Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 19 - Did You Just...?

Chapter 19 - Did You Just...?

Nalaglag ang panga ko at agad na umiwas na lang ng tingin. Ibig sabihin ay mahal na niya si Jae Anne? Ang bilis naman yata...? Pero sabagay, sino bang hindi magkakagusto kay Jae Anne? Maganda, mabait, matalino, talented, magaling kumanta, sumayaw, confident... perfect na nga yata siya. Samantalang ako? Magaling lang naman ako mag-memorize.

Agad akong umiling-iling nang dahil sa iniisip ko.

Hindi! Hindi! Ano ba 'yon?! Bakit ko ikino-compare ang sarili ko kay Jae Anne? Tss.

"O, reviewhin mo yan." inis na binigay ko kay Lee-ntik ang reviewer na ginawa ko para sa subject naming History. Wala namang quiz pero madalas lang talaga akong gumagawa ng ganito para sa sarili ko. Kabisado ko naman na 'yon kaya naman ibibigay ko na sa Lee-ntik na 'to.

Umangat siya ng tingin. Nasa library kami ngayon at ang lahat na naman ng mata ay nasa kanya.

"Bakit galit ka?" aniya na tatawa-tawa.

"Hindi ako galit."

"Weh?" tumawa na naman siya at mas dinungaw ang mukha ko.

"Hindi nga sabi. Bakit naman ako magagalit?"

"Hindi ko alam sa 'yo. Ikaw lang makaksagot niyan." aniya sabay kuha ng papel na hawak ko.

Hindi naman talaga ako galit. Naiinis lang ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Siguro nakakainis lang talaga ang mukha niya, tss.

Mabuti na lang at nagreview kami noong araw na iyon, dahil noong mga sumunod na araw ay nagpa-surprize quiz bigla ang teacher namin sa History.

"Get 1/2 sheet of paper. And number it 1 to 50."

Fudge. If ever ay ito ang unang quiz na nakasalalay sa kanya ang grades ko. Hindi ako takot sa quiz, never akong kinabahan dahil alam ko sa sarili kong nag-aral ako ng advance para sa mga ganitong pagkakataon. Ang problema ko lang ngayon ay ang lalaking ito na prente lang na nakaupo sa tabi ko na parang walang idea sa nagaganap sa mundo.

"Huy! May long quiz!!!" natatarantang sambit ko pero tamad lang siyang lumingon sa akin.

"Oo nga e, pengeng papel." aniya, halos mapa-facepalm ako.

"Tanda mo pa? Lahat ng nireview natin?"

"Syempre!" agad na sagot nito. "Syempre wala! Nireview mo ba ako dito? Diba hindi? So wala akong alam."

"Anong hindi?!"

"Wala akong matandaan."

Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. Fudge, I'm doomed! Hindi na ako mapakali makaisip lang ng paraan para hindi siya mabokya.

Papakopyahin ko ba?

Pero never pa akong nangopya at nagpakopya sa mga quizzes. Assignment, oo, pero sa mga tests and quizzes ay wala akong lakas ng loob. Mahina ako pagdating sa mga ganon dahil isipin ko pa lang na mahuhuli ako ay hindi ko na kaya.

"One seat apart." iyon pa ang lalong nagpaguho sa mundo ko. Binigyan na kaming lahat ng kapirasong printed paper kung saan nandoon ang mga tanong.

Tuluyan na ngang natuliro ang isip ko makita ko pa lang ang mga tanong. Iyon nga ang mga diniscuss kahapon lang, kaonti lang rito ang nasama ko sa mga nireview ni Lee-ntik. Halos maiyak na ako sa kaba.

"Baichi," tawag ni Lee-ntik sa akin. Talunang mukha ang iniharap ko sa kanya. "Peram ballpen."

Pusanggala. Waaaaa!

"Estudyante ka ba?! Pati ballpen wala ka?!"

"Tss. Pahiramin mo na ako! Ang dami pang sinasabi e!"

"Wala akong extra pen!"

"Ay edi bahala ka." binitawan niya ang papel na parang sinasabing hindi na niya sasagutan 'yong exam.

Napapikit ako sa inis at napakagat sa labi saka nangalabit ng mga kaklase para manghiram ng extra pen. Halos hindi naman magkandamayaw si Lee-ntik sa pagpipigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pinagti-trip-an mo ba ako?!"

"Ha? Hindi. Wala talaga akong ballpen!"

Mangiyak-ngiyak na talaga ako dahil nagsisimula na ang sagutan ng exam pero wala pa ring ballpen ang bwisit kong seatmate. Mukha tuloy akong nangongopya sa ginagawa ko at ayun, napansin na ako ni Ma'am.

"Bicol, kung may tanong ka about the test, you can ask me, don't bother your classmates."

Halos lumubog naman ako sa upuan nang magsilingunan sa akin ang mga kaklase ko. "N-no, Ma'am. Nanghihiram lang po ng ballpen."

"What? Susugod ka sa gyera nang walang hawak na sandata?!"

"Masiyado kasing surprise 'tong gyera na 'to." Napapatingin na ang ibang mga kaklase namin kay Lee-ntik. "Ako ang nanghihiram ng ballpen. Bakit? Masama?"

Napaawang ang bibig naming lahat dahil doon. Napatakip na lang ako sa mukha dahil ako ang nahihiya para sa kanya. Lakas talaga ng apog ng isang ito, hindi na natakot sa teacher.

Halata naman kay Ma'am na nainis siya kaso nga lang hindi niya kayang ipahalata dahil sa takot sa pwedeng gawin ni Lee-ntik. Halos mapatalon ako sa gulat nang sa akin niya ibunton ang masama niyang titig.

"Here. Oh." padabog nitong inilapag ang ballpen sa table nito. "Bicol, kunin mo. Ano iaabot ko pa sa 'yo?"

Sa sobrang takot ay tatayo na sana ako kaso nga lang ay hinawakan ni Lee-ntik ang manggas ko para pigilan ako sa pagtayo. Napalingon ako sa kanya.

Umirap siya sa akin saka tinignan ulit si ma'am.

"Akin na, Ma'am." sabi ni Richard kay Ma'am. "Abot ko ba?"

"What? Bicol, abutin mo na oh--"

Pinigilan na naman ni Lee-ntik ang pagtayo ko. Ghad, hindi ko alam kung sinong susundin ko.

Sa huli ay wala nang nagawa pa si Ma'am kung hindi ang tumayo at iabot mismo kay Lee-ntik 'yong ballpen.

"Thanks." asar pang sagot niya na siyang lalong ikinaasarni Ma'am. Nagdisplay ang ngisi niyang nagpapakitang laro lamang ang lahat para sa kanya.

I can't believe him, ghad, paano niya 'yon nagagawa?

Natapos ang oras at ipinasa na naming lahat ang papel na sinagutan namin. Ni hindi man lang ako nakasilip sa papel ni Lee-ntik. Hindi ko tuloy alam kung tama ba mga sagot niya o bokya, shiz.

"Ma'am, can I see Richard Lee's paper kanina po sa quiz?"

"Bakit?"

"S-saglit lang po."

"Hindi pwede." sagot ni Ma'am saka na lumabas. Nalaglag na lang ang balikat ko.

Dumating ang kinabukasan at hinintay ko talaga ang History subject. Dala na nga ni Ma'am ang resulta ng nakaraang quiz at halos tapos na ang oras ng subject bago ito inirelease.

"Isang tao lang ang nakaperfect. Tinatanong pa ba kung sino?"

Tumingin ang lahat sa akin. Ngunit ngiwi lang ang isinagot ko dahil wala nang magagawa pa ang score ko sa panahon na ito. Richard Lee-ntik's score matters the most.

Halos lahat ng papel ay nabigay na sa kanya-kanyang may-ari kaya naman labis labis na kaba na talaga ang nararamdaman ko. Walanghiya. Si Lee-ntik ay wala talagang pakialam at naglalaro lang ng zombie sa cellphone niya.

Hanggang sa...

"May isa pa palang nakaperfect..."

Lumuwa ang mata ko nang ibigay ni Ma'am ang papel kay Richard Lee. Bago pa makarating sa kamay niya ang papel ay agad ko nang kinuha ito.

Perfect nga.

Perfect Zero.

Umiwas agad ng tingin si Lee-ntik sa akin at sumipol-sipol. Lumunok pa siya at pilit na ini-snob ang tingin ko.

"Richard Lee..." I said in a warning tone. Tatayo sana siya, pero bago niya pa magawa ay hinila ko na siya palabas.

"M-mwo! Mwo! Mwo!?" Naka-takip na agad yung braso niya sa mukha na parang alam niya na na bubugbugin ko siya. Tumigil ako sa panghihila. [Mwo = what?!] "Perfect naman ah!"

"Perfect nga! Perfect Zero!!!"

"A-Ano naman?"

"Anong ano naman?" naglakad ako palapit sa kanya habang napapaatras naman siya. "Ito na rin ang score ko! Nakalimutan mo na ba? Performance mo, performance ko!" nakatitig lang siya sa mukha ko kaya lumayo na ako. "Sumama ka sa akin."

"M-mwo?! Saan mo ako dadalhin? Anong gagawin mo?!"

"Isa." utos ko.

"Ayoko!"

"Dalawa. Ayaw mo?"

Hindi siya sumagot kaya naman.... "A-raaaay!"

Oo, piningot ko na siya hanggang sa pumayag na siyang magpadala sa library. Ayaw mo pala ha.

"What the! Did you just..." Hindi siya makapaniwalang napahawak siya sa tainga niya.

"Oo! Kaya sumama ka sa akin kung ayaw mong pingutin kita hanggang library!"

"Anong library?! Ayoko!" tatalikuran niya sana ulit ang ako kaya naman piningot ko na naman ang tenga niya hanggang sa mamula ito.

"A- aw Baichi! Nakakasakit ka na ah!"

Saktong napatingin ako sa harapan nang makita ko si Kuya Maximo na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Maximo!" Tawag pa ni Lee-ntik pero tatawa-tawang tumalikod lang si Kuya Maximo sabay iwan sa aming dalawa. Tinignan ko na naman siya ng masama. Wala na siyang nagawa nang hilahin ko siya sa braso.

Other's Side

"Ayan. Ayan. At ayan! Review-hin mo 'yan." sabi ni Ayra nang makarating silang library.

"Ayoko."

"Isa."

Mabilis niyang kinuha ang libro at itinapat iyon sa kanyang mukha. Hindi naman talaga siya nagbasa, tinakpan niya lang ang mukha niya para hindi na makita ang nagbabagang mata ni Ayra.

Takteng yan, nakakatakot na to ah. Tss!

Hindi siya makapaniwalang piningot siya nito. Ni hindi nga siya madapuan ng lamok, tapos isang public school girl lang ang pipingot sa tenga niyang hinahabol ng lahat.

Oo sa sobrang gwapo niya raw, pati tenga niya, habulin.

Sinilip niya mula sa libro ang babae, pero napatago siya ulit nang makitang kunot pa rin ang noo nito.

Sinubukan niya na ngang magbasa sa unang pahina. Ni isang letra e, walang tumatatak sa utak niya.

Nagitla na lang siya nang biglang tumabi sa kanya si Ayradel. Kunot pa rin ang noo nito, saka inagaw sa kanya ang libro. Nagbrowse ito doon, at nang mahanap ang tamang pahina ay inilapag na iyon sa harap nilang dalawa.

"Makinig kang mabuti ah. Ituturo ko sa 'yo ang sikreto ko sa pagsasaulo."

Parang timang na napa-Oo siya dito.

Umiling-iling siya. Tama ba 'to?! Bakit siya yung nagmumukhang takot?! Babae lang naman 'tong kaharap niya, bading ba siya?!!

Napatingin siya sa mukha ng dalaga habang kunot ang noo nito at nagpapaliwanag ng kung anu-ano sa kanya.

Hindi niya maipaliwanag, pero parang nagliwanag pa lalo ang mukha nito. Ang kadalasan kasing aura nito e, mabait... simple... 'yung bang babaeng madaling takutin at bully-hin. Siya yung tipo ng babae na hindi marunong magalit...

Kaya hindi niya akalaing may side ito na ganito ngayon.

Naalala niya na naman yung oras na sinuntok siya nito. Hindi malakas yung suntok, ni hindi nga siya nasaktan dito... Pero imbes na mainis ay natawa lang siya sa pinaggagawa nito.

Sa katiti-titig ay hindi na niya namalayan pa ang pag-ngiti.

"Tss. Jinjja." hindi makapaniwalang bulong niya.

Natigil ang babae sa pagbabasa.

"Anong sabi mo?"

"Wala." muli siyang natawa. At hindi makapaniwala.

Ayradel's Side

"Tss. Jinjja." bulong niya kasabay ang mahinang pagtawa. Nanliit ang mga mata ko dahil parang hindi niya naman ako siniseryoso. Tingin niya ba naglalaro lang ako?

"Anong sabi mo?" kunot noo kong tanong. Parang nagulat siya sa una pero nakabawi rin at para na namang natatawa.

"Wala." iiling-iling pa siya habang pinagmamasdan ang librong hawak niya.

Sumandal ako sa upuan upang magcross-arms at tignan siya ng seryoso. Mabait ako pero totoong grade concious ako, kaya hindi makakalagpas sa akin ang attitude ng isang 'to.

"Richard Lee, tumingin ka sa akin." utos ko.

Nabigla naman siya sa sinabi ko kaya ginantihan niya rin ako ng titig. Naglaban ang mga mata namin. Kalaunan ay parang ako ang talo dahil ako ang umiwas. "Hindi 'to biro, please? Noong sinabi ni Mrs. Reyes na sa iyo nakadipende ang grades ko, totoong sa 'yo talaga. I am running for Valedictorian, kaya pwede bang tulungan mo ako? Seryosohin mo ako!"

Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa haba ng litanya ko pero tanging ngisi lang ang isinagot niya! Wengya! Umangat ang isang bahagi ng labi niya, na nakapagdulot ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko. Pagkatapos ay binitawan niya ang libro at tinitigan ako ng ilang minuto.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Seseryosohin na kita."

Hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan. Bakit parang iba naman yata ang sinasabi niya?!

"A-ano bang s-sinasabi mo? Sabi ko, seryosohin mo ang pagaaral mo."

"'Yon ang sabihin mo. Huwag mong sabihing ikaw ang seryosohin ko dahil baka iyon nga ang gawin ko."

Nalaglag ang panga ko. Ngumisi lang siya at muling bumalik sa pagbabasa.