Kinagabihan, nang icheck ko ang social media account ko ay halos malaglag ang panga ko sa dami ng notification at messages na bumungad sa akin. May isang friend request rin akong napansin.
Kunot-noong tinignan ko ang username nito.
Richard Lee
Confirm - Not Now
Wow, akala niya yata friend na kami dahil lang binigyan ko siya ng band aid?
Hindi ko na lang inintindi iyon at chineck na lang ang Notification at Messages ko. Halos sumakit ang panga ko nang makita ang pangalan nina Jully, Jecel at Zhien na pinuno ng 'Angry' reaction ang lahat ng pictures ko, including yung mga dati pa. Saka nagsipagcomment ng something like
"Not so maganda naman",
"Gluta pa more,"
Talagang trip na ako ng mga 'yon ah? Hindi talaga nila maintindihang wala naman talaga akong gusto doon sa Richy nila? Mga immature at mga walang magawa sa buhay.
Pinagde-delete ko na lang yung mga comment nila, at hindi na pinansin pa. I am now checking my messages. May ilang mga messages na galing sa ibang mga babae. I checked their timelines at nakita kong taga-TH ang iba, at yung iba naman ay taga-ibang school.
Approximately, I've got 50+ hatemails from Lee-ntas. Yes, iyan ang tawag ko sa fandom ni Lee-ntik.
"Are you Richard Lee's new girlfriend?"
"Hey, I'm Richard's girlfriend! Get off!"
Great. Look at what you've done, Richard Lee-ntik.
Tinignan ko naman ang kapansin-pansing message request. Mula kay Lee-ntik.
Richard Lee: Try to delete my request and my dad's just one call away :)
Tss. Ang galing manakot. Syempre in-accept ko naman.
Richard Lee: Thanks for accepting, Baichi. :)
Hindi ko 'yon pinansin at mas pinansin ang Baichi na sinabi niya.
Pumunta agad akong google at sinearch kung ano bang ibig sabihin n'on.
I typed: "What does baichi means?"
To say someone is stupid or silly.
"Ni shi bai chi ma?"
In english: Are you an idiot?
What the hell? Binasa ko ulit yung result.
"Stupid"
I read it again.
"Stupid"
S T U P I D?!?!?!
S I L L Y ?!
I D I O T ?!
Siraulo talaga yung Lee-ntik na 'yon ah! All this time, 'Stupid' pala ang tinatawag niya sa akin?! BAICHI? STUPID?
Richard Lee: Seen zoned. Ouch.
Sa gitna ng pagkaasar ay nagpop ang message na iyon. Alam na alam ko ang mukha nyan habang nagtatype! Panigurado ngising-ngisi na naman yan! Gigil na gigil akong nagtype sa keyboard para magreply sa kanya.
Ayradel Bicol: thank you ha, for calling me Baichi. I know what it means na, Lee-ntik ka!!!!
Then I brutally click enter without thinking the words I've typed.
Nagreply naman siya agad.
Richard Lee: HAHAHAHAHAHAHAHAHA! WHAT THE HELL I CAN'T STOP LAUGHING. Woah, Lee-ntik? That's what you call me? Nice, pero Baichi pa rin!
What the hell?!?! Bakit natuwa pa siya sa Lee-ntik?!
Nag-type rin sana ako ng irereply ko pero agad ko din namang in-erase! Napahilata ako sa kama dahil sa inis.
UUUUUUUGH!
Abnormal mag-isip ng isang 'yon. Hindi ko ma-take. Naisip ko na naman ang Baichi, bwisit, mas baichi siya! Hindi na ako nag-reply kaya naman mas minabuti kong tignan na lang ang profile ng gunggong.
"Hindi ako stalker. Hindi, okay? Ichecheck ko lang ang timeline niya." I said to myself.
I currently checking his timeline. Famous ang kumag, simpleng selfie ang daming likes and reactions. Napansin ko ring parang enjoy na enjoy talaga siya sa atensyon. Ang gwapo niya rin sa profile picture niya. Para siyang bida sa isang kdrama.
Pero mas gwapo pa rin ang Jayvee ko. Inirapan ko 'yong profile picture niya.
Speaking of Jayvee... tagal ko na rin siyang di nakita huhu!
Nagscroll down pa ako at tinignan ang mga pictures niya. Ang dami niyang magagandang professional shots, may mga minomodel na rin siya, para na siyang artista sa lagay niyang to ha?
Ano pa bang ieexpect ko sa anak ng DepEd Secretary?
Richard Lee: Stalking my timeline? :)
Nalaglag ang panga ko. WTH? Paano niya nalaman?! Umalis agad ako sa profile niya at tumingin tingin sa paligid para icheck kung may Men In Black ba siya sa likod ko o ano, kasi pakiramdam ko talaga alam niya na tinitignan ko ang profile niya.
I typed my response.
Ayradel Bicol: Nope.
Richard Lee: Wow. Why so straight forward?
Ayradel Bicol: Hindi naman talaga e.
Richard: You sure?
Ang creepy dahil parang nakikita niya ako ngayon. Hindi kaya nagpatanim siya ng camera dito sa bahay namin para manmanan ako? Pero ni hindi pa nga siya nakakapasok ng kwarto ko e?
Richard: Hahaha! Hey, easy, I'm not looking at you right now.
WTH? PANO NIYA NALAMAN INIISIP KO?
Ayradel: Ang creepy mo! Shoo!
Richard: Whoa. Did you just shoo me?
Ayradel: Oo! Shooo!
Richard: Guilty ka lang kasi ini-stalk mo talaga ako.
Ayradel: Kapal mo.
Nagoffline na ako. Sakto namang pumasok ng kwarto si Mama. Halos tumalon ako sa gulat. Mama naman!
"Eto oh, gatas bago ka matulog." sabi ni Mama na inilapag yung baso sa table. "Gulat na gulat ka ah? Anong meron?"
"W-wala po. Kakabasa ko lang kasi ng Horror story e." 'Yong mga chat ni Richard parang horror story.
Tumango na lang si Mama at lumabas, kaya nakahinga ako ng maluwag. Ininom ko na 'yong gatas ko at sinubukan nang matulog. Kaya lang ay talagang may bumabagabag sa sistema ko na hindi ko alam kung ano. Basta hindi ako makatulog, kahit nagbilang na ako ng tupa.
Nag-open na lang ulit ako ng facebook, aba't may chat angLee-ntik.
Richard: Kapal ko?
Richard: Hey!
Richard: Sabay tayong pumasok bukas?
Napabalikwas ako ng bangon sa huli niyang chat. Online pa siya hanggang ngayon kung kaya naman nagreply ako.
Ayradel: Ayoko!!!
I click send sabay offline ulit! Bumagabag ang chat niyang iyon sa buong sistema ko kaya ilang oras pa bago ako nakatulog talaga. Paggising ko ay iyon agad ang naalala ko. Gumapang sa buong katawan ko ang kaba, dahil pakiramdam ko may binabalak na naman siya.
"Oh, ang aga mo ngayon ah?" bungad ni Mama pagkababa ko ng kwarto.
"Ah, eh, opo!" hindi na ako nagpaliwanag dahil gusto ko nang magmadali. Ayokong maabutan pa ako ng Lee-ntik na 'yon dito sa bahay. Hindi na nga ako kumain ng kanin, dumampot na lang ako ng tinapay para may kainin sa tricycle.
Walanghiya! Bakit ba ako nagpapaapekto sa Lee-ntik na lalaking 'yon?!
Lumabas ako ng gate namin ng parang magnanakaw at agad na nakahinga ng maluwag nang wala akong nadatnang black and shining car na umaaligid. Umayos na ako ng paglalakad.
"Baichi!"
"AHHHHHHH!" literal na napasigaw ako nang biglang nasa likuran ko lang pala 'yong sasakyan niya. Humalakhak silang dalawa n'ong driver niya na Maximo ang pangalan dahil sa pagsigaw ko. "B-bakit ka ba nanggugulat!"
"Hahahahahahaha!" tumawa na lang talaga siya habang buhay. Inis na inirapan ko lang sila, pagkatapos ay tumakbo na patungo sa paradahan ng tricycle. Nagmamadaling sumakay ako doon at binayaran 'yong driver ng 40 pesos para special na lang ako, nang biglang may sumakay rin na Lee-ntik sa tabi ko.
"H-hoy! Kuya special ako, bawal akong may kasama! Bakit ka nandito!" sigaw ko habang sinisiksik niya na ako paloob. Sa laki niyang tao e, malamang nasiksik na ang kawawang si ako.
"Magkano ba special, Kuya?" aniya na may bahid pa rin ng pagkatawa. Naglabas siya ng five hundred. Maging ako ay nalula sa pera niya. "Yan lang cash ko e. Dalawang special."
"Ay hijo, wala akong panukli."
"May sukli pa ho? Sige keep the change."
"Talaga?" nalaglag na ang panga ni Kuya samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwala.
"Kuya!" reklamo ko. "Hindi pwedeng dalawa kaming special!"
"Bakit ba, e gusto ko ring special ako e." tatawa-tawang sagot niya.
"Kung gusto mong special ka, doon ka sa kabilang tricycle!"
"Ayoko. Gusto kong maging special ng may kasama."
Alam kong wala na akong magagawa kaya kinuyom ko ang aking panga.
"Kuya!" sigaw ko. "Akina 40 pesos ko!"