Chereads / Princess Dorothea / Chapter 20 - CHAPTER 20

Chapter 20 - CHAPTER 20

'"ooooiiii brooo!!" halos magsisigaw sa saya si xander nang makita ang kaibigang si raveen.. hindi lamang isang matalik na kaibigan kundi parang isang kapatid na kasi ang turingan nila sa isa't isa kung kaya nga hindi napigilang nang binata na mapayakap rito..

"kumusta?!! it's been a long time bro.. ang tagal din natin nagkita,, kumusta?" halos hindi magkandaugaga ang dalawa sa pagtatanong sa isa't isa.. napakasaya nang muli nilang pagkikita at walang mas hihigit doon Lalo na at excited si xander na ipakilala ang babaeng napupusuan niya sa kaibigan..

::::::

:::::

:::::

samantala,, sinalubong si thea ni ara nang isang masayang balita,, nakiusap kasi siya kay xander kanina na kung pwede siyang dumaan sa Bahay nila mang Rex dahil may pag aaralan sila ni ara at pumayag naman ang huli.. Binilin nitong susunduin daw siya pagkatapos nilang mag aral ni ara.. masaya sana siya sa ganun Lalo na at ayaw na nang binata na tawagin pa niya itong" sir "kundi tanging sa pangalan na lamang ito gustong tawagin.Hindi na itinatago pa nang binata ang pagkagusto nito sa kanya kung kaya mas mahirap iyon para sa kanya.. ayaw man niyang aminin ngunit naiilang talaga siya sa kanyang amo.. ngunit ayaw niyang masaktan ito Lalo na at Malaki ang utang na loob niya sa binata.

" kumusta naman ang pag aaral mo ngayon thea">? si aleng LORIE ang nagtanong sa kanya habang abala ito sa pag gagawa ng buko pie para sa kanilang meryenda.

" okay naman po aleng LORIE..medyo mahirap po.. pero masaya po..masayang pagbabalita niya sa matanda,.Hindi na ito nahihiya sa kanya kung kaya hindi narin ito nagtatakip nang mukha..minsan naaawa talaga siya rito Lalo na at alam niyang wala itong pamilya bukod sa mga taong tumulong rito at iyon nga ay sina mang rex at ara.

"Mabuti naman kung gayun,, masaya ako para saiyo thea.. kahit paunti unti ay natutupad mo narin ang mga pangarap mo:"seryusong wika nito sa kanya,.

"maraming salamat po aleng Lorie.."

"oii,, sali naman ninyo ako sa usapan niyo..:"sabat ni ara sa kanilang dalawa..

" ikaw talaga ara.. hilig mo talaga sumingit eh,, oh siya kumain na nga lang kayo ng buko pie:". masayang sabi nito sa dalawa na natatakam na..

" ang sarap naman po niyan aleng lorie"bulalas niya..

"oo nga po" dugtong naman ni ara..'" alam mo aleng lorie huh.. pansin ko lang.. kung titigan ka po nang mabuti halos hindi na po nagkakalayo ang hitsura niyo ni thea,, tumingin ito sa kanya saka nagpatuloy."yung mga mata niyo na halos nangungusap ay talagang di maikakailang magkahawig,, kung hindi nga lang po nasunog ang mukha ninyo ay malamang magkamukha po kayo ni thea">Sa sinabi nito ay pareho silang natigilan nang matanda at nagkatitigan,,. tama nga itong si ara,, kung hindi lamang siguro nasunog ang mukha ni aleng lorie ay malamang ay napakaganda nito,, napatingin siya sa mga braso nito,, may kunting mga panaka nakang piklat iyon dulot malamang nang pagkakasunog nang balat nito ngunit hindi maikakailang napakakinis nang balat nito.. kahit pa sabihing sunog sa araw ang balat nito.. ngunit talagang lumalabas ang pagiging maganda ng kutis nito.

"hay naku ikaw talaga ara!! ako pa ang nahambing mo diyan kay thea samantalang tingnan mo nga ang ganda nitong kaibigan mo"eh ako.. tingnan mo oh,, napakalayo ara" idinikit pa nito ang sarili nito sa kanya.

Napangiti na lamang siya dahil sa naging reaksiyon nang matanda sa kanya..Hindi na lamang din siya nagsalita nang kung ano ano pa dahil kailangan na niyang mag aral upang hindi siya gabihin sa pag uwi.. ayaw naman nkyang abusuhin ang kanyang mga amo dahil nag sisimula pa lamang siya..Ayaw naman niyang bigyan pa nang mas malalim nan kahulugan ang pagtingin sa kanya ni xander dahil alam niyang napakalayo nang agwat nilang dalawa.

Gabi na nang makauwi si thea sa mansion.. nagtataka siya kung bakit halos bukas ang lahat nang ilaw sa mansion nang mga GO na samantalang wala namang nabanggit ang kanyang mga amo na mayroong party o bisita ang mga ito.Tuloy tuloy siyang pumasok at sa likod siya nang mansion dumaan patungo sa kusina kung saan malapit ang kanyang kwarto..

Hindi na sana siya magpapakita sa mga amo dahil alam niyang maiintindihan naman ito nang binata lalo na bukas ay maaga pa siyang gigising upang magawa ang kanyang mga trabaho bago pumasok sa unibersidad.Nakayuko siya habang bitbit ang kanyang mga libro na ginamit nila kanina ni ara at tuloy tuloy siyang naglakad papasok sa loob kung kaya hindi niya napansin ang isang bulto na nakatayo sa malapit sa dadaanan niya kung kaya hindi sinasadyang mabangga niya ito.

"fuck!!!"murs nang sinumang nilalang na nadaganan niya..talagang malakas ang pagkakabangga njya rito kung kaya dalawa talaga silang bumagsak sa sahig at halos lahat nang gamit niya ay nabagsakan pa ito".Hindi niya alam kung ano ba dapat ang kanyang magiging reaksiyo sa oras na yon.. dahil hiyang hiya at hind siya i makatingin sa kanyang kaharap,.. ay mali .. sa kanyang nadaganan pala.. ngunit nakakatwang ang kanyang naging pakiramdam.. bakit ganun? bakit parang naaalala , niyaang tagpong iyon.. at bakit paraang naamoy niya ang pamilyara nitong pabango!!nababaliw naba siya? halos nginig ang kanyang mga tuhod at halos hindi makagalaw dahil sa labis na kahihiyan.. ilang minuto din ang lumipas na ganun ang kanilang sitwasyon.. hindi naman kasi maliwanag ang ilaw na naroon sa kanilang kinalalagyan dahil sa kabilang ilaw anf bukas at hindi mismo sa kinaroroonan nila.. mabuti na lamang at ito na mismo ang nagkusang itulak siya dahil parang wala kasi siyang lakas upang tumayo..

Narinig niyang nagsalita ang lalake.. ngunit bakit sa pangalawang pagkakataon ay pamilyar ang boses nito.. muli ay animo'y mga daga na nagtakbuhan ang mga ito sa kanyang dibdib.. hindi niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya ngayon..

" miss are you okay"? may pag aalalang tanong nito sa kanya,, hindi siya rito makatingin dahil nga sa pagkapahiya niya rito.. lalo na at ibang tao ito..

narinig niya ang pagsinghap nito kasabay nang pagbulalas nang kanyang pangalan..

"thea!!!!?"hindi makapaniwalang bulalas nito kung kaya napatitig siya sa kaharap at ganun na lamang ang kanyang kaba nang mapagsino ito.. nakatayo na siya at halos hindi pARIN SIYA makagalaw dahil sa labis na pagkagulat..

" papaanong::::::" bakas din sa mukha at tinig nang binata ang pagkagulat nang makilala siya,,

" ano po ang ginagawa niyo dito sir raveen?"sa wakas ay nakapagsalita narin siya bagamat nanginginig parin.

" ako nga dapat ang magtanong nyan.. kung papaano ka nakarating dito... ?"puno nang pagkasabik ang tinig nito o baka naman pakiramdam niya lamang iyon dahil siya naman talaga ang nasasabik na makita ang binata sa kabila ng pang iinsulto nito sa kanyang pagkatao"

"kaaatulong po ako dito sir,,:" seryusong tugon niya.

:" oh,, my God.. I can't believe this thea,, Akalain mo na makikita kita rito.. ang tagal kitang hinanap!!"bulalas nito sa kanya,, napakunot siya nang noo nang marinig ang huling sinabi nito..'

"hinanap" ?para po ba ipakulong"?natatakot niyang tanong sa binata,,

" no thea.. i just want to say sorry for whar I did,, alamkung nasaktan kita,, pero maniwala ka,, hinanap kita,, iyon nga lang hindi kita nakita,, at iyon pala ay andito ka lamang sa mansion ng kaibigan ko nakatira"?

"kaibigan"?!parang bomba na umalingawngaw iyon sa kanyang pandinig.. ang ibig bang sabihin ay magkaibigan sila ni xander at nang kanyang amo dati..'papaanong nangyari iyon.. papaanong naging kaibigan nito si xander,, pakiramdam niya ay unti unti siyang nagigising sa katotohanan,, ni'y sa hinagap niya ay hindi man lamang pumasok sa kanyang isipan na magkaibigan pala si xander at raveen..

"mabuti na lamang at dito ka napunta sa kanila,,">bakas sa tinig nito ang panghihinayang,, ngunit parang apoy na nagsindi ang kanyang galit ang isiping muntik na siyang mapahamak dahil sa kagagawan nito.

" oo nga po eh,, mabuti na lamang po at dito ako napunta,, dahil napakabuti po nang mga taong ito sir.. sarkastikong wika nya,,'hindi ko nga po alam kung papaano kayo naging magkaibigan ni sir xander gayung ang layo ninyong dalawa:"mataray niyang wika.. nakalimutan na nga niyang dati niya itong amo..

" im so sorry thea,, hindi ko,,'

pinutol niya ang anumang sasabihin nito"hindi mo na naman po kasalanan na maging ganun sa akin sir,, tanga naman po talaga ako,, walang alam sa mundo,, sige sir,, maiwan ko na muna kayo dahil kailangan ko muna magtrabaho".hindi na niya ito hinayaan na makapagsalita at agad siyang nagpaalam rito,, lalo na at nakita niya si xander na papasok sa kusina kung kaya umiwas na lamang siya.Ayaw niyang makita sila nito na nag uusap nang binata.. hindi narin naman ito sumunod pa sa kanya..

Pakiramdam niya ay muli siyang nabalik sa mansion ng mga veliejo,, pakiramdam niya ay muli'y niyang nasariwa ang mga ala ala nang binata noon.. ang mga ngiti nito sa kanya na nagpatibok nang kanyang puso.. aminado siya kanina.. ang galit niya sa binata noon ay parang hangin lamang na naglaho,, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at ipinakita na lamang rito na matapang at galit` siya,, pero sa kanyang kalooban ay napakasaya nya na muling makita ang binata,, napakagwapo parin nito,, o mas maganda ngang sabihin na mas gumwapo yata ito ngayon.

Narinig niyang may kumatok sa pintuan kung kaya dali dali siyang nagpunas nang kanyang mga luha na kanina pa pala nag uunahan"hi..

" si xander iyon at medyo nakainom na ito,,

" uhm sir.. may kailangan ka po ba"?bungad niya nang mapagbuksan ito.

"oppss.. ayan ka na naman.. sinabi ko naman na sayo na tawagin mo na lamang akong xander at hindi sir,, okay"?

" okay xander.. uhm may kailangan ka ba?" muli ay ulit niya,,

" no.. im just checking you kung nakauwi kana ba.. kasi hindi kita nakita kanina,," ngumiti ito ng matamis sa kanya,,

" pasensiya kana,, kakarating ko lang din,, madami kasi kaming pinag aralan ni ara.. paliwanag niya,,

" that's fine.. hindi naman kita inoobliga na magtrabaho dito.. basta ang mahalaga ay ang makapag aral ka.. isa pa ayuko lang na masyado ka nang gabi makauwi at baka anong mangyari saiyo sa daan.. ayuko na mangyari iyon,.'malambing nitong wika,,

" pero,, nakakahiya na po..'

" ayan ka na naman eh,, sa hiya na yan.. sinasabi ko naman saiyo,, walang problema saakin iyon.. okay,, anyway,, gusto ko sanang ipakilala ka sa kaibigan ko galing maynila.. today lang siya dumating"kinabahan siya sa sinabi nito..hindi naman niya pwedeng sabihin na kilala niya ang tinutukoy nito..

" uhm xander pwedeng bukas nalang please.. medyo gabi narin naman na kasi at baka pagod din ang kaibigan mo..baka kailangan nyang magpahinga".wika niya sa mas malambing na paraan dahil ayaw na niyang makaharap pa ang binata,, mabuti na lamang at napapayag niya ang binata at sinabihan narin niya itong matulog na at huwag papakasobra sa pag inom.. Matapos itong makaalis ay muli siyang naupo sa kanyang higaan.. ayaw man niyang isipin ang binata ngunit parang nang aasar yata ang panahon at talagang umuukilkil sa kanyang isipan ang mukha ni raveen,, at kahit anong pilit niyang makatulog ay hindi man lamang siya dinalaw nang kanyang antok.