Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 9 - Lee-ntik

Chapter 9 - Lee-ntik

Hinila niya ako papunta sa loob, at pagtapak niya pa lang sa pintuan ay agad siyang nakaani ng atensyon. Pilit pa niya akong pinaupo sa isang bakanteng lamesa doon. Umupo siya sa tabi ko kaya medyo napaatras ako, mabuti na lang at hindi niya napansin. Onti na lang talaga, iiyak na ako.

Napatingin ako sa paligid at napapasapo ako sa noo dahil instant celebrity na naman ako ngayon.

"Baichi, kuhanan mo ako ng pagkain."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya sa akin. Totoo bang inuutusan niya ako?! Seryoso siyang nakaupo habang may kinakalikot sa cellphone.

"A-ano?!"

Humawak siya sa tiyan niya at parang batang sinabing "Begopa." [trans: I'm hungry]

Halos nagtindigan ang buong balahibo ko dahil hindi bagay sa kanya. "Alien ka ba?"

"Bakit naman kita kukuhanan ng pagkain?

"Yes, dad?" bigla ba naman siyang may kinausap sa cellphone niya. "Ah, kamusta ako sa Tirona High? Nagugutom ako ngayon kaso nga lang-"

"Opo! Kukuhanan na kita ng pagkain!"

Masama ang loob na pumunta akong counter habang tawa naman siya ng tawa. Bawat hakbang ko yata e, sobrang bigat. Sampung taon pa ang nakalipas nang marating ko ang counter. Inapproach ako ni ateng naka-apron.

"Ano'ng iyo, ineng?"

"May pagkain po ba dito na may lason?"

Nagtaka naman siya. "Ha?"

"Hehe. Joke lang po." ngumiwi ako tapos pinagmasdan ko ulit yung mga ulam. May isang hindi pamilyar na ulam ang umagaw ng atensyon ko. Mukhang masarap! "Anong ulam po ito? Saka magkano po?"

Parang ito bibilhin ko mamayang lunch break ah?

"Hindi pwede 'yan." gumuho ang mundo ko. "Para sa anak lang ng DepEd Secretary ang pagkain na 'yan." sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.

Pambihira. Ang unfair talaga! Psh.

"Ahm, 'Y-yong anak nga po ni Sir Alfred Lee yung kakain niyan. Ayon po siya oh." sabi ko tapos tinuro ko si Richard Lee na busy sa kung anong ginagawa niya sa table. May mga nagtatangkang lumapit sa kanya, may iba naman na nagtutulakang babae sa likuran niya.

"Ah, 'yun pala si Richard Lee?" sabi ni ate na kay Lee-ntik pa rin nakatingin. "Napakagwapo ngang bata! O sige sige, ihahanda ko na."

Napapairap na lang talaga ako sa loob ko habang minumurder na sa utak ko ang Lee-ntik. Hanggang sa dumating na si ate at binigay sa akin ang tray na naglalaman ng ulam. Mainit na ito at talagang amoy pa lang, ulam na. Sa tabi ay may 2 cups of rice, at may mainit na sabaw ng bulalo pang kasama.Sobrang nakakagutom. Maiiyak na ako sa gutom kahit nag-almusal naman ako.

Malaki ang ngising tinitignan niya yung plato niya nang ilagay ko iyon sa harapan niya.

"Woah, hindi ko alam na ganito pala kasarap ang mga ulam dito?"

Iniwas ko sa pagkain ang tingin ko, dahil sobrang nakakapaglaway talaga ang amoy, nang maya-maya pa'y nilingon niya ako.

"Baichi," aniya at di ko alam kung bakit bigla akong napalunok.

Yung pride ko. Tsk! Baka alukin niya ako ng masarap niyang pagkain, anong gagawin ko?! Tatanggi ba ako o tatanggapin ko?

Mas lalo pa akong napalunok nang inusog niya papunta sa harapan ko yung plato na may lamang nakakalaway na ulam. Napalunok na naman ako pero mas nangibabaw talaga ang pride ko.

"B-busog pa ako, thanks!"

Tama 'yan Ayra. Magpaluto ka na lang ng ganyan sa Mama mo! Pero anong ulam ba yan?

"Hiwain mo nga yung karne na 'yan para sa 'kin." napalingon ako at agad na umawang ang bibig sa sinabi niya. Pusang kinalbo ka.

"Parang pagod kasi 'yung braso ko e. Aray--" saka pa siya nag-strech kunwari habang naka-ngisi.

Lumobo ang pisngi at agad na nagusok ang tenga't ilong ko sa inis at kahihiyan. Tinignan ko muna siya ng masama bago ko kinuha yung pagkain. Padabog kong pinaghihiwa yung mga karne tapos padabog ko rin 'yong nilapag sa harapan niya.

"Woah! Galit ka ba? Hahaha!"

"Hindi." Sabi ko, punong-puno ng sarcasm.

"Ah, akala ko galit ka na e." Nararamdaman ko pa ang ngisi niya habang kinakain niya na ang mga meat na hinati ko. Tumingin na ako sa ibang direksyon para hindi mapanood ang pagkain niya."Hmmm, sarap nito ah!"

Pero mukhang nananadya yata dahil minu-minuto binabanggit niya na ang sarap ng kinakain niya.

"Baichi- ang sarap! Oh!" nilapit niya ulit sa akin yung plato niya. "Hiwain mo ulit!"

Aliw na aliw siyang makita akong nababadtrip. Pagkatapos ng ilang minuto...

"Woah. Nabusog ako d'on!" sabi niya. Mabuti ka pang pusanggala ka, busog. Lumipad na naman ang mata ko sa ere. Tapos bigla niya na naman akong tinawag. "Baichi, kuhanan mo naman ako ng tubig.'' Malaki ang ngisi niyang sinabi sa akin.

"Wala ka bang paa? Ha?!" bulong ko habang sa ibang direksiyon nakatingin.

"Ha? Hindi kita narinig, kausap ko kasi ulit sa phone si Daddy e, tumawag siya. Hello? Dad! Kumakain ako ngayon, e walang tubig--"

Padabo tuloy akong tumayo at pumuntang water station. Ang alam ko talaga, tutor at guide niya lang ako eh. Bakit parang sumosobra na siya't feeling niya e personal assistant niya ako?!

"Baichi! 'Wag masiyadong malamig ah!" Pahabol niya pa.

Malamig your face.

Tinitigan ko ng masama yung baso na pinupuno ko ng tubig. Ang daming pumapasok sa utak ko like, duraan ko kaya? Lagyan ng ipis?!?! Uggggh!

In the end ay nanatili pa ring safe ang tubig na dinala ko sa kanya. Ngising ngisi siya nang inilapag ko sa harapan niya ang tubig.

"Thanks, Baichi."

Lumipad na lang ang mata ko sa hangin. Konting pasensya lang talaga, Ayra. Alalahanin mo lang na isa siyang Lee. LEE-NTIK. May araw ka rin.

Lakad-takbo ang ginagawa ko nang finally ay pinagpasyahan niya nang bumalik sa building namin. Hindi ko na binalak pang lingunin si Lee-ntik, hanggang sa namalayan ko na lang na narating ko na ang hagdanan ng building namin. Medyo kinabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Dahan-dahan kong binaybay ang hallway patungong room namin. Tahimik ang hallways, parang busyng-busy ang lahat.

Napalunok ako at naginhale exhale habang papalapit ako sa classroom namin. Dahan dahan akong sumilip sa awang ng pinto. Doon, nakita kong busy sa pagtuturo ang teacher namin sa science.

I bit my lower lip.

Leche talaga 'yong Lee-ntik na yon! Sabi niya hindi magtuturo si mam?! Bwisit talaga! Bwisiiiiiiit!

Parang gusto ko na yatang umiyak sa kaba. Hindi ko alam kung anong dapat gawin dahil first time kong mag-ditch ng class.

Umurong ako ng bahagya patalikod dahil parang nanlalambot yung tuhod ko, pagkatapos ay natigilan nang may tao akong nabangga habang nakatalikod. Hinawakan niya ako sa dalawa kong balikat para mapatigil ako sa pagatras, pag-angat ko ng tingin ay ang ngisi niya ang unang bumungad.

Hindi ko alam kung bakit lumakas ang kaba sa dibdib ko. Naamoy ko kaagad ang kanyang bango. Bumaba ang tingin niya sa akin, habang nakatingala naman ako sa kanya.

"Oops, akala ko walang teacher. Haha!" ngumisi siya ng nakakaloko na para bang biro lang ang lahat.