Chereads / Princess Dorothea / Chapter 15 - CHAPTER 15

Chapter 15 - CHAPTER 15

SA KABILANG BANDA,nakukonsensya talaga si Raveen dahil s kanyang nagawang pang iinsulto kay Thea noong panahong nandoon ito sa kanila.Ilang linggo narin matapos umalis ang dalaga sa kanila at hanggang ngayon ay wala parin siyang balita tungkol dito lalo na at alam niyang maging si manang loleng ay galit din sa kanya.

"babe are you okay?" pukaw sa kanya ng nobyang si sophie habang nasa loob sila ng kanyang kwarto.

"yes babe im fine".matabang niyang sagot.

" you know babe,, simula ng umalis dito iyong babae na yon parang naging iba kana saakin, hindi kana malambing like before and parang lagging malayo ang isip mo".nakabusangot nitong wika.

"babe, pati ba naman iyan pag iisipan mo pa ng di maganda."

"ofcourse!!!! Lalo na at pansin ko naman na parang may gusto ka sa babae na iyon!!! that bitch!!!"nanggigigil nitong sabi saka tumayo.

"sshit!!! babe,, stop being childish!!! I don't like her!' nag init na din ang kanyang ulo dahil sa naging ugali nito.

"im not childish babe!!! mas tumaas pa ang boses nito.

"stop yelling me!!tumayo na din siya dahil sa pagkainis sa kanyang nobya.

"now you're mad!! kasi napag usapan lang natin ang bitch na iyon!!!

"" stop calling her bitch"!!kung tutuusin ay wala naman talaga siyang ginawa at diko nga maintindihan sayo kung bakit ganun na lamang kainit ang dugo mo doon sa tao eh wala naman talaga siyang ginagawang kasalanan!!"

"and so ngayon pinagtatanggol mo pa!!'"

"no!!hindi ko siya ipinagtatanggol!!ang akin lang naman kawawa naman iyong tao at kuyng napaano na siya dahil lang sa naging maling pakikitungo natin sa kanya!!'paliwanag niya rito,ngunit sadya nga talaga yatang sarado ang utak ng kan

yang nobya dahil sa halip na maintindihan ang kanyang paliwanag ay mas lalo lamang itong nagalit sa kanya!!

"eh,, hanapin mo ang bitch na iyon at kayong dalawa ang magsama doon sa bundok na pinanggalingan niya!!"pagkasabi nito ay agad siyang tinalikuran nito.

"hey!! where are you going babe???!!"hey sophie!! tawag pa niya rito ngunit hindi man lamang siya nito pinansin at derediritso lamang ito hanggang pababa ng mansion.Ilang sandali sandali pa lamang ay narinig niya ang malakas na ugong ng sasakyan nito tanda na talagang galit ito sa kanya.Wala siyang nagawa kundi ang huminga na lamang ng malalim dahil kahit ano kasi ang paliwanag niya sa kanyang nobya ay talagang hindi ito makikinig sa kanya.

ALam niyang nagkamali man siya sa isang tao at si Thea nga iyon ngunit alam niyang hindi na niya iyon mababawi lalo na at hindi rin alam ng kaibigan nitong si amelie kung nasaan ang dalaga.

Pinagsisisihan niyang ininsulto ang pagkatao nito, saka nga lamang niya narealize na mali ang kanyang nagawa ng umalis na ang dalaga lalo na at wala naman itong alam dito sa siyudad.

::::

::::

Hindi sinasadyang marinig ni amelie ang pinag awayan ng kanilang amo at ng impaktitang nobya nito lalo na at halos nasa labas lamang siya ng kwarto nito naglilinis.kulang na nga lang na pagtawanan niya ang babae ng humarurot ito paalis ng mansion.

"Buti nga sayong bruha ka!!wika nito sa sarili habang pasimpleng napapangiti ngunit bigla ring natigilan ng maalala ang kanyang kaibigan.

"naku nasaan na kaya si thea ngayon lalo na at wala iyong alam dito sa Maynila".nag aalalang sabi niya sa sarili.

Alam niya kasing sa edad ng kaibigan niya ay alam niyang napaka inosente nito sa lahat ng bagay lalo na ang pagtitiwala sa ibang tao.Napabuntong hininga siya ng malalim.

"bakit kasi umalis kapa??"patuloy niyang pagtatanong sa kanyang sarili.

"Amelie?"napaigtad siya ng biglang may tumawag sa kanya.

"ayyy!!! jusko manang loleng bakit naman kasi kayo nangugulat!!"

"aba eh hindi naman kita ginugulat bata ka!! eh ikaw nga diyan ang nakatunganga habang kinakausap ang sarili".eh ano ba ang problema mo!!?at bakit iyong amo mong hilaw ay bigla na lamang umalis at mukhang badtrip na naman?"kunot noong tanong nito sa kanya kung kaya hinatak niya sa gilid ng bahagi ng mansion ang matanda upang ibalita dito ang nangyari.

Napapailing na lamang ang matanda ng malaman nito ang tungkol sa pag aaway ng dalawa dahil kay Thea.

"Hanggang ngayon ba naman ay hindi parin nila tinitigilan iyong bata eh wala na nga dito sa mansion!"galit niyang sabi.

"eh iwan ko nga manang eh at bakit ganun na lamang ang init ng dugo nila kay Thea eh, napakabait naman noon".pagtatanggol niya sa kaibigan.

"iyon na nga ang problema amelie,, kahit mabait ka kung wala kang panama sa mga mayayaman na katulad nila ay wala ka pring magagawa kung pakikitunguhan ka nila ng di maganda."naiiling nitong sagot.

"kawawa naman ho si Thea manang.. nasaan na kaya iyon!?'malungkot niyang tanong sa kaharap.

"sa ngayon amelie ay wala tayong magagawa.... tanging dasal na lamang ang ating maitutulong kay thea lalo na at pareho nating hindi alam kung nasaan na siya, at sana may mabuting loob na mapuntahan ang batang iyon at alam mo namang napakalupit ng mundo.. marami nang pinagdaanan ang batang iyon at sana huwag nang madagdagan pa".malungkot nitong wika.

"oo nga manang.. kawawa talaga iyon."

"o siya, tapusin mo na muna iyang ginagawa mo at marami pa tayong gagawin sa baba.. utos nito sa kanya saka siya iniwan upang bumababa narin.

"opo manang".sagot niya saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa kanina.Tahimik narin naman ang loob ng kwarto ng kanyang binatang amo at naisip niyang baka natulog na lamang ito matapos itong layasan ng bruha nitong nobya.

Ngunit nagkamali siya ng makita niyang lumabas si Raveen sa kwarto nito at talagang bihis na bihis.

"aalis ka po sir?'hindi nakatiis nyang tanong sa amo.

"yes!! im living,, pag hinanap ako na mama^ pakisabi nalang na pupunta muna ako sa san necolas." tukoy nito sa hacienda ng mga Daboise.

"ho, eh sir baka po bumalik si mam sophie?"

"don't tell her"pagkasabi nito ay mabilis itong bumaba ng hagdan.

Napapailing na lamang niyang pinagmamasdan ang pag alis ng kanyang binatang amo.

Nakakalungkot lamang isipin na ang lalakeng minahal ng kanyang kaibigan ay siyang manlalait pa rito.

"tama talaga ang kasabihan na minsan nakakahawa ang pagiging pangit ng ugali ng partner mo""bulong niya sa sarili at nagbuntong hininga.

::::::

:::::

SA hacienda ng mga GO naman ay talagang nag enjoy si THEA habang pinagmamasdan ang napakalawak na niyogan ng kanyang amo.kakarating lamang nila doon at ang akala niyang nakakatakot at masukal na niyogan ay taliwas pala sa kanyang naiisip.Napakalinis nang paligid na animo'y winawalisan araw araw,hitik din sa bunga ang bawat puno ng niyog na kanyang nakikita.Dikit dikit man halos ang mga puno ngunit hindi iyon madilim tingnan dahil talagang bilang ang tamang dahon ng niyog upang bigyan ng espasyo ang isa't isa.

Dahil nga sa kanyang pagkamangha sa nakikitang ganda ng paligid ay hindi na niya napansin ang paglapit sa kanila ng tauhan na nandoon.

"Magandang hapon sir xander"bungad ng isang lalake na sa tantiya niya ay halos kaedad lamang ng kanyang tatay isko kung nabubuhay pa ito ngayon.

"magandang hapon din ho mang Rex"bati din dito ng binata.

"aba eh may kasama ka ho yatang magandang dilag sir"nakangiting sabi nito habang nakatingin sa kanya,

"magandang araw po"kiming bati niya rito.

"ah, si Thea po pala mang Rex bagong kasama namin sa mansion""pagpapakilala nito sa kanya na ipinagtaka niya dahil hindi na Dora o dorothea ang tawag nito sa kanya kundi Thea na.

"magandang araw din eneng.. naku mukhang may lahi ka yata, ano bang lahi mo"?bakas sa mukha nito ang pagkamangha sa kanya.Maging ang binata ay napalingon din sa kanya dahil sa sinabi ng matanda.Ngayon lamang siguro nito napagtanto ang hitsura niya.

"ah.. eh.. nahihiyang panimula niya."hindi ko po kasi alam mang Rex bata pa po kasi ako ng mamatay ang nanay ko kung kaya hindi ko alam.. hindi ko rin po naitanong iyan sa tatay ko.. isa pa sa gubat poi ako lumaki."pag amin niya sa mga kaharap. nakita niya ang pagkamangha sa mukha ng binata ngunit saglit lamang iyon.

"naku hindi ko akalain na ang kasingganda mong iyan ay lumaki pala sa kagubatan.'hindi makapaniwalang wika ng matanda.

"pasensiya na po kayo mang Rex at hindi ko po kasi alam kung papaano ko sasagutin ang katanungan mo".nahihiyang wika niya.

"naku eneng.. ako nga dapat ang humingi ng paumanhin saiyo at masyado yata akong atribido,... pasensiya kana".

"naku wala po iyon.. aniya.

marami pa sanang itatanong sa kanya ang matanda na nangagalaga ng niyogan ng mga GO ngunit kinailangan na itong kausapin ng binata kung kaya nagpaalam na lamang ito at may tinawag upang samahan siya doon sa kubo.Maging ang binata ay nagpaalam muna sa kanya dahil kailangan daw muna nitong makausap ang iba pang mga tauhan na naroon.Maya maya pa ay may dumating ding dalaga sa karoroonan niya, kita niya sa mukha nito ang pagkamangha at saka ngumiti sa kanya.

"magandang araw.."nakangiting bati niya rito ng makalapit na ito sa kanya.

"magandang araw.. totoo pala ang sabi ng tatay na napakaganda mo nga."manghang sabi nito sa kanya.

"naku nakakahiya naman."kiming sagot niya.

"ako nga pala si ara.. pagpapakilala nito sa sarili.

"thea"sagot niya saka iniabot ang kanyang kamay dito.

Ilang sandali pa ang lumipas ay may dumating na isang babae, nakatalukbong ito ng manipis na tela na pantakip nito sa kanyang mukha upang hindi siguro mainitan.

"ara,, tawag nito sa dalaga na abala sa paghahanda ng kanilang maiinom.

"oii..aleng LORIE andito kana pala,,bungad dito ni ara.

"may bisita pala tayo ara.. napakagandang bata.."bakas sa tinig nito ang pagkamangha sa kanya.

"magandang araw po mam"bati niya rito bagamat hindi parin ito nagtatanggal ng balabal.

"magandang araw..sagot nito na nanatiling nakatitig sa kanya,,nagtataka man ay hindi na lamang siya nagsalita.

'"si THEA po pala aleng Lorie,, pagpapakilala sa kanya ng dalaga matapos nitong iabot sa kanya ang natimplang juice.

Ngumiti lamang ang matanda saka tumango sa kanya at nagpaalam munang lumabas.

"pasensiya kana Thea huh kay aleng LORIE at talagang ganyan lamang iyan..'dahil siguro sa wala siyang maalala..wika nito.

"huh? bahagya siyang nagulat sa sinabi nito.

"kawawa nga yan eh.. bukod kasi sa walang maalala ay sunog din ang kanyang kabilang mukha kung kaya laging nakatalukbong at baka daw katakutan siya ng mga bata dito sa plantasyon."malungkot nitong kwento.

ngayon niya naiintindihan kung bakit ayaw magtanggal ng talukbong ng matanda kanina dahil sa pag aalala nitong baka matakot siya.

"wala ba siyang mga kamag anak dito?" wika niya kapagdaka.

"wala,, dahil halos mahabang panahon narin na walang maalala si aleng Lorie simula ng makuha ito ni tatay sa dalampasigan noong hindi pa kami dito nakatira sa plastasyon ng mga GO'"

Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun na lamang ang nararamdaman niyang awa sa babae gayung ngayon lamang niya ito nakita.Marahil siguro ay nauunawaan niya ang kalagayan nito lalo na at isa rin siyang hindi alam kung ano ang pinanggalingan niya.hindi lamang pala siya ang nag iisa sa mundo na ganun ang kalagayan na walang alam sa pinanggalingan.. dahil ang kay aleng LORIE ay talagang ninakaw ang alala nito at sinira pa ang mukha nito kung kaya takot itong humarap sa mga tao."Okay kalang ba Thea"?pukaw sa kanya ni ara.

"ah... oo, okay lang ako" sagot niya na naguguluhan sa nararamdaman niya.

Bagama't bago lamang sila nagkakilala ni ara ay talang mabilis na gumaan ang loob niya sa dalaga, bukod kasi sa nakakatuwa itong kausap ay marami din itong kwento tungkol sa kanilang amo.. ayun dito napakabait raw ng binatang GO gayung taliwas iyon sa pinapakita sa kanya ng binata.At ayun dito ay mukha daw wala pang nobya ang kanyang amo,, niluluko nga siya nito na bagay daw sila ng binata ngunit sinaway niya ito dahil ayaw niyang mapabilang sa mg babaeng nangangarp na maging nobyo ang binat at isa pa dalang dala na siya dahil sa nangyari sa kanya.. na sa pag aakalang maari siyang mahalin ng taong mahal niya sa kabila ng kanyang kalagayan.