Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 10 - Fern? RJ?

Chapter 10 - Fern? RJ?

Ayradel's Side

"Grabe first time mag-cut ng class si Bicol."

"Oo nga e."

"Grabe grabe~ Gusto pa rin kita kahit grabe~ grabe~"

"Baka naman may importante lang ginawa?"

"Kasama si Richard Lee?"

Nakatungo lang ako habang pinapakinggan ang mga komento ng mga kaklase ko habang pumapasok na ako ng classroom. Hindi ko nasabi ang tunay na dahilan... alangan naman sabihin kong 'Si Richard Lee-ntik po kasi sinabing walang klase! Grrrr!'

"N-Nagpunta lang po akong Science Department, Ma'am." sabi ko. Hays. Napatingin ako sa pwesto ni Lee-ntik na nakatingin rin sa akin ngayon. Umiwas ako ng tingin at yumuko sa harapan ni Ma'am.

"It's okay, next time try to balance things okay? Hindi puro extra-curricular lang. May klase rin na dapat attend-an."

Kainis. Nagmukha pa tuloy akong pala-cutting.

Nagtanong-tanong na rin ako ng lesson na hindi ko na-take. Kung nandito lang sana si besty. Bakit kasi ngayon pa umabsent 'yon. Buong class hours yata hindi ko pinansin si Lee-ntik, pero ramdam na ramdam ko parin yung famous na famous na ngisi niya sa tabi ko.

"Tsk, boring." aniya na hindi ko pinansin.

Tama, gagawin ko ang mga dapat kong gawin: Tutor, guide, o kung ano pa man, pero mas mabuti na nga lang na huwag ko na lang siyang pansinin para makaiwas ako sa gulo.

Kahit anong sabihin o igalaw niya ay hinding hindi ko papansinin, period.

''Baichi,'' paghabol niya isang beses after ng klase namin sa Research. Hindi ako lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. ''Lunch time na. Saan ka kakain?''

Malawak ang ngisi niya samantalang straight lang ang mukhang ipinakita ko. Tumigil ako sa paglalakad at sinilip ang relo sa wrist.

''Kakain lang ako ng 20 minutes, pagkatapos magkita tayo sa Library ng mga 12:20, saktong 1pm ang next class natin kaya mayroon lang tayong 40 minutes para magturuan. Mahalaga ang oras kaya pumunta ka ng sakto sa pinagusapan natin ngayon.'' Sabi ko habang nagta-tap sa wrist watch ko para maintindihan niya ang lahat.

''Woah,'' aniya, at ngumisi lang kaya naman hindi ko maiwasang mainis at uminit ang ulo. ''Inuutusan mo ba ako?''

Umiling ako habang straight pa rin ang mukha, kaya nawala rin agad yung ngisi niya.

''Paalala ko lang."

Saka ko siya iniwan doon na laglag ang panga.

Akala niya siguro lahat ay biro. Lahat madadaan niya sa ngisi niya. Pero hindi gan'on ang buhay, kailangan niyang maintindihan iyon. Ahhhhhh! Naiinis akooo!

Hindi ko pa rin makalimutan ang isang subject na ni-cut ko dahil sa kanya.

15 minutes pagkatapos kong kumain sa canteen ay pumunta akong Library agad. Ayon sa inaasahan ko ay wala pa siya doon. Inabot ako ng 30 minutes kakabasa pero walang sumulpot. I sighed, ang closed my book. 12:50 nang lisanin ko ang Library. Nadatnan ko siyang kakapasok lang ng classroom, habang hawak ang isang Zesto na grape-flavor at kwekwek.

"Gawd, ang gwapo niya pa rin kahit kwekwek lang ang hawak niya."

"Gusto niya ng Zesto? Hihi, next time bilhan natin siya!"

Ngumisi at agad siyang umupo sa upuang katabi ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagsusulat. Naramdaman ko ang paglean in niya sa akin kasabay ng pagbulong.

"Baichi, this kwek-kwek tastes good. You should try it too."

Tamad na nilingon ko siya.

''Sinayang mo ang 30 minutes ng buhay mo para kumain niyan.'' Walang ganang bulong ko. And I don't even have 2 seconds na kaya kong sayangin sa iyo. Hindi ko alam kung narinig niya.

''Sungit!" nilunok niya yung nasa bibig niya. "Are you mad at me just because I didn't came? Para sabihin ko sayo, I'm not here to obey rules Baichi. I'm Richard Lee.''

"Then don't. Hindi naman po kita inoobligang sundin ako. You can just tell me you don't want to study."

Usually kapag ganito, natatakot na ako dahil nangangamoy away. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya ay okay lang na ipahayag ko ang nararamdaman ko. Hindi ko ulit siya pinansin kahit patuloy siya sa pagsasalita.

"Baichi,"

''What the hell? Bakit hindi ka namamansin?!''

Hinarap ko siya't ipinakita ang oras sa wrist watch ko. Para kaming mga ewan dahil nag-aaway kami dito mismo sa upuan ko (at ni Jayvee). Ayokong angkinin niya na ang upuang iyan, si Jayvee ang nakaupo diyan!

''It's 1pm kaya tapos na po ang kailangan kong gawin sa'yo,''

Hindi kita kailangang kausapin pabalik.

''And besides po,'' dugtong ko pa. ''Next class na. I don't want to ruin my attendance AGAIN. Ikaw po ang bahala, Sir, kung gusto o ayaw mong magreview. Palibhasa mayaman ka naman kaya hindi mo na kailangang isipin pa ang future mo.''

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng notes at nagpanggap na walang nararamdaman, pero ang totoo ay sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Parang any time, sasabog ako sa hindi maipaliwanag na inis. Ewan ko ba!

"Ano bang ginawa ko sa 'yo? Tss. Bahala ka diyan." protesta niya sa tabi ko, at mukhang nakaramdam na yata kaya hindi na rin ako kinausap.

Buong klase muli ay nanahimik ako, pero parang wala lang sa kanya iyon. Parang ako lang yung naaapektuhan ng pinagsasasabi ko sa kanya kasi wala namang pinagbago yung pagngisi niya. NAKAKABANAS.

Paano niya ba 'yon nagagawa? Nakaka-abala na siya ng ibang tao, may nagagalit na sa kanya, mali na yung ginagawa niya, pero nagagawa niya pa ring ngumisi? Ni hindi man nga lang siya nagso-sorry. Masama na ang ugali, mataas pa ang pride!

"Hmm, mag-ingat ingat ka diyan sa hate hate na yan ah. Baka mamaya bigla mo na lang palitan si Jayvee." sabi ni besty, kinabukasan nang nag-lunch kami sa canteen. Halos mabuga ko na yung kinakain ko kaya naman napainom ako agad ng tubig.

"Anong kabaliwan ba 'yang naisip mo?"

"Tignan mo, mag-iilang araw nang hindi mo nakikita si Jayvee. Malay mo, ito na pala ang way para tumingin ka naman sa iba nang hindi tinitignan si Jayvee?"

This time, nabulunan na talaga ako.

"No way, okay?" I said as I am drying my lips with a tissue. "Alam mo ba ang pinaggagawa sa akin n'on? Literal na ginawa akong tour guide! Nilibot namin 'tong school! Kumain siya nang hindi man lang nang-alok and worst? Dahil sa kanya di ako nakaattend ng Science Class!"

Rinig na rinig ko na naman ang puso ko sa inis. Naaalala ko na naman yung ngisi niya!

"O, kalma besty. Hindi ako si Richard." tumawa sya.

"Kung yung Lee-ntik lang na yon, mas lamang na lamang si Jayvee! Gwapo, talented, matalino, matured, mabait at tsaka responsable." sabi ko at sumubo ng isang kutsaritang icecream.

"Grabe naman yung panghuhusga mo sa kanya! Mukha naman siyang mabait, mukhang talented, mukhang matalino, at-"

"Mukha lang besty. Mukha. Dinaan niya na lahat sa mukha." I hissed.

Lumipas ang isa pang subject at may isang bagay akong napansin. Si besty hindi pa dumadating. Nasaan na kaya yon?

"Mais ka talaga!" may narinig akong sumigaw na sa tingin ko galing sa palikong hallway lang. I frowned. Wala pang masyadong tao dito hallway dahil yung ibang mga estudyante ay nagsibabaan sa canteen. It's vacant time, dahil may meetings lahat ng teachers.

Kung hindi ako nagkakamali, si besty ang sumigaw na 'yon. "Bakit mo pa ba ako sinundan dito?! Stalker ka talaga no? Creepy! Creepy stalker!"

Napangiti ako sa iniimagine na scene habang papalapit ako sa mga nag-aaway. Kahit hindi ko pa nakikita yung dalawa, sure na ako na silang dalawa nga 'yon. Lover's Quarrel, e?

Dahan dahan pa ako habang papalapit.

Ngunit bago pa ako tuluyang makarating sa may palikong hallway, napatalon ako sa gulat nang biglang mau sumabay sa akin.