Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 20 - Zombies

Chapter 20 - Zombies

Ayradel's Side

Umaga, at hindi ko alam kung bakit sobrang kinakabahan ako habang tinatahak ang pasilyo patungong room. Nakakainis, bakit ba kasi katabi ko yung kumag na 'yon! Ang awkward panigurado mamaya. Magkaaway pa naman kami ngayon, literal. Hindi 'yong away na azaran lang.

Nagtama ang paningin namin ni Lee-ntik pagkarating na pagkarating niya sa room, kaya naman agad akong umiwas. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko, pati na rin ang tahimik na paglapag niya ng bag.

Naririnig ko rin ang paghinga niya pero hindi niya ako kinausap. Buong oras ay nakatingin lang siya sa phone niya para maglaro ng kung ano.

Eh ano naman? Mabuti nga 'yon e?

Psh. Hindi rin e. Ano bang dapat kong sabihin? Ni hindi ko nga siya kayang tignan kahit sa peripheral view ko lang. TCH. Kainis! Bakit ba ako lang ang affected? Bakit parang wala naman siyang pakialam? Ako lang ba ang naaawkward-an?

I sigh again, in a million times. Walang pumapasok sa utak ko dahil ang buong atensyon ko ay nasa katabi ko, kahit ang mata ko ay nasa board.

"Ahm, page 32 d-daw." sabi ko nang iannounce ni Ma'am 'yong activity na gagawin. Nilingon ko siya at parang umurong ang dila ko nang tinignan niya ako pabalik sa mata.

"Narinig ko." masungit niyang sagot, sabay labas ng libro niya at nagbrowse doon.

Muntik ko na batukan ang sarili ko. Tchhh! Bakit naman 'yon ang naisip kong sabihin ha? Sarap iuntog ng sarili ko sa ding ding! Aish! Hindi ko man lang naisip na may tenga nga pala siya, kainis!

Buong klase ay hindi niya talaga ako inimik. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano sisimulan ang paguusap o kung paano ko sasabihing sorry. Hindi pa naman ako magaling sa ganito. Saka bakit ba ako lang ang magsosorry? E may mali rin siya a?

Bahala na.

It is supposed to be the time na pupunta kami dapat ni Richard sa library, kaso hindi ko nga alam kung paano siya kakausapin kaya naman hindi na ako nag-abala pa na tawagin siya noong mas nauna siyang lumabas ng room kaysa sa 'kin kanina. Napansin kong napapaligiran pa siya ng mga babae, pero straight lang ang tingin niya sa daan at walang pinapansin sa kanila ni isa.

"Wala si honey, besty?" nabigla ako nang salubungin ako ni Suho sa paglabas ko.

"Ay, wala e. May inasikaso yata na naman."

"Ah, sige." aniya lang na parang malungkot "Bakit pala gan'on si RJ? Parang galit na ewan? Hindi ako pinapansin e."

Napalunok ako sa tanong ni Suho. "A-ah... ewan ko d'on."

"Hmm? Bakit di mo alam?"

"Eh hindi ko nga alam e!"

Nanlaki ang mata ni Suho sa pagtaas ng boses ko. Sa sobrang kahihiyan ay tumalikod na ako sa kanya para maglakad palayo. Narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"Bakit ba galit ang mga tao ngayon? Si RJ, ngayon naman si besty, haaaay."

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nasa way na ako papuntang library nang maramdaman ko na lang na may nabangga akong kung sino, dahil lang wala ako sa focus maglakad.

"Like ouch!" aniya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Maganda siya, naka-brazilian style ang mahaba niyang buhok, hindi siya pamilyar sa akin pero naka-suot siya ng uniform ng Tirona High. Umawang ang bibig niya na parang hindi siya makapaniwala. "Oh my gosh! I know you!"

Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ako sa braso at tinitigan ng mabuti ang mata ko. Medyo bumabaon ang mahahaba niyang kuko sa braso ko kaya naman hindi ko maiwasang mapanganga.

"A-aray, a-ang sakit-"

"Are you Ayradel Bicol?" sumingkit ang mga mata niya. "I knew it. Like, you're not kagandahan nga!"

"Oh my gosh, Nathalie, you're here na!"

Napatingin ako kay Jully, Zhien at Jecel na tumatakbo papunta sa direksyon namin. Nagbeso beso sila habang hindi parin ako binibitawan nung Nathalie raw. Kilala ko ang pangalan niya, siya siguro yung Nathalie na pala-comment sa Tironian Sites?

"Oh, ang bilis mo naman, hawak mo na agad ang babaeng 'yan." komento ni Zhien habang nakatingin sakin.

"Like what the eff guys, I think masu-suffocate na ako dito sa school niyo. And your uniform?" tinignan niya ang suot niya. "I can't believe I will buy this, cause it's so cheap like ew!"

Inirapan lang siya nung tatlo at sinubukan ko namang agawin yung braso ko.

"Buti naman nakapasok ka?" sabi ni Jecel.

"Your security is not mahigpit kaya unlike sa Lee University no!" sagot ni Nathalie habang tinitignan ang kuko niya. Napatingin siya sa direksyon ko dahil sinusubukan ko pa ring kumawala sa pagkakahawak niya. Talagang bumabaon na yung kuko niya sa braso ko. "Wag ka ngang magalaw!"

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero ni isa ay walang nag-abalang tumulong.

"Bakit ba? Ano na namang ginawa ko sa inyo?"

"Like, stupid ka ba? Hindi ka ba aware na nilalandi mo lang naman si Richard Lee? Ha?"

"Ano ba! Hindi ko nga siya nilalandi!"

Mas diniinan niya pa ang kuko niya. At ibubuka sana ang bibig nang napatingin siya sa likuran ko.

It was Richard Lee...

...na nilagpasan lang ako, kami.

Great.

It was his fault, and now he's acting like that? He's more than the son of DepEd Secretary huh?! Great.

"Ri-Richyyy!" maarteng sigaw ni Nathalie pero hindi lumingon si Lee-ntik. Laglag rin ang panga nina Jully.

"Hindi ka man lang tinulungan, Ayra? Hahahaha! Wala siyang pake sa 'yo?"

Hindi ko alam kung bakit may part sa akin na kinurot, na malaman na wala siyang pakialam sa akin. O mabuti na 'yon para tigilan na rin ako ng mga ito?

"N-nakita niyo na?" sabi ko sa kanila habang laglag pa rin ang kanilang panga. "Wala lang ako sa kanya!"

Stab.

Bakit ang sakit? Kahit as seatmate man lang. Pero yung lagpasan niya ako ng gan'on pakiramdam ko kahit classmate, hindi niya ako itinuturing.

Nakakainis. Bwisit talaga yung lalaking yon.

"Kahit na-" hindi na napagpatuloy ni Jully ang sasabihin niya nang may tumikhim sa gilid ko.

Napaangat kami ng tingin sa kanya, at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko para ilagay ako sa likuran niya.

"OMG!" sabi ni Nathalie at mukhang lumuwa ang matang tinignan ang nasa harapan niya. "I thought he's Richard Lee again! Oh myyyy! They're really look alike!!!"

"J-jayvee.." ngumiwi si Jully at magsasalita pa sana pero mas pinili na nilang umalis at tumakbo palayo kasama 'yung Nathalie. Tinignan pa nila muli ako na parang sinasabing hindi pa sila tapos.

I heaved a sigh of relief. Kasabay ng pagharap niya sakin.

"S-salamat.." sabi ko pero tinitigan niya lang ako sa mata. Nagitla ako nang hawakan niya ako sa braso at inikot-ikot na parang may tinitignan siya sa katawan ko. Pagharap ko sa likod ay agad na nahagip ng paningin ko si Richard na naglakad na palayo. Hindi ko alam kung nakitingin ba siya kanina o napatingin lang.

That jerk. May araw ka rin.

"Wala ka naman nang ibang galos," sabi ni Jayvee kaya napatingin ako sa kanya. Napatingin rin ako sa braso ko nang tinignan niya ito. "Maliban dito."

"Okay lang 'to." sabi ko at binawi ang braso ko. Narealize ko kasing madami na namang pares ng mata ang tumitingin sa amin. Marami ring nagkakagusto kay Jayvee, kaya malamang mga iyon naman ang masama ang titig sa akin ngayon.

"Hindi okay 'yan," aniya at hinigit ako papunta kung saan. "Don't worry about them. Ako'ng bahala sa iyo."

Gusto ko nang matunaw sa likuran niya lalo na noong makarating kami sa hallway malapit sa building namin. Walang masiyadong tao. Iniupo niya ako sa isa sa semento doon at may kinuha sa bag niya. Medyo natawa pa ako na ikinakunot ng kanyang noo.

"Bakit ka naman may dalang first aid kit?" sabi ko nang naglabas siya ng first aid kit bag. Ngumiti siya at naglagay ng alcohol sa bulak.

"Para sa katulad mong palaging nasusugatan," Parang tangang ngiting ngiti ako noong mga oras na iyon, kahit mahapdi n'ong inapply niya na yung bulak.

"Besty, anong nangyari dyan sa braso mo?" tanong ni besty nang pinuntahan niya akong library para yayain nang maglunch. Hindi pa ako agad nakasagot dahil iniisip ko pa rin ang ka-sweet-an ni Jayvee.

Muli akong tinawag ni besty at doon lang ako natauhan. Umiling iling lang ako at umikot na naman ang mata niya.

"That bitches."

I held her hand. "Shh, okay lang ako. Wag mo na lang silang intindihin!"

"Kung hindi, uulit-ulitin lang nila sa'yo 'yan, Ayra!"

Hindi nga nagkamali si besty dahil simula noong araw na 'yon ay sunod-sunod na ang kamalasang nangyayari sa akin sa loob ng school. Madalas iyong mangyari kapag wala si besty sa paligid, wala si Richard, at wala rin si Jayvee.

Tumayo ako at pinigilan ang iyak nang marinig ko ang mahinang tawanan sa canteen.

"Sorry," sambit ni Jully nang makatayo ako habang nakaupo naman sila sa isang table. "Hindi ko sinasadyang pinatid kita ha. HAHAHAHA!!!'' saka pa siya tumawa.

Katulad ng parati kong ginagawa ay umalis ako doon ng tahimik at hindi sila pinatulan. Ni hindi ko na ito sinabi kay besty dahil ayaw ko nang makipagaway pa siya. Ang pagkakaalam ko kasi ay isang detention na lang at talagang paparusahan na ng mas matindi pa si besty.

May isang araw naman na nasa library ako, napansin ko ang isang madikit na bagay sa palda ko. Agad akong napangiwi nang mapagtantong isa iyong bubble gum.

I heaved a deep sigh. Alam kong hindi ito aksidente, pakana rin 'to ng tatlong 'yon.

Kumuha na lang ako papel at agad na inalis ang bubble gum pero masyadong makapit na ang ilan kaya naman hindi ko na magawa pang tanggalin. Mantsado na ang palda ko, wala pa naman akong pampalit. Naghalughog ako sa bag. Mabuti na lang nandito pa ang jacket ni Jayvee. Itinali ko na lang muna iyon sa bewang ko saka ko pinagpatuloy ang paglalakad.

Palagi na lang akong sinesave ni Jayvee. Hindi man mismo si Jayvee pero atleast part pa rin ni Jayvee. E 'yung kupal na Richard Lee na 'yon? Walang ginawa kundi ang mantrip, pagkatapos ngayong ginugulo ako ng mga babae niya e wala siyang pakialam?

Saktong makakasalubong ko si Lee-ntik papasok ng pintuan ng room ngayon (dahil galing kami sa magkabilang hagdanan ng building) pero parang nagpatintero kami. I crossed arms, at papaunahin ko sana siya sa pagpasok, pero tumigil din siya kaya ako na ang nauna.

Magkatabi pa rin kami, pero katulad ng dati ay hindi niya ako pinapansin, ilang araw na rin ang nakalipas at nakakaramdam rin ako ng inis at galit sa kanya kaya naman hindi ko na rin inabalang pansinin pa siya.

Kainin mo 'yang 'I'm more than the son of DepEd Secretary' mo.

Hindi pa rin nagiiba ang paningin ko sa 'yoㅡ isa ka pa ring spoiled brat na walang ibang alam kundi ang mangasar at manghamak.

Ang subject namin ngayon ay Values Education, at ang topic ay ukol sa Bullying.

''Bleza, stand up.'' Tumayo naman ang kaklase ko. ''Kapag binully ka, anong gagawin mo? Lalaban o mananahimik at isusumbong na lang sila sa teachers, etc.''

''LALABAN MAM! HUH! Subukan lang nila ako jombagin at makikita talaga ng mga bully na yan ang langit!''

Tumawa naman ang mga kaklase ko.

"Mali ba ang lumaban Ma'am? Di ba pwedeng labarn muna bago sumbong sumbong kay bonggang bong bong bong bong?" sagot na naman ng isa pa naming kaklase na nagpatawa sa lahat.

''Tanungin natin ang mababait," sabi ni Ma'am. "Ikaw, Bicol.''

Napatayo naman ako nang tawagin ni Mam ang apelyido ko.

''Same question.'' Aniya.

''A-ahmㅡ'' bago pa man ako makasagot ay sumingit na agad si Jully.

''Mam, tinatanong niyo pa 'yan, e alam niyo namang lampa at duwag yan! HAHAHAHAHA''

''Oo nga, Mam! E, kapag inaway mo 'yan, iyak agad yan e, tas deretso kay Luisa agad magsusumbong! BOOㅡ''

''EH KUNG BALATAN KITA NG BUHAY NGAYON?!''

Napatalon ako nang tumayo si besty at nanghahamon na tumingin kay Jully.

''ENOUGH!'' Hinampas ni Mrs. Emma ang table niya para lumikha ng ingay. ''ANO ITO? I CAN'T BELIEVE THIS! Our subject is bullying at hindi ko akalaing ganito kayo bilang Section one!''

Napatungo ako sa kahihiyan.

''Jully! Jecel! Zhien! Alam niyo bang ang mga salitang sinabi niyo ngayon lang ay another form of bullying?!''

Nakatungo ang magpipinsan, ngunit nanlilisik pa rin ang mga matang nakatitig sila sa akin.

''Sorry, Ma'am.'' Sabay na sambit nung tatlo, maliban kay besty.

''MS. MOYA!?''

Umirap sa hangin si Lui.

''It's not my fault, sila nagsimula Ma'am-- but okay okay! SORRY! Okay? Tss.'' Aniya sabay upo.

Umiling-iling si Mam sa inasal ni besty.

''Ahm, s-sorry din po..'' sambit ko kay Mam, dahil pakiramdam ko sa akin nagsimula ang lahat.

Ngumiti lang si Mam at sinenyasan akong umupo.

"Kayong tatlo--- Jully, Zhien, at Jecel, sumama kayo sa akin sa Guidance Office."

"Eh Ma'am, ano pong magagawa niyan e, tito nila 'yong guidance councilor---" singit ni besty na tinigil ni Ma'am.

"Ms. Moya-" aniya. "Gusto mo bang sumama?"

Nanahimik na si besty noong tignan ko siya at senyasan na okay na ako. Sobrang sama naman akong tinitignan n'ong tatlo. Hindi ko na inintindi't umupo na ako. Naging maingay sa loob ng room dahil sa nangyari kanina lang.

''Tss.''

Narinig ko naman ang sarkastikong tawa ng katabi ko. Hindi ko na siya nilingon at pinakiramdaman lang.

''Masyado mong inaako lahat, tss. Akala mo bayani ka, na kaya lahat ng kalaban.''

Bulong niya habang naglalaro ng mobile games. Pinalalabas niyang kausap niya ang sarili niya pero halata namang para sa akin 'yon. Ako? Inaako ko ang lahat? Tss!

''E nandito lang naman ako sa tabi mo.''

Marahan akong napatingin sa kanya ngunit tumigil na siya sa paglalaro at tinignan ako. Napapikit-pikit ako, samantalang tumayo na siya at naglakad palabas ng classroom.