Halos kalahating oras ang nilakad ni thea papunta sa maliit na bahagi nang sapa kung saan iyon nakatago sa ilalim nang niyogan na pag aari ng mga GO.Medyo may kalayuan iyon at halos nasa dulong bahagi na iyon ng hacienda.Hindi narin siya dumaan sa bahay nila aleng Lorie dahil excited na siya na magtampisaw sa maliit na falls na naroon.Itinuro iyon sa kanya ni Xander noong magkasama silang pumunta doon ngunit hindi sila nakaligo dahil maraming inasikaso ang binata.. kung kaya siya na lamang mag isa ang pumunta doon,, pakiramdam niya kasi sa tuwing nakakakita siya ng batis o mga falls at gubat ay nakakabalik siya sa isla nang sutakil kung saan siya lumaki,.Sinadya niyang hindi na magpaalam kay xander dahil gusto niyang mapag isa at mag isip kung ano ang dapat niyang gawin.. Bumungad sa kanya ang napakagandang falls kung saan may tila batya ito sa baba na sadyang ginawa upang bagsakan ng tubig mula sa taas. Hindi rin ito masyadong kita dahil natatabunan ito nang mga kahoy,, hindi siya natatakot kahit siya lamang mag isa dahil sa gubat siya lumaki at sanay siya roon.Nagtanggal siya nang kanyang tsenelas at saka hinubad ang kanyang damit pang itaas at short. Tanging bra at panty na lamang ang kanyang suot at saka dahan dahang bumaba sa tubig at enenjoy ang lamig nito.. halos ilang taon din bago siya muli nakaligo sa ganitong klase ng tubig,, napakasarap at halos bumalik siya sa kanyang kabataan sa mga oras na iyon,, inosente at walang kinatatakutan.. para siyang bata na nagtatampisaw,, sisisid at aangat pa itaas, wala siyang kaalam alam na may kasama na pala siya at kanina pa ito nakamasid sa kanya.
Si raven iyon, Nakita kasi niyang umalis ang dalaga kanina dahil hindi naman talaga siya natulog,, nag isip lamang talaga siya at dulot lamang noon ay sama nang loob, hindi niya lubos maisip na muntik na pala itong mapahamak nang dahil sa kanya,, nang dahil sa ginawa niya rito,, ngunit ang masakit roon ay ang malamang nagkakamabutihan na ito at ang kaibigan niya,, Nakita niya ang saya sa mga mata ni thea at ayaw niyang sirain iyon.Kanina kasi ay gusto niyang lumabas ngunit dahil umalis si xander ay nanatili na lamang siya sa kanyang kwarto matapos silang makapananghalian at dahil wala rin siyang mukha maihaharap sa dalaga Lalo na sa nalaman niya,
Ngunit biglang nagbago ang kanyang isip nang makita niya si thea na lumabas nang mansion at nagmamadali ito kung kaya agad niya itong sinundan,, gumana na naman kasi ang dumi nang kanyang utak na baka may ginagawang kalokohan ang dalaga kung kaya hindi na siya nagdalawang isip na sundan ito.Mas nagtaka lamang siya ng mapagtantong sa bahagi nang hacienda ito patungo at mas nagtaka siya nang sa bahagi nang sapa ito pumunta.Alam niya ang lugar na iyon dahil doon sila halos tumatambay ni xander noong mga teenager pa lamang sila,, ngunit bakit doon ito papunta.?.Nagmamadali siyang sinundan ito upang malaman niya kung ano ang gagawin nito roon,hindi niya akalain na doon ito pupunta.Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang naghubad ito at tanging panty at bra na lamang ang itinira nito, hindi man niya sinasadyang manilip ngunit iyon talaga ang tagpong naabutan niya.Hindi kasi siya nito napansin dahil nagmamadali itong magtampisaw lalo na at nakita niya ang excitement sa mga mata nito.Para itong batang uhaw na maglaro sa ilalim nang tubig kung kaya hindi parin siya napansin nito kahit na nakapatong na siya sa taas nang bato kung saan nito nilapag ang damit nito kanina.Pinagmamasdan lamang niya ang dalaga habang animo'y bata na ngayon lamang nakaranas maligo sa ganung klaseng batis.Napakaganda naman talaga nang lugar na iton dahil lalo na at wala naman talagang ibang nakakapunta roon kundi sila lamang magkaibigan dahil mahigpit na ipinagbabawal ni xander na may maligo roon dahil nga ayaw niyang masira ang natural na ganda nang naturang batis.Halos ilang minuto din ang itinagal niya sa taas nang bato bago pa siya makita nang dalaga.Akma kasi itong aahon nang makita siya.. kung kaya agad itong lumubog sa tubig upang itago ang napakaganda nitong katawan.
"""ehhhhhhhh!!!tili nito habang nanlalaki ang mga mata.
"hey!!im sorry...agad siyang tumalikod upang hindi makita ang katawan nang dalaga.Ngunit kahit paman siguro tumalikod siya ay nasa utak na niya ang napakaganda nitong katawan.
"bastos!!galit na sigaw nang dalaga nang makabihis ito.. halos magpang abot ang maganda nitong kilay dahil sa sobrang inis sa kanya.
"Hey.. hindi ako bastos huh.."hindi ko naman intensyon na makitaan ka.. "im sorry.. maliligo din sana ako.. kaya lang andito ka pala.."pagsisinungaling niya.
"bakit alam mo ba ang lugar na ito?"galit parin ang pamamaraan nang tanong nito.
"hey.. excuse me.. mas alam ko ang pasikot sikot sa lugar na ito.. dahil ito lang naman ang tambayan namin ni xander noing mga teenager pa kami."sagot niya at totoo iyon.
Hindi umimik ang dalaga at nanatili lamang itong nakasimangot.
"Galit kaba?"aniyang nag aalala.
"pasensya na sir huh.. at mukhang ako pa yata ang nakaistorbi sa kagustuhan mong maligo ngayon".sarkastiko nitong sabi.
"at bakit ka naman mag sosorry.. isa pa bakit mo yata itinatago iyang maganda mong katawan!"kinindatan pa niya ito na mas lalong nagpainit nang ulo nang dalaga.
"bastos ka rin ano."!bulyaw nito sa kanya.
"hindi ako bastos.. humahanga lang."pang aasar pa niya.
"basta bastos ka!!'?mas lalong bulyaw nito.
"kagaya nito"?.Hindi na siya nakapagtimpi at hinatak niya ito palapit sa kanya habang ang mga katawan nila ay nagkadikit na at ang kanilang mga mukha ay halos magkalapit na.Hindi makagalaw ang dalaga dahil yakap niya ito..
"ganito ba ang bastos?!"mas mahina ang pananalita niya dahil halos ramdam na niya ang mabangong hininga nang dalaga at pakiramdam niya ay nag iinit ang kanyang buong katawan.
Hindi umimik ang dalaga dahil pakiramdam niya ay tila kandila siyang tinutunaw dulot nang init nang mga katawan nila.Bago sa kanya ang pakiramdam na iyon at lalo na ay wala naman talaga siyang karanasan pagdating sa lalake.
"Bitiwan mo ako!"halos ngatal at hindi nga niya halos marinig ang kanyang boses, nanlalambit ang pakiramdam niya at hindi niya alam kung papaano kakawala sa mahigpit na yakap ng binata.
"ganito ba ang bastos na sinasabi mo?"muli' ay ulit nito habang nag niningning ang mga mata nito.Ngunit mas hindi siya handa sa sumunod na ikinilos nito.,hinawakan siya nito sa kanyang balakang at kinabig ang kanyang mukha saka walang kaabog abog na sinakop ang kanyang mga labi, mapusok at walang pag aalinlangan nitong hinahalikan ang inosente niyang labi.
Para lamang siyang batong hindi makagalaw dahil baka madurog siya sa kunting galaw lamang, o mas maiging sabihin na nasasrapan siya sa ginagawa nito.
Unang halik niya iyon at hindi niya alam kung paano gumanti ng halik rito, nagulat na lamang siya at tila ba may isang timbang tubig na puno nang yelo ang ibinuhos sa kanya at bigla siyang natauhan.Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa pisngi nang binata at itinulak ito saka mabilis na lumayo rito.Umiiyak siya dahilbsa sobrang sama nang loob.. hindi niya matanggap na sa pangalawang pagkakataon ay bumigay na siya kahit pa nilait nito ang kanyang pagkatao.
"Thea sandali!!"thea!!"nakasunod iti sa kanya habang tinatawag siya ngunit hindi na niya ito nilingon.Nanlalabo na kasi amg kanyang mga mata dahil sa mga luhang nag uunahan roon..
"thea im sorry,.. hindi ko sinasadya".hinawakan pa nito ang kanyang braso ngunit iwinaksi niya iyon at mabilis na naglakad.
Mas malakas pa yata ang kabog nang kanyang dibdib dahil sa halo halo niyang emosyon.Mabilis niyang inilayo ang kanyang sarili sa binata at nagawa niya iyon nang makasalubong niya si aleng lorie sa daan.
"oh thea..naku bata ka.. andito ka lang pala.. kanina pa kita hinahanap eh,galing ako sa mansiyon at nalaman kong umalis ka raw peeo hindi nila alam kung saan.."bungad nang matanda sa kanya.
"uhm.. galing lang po ako aleng lorie sa may batis.. naligo ho"nakayukong sagot niya upang hindi nito mapansin ang namamaga niyang mga mata.
"may kailangan ho ba kayo saakin?"
"nakuwala naman,, kaya lang may hinatid akong buko pie sayo.. eh kaso wala ka eh.. kaya kay luz ko nalang muna binigay.. para sayo yun eh.. naalala kasi kita kanina habang nagluluto ako.. eh naisip ko na gusto mo iyon kung dinalhan kita." mahabang paliwanag nito sa kanya.
"naku nag abala ka pa po.."nahihiyang sagot niya.
"huwag kang mahiya.. minsan lang naman ako gumawa m
ng buko pie".nakangiting tugon nito ngunit bigla rin itong napatingin sa bandang likuran niya.
"aba.. may kasama ka pala"?puno ang kuryusidad nitong sambit at nagpalipat lipat ang mata nito sa kanilang dalawa.
Wala siyang nagawa kundi ipakilala ang binata rito,
"uhm kaibigan ho ni sir xander, si sir raveen po".pagpapakilala niya rito.
"naku napakagwapo nama".kulang na lamang at kiligin ito.
"naku hindi naman ho"sabat nang binata mula sa likuran.
"aba humble pa huh?"nakangi
ting sabi nito.
"yabang nga eh.."bulong niya..
"may sinasabi ka thea."kunot noo siyang biningan ng dalawa.
"may sinasabi ka?"anang binata.
"aba wala hi sir."umikot pa ang kanyang mata upang ipakita rito and inis niya.."
Habang ito naman ay binibista ang nakatagong mukha ng matanda, habang nakatago ito sa lumang tela na ginagawa nitong talukbong.
"naku pasensya kana sir at talagang itinatago ko talaga ang mukha ko at baka ho matakot kayo".nakatawang wika ni aleng lorie sa binata.
"nasunog ho kasi ang mukha ko.. at iyon ang kinatatakutan nang karamihan sa mga bata na nakakakita saakin".malungkot na pahayag nang matanda.
"Naku.. huwag ka pong mag alala,, eh wala naman pong problema.."naaawang tugon nang binata rito.. siya naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanilang dalawa.
"oh siya.. kainin mo iyon huh... at talagang inihanda ko iyin para saiyo..o pani mauna na ako sainyo sir raveen, tama?"ara.. may kakaibang ngiti sa mga mata nang matanda bago ito nagpatuloy sa paglalakad.
"maraming salamat po aleng lorie."masayang wika niya bago ito tuluyang umalis.
"basta kainin mo iyon."bilin pa nang matanda bago tumalikod.