Chereads / Runaway With Me / Chapter 34 - Tamayo's Residence 5

Chapter 34 - Tamayo's Residence 5

~Tanghali~

"Yvonne?"

Dahan-dahang tawag ni Josh kay Yvonne habang papasok na silang dalawa ni Justin sa kwarto ng dalaga. Nasilayan ng dalawang dwende ang dalaga na nakadapa sa sahig habang umiiyak. Agad na sinarado ng dalawang dwende ang pintuan at saka nagtinginan sa isa't isa. Mabilis na tumakbo ang dalawang dwende papalapit sa mukha ng dalaga upang tignan kung maayos lang ba ang lagay nito.

"Yvonne."

Tawag muli ni Josh kay Yvonne habang dahan-dahan niyang inaalog ang braso ng dalaga, samantalang si Justin naman ay nakatayo lamang sa harapan nito. Magabal na tinignan ng dalaga ang dalawang dwende sakaniyang harapan. Nagulantang ang dalawang dwende sakanilang nakita.

"N-namamaga ang mata mo!"

Sabi ni Josh kay Yvonne sabay hawak nito sakaniyang ulo habang nangingilid na ang kaniyang luha. Agad na naluha si Justin nang makita ang nakakaawang itsura ng dalaga. Namamaga ang mga mata, namumula ang ilong at gulu-gulo ang buhok nito.

"Anong oras na? Tumayo ka na dyan at maligo ka na. Naku… ano ang idadahilan mo kela Jervin at Melanie kapag napansin nila na namamaga ang mga mata mo?"

Natatarantang sabi ni Josh habang naglalakad siya ng pabalik-balik. Si Justin naman ay dahan-dahang lumakad papalapit kay Yvonne habang patuloy pa rin itong umiiyak sa harapan ng dalaga.

"Mag-isip ka Josh."

Sabi ni Josh sakaniyang sarili habang naglalakad pa rin ito ng pabalik-balik at saka ginugulo na niya ang kaniyang buhok. Hindi pinansin nila Yvonne at Justin ang nakatatandang dwende sapagkat ay binigyan lamang ng yakap ng nakababatang dwende ang dalaga sa pisngi nito. Naiyak nanaman ng tahimik ang dalaga dahil sa pagyakap sakaniya ng nakababatang dwende.

Agad na napalingon ang nakatatandang dwende sa dalawa dahil narinig nito ang tahimik na pag-iyak ng dalaga. Napabuntong hininga ang nakatatandang dwende saka nilapitan ang dalaga at hinawakan ang braso nito.

"Iiyak mo lang yan, Yvonne. Pero please… wag mo nang saktan ang sarili mo."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang hinahaplos na nito ang pisngi ng dalaga. Walang tugon ang dalaga sa sinabi sakaniya ng nakatatandang dwende sapagkat tuloy-tuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Si Justin nama'y sinasabayan ang dalaga sakaniyang pag-iyak habang yakap-yakap pa rin ito sakaniyang pisngi.

"Nandito lang kami sa tabi mo, Yvonne… wag mong kakalimutan yan."

Sabi ni Justin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak at pagyakap sa dalaga. Ilang saglit pa ang lumipas ay naupo na ng maayos ang dalaga habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Umayos naman ng tindig si Josh at ang nakababatang dwende habang pinupunasan din nito ang kaniyang luha.

"Salamat sa pag-stay niyo sa tabi ko. Napaka swerte ko kasi meron akong mga kaibigan na tulad ninyo… kuya Josh… kuya Jah… pati na rin sila kuya Vester, kuya Felip at kuya Pao."

Pagpapasalamat ni Yvonne kila Josh, Justin at pati na rin sa tatlo pang dwende, habang nakangiti sa dalawang dwende na nasa kaniyang harapan. Nginitian pabalik ng dalawang dwende ang dalaga.

"Tama na nga. Ayoko umiiyak. Mag-ayos ka na Yvonne ng sarili mo, baka ma-late ka pa. Managot ka nanaman sa nanay mo."

Sabi ni Josh kay Yvonne sabay iwas nito ng tingin sa dalaga at saka tumitingin-tingin ito sa itaas. Natawa na lamang ng bahagya ang dalaga pati na rin si Justin.

"Ayusin mo sana ung pagpipigil mo ng luha. Halata ka masyado kuya Josh, e."

Natatawang Pahayag ni Justin kay Josh habang nakatingin ito kay Yvonne. Natawa na ng tuluyan ang dalaga dahil sa sinabi ng nakababatang dwende patungkol sa nakatatandang dwende. Nangiti na lamang ang dalawang dwende nang makita nang muli ang magagandang mga ngiti ng dalaga.

"Tama na tawa! Maligo ka na dun! Dali!"

Sabi ni Josh kay Yvonne habang sinusubukan nitong hilahin ang dalaga mula sakaniyang hintuturo. Tumigil na sa pagtawa ang dalaga at saka tumayo na. Nginitian niya ang dalawang dwende at saka naglakad na patungo sa cr. Bago isara ng dalaga ang pintuan ng cr ay muli niyang sinilip ang dalawang dwende.

"Walang maninilip, ha!"

Babala ni Yvonne kila Josh at Justin sabay sara na ng pintuan ng cr. Nagkatinginan lamang ang dalawang dwende at saka sabay na tinignan ang pintuan ng cr.

"Mas marumi pa ata ang isip nun kesa satin, e."

Sabi ni Josh kay Justin habang ginugulo nanaman nito ang sarili niyang buhok. Napabuntong hininga na lamang ang nakababatang dwende at saka umiling habang nakangiti.

"Bale ganto gagawin mo Jah…"

Sabi ni Josh kay Justin habang naglalakad na sila patungo sa bintana ng kwarto ni Yvonne. Habang pinapaliwanag na ng nakatatandang dwende ang mga dapat na gawin sa nakababatang dwende ay nag-umpisa nang maligo ang dalaga. Biglang napabuntong hininga ang dalaga habang nagbabanlaw ito.

"Pag namatay kaya ako… mamahalin na kaya ako ni Mama?

Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang hinahayaan niya ang kaniyang sarili na magbanlaw sa malamig na tubig. Natawa ng bahagya ang dalaga dahil sakaniyang sinabi.

"Hindi naman ata un mangyayari… meron naman akong kapalit, e."

Kumento ni Yvonne sakaniyang sariling tanong sabay tawang muli. Ilang saglit pa ang lumipas, ang tawa ng dalaga'y napalitan na ng paghikbi. Ang kaniyang mga luha ay humahalo na sa tubig na mula sa shower. Hinayaan niya ang kaniyang sarili na umiiyak ng panandalian at saka nagbuntong hininga.

"Tama na ang pag-iyak, Ibon. Ayaw ni Mama Beatrice na nakikita kang umiiyak. Wag ka na umiiyak."

Pakiusap ni Yvonne sakaniyang sarili habang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na umiiyak muli. Huminga ng malalim ang dalaga at saka nagpatuloy na sakaniyang paliligo.

"Ang dami naman ng gawain na yan."

Reklamo ni Justin kay Josh habang naka istambay silang dalawa sa bintana ng kwarto ng dalaga. Biglang pinalo ng nakatatandang dwende ang nakababatang dwende kaya't napalayo ng bahagya ito.

"Aray!"

Sigaw ni Justin habang hinihimas na niya ang kaniyang brasong pinalo sabay tingin nito kay Josh. Pinanlisikan ng mga mata ng nakatatandang dwende ang nakababatang dwende kaya't napaiwas agad ito ng tingin. Napabuntong hininga na lamang ang nakatatandang dwende at saka tumingin sa malayo.

"Mahirap bantayan si Yvonne… kaya kailangan talaga na lagi kang handa. Hindi natin alam kung kelan nanaman mauulit ang nangyari sakaniya dati. Mas mabuti nang manigurado, kaysa hayaang maulit muli ang nakaraan."