Chereads / Runaway With Me / Chapter 33 - Tamayo's Residence 4

Chapter 33 - Tamayo's Residence 4

~Umaga~

"Isang linggo na ang nakalipas nung kinausap mo si Jervin."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang nakasimangot, naka cross arms at nakaupo ito sa lamesa sa tabi ng aparador ng dalaga. Natawa na lamang ng bahagya ang dalaga sa itsura ng dwende. Agad na sinamaan ng tingin ng dwende ang dalaga dahil sa pagtawa nito sakaniya.

"Wag mong sabihin na napapalapit ka na sakaniya."

Natatawang sabi ni Yvonne kay Josh habang inaayos nito ang kaniyang gamit pang eskwela sa lamesa sa tabi ng kaniyang aparador. Mas lalu pang napabusangot ang dwende dahil sa sinabi sakaniya ng dalaga.

"Ba't naman ako mapapalapit dun?! E, hindi nga kami pareho ng gusto!"

Sigaw ni Josh kay Yvonne sabay talikod na nito sa dalaga. Nangiti na lamang ang dalaga dahil sa inasta ng dwende sakaniyang harapan.

"Si kuya Felip pala ang kapareho nun na mahilig sa anime."

Nakangiting sabi ni Yvonne nang matapos na siya sa pag-aayos ng kaniyang gamit pang eskwela. Naglakad na patungo sakaniyang kama ang dalaga saka nahiga at pinagmasdan ang kisame.

"Kuya Josh."

Tawag ni Yvonne kay Josh habang nakatingin pa rin ito sa kisame. Agad na nilingon ng dwende ang dalaga sabay tayo nito at talon na pababa ng lamesa upang pumunta sa kama ng dalaga.

"Ano un?"

Tanong ni Josh kay Yvonne habang tumatakbo na ito patungo sa kama ng dalaga. Napabuntong naman bigla ang dalaga habang patuloy pa rin nitong pinagmamasdan ang kisame ng kaniyang kwarto.

"Si kuya Jah na kaya muna ang isama ko ngayon sa school."

Mungkahi ni Yvonne kay Josh habang nakahiga pa rin ito sakaniyang kama. Umakyat na sa kama ang dwende at saka naupo sa kung saan siya makikita ng dalaga habang nakahiga pa rin ito.

"Bakit naman?"

Tanong ni Josh kay Yvonne habang tinitignan nito ang dalaga nang walang emosyon sakaniyang mukha. Mabilis na nilingon ng dalaga ang dwende habang nakahiga pa rin ito at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sa kisame.

"Nanaginip kasi ako kagabi, e. Nakatayo raw ako sa gilid ng room, walang emosyon sa mukha ko. Tapos biglang lumitaw si kuya Jah, pero ung height niya sa panaginip ko ano… pang tao, hindi pang dwende. Niyakap niya raw ako nun tapos sinabi niya sakin 'okay lang yan'. Nagtagal ng ilang segundo na ganun ung senaryo namin."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Josh sakaniya habang nakatingin pa rin ito sa kisame. Nahiga na rin ang dwende at saka tinignan na rin nito ang kisame ng kwarto ng dalaga.

"Pag ikaw nagkaroon ng crush dun… naku! Ewan ko na lang kung ano na ang gagawin ko sayo."

Kumento ni Josh kay Yvonne habang nakahiga pa rin ito. Natawa na lamang ang dalaga sa sinabi sakaniya ng dwende.

"Yvonne, kuya Josh!"

Tawag ni Paolo kila Yvonne at Josh habang naglalakad na ito papalapit sa kama ng dalaga. Agad na naupo ang dalaga at saka nginitian ang dwendeng nakatayo sakaniyang harapan.

"Mauna ka na kuya Pao, susunod na lang kami ni kuya Josh."

Sabi ni Yvonne kay Paolo habang nakangiti pa rin ito sa dwende na nasakaniyang harapan.

"Bilisan niyo, ha. Ayokong may gawin nanaman sainyo sila Tita."

Nag-aalalang sabi ni Paolo kila Yvonne at Josh. Ngumiti lamang ang dalaga at saka tumango bilang sagot sa dwende. Nginitian pabalik ng dwende ang dalaga at saka naglakad na papalabas ng kwarto ng dalaga.

"Sana nanay ko na lang si Paolo."

Kumento bigla ni Josh habang papaupo na sa kama ni Yvonne. Natawa na lamang ang dalaga sa sinabi ng dwende at saka inilapat na ang kamay nito sa harapan ng dwende upang buhatin ito patungo sa kainan. Nang makarating na sila Yvonne at Josh sa kainan ay nagtinginan ang lahat ng naroroon sakanilang dalawa. Nakaramdam ng kaba at takot ang dalaga at ang dwende.

"Ano pang hinihintay niyo dyan?"

Supladang tanong ng ina ni Yvonne sakaniya. Agad na napalunok ang dalaga at saka ibinaba na si Josh mula sakaniyang kamay upang makaupo na rin ito sa lamesa kasama ang kaniyang angkan. Dali-daling naupo ang dalaga sa tabi ng isang batang babae at saka nayuko.

"Sangalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo."

Pangunguna ng lalaking katabi ng ina ni Yvonne habang nagsa-Sign of the Cross na ang lahat, maliban lamang sa dalaga. Pinanlisikan ng mata ng ina ang dalaga ngunit hindi ito napansin kaya't mas lalong uminit ang ulo nito tungo sa dalaga. Pumikit na lamang ang ina habang nagdarasal ang buong pamilya.

"Amen."

Sabi ng lahat at muling nag-Sign of the Cross. Ang lahat ay abala sa pagkuha ng kani-kaniyang kakainin maliban kay Yvonne at sakaniyang ina.

"Hindi ka kakain?"

Mariing tanong ng Ina ni Yvonne sakaniya habang pinanlilisikan niya muli ito ng tingin. Hindi sumagot ang dalaga at hindi rin ito gumalaw. Nag-aalalang tinignan nila Josh, Justin, Vester, Paolo at Felip ang dalaga mula sakanilang lamesa sa kanang bahagi ng silid. Hindi na nakapagtimpi ang ina ng dalaga kaya't tumayo na ito at mabilis na nilapitan ang dalaga saka sinabunutan ito.

"Sumagot ka! Tinatanong kita!"

Sigaw ng ina ni Yvonne sakaniya habang sinasabunutan pa rin nito ang dalaga. Nanatiling tahimik ang dalaga habang tinitiis nito ang sakit na ipinaparamdam sakaniya ng sarili niyang ina. Napatayo ang lalaking katabi ng ina ng dalaga dahil sa pag-aalala.

"Ayaw mo pa rin sumagot?"

Mariing tanong muli ng ina ni Yvonne sakaniya. Hindi pa rin sumagot ang dalaga at umiiyak na lamang ito ng tahimik. Biglang hinatak ng ina ang buhok ng dalaga at kinaladkad ito pabalik sakaniyang kwarto.

"Kung gusto mong makipagtigasan sakin sabihin mo lang!"

Sigaw nanamang muli ng ina ni Yvonne sakaniya habang hinahatak pa rin nito ang buhok ng dalaga hanggang sa makarating na sila sa kwarto nito.

"Mag-ayos ka na ng sarili mo! Pumasok ka ng walang kain!"

Sigaw ng ina kay Yvonne sabay tulak nito sa dalaga papasok sakaniyang kwarto at saka malakas na isinara ang pintuan ng kwarto nito. Naiwang nakadapa ang dalaga sa sahig habang umiiyak ay namumula ang kaniyang mga tuhod at braso.

"Mama Beatrice…"

Tawag ni Yvonne sakaniyang pumanaw na lola na si Beatrice habang nanginginig ang kaniyang boses at patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Hindi ko alam kung gano katagal ko 'to kayang tiisin…"