Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 17 - Second Name

Chapter 17 - Second Name

Ayradel's Side

Tahimik na tumabi sa akin si Richard Lee. Hindi ko siya pinansin, hindi niya rin ako pinansin. Patuloy pa rin ang pagbubulung-bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa nangyari kanina at natigil lamang iyon nang magsimula nang magdiscuss si Ma'am. Palihim kong tinignan ang katabi ko habang siya naman ay busy sa cellphone. Kunot ang noo niya, habang parang malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa kanya. Parang biglang may itim na aura 'yong pumalibot sa pagkatao niya.

"Ay shit! Zombies!" aniya kaya napatalon rin ako sa gulat, kasi nga diba tinitignan ko siya tapos ang lalim pa ng iniisip ko? Umiwas ako ng tingin nang tignan niya ako pabalik. Narinig ko agad ang halakhak niya. "Are you staring at me just a while ago, Baichi?"

Patay-malisyang lumingon ako. "Ha?"

Umangat ang isang bahagi ng labi niya, "I'll pretend I didn't caught you. Pwede mo akong titigan hangga't gusto mo."

Naramdaman ko angpag-init ng pisngi ko. "Ano bang pinagsasabi mo? Tss."

Umiwas ako ng tingin. Ang walanghiya, ang galing mangbwisit!

Lumipas ang oras at hindi ko pa rin maexplain kung anong meron sa pagitan nina Jayvee at Richard Lee, at kung bakit kailangan kong mag-ingat. Hindi naman mukhang kriminal si Lee-ntik, talagang may sapak lang siya, isip bata at malakas mantrip. Pero posible ba 'yon? Isa kaya siyang ex-convict?

Nasa malalim akong pagiisip n'ong biglang nagsilapitan sa akin ang mga usisero kong kaklase. Umalis na kasi si Lee-ntik at sumama kay Suho. Sila na ngayon ang laging magkasama.

"Ayra, sino ba talaga jowa mo, si Richard o si Jayvee? Pinagaagawan ka ba nila?"

Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Mikee, kaklase ko.

"W-walang namamagitan sa akin at sa dalawang 'yon. Hindi ko alam kung bakit sila nag-away. B-Baka magkakilala lang sila." sagot ko.

Mabuti na lang rin at nandyan si Besty para samahan ako palagi. Hays. "Hoy, hoy, huwag nga kayong masyadong tsismosa! Get your frigging nose out of her okay?"

Hinawi ni besty ang kumpulan ng mga kaklase ko para hilahin ako patayo.

"Grabe ka naman, Luisa, parang nagtatanong lang." sabi ni Mikee.

"Bawal magtanong okay? Si Tito Boy ka ba?!"

Disappointed na nagsilayuan ang lahat sa aming dalawa. Si besty naman ay sobrang naiistress sa mga kaklase naming nagbubulungan pa rin.

"Ano ba naman kasing trip ng Richard Lee at Jayvee Gamboa na 'yan e! Upuan na lang pinagaagawan pa! Ayan, ikaw tuloy ang pinuputakte ng mga fangirls nila! Tss! Tingin ko talaga may gusto sa 'yo ang mga 'yon e!"

Hinampas ko si besty dahil baka may makarinig na naman sa kanyang kaklase namin.

"Pati ba naman ikaw ganyan mag-isip?" sabi ko, kahit gusto ko yung idea na baka may gusto sa akin si Jayvee... pero imposible e. Ayokong mag-assume.

"O e, ano pa nga ba?"

"Hindi mo ba naisip? Naisip ko 'to habang nagiisip ako kanina."

"Isip na isip ka ah?"

"Oo nga. Ma-pride ang mga lalaki diba? Maybe they're just ego-tripping. Lalo na 'yang Richard Lee na 'yan." sabi ko.

"Sabagay..." aniya na tatango-tango pa. "Pero kahit na. Kapag ikaw talaga mas ginulo pa ng mga fangirls nila, makikita nila."

Mabuti na lang talaga at may protective akong bestfriend. Huhu! Kung hindi ay pinutakte na ako ng mga iyon!

Nasa canteen na kami ni besty nang mahagip ng mata ko si Jayvee na nakasunod kay Jae Anne at sa mga kaibigan nito. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Ngayong sila na ang seatmate ni Jae Anne ay hindi na talaga malayong magkadevelop-an sila. I think they are really perfect for each other, at nakakainis dahil maging ako ay tanggap ko iyon sa sarili ko.

"Huy, besty, cheer up! May Richard Lee ka." halos mabilaukan ako sa sinabi ni besty.

"Huwag mo ngang sabihin 'yan habang kumakain ako besty!"

"Hahaha, hindi ko talaga alam kung ba't hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nabibighani kay Richard Lee. Halos isang buwan na kayong nagkukulitan sa upuan."

"Rambulan 'yon besty, hindi kulitan. Tss."

"Whatever you say."

Tahimik sa classroom nang bumalik kami ni besty, dahil halos lahat ay nasa canteen pa yata. Maliban sa guro namin next subject na si Ma'am Judo. Favorite ako nito kaya ayun, ako tuloy ang nautusan ni para magsulat ng Activity sa board, bago ito umalis at sinabing babalik na lang kapag time na ng suject niya.

Pinagtatawanan ako ni besty nang umalis si Ma'am. Humigop siya sa milkshake niya saka nagtungo sa upuan niya sa third row. "Hirap maging teacher's favorite, besty. Mabuti na lang at imbyerna sa akin ang isang 'yon."

"Eh kung tulungan mo kaya ako dito?" pinameywangan ko siya habang nasa harapan na ako at handa nang magsulat sa board.

"Ayoko nga. Allergic ako sa chalk."

Lumipad na lang ang mata ko saka ko sinimulan ang pagsusulat. Gusto kong imaximize ang space kaya tinry kong abutin ang pinaka-tuktok ng board para masulatan. Kaya lang ay hindi ako gan'on katangkad para maabot iyon.

Susuko na sana ako nang biglang may humawak sa kamay kong may hawak n'ong chalk. Agad kong naramdaman ang presensya ng kung sino sa aking likuran, at naamoy ko rin ang pamilyar niyang pabango.

"Tss, reaching something you can't." aniya, at inagaw na talaga sa akin 'yong chalk. Napalunok ako n'ong maglapat ang dibdib niya sa likuran ko. Tiningala ko siya tapos tinignan niya rin ako. "Anong isusulat?" sabi niya habang nakataas ang kilay.

Lumunok muna ulit ako bago nagsalita. Bakit ba ako biglang kinabahan?

"A-Activity 4."

Pinanood ko lang siyang isulat iyon. Nang matapos ay inilapag niya yung chalk sa gilid at nagpagpag ng kamay, saka sumandal sa table na malapit sa akin. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Saglit ko siyang tinignan bago dinampot ulit 'yong chalk. Magsusulat sana ulit ako nang hawakan niya bigla 'yong braso ko at hinarap ako sa kanya.

"B-bakit?" nabigla kong tanong at agad na nataranta dahil ang lapit niya ngayon, kitang-kita ko ang detalye ng kanyang mukha. Walanjo. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para naman akong takot sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hinila niya pa ako palapit saka niya pinagpagan ang tuktok ng ulo ko.

"Kaya pala naa-aching ako kapag katabi kita, naliligo ka pala sa chalk." napatingin ako sa mata niya at muntik na naman ako ma-hypnotize, kung hindi pa umubo ng malakas si besty.

"Ehem-- ehem-- alis na ako babush!" saka ito patakbong lumabas ng room. Napapikit na lang rin ako nang bigla akong pinitik sa noo nitong lalaking nasa harap ko..

"Aray!" tinabig ko yung kamay niya't ako na ang nagpagpag ng ulo ko. Mabuti na lang ay nagawa ko pang lumayo. "E-edi 'wag kang tumabi! Tss." lumapit ulit ako sa board at dinampot 'yong chalk.

"Sino bang gusto mong katabi?"

Nalaglag ang panga ko sa tinanong niya. Pinagmasdan ko pa kung paano siya padabog na umupo sa isang armrest ng armchair hindi kalayuan sa akin. Hindi lang ako sumagot, at nagsimula na lang magsulat sa board.

Kinakabahan akong malaman niyang may gusto ako kay Jayvee. Pakiramdam ko, alam niya na, dahil nakita na niya na ito yung wallpaper ko.

"Magkakilala ba kayo ni Jayvee?" I asked, instead, habang nakaharap pa rin sa board. Umawang ang bibig niya habang kunot ang noo. Lumunok ako.

"Bakit?" tanong niya pabalik.

"Bakit gan'on kayo mag-usap? Magkaaway ba kayo?"

He shrugged and looked away. "Oo? Hindi? Ewan. I just don't like him."

"Gulo mo." Humarap na rin ako sa kanya. "Bakit? May ginawa ba siyang masama sa 'yo para ayawan mo siya?"

"Ako?" tanong niya na naman pabalik. "Anong ginawa ko para ayawan mo ako?"

Natahimik ako sa bigla niyang pagpasok tungkol sa sarili niya. Tinaasan ko siya ng kilay, saka ako nagpamewang.

"MARAMI." matapang na sagot ko. "Gusto mo isa-isahin ko?"

"Tss. Kahit naman wala akong ginawang masama ay ayaw mo pa rin sa akin."

Nalaglag ang panga ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "What I am saying is, kung sa kanya ka pala may gusto, ang panget ng taste mo."

ABA'T?????!!!!!!

"Eh sino ba dapat magustuhan ko para maging maganda ang taste ko? Ikaw? Psh!"

Tumawa ako ng sarcastic na pinagsisihan ko rin agad. Hindi ko alam kung naoffend ko ba siya o ano. Basta nakita ko na lang na lumambot ang mata niya tapos natahimik na parang ewan habang nakatingin pa rin sa akin. I felt sorry pero nagpanggap akong walang naramdaman, sinubukan kong tumalikod na lang pero bago pa ako makatalikod ay nagsalita na siya.

"Oo, ako." aniya matapos ng mahabang katahimikan. Napaatras ako nang tumayo siya't naglakad palapit sa akin. Naramdaman ko na lang na nakalapat na pala ang likuran ko sa board. He cornered me by putting his arms above my head. He leans in a little para harapin ang mukha ko. "What if you suddenly find yourself liking me? Are you even sure na hindi mo ako magugustuhan?"

Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko, at hindi ko magawang tignan siya pabalik. Mabuti na lang ay narinig namin ang ingay ng mga kaklase namin bago pa sila tuluyang pumasok sa room. Lumayo na si Lee-ntik sa akin at nagtungo sa upuan niya, samantalang ako naman ay nagsulat na ng activity. Pakiramdam ko pa ay hanggang ngayon nakatingin pa rin sa likuran ko si Lee-ntik. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paghuhuramento ng puso ko, nacoconcious ako kasi feeling ko halata iyon sa nanginginig kong kamay habang nagsusulat sa board.

"Ayra," napalingon ako nang marinig ko ang boses na Jayvee na mukhang kakapasok lang. "Bakit ikaw lang nagsusulat niyan? Tulungan kita?"

Tumango ako, pagkatapos ay agad na tumingin kay Richard. He's really looking straight at me with annoyed face. Tumaas pa ang kilay niya at nag-cross arms. Umiwas agad ako ng tingin at hinarap si Jayvee. "O-okay lang ba? Salamat!"

What the hell Ayra? Bakit mas affected ka pa rin sa kabaliwan ng Lee-ntik na 'yon kaysa sa pagtulong sa 'yo ni Jayvee?! Ugh.

Buong minutong nagsusulat kami ni Jayvee sa blackboard ay nasa iba ang atensyon ko. Pakiramdam ko sobrang init ng paligid at mabubutas na ang likod ko dahil sa paninitig ni Lee-ntik.

Bwisit! Ano bang problema n'on? Tsk.

Nang matapos na kami sa pagsulat ay bumalik na kami ni Jayvee sa sarili naming mga upuan. Tahimik lang ang katabi ko, kaya naman hindi na lang rin ako kumibo. Nang matapos ang klase ay mas nauna siyang umalis. Agad naman akong nilapitan ni besty.

"At anong kasweet-an 'yong nakita ko kanina, aber?" bungad niya.

"E-ewan ko," sagot ko. "Ano bang ka-sweet-an?!"

"Hindi mo ako maloloko, besty. Babae ka rin, imposibleng wala kang maramdaman. Kahit pa sabihin nating si Jayvee ang gusto mo, imposible talagang wala kang maramdaman."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. "Ewan ko sa 'yo besty! Kung anu-anong sinasabi mo."

Humalakhak lang siya at hinabol ako sa paglalakad dahil mas bumilis ang lakad ko. "Haha! Joke lang e.. Ano? Hihintayin mo ba ako? May pracrice kami sa Theater e."

"Oo, sabay na tayo pauwi. Maaga pa naman e."

Tumambay muna ako sa may math garden para doon hintayin si besty. Ang bawat batong table dito ay may iba't-ibang nakaukit na mga board games. Mag-isa kong kinakalaban ang sarili ko para maglibang. Wala na ring masyadong estudyante sa school.

"BESTY!"

Napatalon ako sa gulat at napalingon-lingon sa paligid. May tumawag na besty sakin pero lalake ang boses. Lalake na ba si besty ngayon? Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

"Huy! Besty!"

"Ay! Palaka!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang biglang may umupo sa batong upuan sa harapan ko. "Ano ka ba, Suho!"

Si Suho lang pala! Amp!

"Sorry, besty." tumawa siya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Napansin ko agad ang iba sa porma niya ngayon.

"Dalawa na pala ang besty ko ngayon? Di man lang ako na-inform."

Tumawa lang ulit siya at inayos yung mga chess piece na parang sinasabi niya na ring maglaban kami. Hinayaan ko na lang sya, kahit na mananalo na sana ako laban sa sarili ko. Err?

"Besty ka kasi ng Honey ko kaya..." sagot niya pagkatapos ayusin ang mga chess piece at nakangiting binalingan ako. "...besty na rin kita."

"Okay. Sabi mo eh." sabi ko at ngumisi sa kanya. Magaan talaga ang loob ko kay Suho dahil ang gaan niyang kausap, kaya naman sobrang boto ako sa kanya para kay besty. "Ako una?" tanong ko, referring to the chess game.

Tumango siya at naglaro na nga kami. Ilang minuto ay pinansin ko yung mga nagbago sa kaniya.

"Anong nangyari sayo?" Napansin ko ang pagbuhaghag ng buhok niya na dating naka-gel at ayos na ayos. May salamin pa rin naman siya pero aaminin kong mas bagay sa kanya ang hindi naka-gel. Tumawa siya ng mahina pero sa laro pa rin nakatutok ang mata nya.

"Si RJ nagsabing wag na akong mag-gel," sabi niya habang nag-iisip ng move. "Mapapanot daw ako, tapos mukha daw akong alalay niya pag katabi ko siya."

"Psh. Ang yabang talaga ng isang 'yon!" kunot-noong sabi ko habang nag-iisip ng move. Tinignan nya ako.

"Speaking of RJ, nasaan 'yon? Dapat sabay kaming uuwi e."

"Ewan. Malay ko d'on." sagot ko naman at ngumisi dahil malapit ko na siyang matalo.

"Seatmate ka e, hindi mo alam?" ngumisi din siya at kinamot ang pisngi nya.

"Seatmate ako. Hindi tanungan ng mga nawawala," sagot ko at tinaasan siya ng kilay. "Diba mas close kayo? Ba't di mo alam?"

Nagkibit-balikat lang sya at minove ang king piece. Ngumisi ako.

"Checkmate." nang-aasar na sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Ano ba yan, ang bilis ng laban! Magaling ka nga! Haha!" ginulo niya ulit yung chess piece. Tumawa din ako at biglang may naalala.

"Suho, pwede bang magtanong ng tungkol sa inyo ni Lee-ntik?" tanong ko kaya mula sa chess pieces ay napatingin sya sakin ng kunot-noo. "I-I mean, Richard."

"Elementary pa lang, classmate at kaibigan ko na 'yon." sagot niya. "1st year highschool noong lumipat siya ng Korea tapos ngayong 6th year lang siya bumalik. Di ko nga alam kung bakit dito pa siya sa Tirona High pumasok e. Pero ayon nga sa kanya, pinilit niya si Tito Alfred Lee na siya na lang ang mag-observe dito imbis na si tito."

"Ibig sabihin, siya talaga ang may gustong mag-observe dito? Hindi siya inutusan lang?"

"Hmm." tumango siya. "Meron daw kasi siyang nakilalang babae. Dito raw sa school na 'to nag-aaral, kaya pinilit niya yung daddy niya na siya na lang 'yung mag-observe imbis na si Sir Alfred Lee mismo."

"S-sino naman 'yong babae?" Napalunok ako, hindi ko na naman alam kung bakit ako kinabahan.

"Ewan ko d'on," sagot niya habang inaayos ulit yung chess piece. "Baka kaklase niyo? Maganda raw e, sexy, kakaiba, outstanding-" napatigil siya at tumingin sa akin. "Teka, Ayra, wag mong sabihing may gusto ka kay...?"

"May iba akong type, Suho. Hindi si Richard Lee."

Lumuwag ang paghinga niya. "Mabuti naman. Baka masaktan ka lang d'on kay RJ! Hahahaha!"

"Sira." Tumawa ako. "At ang weird din ng tawag nyo sa isa't isa ah. Fern at RJ?" sabi ko.

"Bakit naman?"

"Fern? RJ? Ang layo sa pangalan niyo!"

"Hindi 'yon malayo. Sa pangalan nga mismo namin kinuha yon e." kumunot ang noo ko at hinintay ang sasabihin nya. "Fern for Fernandez. Suho Fernandez. RJ is short for Richard...."

"BESTY!" napatingin kaming pareho sa dumadating na si besty. Napatayo agad si Suho at humarap sakin.

"Gwapo na ba ako?" natatarantang tanong nya. Tumawa ako at tumango-tango. Pero gusto ko pa talagang malaman yung karugtong ng sasabihin ni Suho eh. Tsk.

"Ano yung J sa RJ, Suho?" tanong ko pa.

"Ha? Jaydee."

Jaydee? Hindi ko alam pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Jaydee ang second ni Richard? Jaydee as in Jayvee?

"Richard Jaydee Lee yung buong pangalan niya. Pero wag mo siyang tatawagin Jaydee ah? Ayaw niya n'on e." dagdag pa ni Suho.

Napabuka ang bibig ko at magrereact sana nang biglang may humablot sa kamay ko. Si besty lang pala, na bigla akong hinila palayo.

"Besty! Ba't mo ba kasama yung Mais na yon? Alam mo namang ayokong makita yon e!" bulong niya sa 'kin. Si Suho naman, sumunod pala at inakbayan pa si besty.

"Honey naman e, bakit ba palagi na lang-" napatigil siya sa pagsasalita nang siniko sya ni besty sa tiyan. Ow. Haha! "Ouch! Love hurts! Kaya mahal kita e!" sabi ni Suho habang hawak yung tyan nya.

"Tse! Tara na nga besty! Kinikilabutan ako jusko" at hinila na naman ako ni besty. Tawa lang ako ng tawa habang namumula na siya.

Pero kahit hinihila niya ako ay hindi pa win mawala sa isip ko ang impormasyong nalaman ko.

Jaydee...

Is it just co-incidence or may kaugnayan sina Jayvee at Richard? Kaya ba sila magkaaway? Are they someone related to each other like magkapatid?

Umiling-iling ako.

Imposible. Only child si Jayvee. Hindi ko alam ang family background ni Richard Lee. Pero sa pagkakaalam ko ay only chils lang rin siya.

Sa ngayon, alam ko na kung bakit Dboy at Vboy ang tinawag nina Jayvee at Richard sa isa't isa. Dahil mayroon silang pangalan na V at D lang ang pinagkaiba. Ibig sabihin nito ay talagang magkakilala sila dati pa?

Malapit na kami sa gate nang tumigil si besty dahil daw naiihi siya. Meron namang malapit na CR doon kaya naman nanatili lang akong nakatayo malapit sa gate para hintayin siya. Habang nag-iisip ay may narinig akong nag-usap. Rinig ko ang boses nila pero hindi iyon sobrang lakas para maintindihan ko. Tumingin ako sa labas, at hindi kalayuan ay natanaw ko si Lee-ntik... na kausap ang kaklase at presidente naming si Jae Anne Galvez.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng inis. Nakita kong yumuko habang ngiting-ngiti si Jae Anne, siguro ay para magpaalam. Pagkatapos ay nagtago ako agad nang maramdaman kong lilingon sa direksyon ko si Lee-ntik.

Bigla ring nagflashback sa utak ko ang sinabi ni Suho.

"Meron daw kasi siyang nakilalang babae. Dito daw sa school na 'to nag-aaral,"

"Baka kaklase niyo? Maganda daw eh, sexy, kakaiba, outstanding-"

Agad akong may naramdamang kakaiba. Hindi kaya si Jae Anne ang tinutukoy ni Suho na babaeng sinundan dito ni Richard?

"Anak," napatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Mama noong gabi paguwi ko. Malalim pa rin ang isip ko, ni hindi na nga ako sigurado kung saan na magfofocus sa mga dapat kong isipin.

"Bakit po?"

"Matulog ka na." sabi niya. "Magte-10pm na oh."

Tumango-tango ako at binalik ulit yung tingin sa TV, pero ang totoo ay hindi naman talaga ako nanonood. "Pagkatapos ng PBB, ma."

Tsk. Patayin mo na 'yang TV at matulog ka na. May pasok ka pa."

Nakita ko sa peripheral view na umakyat na si mama. Bumuntong-hininga naman ako at laglag-balikat na pinatay ang TV. Pagkatapos ay napadpad ang tingin ko sa mga photo albums na nakalagay sa ilalim ng maliit na mesa sa gitna ng sala.

Napapansin ko na ito dati pa, na mahalagang-mahalaga kay mama yung mga pictures na nand'on tapos madalas niya pa yon tinitignan pag malungkot siya. Kinuha ko yung pinakailalim na photo album at binuklat.

Nakita ko na ang mga photo albums na ito dati pa na naglalaman ng mga pictures nila ni papa, pero ngayon ko lang nakita ang mga photo album na ito. Mukhang bago yata.

Unang tumambad sa akin ang pictures ng tatlong batang babaeng magkakaakbay. Nakilala kong si mama yung nasa gitna ng dalawang bata. Binuklat ko ulit para tignan ang pangalawang pahina. Doon, silang tatlong babae pa rin ang nakita ko, pero ngayon, may lalaki nang kasama na mukhang kasing edad rin nila nung mga panahon na yon. Kinuha ko yung mismong litrato at nakita ko yung caption sa likod nito.

Jaynard. Diane. Vivian. Myra

Kung tama ako, itong tatlong 'to yung mga kababata niya. Napangiti ako kasi parang ang saya saya nila.

"Ayra, umakyat ka na." nabigla ako nang marinig 'yon kaya naisara ko kaagad yung album. Napabuntong-hininga ako nang makitang hindi naman pala nakita ni mama na pinapakialaman ko yung mga photo album niya. Binalik ko na agad yon sa ilalim ng mesa kasi baka mahuli pa ako. Knowing her, ayaw niya na pinapakialaman ang mga gamit nya kahit ako pa, o si papa. Basta, sobrang secured na tao ni mama, serious, manipulating and criticizer.

Umakyat na nga ako ng kwarto at natulog