Ayradel's Side
Kinabukasan nang makita ko si Jae Anne ay naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Suho.
"Bakit ba kunot na kunot ang noo mo besty?" singit ni besty sa pagiisip ko.
"Wala naman," sagot ko. "Pero tingin mo ba may gusto si Richard kay Jae Anne?"
Napaisip naman si besty.
"Paano mo nasabi?"
"May sinundan raw na babae dito si Richard, maganda, sexy, kakaiba, outstanding-"
"Kapag gan'on si Jae Anne agad? Hindi pwedeng AKO muna o ikaw-?" Tumawa ako. Alam naman namin ni besty kung gaano kaganda si Jae Anne no?
"Oh e ano naman sayo kung may gusto si Richard kay Jae Anne? May g-"
"EEEESSSHHH!" pinigilan ko agad 'yong bibig niya. "Huwag mo nang ipagpatuloy, kinikilabutan ako. Mas assuming ka pa sa Lee-ntik na 'yon e."
"Hahaha! Pero hindi imposible na may gusto nga siya kay Jae." ani besty. "Kung gan'on, iyo na si Jayvee."
"Psh." ngumiti lang ako.
Ang selfish naman n'on.
Pumunta na kami sa aming sariling mga landas pagkatapos n'on.
MAPEH ang unang klase, at ang topic ay tungkol sa waltz at iba't ibang klaseng sayaw. Nasa classroom lang kami this time, tapos nagdedemo si Sir Lucas sa unahan. Maya-maya pa ay tinawag nito si Jae Anne sa harapan para gawin ang tinuro niya, at talaga namang nangingibabaw ang ganda niya.
Napalingon ako sa katabi kong tamad na nakasandal. Nagtama ang mga mata namin nang lumingon siya pabalik. Nang umiwas ako ng tingin ay narinig ko ang ngisi niya.
"Ganito yan, Ms. Galvez i-ganito mo yung paa mo. Tapos 'yong kapartner na lalaki ay... peram nga isang lalaki dyan!" sabi ni Sir Lucas. "Ikaw... Ikaw Mr. Lee- halika rito sa harapan."
"Ayiiiiiiiiiiie!!!!!!" hiyaw ng mga kaklase namin. Hindi ko alam kung bakit bigla akong may naramdaman kung ano. Bumagal ang tibok ng puso ko. Bawat tibok pa ay may pitik. Nilingon ko ulit ang katabi ko na hindi man lang kumilos. Tamad pa rin siyang nakasandal habang nakalagay lang ang daliri sa labi. Tinignan niya lang si Sir pagkatapos ay taas-kilay na tumingin rin sa akin.
"What?" iritado niyang tanong.
"Pinatatayo ka ni Sir." iritado ko ring bulong.
"Ayoko. D'you think I'll follow him? Tss."
"E bakit? Pagkakataon mo na 'yan o!" Crush mo yung makakasayaw mo! Tss! "Unless, ayaw mo mapahiya? Kaliwa ba paa mo? Hahahaha!"
Sa isang iglap ay padabog siyang tumayo't nalakad sa unahan upang harapin si Jae Anne. Nagsimula naman ang tilian ng lahat.
"Oh my gaaaaaawd! Bagay sila!"
"OMGEEEEEEE!"
"May chance kaya silang dalawa?"
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Bakit kapag ako ang kasama ng Lee-ntik na 'yan ay halos magalit ang lahat? Bakit kapag si Jae Anne--- wait! Bakit ba ganito iniisip ko?!
"Eh paano naman si Ayra?!" isa sa mga kaklase namin ang sumigaw.
Huh? Bakit ako nadamay? Nakakainis. Bakit ba ako idinidikit sa Lee-ntik na 'yan? Ang mahalaga ay mag-aral siya't galingan niya dahil sa kanya nakasalalay ang grades ko.
Lumubog ako sa kinauupuan ko dahil sa tinginan ng mga kaklase namin.
"Ang swerte ni Jae Anne, may gusto na sa kanya si Jayvee, mukhang si Richard nahuhumaling na rin sa kanya."
Stab. Sakit ah!
Tumingin ako sa harapan at kitang-kita ko ang ngiti ni Jae Anne. Ganyan rin ang ngiti niya kay Jayvee e. Okay lang, kayo na lang ang mag-sama, para kami na lang ni Jayvee, hehe.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko after nilang maidemo yung itinuro ni Sir. Sobrang ganda lang ng chemistry nilang dalawa. Kung sa showbiz ay sila na agad ang love team. Parehong sobrang gwapo at sobrang ganda. Lalaking-lalaki ta babaeng-babae.
Naramdaman ko naman ang pasalampak na pag-upo ni Lee-ntik sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin. Ayokong purihin siya kasi baka lumaki ang ulo.
"Baichi." aniya.
"Oh?" sabi ko.
"Ano masasabi mo? Sabi sa 'yo, hindi kaliwa ang paa ko, tss."
Natawa ako dahil sineryoso niya pala talaga ang pangaasar ko.
"Tss, dali lang kasi n'ong ginawa mo kaya hindi halata 'yong pagka-kaliwa ng paa mo.."
"E kung madali lang, dapat pala ikaw yung sinayaw ko sa harapan kanina."
"E bakit ako pa? Ayaw mo n'on? Nakasayaw mo 'yung crush mo?"
"Crush?" kunot na kunot ang noo niya.
"Oo. Si Jae Anne, crush mo 'yon diba? Yiiiie." muntik ko pang tusukin ang tagiliran niya, kaso narealize kong hindi nga pala kami close, lol. Natahimik ako noong kunot pa rin ang noo niya at pikon na yata. Tss, pero kapag ako inaasar niya go lang siya? No way!
"Anong crush?" tanong niya. "I don't do crushes, Baichi. Kapag mahal ko, mahal ko. Wala nang level-level."