Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 12 - Band Aid

Chapter 12 - Band Aid

Ayradel's Side

"Okay.I forgot to tell you, besty, kasi hindi naman mahalaga. Magkaibigan silang dalawa from my ex-school, Lee University." sabi ni Lui nang makalayo na 'yong dalawang magkaibigan pala.

"Ay talaga? Sa Lee University ka pala nag-aral noon? Hindi ko naalala."

"Oo naman, besty! Kaya nga kilala ko si Richard Lee. Palagi kong nakikita iyan noong elementary, pero hindi ko pa siya nakakasalamuha. 'Yang si Mais lang talaga kasi araw-araw akong binubwisit niyan." she said. "Si Louella, sa Lee University siya nag-aaral ano ka ba!"

"Talaga? Hindi ko na nabibigyan ng pansin 'yong pangalan ng school e."

"Tss, magreview ka na nga lang!"

Hanggang sa matapos ang araw ay naamaze pa rin ako sa liit ng mundo. So ako lang pala talaga ang hindi nakakakilala kay Richard Lee? Bakit pati 'yong mga kaklase ko e kilala siya? Sikat ba siya talaga? Dumating ako ng room at nadatnang nakatayo at nakasandal malapit sa pintuan namin si Richard Lee.

Mukha siyang model, with his both hands on his pocket, pero parang hindi siya aware kahit ang dami nang babae mula sa iba't ibang room nitong second floor ang nakadungaw sa kanya.

Akala niya yata nasa teleserye siya.

Malaki ang ngisi na tumingin siya habang papalapit ako. Imbis na kiligin katulad ng iba, kumulo lang dugo ko.

"As if naman gwapo ka." bulong ko bago lumagpas.

"Ya!" sigaw niya.

Napapikit ako. Paktay, napalakas yata yung bulong ko?

"'As if'?!" tumawa siya ng sarcastic at biglang lumitaw na lang siya bigla sa harapan ko. "Hindi pa ba ako gwapo sa lagay na 'to at sinabi mong AS IF?"

Hindi ko siya pinansin. Pero bago pa ako makalakad palayo e hinila niya ako sa likod ng kwelyo ko.

"Ano ba!" hinawi ko yung kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya sumigaw na parang nasaktan.

"Aww!"

Napatingin ako sa lahat ng taong nakikita kami ngayon. Tumingin ako sa kanya't gusto ko nang mapa-facepalm. Ang hilig talaga sa atensyon nito, aish. Parang sinasaktan ko siya ng sobra sa sigaw niya e! Para siyang batang iiyak na habang nakatingin sa sobrang liit na sugat sa index finger niya.

"Baichi!" pinakita niya sa akin yung sugat. Tamad ko itong tinignan.

"B-bakit nakatingin ka lang dyan?! W-wala kang gagawin?! May sugat o!"

"Hala kawawa naman si Richy-"

"Waaaaaa! Nasugatan yung kamay niya!"

"Sana sugat na lang ako~"

"Mukha ka namang sugat ah?"

"Che!"

Napapikit na naman ako at huminga ng malalim upang mag-isip ng gagawin. Pambihira, Mamaaaaa! Kumukulo na naman ang dugo ko.

"May sasabihin ako sa 'yo." sabi ko sa pinaka-kalmadong boses. 'Yong siya lang yung makakarinig. Kumunot ang noo niya noong lumapit pa ako ng bahagya. Tinitigan ko siyang mabuti at diniin ang bawat salita ko.

"Bading ka ba?" Lumaki yung mata niya pagkatapos kong sabihin yon."Ang liit na sugat parang iiyak ka na." dugtong ko pa bago ako tuluyang tumalikod papasok ng room.

Iniwan ko siyang nakanganga doon.

"Y-y-y-y-yah!!!" Pinigilan kong matawa nang nauutal niya akong tinawag at sinundan papasok ng classroom. "Sino bang may sabing nasaktan ako ha? Hindi ako bading! Tss. Ikaw lang nagsabi niyan sa pogi kong 'to-"

Sunod sunod yung pagsasalita niya hanggang sa makaupo kami sa upuan namin. Wala akong pinakinggan ni isa. Basta naglabas lang ako ng libro at nagbasa.

"So... you are my bestfriend's girlfriend's bestfriend huh?" bulong niya na naman sa akin kaya tumango ako.

"Obviously." pagkatapos ay hindi na naman ako nagsalita. Hindi pa girlfriend ni Suho si besty but I know doon rin patungo iyon.

I wonder kung bakit may bestfriend na ganito si Suho, e ang bait bait n'on.

"Tss. Wala man lang makausap sa school na 'to." reklamo niya pagkalipas ng ilang minuto.

"Bakit ba? Mamamatay ka ba kapag wala kang kinausap?" tanong ko habang hindi ko siya nililingon. Hindi ko alam kung bakit ang tapang ko nang kausapin siya ng pabalang. Parang dati lang e natatakot pa akong isumbong niya ako sa daddy niya.

"Hindi, tss, namamatay lang naman sa kilig ang mga kinakausap ko."

"Eh bakit hindi pa ako patay?" matapang ko siyang nilingon. Hinarap niya ako gamit ang mapungay niyang mata. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang dibdib ko.

Ngumisi siya.

"Ask yourself." aniya. "Kabahan ka na. Baka tomboy ka."

I rolled my eyes at muling bumalik sa pagbabasa. Nagkunwari akong hindi ako naapektuhan sa sinabi niya, pero tinanong ko talaga ang sarili ko. Bakit kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya? Tss. I shrugged mt thoughts na lang. Lumipas ang ilang sandali ay pakiramdam ko tatahimik na siya sa wakas dahil naglabas na siya ng cellphone.

Makapagsulat nga muna ng reviewer.

"AAHHH! Gag0-" halos sumigaw siya't napasipa pa sa armchair na nasa harapan. Nakalabog rin ang armrest ko kaya nagkanda gulo-gulo ang sulat ko. "Potek kayong mga zombie kayo!"

Napapikit na naman ako and in a million times, napa-inhale ng malala. Ang ingay niya pero hindi halata dahil ang ingay din ng paligid.

"ANDWAE! ANDWAE! UGH! WALA NA!!!!" Inilapag niya sa armrest yung phone niya na frustrated. Napatingin siya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanya. "Tinitingin-tingin mo? Oh. Eto ba ang bading? Ha? Tignan mo 'tong nilalaro ko- ZOM. BIE. A. PO. CA. LYPSE!"

Parang proud na proud siya sa nilalaro niyang pambata.

"Okay na? Pwede na akong magsulat?" sabi ko.

"Ha? Bakit ako tinatanong mo? Nasa akin ba ballpen mo?" sagot niya kaya nawalan na naman ako ng gana makipagusap.

SIYA PA NANG-IRAP HA?

Tatayo sana ako nang hawakan niya ang braso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong kinabahan, napatingin ako sa braso ko na hawak niya.

"Where do you think you are going?"

"Doon sa hindi magulo." sagot ko.

Hinawi ko yung kamay niya't napa-Aw na naman siya. Ang arte naman neto. Kinuha ko yung spare kong band aid sa bag. Kung bakit mayroon ako n'on ay dahil lampa ako at palagi akong napapatid dati. Itong band aid na 'to ay skyblue na may design, at inilagay ko iyon sa armrest niya.

"Tapalan mo na nga." sabi ko.

Tinutukoy ko syempre yung sugat niya, hindi yung bibig niya. Pero pwede rin.

"Woah. Kyeopta." Kinuha niya yung bandaid at tinignan na parang ngayon lang siya nakakita n'on. Pinagmasdan ko siya ng kunot ang noo, lalo na n'ong binuksan niya na ito. Sa form pa lang ng paghawak niya parang ewan na.

"Wala bang ganyan sa mansyon niyo?" nangaasar na tanong ko.

"Wala e. Magkano ba 'to?"

"Dos."

"Jinjja?"

Inagaw ko sa kanya yung band aid at ako na mismo yung naglagay sa daliri niya. Hindi ko alam kung bakit ako nakukuryente. Allergic yata talaga ako sa balat ng taong 'to. Nang matapos ay ngiting-ngiti niyang inikot ng tingin 'yong daliri niyang may band aid. Hindi ko alam kung bakit gusto kong tumawa. Pinipigilan ko lang.

Tss. Astig tignan ang isang ito pero isip bata pala minsan. Mukhang tanga.