Chapter 8 - Bwisit

Ayradel's Side

Napatingin ako sa mukha ng taong humawak sa balikat ko. "Naman, Suho! Masiyado ka namang nanggugulat!"

Tumawa siya at inayos ang itim niyang glasses bago napakamot sa gilid ng tenga niya.

"Sorry! Sino namang sinisigawan mo kanina?" sinundan niya ng tingin 'yong direksyon na pinuntahan ng sasakyan ni Lee-ntik. "Parang pamilyar 'yong sasakyan na 'yon."

"Ayokong pagusapan dahil lee-ntik siya. Tara, tara. Papasok ka na rin ba? Sabay na tayo." tumango siya kaya nagsimula kaming maglakad. "Bakit parang ngayon lang kita nakita ulit?"

"Nagka-lagnat lang." ngumiti siya. "Bakit, namiss ba ako ni Luisa?"

Natawa naman ako sa tono ng boses niya. Si Suho Fernandez ay ang ka-schoolmate ni besty dati bago pa siya mag-transfer sa Tirona High. Baliw daw sa kanya ang Suho na ito kaya hanggang sa pagta-transfer ng school ay sinundan siya. It's sweet, kaya lang ang maldita kong bestfriend ay walang pakialam sa kanya.

"Gusto ko sanang sabihing oo kaso... hindi ka niya nababanggit eh." Tumawa ako pero tumigil din naman agad kasi napansin ko ang paglungkot ng mukha niya. "Joke lang, 'to naman!" I smiled.

"Kailan ba ako hindi nagseryoso pagdating kay Honey? Hehe." humalakhak ulit siya at tinulak yung bridge ng salamin niya.

Pinagmasadan ko si Suho. Maputi siya, gwapo rin naman, kaso mukhang pambansang bayani yung pagkaka-gel ng buhok. As in nasa gitna. Sobrang ayos pa, nagmukha tuloy siyang good boy lalo. Hindi pa naman ganyan ang mga tipo ni besty.

Ang gusto n'on, mga badboy looks. Ayaw niya sa mga nerdy.

Nakarating kami sa school at naghiwalay rin ng daan dahil magkaiba kami ng section. Saktong pagpasok ko naman ng classroom ay bumungad sa 'kin ang lamig ng hangin kaya kinilabutan ako.

"Ayradel, Ayradel, Ayradel."

Mula sa sahig ay napadpad ang tingin ko sa tatlong babaeng kaklase ko na nasa harap. Ngumiti sila, pero dahil sa pakikisalamuha ko kay Lee-ntik, alam ko na ngayon ang kaibahan ng tunay at pekeng ngiti.

Sila ang Julhiencel Trios. Well, they tag themselves like that. Including Jully, Zhien, and Jecel. Magkakamag-anak ang tatlong ito. Napapansin ko ring wala naman silang utak, puro pagpapaganda at pagpapa-pansin ang alam sa buhay. May kapit lang ang mga 'to sa Guidance Councilor ng Tirona High kaya sila napunta sa Section A.

Napatingin din ako sa buong classroom sa likod nila at nakitang pinanonood na kami ng ilan sa mga kaklase namin. Wala rin sa upuan niya si Lee-ntik.

"Anong pakiramdam makatabi, makausap, at makasama ang isang Richard Lee, huh?" sabi ni Jecel.

Napadpad sa kanila ang tingin ko na otomatikong nagpakunot ng noo ko.

"Magmamaang-maangan ka pa," sumingit si Zhien. Nag-step forward naman si Jully, yung leader-leaderan nila, kaya medyo napaatras ako habang tinitignan pa rin sila. Tsk, bakit ngayon pa ako nagpagkadiskitahan ngayon... kung kailan naman absent si besty.

"Ilang araw pa lang na nakakasama mo siya, papansin ka na agad? Wag ka ngang masyadong malandi."

Nalaglag ang panga ko sa pinagsasabi nila.

"Hindi ko naman siya nilalandi. Ano bang sinasabi niyo?" I tried to laugh kahit deep inside ay nangangatog na ang mga daliri ko.

"My dear Ayradel, hindi porket madalas kang exempted sa exams e, exempted ka na rin sa amin." nagcross arms si Jully, "Kung ayaw mong magalit kami sayo, lumayo-layo ka kay Richy. Pwede?"

Wow.

Tingin ba nila katulad nila akong makikipag-agawan ng para lang sa lalaki? Ng dahil lang gwapo? Sorry pero mataas ang standards ko..

Mala-Jayvee.

"'Yon lang pala." ngumiti ako. "Wag kayong mag-alala sa'kin. At saka, alam niyo ba, feeling ko rin naman may gusto yon na isa sa inyong tatlo eh. Hindi ko nga lang sure kung sino."

Lumaki ang mata nina Jully at lumawak ang ngiti. "Omaygash! Tingin ko ako na 'yon!"

blah blah blah

Sinamantala ko ang pagkakataong kinikilig sila para pumasok ng room, umupo saka inirelax ang sarili dahil nakaka-stress yung tatlong babaeng yon.

Umagang umaga! Sinimulan kasi ni Lee-ntik e! Napa-massage ako ng di oras sa noo ko.

Sa buong talambuhay ko ngayon lang ako pinansin ng mga iyon. Wala naman yata sa target nilang bully-hin ako pero dahil sa Lee-ntik na yon... nang dahil lang tumabi siya sakin, nang dahil lang ako ang nakaassign sa kanya... baka uminit na ang mata nila sakin.

Napadako naman ang tingin ko sa bag na nasa tabi ko-- sa bag ni Lee-ntik. Napapikit ulit ako sa inis dahil kahit 'yong mamahaling bag niya gustong-gusto ko na yatang i-massacre.

Ilang minuto pa ay dumating na nga ang kanina pang bida ng murder story na nabubuo sa utak ko. Tinititigan ko siya ng masama habang ngising-ngisi niyang tinatahak ang daan papunta sa 'kin.

"Hi Richard!"

"Goodmorning pogi!"

"Hello Richy!"

Sari-sari ang pagbating bumungad sa kanya na hindi niya sinasagot bagkus ay nginingitian lang.

"Baichi," umiwas ako ng tingin para hindi siya pansinin. Kanina ang dami ko nang naiisip na sabihin pero heto na naman ako't nage-end up into just throwing a death glare, tapos sa huli, ako rin ang iiwas ng tingin. Ako rin ang yuyuko.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko sa kaliwa kaya naman itinuon ko ang tingin ko sa kanan.

"Ang tagal mong dumating. Hindi ka pa kasi sumabay sa kotse ko kanina." saka pa siya lumagapak ng tawa. Siguro inalala niya na naman yung epic failed na paga-assume ko.

Tss.

"Anyway, since you're here, tara na." mula sa pag-iisip ay nabigla at medyo nataranta ako nang hawakan niya ang braso ko't akmang isasama sa pagtayo niya. Narinig ko kaagad ang malakas na bulong-bulungan ng mga kaklase namin. Agad kong binawi ito na para bang may nakakahawa siyang sakit.

"B-bakit na naman?" I looked up on him dahil nakatayo na siya ngayon.

"Ikaw ang guide ko dito diba? Gusto kong kumain kanina kaso hindi ko kabisado kung nasaan ba yung canteen. And now you're here." saka pa siya ngumiti na akala mo sobrang bait.

"N-no," I look away. "W-wag ako, I-iba na lang. Mag-aaral pa ako." I whispered, sapat na para marinig niya, pagkatapos ay nagkunwaring may kukuhanin sa bag. Ang kaninang galit ko ay napalitan na ng kaba. Shocks, magpapakabait na ako, huwag niya lang talaga akong hahawakan!

"Are you always treating your school's visitors like this? Isang linggo na kitang hindi nakikita." he said, at hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. "Maybe I can tell our adviser and the DepEd Secretary about this and-"

"NOOO!" napaharap ako ng 'di oras sa kanya. Nabigla siya pero tumawa rin naman pagkatapos. I look around at nang nagsi-iwasan na ng tingin ang mga kaklase ko ay hinarap ko ulit si Lee-ntik.

"What do you mean, Baichi?"

"I mean, w-wag mo nang idamay dito yung daddy mo." bulong ko.

"Hmm?" tumaas ang kilay niya at ngumuso. "We'll see."

"Magsimula tayo ulit,"

Natigilan siya pagkatapos ay humalakhak na para bang may joke akong sinabi, Malawak ang ngisi niyang humarap sa akin. Tinungkod niya 'yong kamay niya sa baba niya, saka ako tinitigan. "Magsimula tayo ulit? Paano bang magsimula ulit kasama ka?"

Agad akong namula dahil parang iba ang naging dating sa kanya ng sinabi ko.

"I mean-" humugot ako ng hininga. "Kalimutan mo na 'yong pampapatid ko, yung pagtawag sa'yo ng panget, etc. Ha? And I'll be good to you, and be good to me."

Lumawak ang ngisi ng loko habang parang kumikinang ang mata, samantalang napapangiwi naman ako.

"I'll think about it." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Umakto siyang parang nag-iisip. "Okay, deal." sabi niya rin agad.

Wow, isip na isip ah?

Hahawakan niya sana ulit ako pero iniwasan ko iyon agad.

"Hindi mo naman ako kailangang hawaka-"

Lumawak na naman ang ngisi niya, at muling inextend ang kamay para abutin ang braso ko, na iniwas ko rin agad.

"Aish Baichi! Isa!"

Napatayo ako habang iniiwas ang braso ko. Pero in the end ay nahablot niya rin ako.

''Gotcha!''

Ano bang trip nito?!

Tumawa siya ng nakakaloko hanggang sa kaladkarin niya na ako palabas.

"Don't try to run away, or else..." aniya bago niya na binitawan ang braso ko.

"Mukha bang matatakbuhan kita?" bulong ko. Grr.

"Magsisimula tayo ulit. Pfft, that's nice." pagulit niya sa sinabi ko.

Wew.

'Di ko maiwasang magdabog habang naglalakad kami at pinagmamasdan ko ang likuran niya. Ano bang gustong mangyari nito? I cried inside, pagkatapos ay nagfacepalm.

"Baichi. Ang boring! Kanina pa tayo lakad ng lakad. Wala ka man lang bang sasabihin?"

"Anong sasabihin ko?"

"Anong klaseng tour-guide ka?" he crossed his arms and glared at me. Ngumiwi ako.

"Sir-"

"And don't call me Sir, mabait nga ako." he said at pinag-aralan ko yung ngiti niya. Seryoso ba talaga siya sa pinagsasabi niya?

I shrug, "I mean, school po kasi ito kaya hindi mo naman na kailangan ng tour guide. Kahit naman hindi ko sabihing nasa tapat tayo ng court ngayon, malalaman mo parin na open court 'to, diba." sabi ko't ngumiti ng peke.

Tsaka hindi naman 'to malaki kaya di na kailangang libutin! Jusko, huwag mong gawing park 'to.

Mabagal siyang tumango-tango na parang sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

"Oo nga no." sabi niya. I heaved a sigh of relief. "Tara!"

"T-teka!" hinugot ko ulit yung braso ko at kinabahan na naman sa klase ng ngisi niya. "Anong tara? Saan naman tayo pupunta?"

Mas tumodo ang ngisi niya at hinarap ako. "Diba tutor din kita?"

"Oo nga pero...'' tumingin ako sa orasan ko. ''may klase na!"

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa iyo. Nakausap ko kanina ang teacher natin sa Science. Hindi daw siya magkaklase ngayon."

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita nang tuluyan niya na akong hugutin papunta kung saan. Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo sa tapat ng canteen kaya naman agad akong napatuwid ng tayo.

"Nagugutom ako." aniya saka ngumiti sa akin.

E ANO NGAYON KUNG GUTOM KA? Waaaaaaa! Bakit ba ako nandito ngayon kasama ang lee-ntik na 'to!!!