na un."

Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Jervin sabay kain muli ng kaniyang almusal, habang si Iris nama'y dala-dala na ang pinggan kaniyang pinagkainan upang ilagay na sakanilang lababo.

"Pano ka naman nakakasigurado sa mga napapanaginipan mo, Ian?"

Mausisang tanong ni Iris kay Ian sabay tingin na nito sa nakababatang kapatid. Biglang pinanlisikan ng tingin ng batang lalaki ang kaniyang ate at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sakanilang kuya.

"Nung sabado ng gabi… napanaginipan ko na namatay ung tatay ng kaklase ko. Tapos pagdating ng lunes, umabsent ung kaklase kong un kasi namatay ung tatay niya."

Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Iris habang nakatingin pa rin kay Jervin. Seryosong tinignan ng binata ang bunsong kapatid at saka dahan-dahang uminom ng tubig.

"Seryoso ba?"

Tanong ni Jervin kay Ian matapos nitong uminom ng tubig. Tumango lamang ang bunsong kapatid bilang tugon sakaniyang kuya. Agad na tumayo ang binata, kinuha ang kaniyang bag sa lapag at saka naglakad na patungo sa pintuan ng kanilang tahanan.

"Iris! Sayo na lang almusal ko! At saka paki sabi kay mama na umalis na ako!"

Related Books

Popular novel hashtag